Chereads / KETSUEKI / Chapter 21 - Chapter Twenty

Chapter 21 - Chapter Twenty

Ren

Medyo lutang ang utak ko nang magising ako. Nakatulog pala ako sa sofa. Napahawak ako sa batok ko dahil masakit iyon. Sobrang katahimikan ang bumalot sa loob ng bahay namin. Tsaka ko lamang napansin na mag-isa lang pala ako rito.

Nagtataka ako kung bakit wala na si Kai at Nigel, tumindig ang mga balahibo ko sa katawan nang bigla kong maalala ang mga nangyari.

Parang mga flash back na isa-sang pumapasok sa isip ko. The way Kai looked at me, like I was a meal after days of starvation ran through my head. His eyes glistening red and his fangs ready to sink in my skin as if not recognizing me. I shivered at the thought, it doesn't make sense at all. I know him since I was a kid, he can't be a vampire.

That's ridiculous do they even exist. Maybe my mind was playing tricks on me. I tried to brush off the idea but I can't.

Asan ba sila?

What if I was right? What if Kai was really a vampire? If he is then so Nigel. Bumilis ang tibok ng puso ko, what if they're planning to kill me or what.

Kaya ba sila wala ngayon?

Huminga ako ng malalim para pakalamahin ang sarili ko. They won't do that, kung may balak silang patayin ako dapat ginawa na nila 'yon habang natutulog ako. I need to think rationally. Napapikit ako at sinubukan kong alalahanin ang mga nangyari. My mind ran back at the moment when Kai almost attacked me and then remember Nigel. He was there, I saw him panicked. He cut his hand and Kai attacked him instead of me. It was more like he intended to do it.

Did he try to save me?

Wala na akong maisip na iba pang dahilan para gawin niya iyon. I was in the middle of thinking when I heard the door opened. Muntik na akong mapabalikwas sa kinauupuan ko. Mabuti na lamang at sila kuya at papa iyon.

"Oh! Bakit para kang nakakita ng multo?" tanong ni kuya sa akin habang pumapasok, nakasunod sa likuran niya si Papa. Nagdire-diretso sila sa kusina dala ang mga pinamili nila.

Binalikan ako ni kuya sa sala pagkatapos niyang ilagay sa kusina ang mga bitbit niya. Luminga - linga siya na tila may hinahanap.

"Nasaan na si Kai at Nigel?" takang tanong ni kuya sa akin.

Napalunok ako sa tanong niya wala akong ibang maisip na pwede nilang puntahan.

"Baka dinalaw yung bahay nila, baka pinamumugaran na ng mga multo." pagdadahilan ko. Pilit akong ngumiti para di nila mapansin ang pagsisinungaking ko.

"Okay ka lang ba Ren? Mukha kang balisa." pansin sa akin ni Papa. May bahid nang pag-aalala ang mukha niya.

"Okay lang ako pa, gutom siguro di pa nakapag meryenda ehh." palusot ko. Bumalik sa kusina si kuya at agad ding bumalik sa sala.

"Oh!" Inabutan ako ni kuya ng banana cue.Kinuha ko naman iyon at sinimulang kainin.Habang kumakain ay lumulutang pa rin ang isip ko.

Should I tell them what happened? No, baka sabihin nila pinag titripan ko lang sila.

Ayoko silang mapahamak. Gusto kong malaman kung ano balak nila Kai ngayong alam ko na ang sikreto nila. I need answers and I'm going to ask them myself.

There's something new about this place. Di naman ako natatakot dati kapag pinupuntahan ko si Kai. Ngayon ko lang napansin ang and it sent shivers down my spine. I don't know why but I'm scared. Maybe scared of the answers I'm seeking. Nasa bungad na ako ng pintuan ng kwarto ni Kai. Huminga ako ng malalim, I was about to knock on the door when I heard Nigel's voice.

"We should leave Ketsueki prefecture immediately." galing ang boses na iyon kay Nigel.

