Chereads / KETSUEKI / Chapter 15 - Chapter Fourteen

Chapter 15 - Chapter Fourteen

Ren

'Promise me that you won't forget me, that you'll try to remember.'

Kai's words kept on bugging on my head.I know he's still hiding something from me.Whatever it is, I decided to on his side no matter what. We both headed to our first class. Medyo may commotion na nangyayari sa roon.

"Andiyan na si Kai," sabi ng mga classmates namin. We stopped at the doorway. Pareho kaming napatingin sa babaeng naglalakad palapit sa amin. Di ko maipaliwanag ang ganda niya. She have something I've never seen someone like her. Nagulat ako nang yakapin niya si Kai.

"I missed you so much Kaien," Sambit ng magandang babaeng iyon.

Sino siya?

Close ba sila ni Kai?

Kita ko ang gulat sa mga mata ni Kai. Kumalas siya sa pagkakayakap nito at hinila ito palayo.

Anong meron?

Nagtataka ako sa nangyari andI decided to take my seat. Naririnig ko ang mga bulungan ng mga classmates ko.

'Girlfriend ba yun ni Kai? Ang ganda niya noh?'

'Bagay sila.'

"Ren, bakit parang ang lungkot ng aura mo?" tanong ni Nigel. Kararating lang niya sa classroom kaya wala siyang ideya sa nangyari.

"Malungkot? Gutom lang ako," pagpapalusot ko.

Ilang sandali pa ay bumalik si Kai nang mag-isa. I didn't bother asking him. Magsasabi siya kung may kailangan akong malaman.

***

"Aren't you gonna ask me who she is?"tanong sa akin ni Kai habang naglalakad kami papunta sa Library.

"You'll tell me if I need to know," I answered.

Pero sa totoo lang gusto kong malaman kung sino ang babaeng iyon.

"She's someone close to me," panimula niya.

'Close'

"Her name is Allison, she'll be staying at the mansion for the time being," he said in monotonously.

"Okay."

Hindi ko naman bahay yun para pigilan siya kung sino ang gusto niyang patuluyin doon. Bigla na lamang niyang ginulo ang buhok ko.

"Why do you look gloomy?" tanong niya.

"Gloomy? Asa ka," tanggi ko.

"You're a bad liar Ren," nakangising sabi niya.

"Are you jealous?" pang aasar niya. Tinaasan ko lamang siya ng kilay.

"Why would I? You're not even mine. Saka ilang beses mo na akong binasted, damuho ka," sagot ko. Medyo bitter pero totoo naman yun.

"But I've always been yours," kontra niya sa akin.

His words never failed to surprise me. He is always like this.

"Wala akong pangalan na nakatatak sayo, so hindi ka akin," paglilinaw ko.

"Don't you like to own me?" tanong niya.

I wanted to claim him.

"Quit playing games Kai," saway ko sa kanya and he immediately stops teasing me, I thought I taunted him but I'm wrong.

Allison is fast approaching us from the other side. She was smiling ear to ear showing her dimples. No wonder everyone is looking at us trying to catch a glimpse of her. She hugged Kai again. Kung pwede lang hinila ko na palayo sa kanya si Kai.

Wala ba siyang ibang alam gawin kundi ang mangyakap?

She was staring daggers at me as she hugged Kai.

Problema nito?

"Kai una na ako sa Library I guess you and your very friend needs more time to catch up," paalam ko sa kanila.

Pero sa totoo lang gusto ko nang hampasin ng bag si Allison.

"Seiren!" Napalingon naman kaming tatlo kay Nigel na tumatakbo papalapit sa amin.

"Pupunta ka ba sa library?" tanong niya. Feeling ko alam niyang ako lang pupunta doon.

"Oo," sagot ko.

"Samahan na kita," offer niya sa akin.

"Okay," sang-ayon ko. Bakit naman akon tatanggi? Kesa naman sumama ako kay Ali at Kai. Magmumukha lang akong alalay nila.

"Kai, kita na lang tayo sa next class," paalam kong muli bago namin tuluyang iwan siya iwan kasama si Ali.

***

"Bakit wala ka ata sa mood?" tanong ni Nigel.

