Chereads / KETSUEKI / Chapter 17 - Chapter Sixteen

Chapter 17 - Chapter Sixteen

" Seiren Wake up!"

Sobrang sakit ng ulo ko pag-gising ko, kunot noo akong nagkusot ng mata. Ano ba ang nangyayari?

"Seiren!" dinig kong tawag ni Nigel habang kumakatok sa pinto.

"Ren." Dinig kong tawag ulit sa kin ngunit di na iyon si Nigel. Napatayo ako sa higaan ko nang marinig ko ang boses ni Kai. Nagmadali akong buksan ang pinto ng kwarto ko. Di nga ako nagkamali, si Kai nga iyon.

"Did you wash your face?" bungad niyang tanong sa akin. Sinimangutan ko siya.

"Magtanggal ka naman ng muta mo, Seiren." Patawa-tawang sulpot ni Nigel sa likuran ni Kai. Napatalikod na lamang ako at nagtanggal ng muta tsaka ko sila hinarap ulit. Tumatawa pa rin si Nigel kaya napakunot ako ng noo. Tinutulak tulak pa sa balikat si Kai.

'Yung totoo kelan pa naging close ang dalawang 'to?

"Ren," tawag sa akin ni Kai. Tinuturo niya ang gilid ng bibig niya. Ano ba ang trip nila?

"Ano bang problema niyong dalawa?!" Inis na sigaw ko sa kanila.

"Magbanyo ka kaya muna, bumaba ka na lang if ok ka na." Ptawa-tawang sabi ni Nigel. Sabay silang umalis sa harapan ng kwarto ko.

Wala akong nagawa kundi ang magbanyo, bigla akong nahiya nang makita ang bakas ng laway sa pisngi ko.Nakabusangot akong dumating sa Dining namin, samantalang nakapwesto na silang apat.

"Ano, tutunganga ka lang ba diyan? Kanina pa kami gutom dito," reklamo ni kuya. Di na ako nakipag talo mahirap magalit ang taong gutom.

"Saglit lang pala magbabanyo muna ako." Biglang paalam ni Kuya.

"Yung totoo kuya kelangan mo pa talaga i-broadcast," inis na sabi ko habang tumatayo siya.

"Huwag muna kayo kumain, hintayin niyo ako." Bilin pa niya at tuluyan nang umalis.

Ilang segundo pa lang ang nakalilipas ay bumalik si kuya, may dala-dalang cake. Nagsimula na naman silang kumanta ng 'Happy Birthday'.

"Nakantahan niyo na ako kahapon diba?" nakataas ang kilay na sabi ko.

"Sino bang nag-sabing para sayo 'to? Para kay pareng Kai 'to. H'wag ka assuming." Pasaring niya sa akin. Bigla akong nadisappoint sa sinabi ni kuya, pero mas nadisappoint ako dahil nag-assume ako na para sa akin yung cake. Lumapit siya kay Kai para hipan nito ang mga kandila.

"Thank you," Tipid niyang sabi. Akala ko ay kakain na kami nang sindihan ulit ni Kai ang mga kandila.

"Can we sing for Ren, I was not able to celebrate her birthday yesterday. " Parang inosenteng batang request niya. Wala naman nagawa sila kuya kundi ang kantahan ako. Pagkatapos ko hipan ang mga kandila ay mapayapa na kaming kumain. Tahimik akong nanonood ng TV sa sala, pero wala naman talaga akong pinapanood. It felt strange, I knew something happened last night but I can't remember what it is. Nangyari na rin ito noon di ko lang matandan kung kelan. Pilit kong inaalala ang mga ginawa ko kahapon. May mali talaga, pakiramadam ko may ginawa pa ako kagabi pagkatapos kong pumasok sa kwarto. Pero pwede din na imagination ko lang 'yun.

"What's wrong?" Nagitla ako nang bigla na lamang sumulpot si Kai sa tabi ko. Inirapan ko lamang siya. Wala ako sa mood kausapin siya,di pa kami bati.

Ano yun ganun ganun na lang? Papaiwasin niya ako tapos parang walang nangyari ganun?

"Ren," tila nagsusumamong tawag niya sa akin.

Di ko pa rin siya pinansin, manigas siya!

Umusog siya palapit sa akin, at ibinagga ang balikat niya sa braso ko. Nanlaki ang mata ko sa pinaggagawa niya.

"Ren," tawag niyang muli sa pangalan ko ngunit iba iyo, tila may halong lambing na di ko maipaliwanag. Nanatili akong tahimik sa kinauupuan ko. Nagsumiksik ulit siya sa tabi ko.