Why would they leave?

"Why should we do that?" It was Kai who spoke. Namumutawi ang di pag sang-ayon sa boses niya.

"You almost attacked Ren." maikling paliwanag ni Nigel. Hearing those words sent shivers down my spine. So I was not imagining it all.

"Where is she? Is she okay?" Kai's voice was full of worry. Nigel started telling what happened and I listened eagerly.

"If I wasn't there, you could've killed her." I could hear that he is furious. Nigel really saved me. I'm glad to know it.

"I could just erase her memories again." sagot ni Kai sa kanya. His words made me gasp.

What! erase my memories?

"You're telling me that you'd just erase her memories every time things get out of hand?" Sarcastic na sabi ni Nigel.

Nagulantang ang isip ko dahil sa narinig. Did Kai already erased some of my memories?

"She's not safe with us, "Nigel implied.

"Erase her memories and let's leave for good." pilit niya pa.

"What would you do if I don't want to leave?" Tanong ni Kai. Tila nagtatalo sil sa kung anong dapat gawin.

"I'll tell the league that Ren remembered everything." Tila nagbabantang sabi ni Nigel.

Anong league? Sinong league?

"It will be us who'll cause her death." paliwanag niya pa.

If they find out I remember everything, I'll die?

Pagtatagpi ko sa mga sinabi ni Nigel.

"If you really want to protect her. Do the right thing Kai." There was silence between them.

Should I act like I didn't see anything?

I took a deep breath I should act natural as I know nothing. Napagdesisyon kong magpanggap. Kumatok ako ng tatlong beses sa pinto ng kwarto ni Kai.

"Hoy mga abnormal andiyan ba kayo?" tanong ko pa, kahit alam ko naman na naroon sila.

Tila di nila napansim ang pagkatok ko. Huminga ako ng malalim bago ko tuluyang buksan ang pinto.

Halata ang gulat sa mata nila? Hindi ba nila inasahan ang pagdating ko?

"Anong problema niyong dalawa?" tanong ko sa kanila.

I should act normal, yan ang iniisip ko. Habang papalapit ako sa kanila.

"Bakit parang nakakita kayo ng multo?" nagpanggap akong nagtataka nakataas ang isang kilay.

"Ano bang ginagawa niyo dito? Nakatulog lang ako nilayasan niyo na ako," reklamo ko sa kanila.

"Umuwi na tayo sa bahay, nagugutom na ako," sabi ko sa kanila.

Pagkasabi ko nun ay lumabas ako ng kwarto. Masyado atang obvious na nagmamadali ako. Muli akong sumilip sa kwarto.

"Ano? di kayo susunod?" tanong ko sa kanila. Tsaka lamang sila natauhan at kumilos.

"Bakit ba umalis kayo?" usisa ko.

Hindi nila ako sinagot, tila malalim ang kanilang iniisip. Nahalata ba nila ako?

"Ano? naging pipi na rin kayo?"nagpanggap akong naiinis.

"Wala kang nakakalimutan?" tanong ni Nigel. Alam kong tatanungin nila ako tungkol sa nagyari.

"Anong makakalimutan ko? Di pa ako ulyanin, ang bata bata ko pa noh." Kunot ang noong sabi ko.

"Gutom na siguro kayo kung anu-ano na sinasabi niyo,"patawa-tawang sabi ko na lang ngunit sa totoo lang ang labis ang kabang nararamdaman ko.

"What's the last thing you remember before you fell asleep?" Walang anu-anong tanong ni Nigel sa akin.

"Nanonood tayo ng TV pag gising ko wala na kayo." I tried my best to say it straight. Nakatingin lamang silang dalawa ni Kai sa akin. Tila di inaasahan ang naging sagot ko.

"Ang weird niyong dalawa," nakapamewang na sita ko sa kanila. Nakahinga lamang ako ng maluwag nang makapasok ako sa kwarto ko. Hanggang kailan ko kakayanin na magpanggap na walang alam sa harap nilang dalawa?