"Is it because of that girl with Kai?" tanong niya ulit.

"Di mo siya kilala?" tanong ko.

"She's familiar but I don't really know her," sagot sa akin ni Nigel.

"But she seems close with Kai, Kung makayakap akala mo tuko. But it's unusual Kai's okay with it," tila pagpapahiwatig ni Nigel.

"Sa mansyon daw siya taitira kasama niyo ni Kai," kwento ko.

"Oh? Bakit di ko alam? Nakakapagtaka. Kaya siguro ang clingy niya sa pinsan ko noh?" tanong niya sa akin.

"Napansin mo din pala," sambit ko.

"Di kaya siya yung sinasabi nila?" Paghihinala niya.

Sinong nila?

"No, I'm sure Kai won't agree with that," Kontra niya sa sarili. He was definitely talking to himself.

"Agree saan?" takang tanong ko.

"Nevermind," sagot niya sa akin.

Ano ba kasi yun?

"Pinagtataka ko lang, hindi ako pinakilala sa kanya ni Kai. May something ba sa dalawang yun?" tanong ko kay Nigel.

"Bakit ba sila pinaguusapan natin?" Tanong ni Nigel.

"Kasi sila ang wala dito?" Di pinag-isipang sagot ko.

"Ang sama ng ugali mo," sita sa akin ni Nigel. Binigyan ko lang siya ng nakakalokong ngiti. Nang araw na iyon ay di sumabay sa amin pauwi si Kai.

...

"Ren di na muna daw makakapunta si Kai sa bahay," pagbibigya alam sa akin ni Papa habang kumain ng hapunan.

"Bakit daw?" tanong ko. Siyempre di naman pwedeng di ako magtanong.

"May aasikasuhin daw," paliwanag ni Papa.

Ano naman kaya ang aasikasuhin niya? Baka naman sino? Kababati lang naming ah. Ganun ba kahirap na siya mismo ang magsabi sa akin.

"Pwede ko naman siya dalawin sa kanila," sabi ko kay Papa.

Ewan ko ba bakit kating-kati akong ako mismo ang sabihan niya noon.

"H'wag ka nga masyadong clingy Ren." Umpisa na naman nang pang-aasar sa akin ni Kuya Aizen. Inismiran ko lamang siya.

"Di mo ba nakita bukas ang mga ilaw sa mansion nila. Bihirang manyari yun, mamaya niyan pagkamalan ka pang mag-nanakaw at ipakulong," sambit ni kuya. Napakagat na lamang ako sa aking labi.

"Ibig sabihin ba niyan, di tayo makakapag celebrate ng birthday namin," reklamo ko.

Iyan talaga ang dahilan kung bakit di ako mapakali.

"Di mag-celebrate kayo sa ibang araw," sabi na naman ni Kuya.

"Eh di hindi na namin birthday 'yun," inis na sabi ko.

Hindi ko inubos ang pagkain ko at nagkulong ako agad sa kwarto.

Ano na naman ba ang nangyayari?

...

Mag-isa akong pumasok sa School kinabukasan. Nasa gate na ako nang may biglang bumusinang sasakyan . Mabuti na lamang ay may humila sa braso ko at naka gilid agad ako.

"Ano ka ba naman Ren, ang aga-aga nanaginip ka na." Tila na iiritang sabi ni Nigel.

Pareho kaming napatingin sa kotse pati ang mga andun ay napatingin sa mga tang bumababa ng sasakyan.

"Kai?" gulat na tanong ko. Bukod sa kanya ay may sumunod din na bumaba roon.

"Allison," si Nigel naman ngayon ang nagsalita.

May kakaiba sa pagkakabanggit ni Nigel sa Pangalan nito.

"Halika na," pag-aaya sa akin ni Nigel.

"Hindi ba natin hihintayin si Kai?" Nagtatakang tanong ko kay Nigel.

"He's obviously with someone," sabi naman ni Nigel.

Napatingin ako kay Kai. Naka- tingin din siya sa akin, his expression was blank it changed instantly when Allison clung into his arms. I felt a throb on my Chest.

"Halika na Ren, mali-late na tayo sa first class natin," pag-aaya ulit ni Nigel.