"Can you really handle ignoring me?" tila naghahamon na sabi niya. Di ko siya sinagot, pilit kong diniretso ang mata ko sa TV. Nagulat na lamang ako nang bigla niyang ihiga ang ulo niya sa kandungan ko. Di ko napigilang mapatingin sa kanya. He was grinning at me, as if saying the he won.

Ang gulat ko ay napalitan ng inis. Tinulak ko siya hanggang sa mahulog siya. Ginawa pa akong unan, tumayo ako at nagpunta sa kusina. Sa totoo lang ang lakas ng kabog ng dibdib ko kanina.

Sakto naman na may mga hugasin pa kaya, nagpaka abala ako sa paghuhugas ng mga plato. Nagulat na lamang ako nang pagkatapos ko maghugas ay naghihintay pala si Kai habang nakaupo sa may dining table. Minsan talaga nakakatakot na siya.

Nagpanggap akong di siya nakita at akmang lalagpasan siya. Bago pa man ako tuluyang makalagpas sa kanya ay tumayo siya at hinigit ang kamay ko. Dahilan para ma out of balance ako at mapakapit ako sa kanya. Lalayo na sana ako sa kanya nang yakapin niya ako. Pilit ko siyang tinutulak pero di niya pa din ako binibitawan.

Nakakainis siya, lagi niya na lang ginagawa ito sa akin. Palibhasa alam na alam niya kung paano ako susuyuin.

"I'm sorry Ren, sorry for asking too much. Sorry that I didn't greet you on your birthday. Sorry for not celebrating it with you like we always do."

"Ano, wala ng Allison na bantay sarado sayo, gaya ngayon pinapansin mo na ako?"

"Nakakainis ka alam mo 'yun, parang puro sorry na lang sinasabi mo! Nakakainis ka!"

"Lagi na lang ehh, Bakit ka ba ganyan? Mag-kaibigan ba talaga tayo?" sunod-sunod na sumbat ko sa kanya.

Hindi ko namalayan na pinupukpok ko na ang dibdib niya at umiiyak. Masama talaga ang loob, hinayaan niya lang akong ilabas ang lahat ng iyon. Alam mo ba naghihintay ako na batiin mo ako kahapon, pero ni Hi ni Ho wala. Ang babaw lang nang pingahuhugutan ko pero malaking bagay yun sa akin. You know how much you mean to me.

I just keep those thoughts to myself. Iniyak ko nna laman ang sama ng loob ko. Hinihaplos niya lang ang ulo ko tila pinapahiwatig na h'wag na ako maalungkot dahil andito na siya. Nang kumalma ako ay naupo ako sa silya at tinititigan ko pa rin siya ng masama.

"Want some cake?" Nakangiting alok niya sa akin.

Wala nang patutunguhan ang pagtatampo ko kaya tinanguan ko siya. Akala ko ay kukuha siya nang isang slice para sa akin. Kumuha siya ng piraso ng cake sa tinidor niya at akamang isusubo sa akin.

"Ano yan?" nagtatakang tanong ko.

"Cake?" painosenteng sagot niya sa akin.

"Ibig kong sabihin bakit mo ako susubuan?" paglilinaw ko.

"You said you want some?" Inilapit niya sa bibig ko ang tinidor, napailing ako pero kinain ko na rin iyon. Bigla na lamang kaming nakarinig ng palakpak, pareho kaming napatingin kay kuya.

"Nakakadiri kayo, lalandi niyo." Nakangiwing sabi niya saka umalis ulit. Nahiya naman ako at natawa na lamang.

"Belated Happy Birthday Ren," bati niya sa akin.

"Belated Happy Birthday Kai," bati ko rin sa kanya. May hinugot siya sa bulsa niya, isang maliit na box.

"Ano yan?" tanong ko.

"It's my gift for you." Inabot niya iyon sa akin at tinanggap ko naman iyon.

"Nag-abala ka pa, ako nga walang regalo sayo."

I feel bad, lagi na lang siyang may regalo sa akin tuwing birthday ko. Tapos ako laging wala.

"You're smile is enough for me." Alam ko namang nambobola lang siya pero napangiti pa rin ako. Niyaya na niya ako sa sala pagkatapos niyang maubos ang kinakaing cake. Napatingin naman sa amin sina papa, kuya at Nigel. Nagpalitan sila nang makahulugang tingin.

...

Katatapos lang nang klase namin at lunch break na, but Kai is acting differently. Lagi naman na siyang tamad-tamad pero ngayon ay wala rin siyang gana kumain.

"Kai, okay ka lang ba?" pansin ko sa kanya habang tinutusok-tusok niya ang hotdog sa menudong ulam niya.

"Namumutla ka, Umuwi ka na kaya?" suhestiyon ko pero tila wala siyang naririnig.

"Nigel, samahan mo nga ako, dalhin natin siya sa infirmary."