Nahiga ako sa kama ko, thinking too much made my head hurt. I woke up in the middle of the night.

Habol ko ang hininga ko habang dinadama ko ang tibok ng puso ko. I don't know if those were just dreams. They felt so real like it really happened. I was being chased by three guys muntik na nil kong magawan ng masama but Kai came to save me and it changed to something else I was in Kai's mansion, I was looking for him and saw a body. I was being chased by a man wearing a mask and I was caught his fangs buried in my neck that's when I woke up.

I remembered experiencing things na parang may nawawalang oras sa alaala ko, what if those were the things that really happened those times? It made sense, those were traumatic instances and I found out that Kai could erased memories.

Pero bakit bigla ko silang naalala?

...

"I have to tell you something." Sabi ni Kai habang nasa loob kami ng Infirmary.

Bumilis ang patibok ng puso ko. Kinakabahan ako sa kung ano man ang sasabihin niya. May ediya ako sa kung anong sasabihin niya.

"I'll be transferring next school year." He said it straight.

I know better, ito talaga ang plano niya ang iwan ako. I bit my lip I swallowed the lump on my throat.

"Okay, wala naman akong magagawa eh. Di naman kita mapipigilan diba?" I answered shortly.

"Yun lang ba sasabihin mo? Bili muna ako ng makakain." I said casually.

The moment I got out of the door my eyes started to well up. Tumakbo ako patungo sa cafeteria. I felt helpless, I wanted him to stay but I know he wouldn't.

Transferring school?

Putspa! Ginagago ba niya ako? I'm not that stupid to fall for that excuse.

"Ren!" Dinig kong tawag sa akin ni Nigel. Huminto ako sa pagtakbo, pinunasan ko ang luhang tumutulo sa mata ko bago ko siya hinarap.

The look in his face made me feel terrible, Do I really look pathetic?

"Alam mo ba na planong magtransfer ni Kai next school year?" I asked him I shouldn't drop my act.

"I thought he's just kidding." Nauutal na sagot niya sa akin.

"Alam mo ba ang dahilan?" Panicked was written all over his face and couldn't say a word.

"It's about my health." Di ko napansin na kasunod niya lang pala si Kai.

"I'm terribly sick, something's going on with my body and I couldn't do anything about it." Wala akong kaalamalam na magaling din palang magsinungaling si Kai.

"Babalik ka naman kapag gumaling ka diba?" Tanong ko, di ko mapigilan ang pagtulo ng luha ko dahil sa sama ng loob paano niya naaatim na magsinungaling sa akin.

"I will." He said as if it was true. I manage to give him a smile. I wish he really meant that, but I know I shouldn't give my hopes up.

I manage to keep everything to myself without them knowing that I know there secret until the last day of classes.

...

"Fiesta na ng Ketsueki nextweek! " Bulalas ni kuya Aizen habang kumakain kami. Isang linggo na nang nagsimula ang bakasyon namin.

"May mga rides sa plaza at perya." pagbibigay alam pa niya.

"Saka may pa fireworks display si Mayor." habol pa niya. Fireworks I would love to see that.

"Do you wanna see it Ren?" biglang tanong sa akin ni Kai nilngon ko naman siya.

Ano na naman kay ang tuatkbo sa isip niya?

"Ayoko, matutulog na lang ako. Buti kong sasamahan mo ako Kai." Sagot ko sa kanya.

"Sure, let's have a date on that day. "he said smoothly.

I didn't expect that from him. I thought he doesn't like crowded places.

Umubo-ubo si kuya na tila nabilaukan sa narinig. I looked at there reaction, si papa nagkangiting parng aso. Masasbi kong alam niya ang plano ni Kai. Si Nigel, he was looking straight at his food acting uninterested.

"Sigurado ka?" paniniguro ko.

"Yes." Kai answered.

I don't know how to react. I have a bad feeling about this.

"Ren, nagbunga na ata ang panliligaw mo kay Kai." pang-aasar sa akin ni Aizen.

"Date lang, di pa ako sinasagot," patawa-tawang sakay ko sa pang-aasar niya.

"Let me be your boyfriend then." Tila nabingi ako sa narinig nahinto ako sa pagtawa.

Did he just offered himself to be my boyfriend?

Nabitawan ni Kuya Aizen ang hawak nag kutsara at tinidor.

"May sakit ka nga talaga Kai."bulalas pa niya.

"Aizen, bibig mo."Suway ni Papa sa kanya.

"Ewan ko sa'yo Kai," kuno't ang noong sabi sabi ko. Maybe this is one of his Bad joke. Napailing na lang ako at nagpatuloy sa pagkain.

"I'm serious, I want to be your boyfriend." I heard him say it again. I swallowed the food on my mouth. And drank water.

Ano bang pinagsasabi niya? I was looking straight at me.

"Will you be my girlfriend?" She asked me again.

Pakirmdam ko ay nabibingi na ko dahil tanging tibok lang ng puso ko ang naririnig ko sa mga oras na iyon. Tumango ako bilang tugon. I know he was up to something I just wanted to be happy at least.

"Pwede ba pakainin niyo muna kami nang maayos bago kayo magpaka-korni diyan. Nakakawalang-gana ehh." reklamo ni kuya.

...

Patungo na ako sa kwarto ko nang margining ko ang pag-uusap ni Nigel at Kai.

"Why are you playing with Ren's feelings?" Hearing my name made me wanted to know more. I wanted to know Kai really feels.

"I'm not."

"Then why did you ask her on a date and be his boyfriend?" mukhang galit na sabi ni Nigel.

"Because I want to have a date with her, I want to be his boyfriend. I want to make her happy. For once I want to do what I should've a long time ago. I want to show her what I really feel. I want to tell her I love her even in it's going to be our last day together."

Last day together? Naguluhan ako sa sinabi niya pero nagpatuloy ako sa pakikinig sa kanila.

"I liked her from the moment I met her. The first time she confessed that she had a crush on me, it made me really happy. I wanted to tell her that I feel the same but I can't. I love her but I know I can't be with her. I chose to love her in secret and it hurts everytime I tell her we should be just friends because I know it hurts her more. "

Nagmadali akong pumasok sa kwarto ko. Hearing those words made me feel sad and happy at the same time.

Is he planning to leave the day after Ketsueki Festival?

...

Tinitigan ko ang sarili ko sa salamin gaya nang sinabi ni Nigel ay nagsuot ako ng dress. Nangpakiramdam ko ay maayos na ang itsura ko ay lumabas na ako ng kwarto. Medyo naasiwa ako nang mapansin kong nakatingin silang lahat sa akin. Dahan-dahan akong bumaba ng hagdan. I smiled at the thought that mybe they think I'm pretty.

"Hoy! Di ikaw si Cinderella panget! H'wag ka na mag-moment diyan di ka pa rin maganda, kahit nagayuma mo tong si Kai." Sigaw ng kuya ko.

Nagising ako sa pagpapantasya ko. Inismiran ko ang ko lang siya.

"Pangit ka din, kuya kita tandaan mo." Bawi ko sa kuya ko nang makababa ako ng hagdan.

Nakikipagsaamaan pa ako ng tingin sa kuya ko nang magsalita si papa.

"Kai, ikaw na bahala kay Ren iuwi mo ng maayos yan." Masyadong seryoso ng pagkakasabi ni papa.

"Grabe naman, parang ang layo ng pupuntahan namin," pagbibiro ko.

"Yes sir, I'll make sure to bring her home in time." sabi naman ni Kai sa papa ko. Napatingin ako sa kanya, he was smiling.

"Hala! May sapi ka ba Kai?" pansin ko sa kanya. Kumunot noo lamang siya.