Iyon nga ang ginawa namin ni Nigel. Sapilitan naming isinama si Kai sa Infirmary. The nurse just asked us to lay him on the bed.

"Nigel, okay lang ba si Kai?" Nag-aalalang tanong ko sa kanya habang binabantayan namin si Kai na natutulog.

"Ano ka ba? Okay lang siya. You're such a worrywart. Nanay ka ba niya?" Pang-aasar sa akin ni Nigel. Kita mo 'to nag-aalala na nga ako aasarin pa ako.

Di ko pa rin maaiwasang mag-alala hindi naman ganito si Kai. It all started after our birthday.He's been like that for days, laging walang gana kumain. Ayaw din niyang binubuksan ang bintana niya sa umaga.

"I really hope he's okay."

...

Nigel's POV

Pareho kaming bumalik ni Ren sa next class namin. After our class dumiretso ako sa Infirmary si Seiren naman ay dumiretso sa Cafeteria. Bibili lang muna daw siya ng pagkain baka magutom raw si Kai pag gising.

What a lucky bastard.

"I know you're not sleeping," Direct to the point kong sita sa kanya. Agad naman siyang umupo.

"She's worried about you." Pagbibigay alm ko sa kanya. I'm referring to Seiren.

"I'm sorry." That was all he can say.

"I think Tita's speculations are right. Everytime you use your ability to erase memories, it makes you weak," saad ko as if confirming something.

"She handed this to me, she asked me to give it to you if ever something happens," kinuha ko ang isang bote ng capsule sa bulsa ko. Umiling siya sa akin.

It was a drug developed by his parents as an aide to all the vampires who experience thirst. It's an alternative for human blood.

"I know you don't want to take this, but you need it right now. Don't make Ren worry to much. " bilin ko sa kanya.

"I envy you, you can live without experiencing thirst." By the look in his eyes, I see his sincerity. Kinuha niya ang bote na hawak ko.

"Ano yan?" Nabigla kaming dalawa ni Kai sa pagsulpot ni Seiren. she was standing in front of the door her eyes was looking at the bottle I just handed Kai. Dali-dali niyang kinuha ang bote ng gamot na hawak ni Kai.

"Ano to?" She asked in a high voice. She was heaving I could see thoughts running through her head.

"Vitamins," Kai answered casually, no sign of nervousness or whatsoever. Napa-maang na lamang ako sa sinabi ni Kai.

Is this guy for real how could he be so calm about this?

Nagmamadaling binasa ni Ren ang label ng bote ng gamot.

"Ferrous Sulfate? Para saan 'yun? " She asked with furrowed brows.

"Anemia, My mom asks Nigel to give it to me." paliwanag ni Kai.

Nakahinga ako nang maluwag nang naging kalmado ang expression ng mukha ni Seiren. Mukhang pinaniwalaan niya ang paliwanag ni Kai. I have to commend tita for this, the label of the medicine is not suspiscious at all.

"Ayan kasi puyat ka nang puyat, kaya ka nagiging anemic," nag-simulang mag litanya si Ren.

Para talaga siyang matanda kung manermon. The more she's blabbering the more she cared about you. Kahit gaano pa kaingay si Ren I still think Kai is the luckiest guy on earth. I can't believe how he could pull off that bestfriend thing. Kung ako sa kanya sinagot ko na si Ren. I'd show her how much she means to me. He should ceased the moment while it lasts,we'll never know what will happen in the future.

"I'm okay, you don't have to worry."

"Anong okay, ang putla putla mo na," nag aalalang sabi ni Ren.

"Gusto lang magpa-alaga niyan sayo Ren," pang-aasar ko sa kanila.

"Malaki na siya para alagaan pa," sabi naman ni Ren.

I didn't expect that from her, usually she'll say 'of course ako bahala kay Kai'. I could even sense Kai slightly disappointed at Seiren's Response.

"Ako na lang alagaan mo kung ganun," suhestiyon ko.

"May sakit ka ba?" tanong ni Ren.

"Sakit sa puso, simula nang bastedin mo ako." May pa hawak pa ako sa dibdib at umarteng nasasaktan. Agad niya akong binato nang crackers na binili niya.

"Alam niyo di ko alam bakit di pa maging kayo. You obviously like each other." Tukoy ko sa kanilang dalawa.

"Naku Nigel, basted din ako niyan." I couldn't trace any bitterness in her words. Tanggap niya na ba talaga?

"We are better off as friends." Kai said.

Sige lokohin niyo sarili niyo. Sarap batukan nang dalawang to. Eh sa aming tatlo ako naman talaga yung talo.

"Tara na nga at umuwi," Pag-aaya ko sa kanila.

I kind of understand why Kai to stay friends with Ren. It's complicated to develop feelings deeper than friendship. But I want to support them, I somehow hope that they wont end like my parents.