"Bakit ka nakangiti? Ganda ko noh?" Ngising asong biro ko. Napailing na lamang siya at tsaka marahang tinapik ang ulo ko. Palihim akong napangiti sa ginawa niyang iyon.

"Lumayas na nga kayo, kinikilabutan ako sa inyo." pagtataboy sa amin ng kuya ko. Di pa kami tuluyang nakakalayo nang bumuntong hininga si Kai. Nakatitig lamang siya sa akin na tila pinagmamasadan ako mula ulo hanggang paa.

Napakamot na lamang ako sa tungko ng ilong ko saka siya tinitigan.

"Uhm, anong gagawin natin?" tanong ko sa kanya.

"Where do you want to go? We got a lot of time before the fireworks." Tanong niya sa akin.

"Wala kang idea noh?" Bintang ko sa kanya.

Obvious naman na di siya naghanda para sa date na ito.

"To tell you honestly, yes. I don't really have any idea." Pag-amin niya at di ako matitigan sa mata.

Natawa ako sa reaksyon niya, para siyang nahihiya na ewan. Tingin ko ay nagbibiro lamang siya. Nahinto lamang ako sa pagtawa nang tumingin siya sa akin.

"Totoo ba talaga Kai?" Pagmamaang - maangan ko.

"That's why I'm asking what you want to do?" Ramdam ko ang frustration niya.

"I'm sorry." Biglang sabi niya. Napakunot noo na lamang ako sa sinabi niya.

"Oh bakit may pa sorry pa? Halika na nga." Aya ko sa kanya. Nagkaroon ako ng ideya. Di ko alam kung paano ko siya hihilain. Kaya humawak na lamang ako sa damit niya. Nahinto ako sa paglalakad nang tumigil siya.

"Oh? Anong problema? Bakit huminto ko sa paglalakad?" tanong ko sa kanya.

"You kept on tugging my shirt." Agad ko naman siyang binitawan pagkasabi niya nun.

"Sorry, sundan mo na lang ako." pagpapaumanhin ko. Nagpatuloy ako sa paglalakad.

Nagalit ba siya dahil sa paghila ko sa kanya?

"Ren!" tawag niya sa akin, nilingon ko naman siya agad.

"Ano?" Walang anu-ano ay nasa tabi ko na siya.

"Where exactly are we going?" Tanong niya.

"Doon lang, magrenta tayo ng bike, mas madali mag bike kesa maglakad." Turo ko sa rentahan ng bike.

Kaya ba siya nainis kasi di niya alam kung saan ko siya dadalhin?

"Show me your hand," Utos niya sa akin. Nagtatakang inilahad ko ang kamay ko sa kanya. Nagulat na lamang ako nang hawakan niya ang kamay ko at pinagtalikop ang mga daliri ko.

"This better than tugging on my shirt."

"Ha?" Lumilipad ang utak na sagot ko. Sa kanya.

Nakatingin lamang ako sa magkahawak naming kamay habang nagpapatianod ako sa pag hila niya sa akin. Di ko mapigilan ang sari kong kiligin sa ginawa niya. Pilit kong inagaw ang pagkakahawak niya sa kamay ko nang mapumasok kami sa loob ng Shop, ngunit di niya iyon pinapakawalan. Wala na akong nagawa kundi hayaan siya.

"Goodmorning po, rent po ng dalawang bike na single," bati ko na lamang sa matandang may ari ng shop.

"Sigurado ka Ineng magba-bike ka nang ganyan ang suot mo?" Tanong sa akin ng matanda habang tinititigan ako mula ulo hanggang paa. Di ko naman makuha kung ano ang pinupunto niya, marunong naman akong magbike.

"We're going to rent only one, probably with a pillion." Singit sa amin ni Kai.

Tila nag iba ang ang ekspresyon ng matanda sa sinabi ni kay. Nagpunta ito sa hilera ng mga bike at humila ng kulay pink na bike. Sinubukan muna iyon ni Kai sakyan at nang walang maging problema ay nagbayad siya para rito.

"Sigurado ka, okay lang umangkas ako?" Alangan na sabi ko. Nahihiya ako na aangkas ako sa bike dahil sa suot ko.

"Di dapat ako nakinig kay Nigel ehh, dapat nag pantalon na lang ako, " bulong ko.

"Your dress suits you well, you look cuter in it. And don't you think it's romantic riding a bike together, " Biglang kumento ni Kai na tila narinig ang sinabi ko.

"Binola pa ako," kunwari'y inis na sabi ko. Tsaka umupo sa likuran ng bike. Lumingon naman sa akin si Kai.

"Di pa ba tayo aalis?" Takang tanong kp sa kanya.

May problema ba?

"Hold me tight, I can't let you fall."

Bigla niyang hinawakan ang braso ko at iniyakap ito sa tiyan niya at nag umpisang padyakin ang bisekleta. Di na ako nakapag protesta pa, hinayaan ko na lamang ang aking sariling yakapin siya.

"Padyak ka ng padyak wala ka naman maisip kung saan tayo pupunta." Reklamo ko sa kanya.

Ako ang nakaisip na mag renta ng bike pero siya pa rin ang masusunod kung saan niya ako dadalhin. We ended up at the park, saglit niya akong iniwan dahil may bibilhin daw siya.

Habang naghihintay ang pinanood ko ang mga taong naroon din sa park. Tila isang normal na raw lamang iyon para sa kanila. Pero para sa akin isa ito sa pinakamasaya at pinaka malungkot na bahagi ng buhay ko. Nagmumuni ako habang pinapanood ang paglipad ng tuyong dahon mula sa isang malaking puno roon nang mapansin ko si Kai.

May dala siyang pagkain para aming pagsaluhan, nagtaka ako nang isang inumin lang ang binili niya. Sabi niya mag-share na lang daw kami dahil di ko naman iyon mauubos. Nang matapos kaming kumain ay napansin ko ang isa pang paperbag sa likd niya. Inilabas niya ang dalawang sketch pad at box nang crayons.

Natawa ako sa naisip niya, di ako mahilig mag-drawing pero sa tingin ko ay masaya rin gawin iyon paminsan-minsan. Nagiisip ako kunv anong maganda idrawing nang may lumapit sa aking batang babae. Nag-alangan akong i-drawing siya dahil 'di naman talaga ako magaling, pero binalaan ko rin ang bata na H'wag magalit kung sakaling di niya magustuhan ang gawa ko.

Mukhang masaya naman siya sa ginawa kong drawing at hiningi niya pa ito. Pagkatapos nun ay si Kai naman ang drinawing ko.

Nagsimulang kumapal ang tao sa parke at nagsimula rin akong mainis. Paano ba naman ang daming nagpapansin sa kasama ko. Sometimes I wished na di siya masyadong gwapo. Gusto ko siyang itago sa kanila. Tila napansin ni Kai ang pagkainis ko kaya niyaya niya ako na umalis na roon at magpunta sa plaza.

Niyaya ko siya na magpunta sa photobooth. Kelangan ko ng remembrance sa araw na ito mabuti na lamang at hindi siya nagprotesta. Pinuntahan namain lahat nang madaanan naming booths hanggang sa magdilim na.

Napaka ganda ng mga makukulay na ilaw. Di ko alam pero tanging kasiyahan lamang ang nararamdaman ko sa mga oras na iyon.

Niyaya niya akong sumakay sa ferriswheel nung una ay tumatanggi pa ako dahil pakiramdam ko ay malulula ako sa taas niyon. Pero napilit niya rin ako.

...

"Sigurado ka bang safe yan?" Nag-aalalang tanong ko sa kanya bago kami sumakay doon.

"I'm here, I'll keep you safe there's nothing to be scared of," pangungumbinsi niya sa akin. Mahigpit ang paghawak ko sa hand rails sa gilid ng bagon na iyon dahil sa kaba.

"Are you really scared?" tanong sa akin ni Kai. Tinanguan ko lamang siya.

"But the view here is wonderful." Bawi ko naman habang pinagmamasadan ang mga ilaw sa ilalim namin.

Labis ang naging kaba ko nang umuga ang bagon na kinaroroonan namin. Nakita kong si Kai ala ang may kagagawan noon.

Ano na naman ang trip niya? Gusto niya ba talaga akong mahimatay sa nerbyos!

"Hoy Kai! Tigilan mo nga yan!" Inis na sigaw ko sa kanya, prro di siya natinag at nakangiti pa ang loko.

"Kai na man ehh!" Sigaw kong muli.

Sa inis ko ay tumayo ako para abutin siya nang bigla akong mawalan ng balanse. Napayakap ako sa kanya at saglit kaming nagkatinginan. Kahit saglit lamang iyon ay labis na ang bilis ng tibok ng puso ko. Agad na lamang akong umupo sa tabi niya.

"I'm sorry," sabi niya.

"Sorry lang ba ang sasabihin mo?" tanong ko habang nakattig sa kanya. Ewan ko pero pakiramdam ko ay may gusto pa siyang sabihin bukod roon.

"I love you." He said.

Di ko inasahan na iyon ang sasabihin niya. Nanatili lamang akong nakatingin sa kanya di makapaniwala sa narinig.

Totoo ba talaga iyon? Di ba iyon isang guni-guni?

Bigla na lamang nagsimula ang pagsabog ng makukulay na ilaw sa himpapawid. Nakuha niyon ang aking atensiyon. Katulad nang mga ilaw na iyon ang halo-halong emosyon na nararamdaman ko ngayon.

Nanlaki ang mata ko sa gulat nang Naramdaman ko ang paglapat ng mga palad ni Kai sa mukha ko upang lingunin siya. Nakatitig lamang ako sa kanya nagtatanong kung anong ginagawa niya. Bumaba ang tingin niya sa labi ko.

Saka ko napagtanto ang gagawin niya. Hinyaan ko lamang ang sarili kong magpati anod sa aking nararamdaman. Pinikit ko ang aking mga mata oras na naglapat ang aming mga labi.

Marahan ang halik na iyon, pakiramdam ko ay mahal na mahal niya ako. Ngunit sa kabila noon ay alam kong iiwan niya rin ako. Pakiramdam ko ay napakasaya ko ngayong araw, natatakaot akong mapalitan iyon ng kalungkutan. Naramdaman ko na lamang ang pagtulo ng mga luha ko at paghiwalay ng mga labi ni Kai sa labi ko.

"Why are you crying?" nag aalalang tanong niya sa akin. Ipinilig ko na lamang ang aking ulo para sabihin na wala iyon. Niyakap ko na lamang siya ng mahigpit upang itago ang pag luha ko.

"Kailangan mo ba talagang umalis?" Di ko napigilang itanong iyon sa kanya.

Matagal ko nang gustong itanong iyon sa kanya. Pero alam ko naman ang magiging tugon niya sa akin. Nanatili siyang tahimik at imbis na sagutin ako ay marahan niyan tanapik ang ulo ko. Naninikip ang dibdib ko sa pag iisip na marahil ay ito na ang huling pagkakataon na gagawin niya iyon.

"Bakit pakiramdam ko 'di ka na babalik?" tuluyan na ang napahagulgol.

I'm sacred, takot akong mawala siya.

"Do you really love me?" tanong ko sa kanya.

"I do love you." Masuyong sabi niya tsaka hinigpitan ang yakap sa akin.

"Then why did you hide what you really are?" Hinayaan ko ang sarili kong tanungin siya.

"Did you honestly think that I would love you less if I find out your secret?" tanong ko ulit nang di siya tumugon. Inalis niya ang pagkakayakap niya sa akin upang tignan ako.

"I remember everything Kai." Tila nanlumo siya sa narinig. Kasabay nun ang pagtatapos ng f ireworks display.

"What am I, what do you remember?" balisang tanong niya sa akin.

"Hindi ka tao, You're an angel." Napakunot siya nang noo sa sinabi ko. Tila di niya iyon inasahan mula sa akin. I couldn't let him know that I remember everything.

"Seriously Ren, why do you tend to ruin every moment?" Napakamot ako kunwari sa aking batok. After the fireworks display we decided to go home. We walked instead of riding the bike.

We could still hear the music from the plaza. Ramdam ko ang pagdampi ng malamig na hangin sa mukha ko.

"Thank you Kai."

"Why thank me all of a sudden."

"Gusto ko lang. Thank you kasi sinamahan mo akong panoorin ang fireworks display. Thank you for making me happy today." Di ko na napigilan ang pag-tulo ng luha ko.

I know tomorrow he'll leave and he will never come back. How am I supposed to deal with that?

Why can't he choose to stay?

Why can't he choose me?

Alam ko naman kung bakit, una pa lang di ko na dapat siya minahal. That's why he kept on pushing me away. Ako lang naman 'tong tangang nahulog pa rin sa kanya.

"Why are you crying?" puno ng pag-aalala ang boses niya.

Lumapit siya sa akin at pinusan ang mga luhang pumapatak mula sa mga mata ko. Niyakap ko na lamang siya tsaka ako humagugol. Masakit sa dibdib, masakit tanggapin ang lahat nang nangyayari. Wala akong magawa kung hindi ang umiyak na lamang.

...

Kanina pa ako kinukulit ni Kai kung bakit ako umiyak kanina. I can't tell him that he's the reason behind it. Wala siyang balak tigilan ako hanggang di ko sinasabi sa kanya. Andito kami sa usual hide out namin, sa bubungan. Pareho kaming nakaupo habang pinagmamasdan ang kalangitan.

I was looking at the big dipper but I can't see a glimpse of the small dipper. Even the night sky is telling me that Kai can't always stay beside me.

"Tell me why did you cry?" tanong niya sa akin.

"Trip ko lang," pag mamaang-maangan ko at nananatiling nakatitig sa kalangitan.

"Ren." Bumuntong hininga na lamang ako. Sa hlip n sagutin siy ay tinapunan ko rin siya nang isang tanong.

"Tell me, kelan mo planong umalis?" I already know the answer but I wanted to hear it from him.

"Why are you asking?"

"You're leaving tomorrow right?"

Hindi niya ako sinagot, I could see his Silhouette.

"Kai, alam mo bang pakiramdam ko ginawa mo lang lahat ng ito dahil naguiguilty kang iwan kong mag-isa," I heaved. Masakit sa dibdib pakiramdam ko may nakabara sa lalamunan ko.

"You just wanted me to be happy before you leave. I'm thankful but Let's just stop all of this."

"No, that's not true." Tanggi niya. He looked at me with his sad eyes.

"Do you really think I'll be okay without you? Don't you think it's unfair for me kung maghihintay lang ako na bumalik ka?" Sumbat ko sa kanya. Nagbabadya na naman sa pagtulo ang mg luha ko. Napaka iyakin ko talaga kahit kailan.

"Do you think it's easy for me to leave?" Sumbat niya sa akin.

"I don't want to leave you, but shit happens that made it all come to this." I could see the frustration written all over his face.

"I want to tell you everything but I can't. I wanted to stay, I wanted to show you how much you mean to me. I love you so much."

"That's exactly why I'm crying, you keep on telling me that you love me but you can't honest with me." He didn't answer me. Nanatili akong tahimik, I just smiled bitterly.

"Do you remember that I won our duel?" I asked him out of the blue.

"I do, you haven't told me what your wish was." Huminga ako nang malalim, at tumingin sa direksyon niya. Even in darkness I could still see his eyes.

"I want you to stay."

< End of Chapter 20>