Everything was fine that day except that Kai's vacant time was spent with Allison.

"Ren," tawag sa akin ni Nigel.

"Ano?" tanong ko, habang nag-aayos ako ng gamit pauwi.

"Samahan mo ako," sabi niya sa akin.

"Saan?" tanong ko, medyo nababahala dahil malapit na mag-gabi.

"Basta, H'wag kang mag-alala," sabi niya sa akin.

Di na ako tumanggi, since wala naman akong gagawin sa bahay ata alam kong aasarin lang ako ni kuya. Dinala niya ako sa park kung saan kami unang nagkausap ng matino.

"Anong gagawin natin dito?" Tanong ko habang umuupo sa swing na katabi niya. Hindi siya nag-salita agad.

"You still don't like me right?" he sounded sad.

Bigla akong nakaramdam ng kaba sa tanong niya. Di ako nakapagsalita agad. Napansin niya siguro ang pagkabalisa ko.

"We could talk about that some other time." Sabi niya sa akin, wearing a smile on his face.

"I have to tell you something." He sounded uneasy.

Napatingin ako sa kanya. Anong sasabihin niya?

"Kai told me that you should stay away from him," I finally said. Napakunot ako ng noo ng dahil sa sinabi niya.

"Bakit?" Tanong ko.

I wanted to know why. I can't do something just because I was asked to. I need enough reason to do it.

"He said he wanted to protect you," he answered as he went poker-faced.

Lalo ang nagtaka kung bakit? Why does he have to protect me?

"Protect me from what, does it have something to do with Allison?" I winced.

"Is this something serious?" I sighed out of defeat.

It seems like Nigel also don't have any idea about what's really happening. There's no point getting mad at him.

"Nagugutom ako," sabi ko sa kanya trying to lift the atmosphere.

"I knew you would," kinuha niya ang bag niya at binuksan ito.

Inabot niya sa akin ang isang garapon ng Stick-O. Natawa na lamang ako habang kumuha ng iang sticks mula rito. Nanatili kaming tahimik na naka-upo sa swing habang kumakain ng stick-O. Bakit ba parang ang gulo nang takbo ng buhay ko ngayon?

Ang bilis magbago ng mga araw, masaya ka na tapos sa susunod na araw malungot naman.

"Di ba pwedeng masaya na lang lagi?"bigla ko na lang natanong.

Ilang sandali lang ay sinagot ako ni Nick.

"Kung lagi kang masaya, would that be real happiness if you don't know what sadness feels?" tanong niya.

Alam ko namn ang ibig niyang sabihin. Maybe I just want life to easy.

"Life isn't easy, but you should live it to the fullest." Bigla niyang sabi na tila nababasa niya ang nasa isip ko.

"Are you living your life to the fullest?" tanong ko sa kanya.

"I'm living my life the way I want it to be, you should too. We only get to live once," sabi niya sa kin.

"Paano kaya kung immortal tayo?" tanong ko sa kanya.

"That would be sad, you get to see everyone else including those you love die," he sounded sad as if he knew how it felt.

"Then you should spend your time with them before they die, so you won't feel any regret," sagot ko sa kanya being positive.

"If you get to choose between a short life or immortality, what would you choose?" Tanong niya ulit.

"A short life well lived, kasi kung immortal ako baka gawin pa akong biological weapon. Ayokong pag eksperimentuhan," patawa-tawang sagot ko.

"What's so funny?" Pag-susungit niya pero natatawa na rin siya.

"What if I tell you to stop liking me," I asked randomnly. Nahinto siya sa pag-tawa at nawala ang ngiti sa mukha niya.

"Do you really want me too?" tanong niya sa akin pabalik. Hindi ko siya sinagot.

"I won't do it, realizing that I like you didn't come in an instant, so is forgetting about it," sagot niya.

"I knew from the start that I have no chance, but still choose to like you," he pleaded.

Nanahimik na ako at hinayaan ko siyang mag-salita.

"So just please let me like you," he also added.

"It's your heart, so it's your choice," sabi ko sa kanya.

"But if ever I hurt you too much, please let go of those feelings," I asked him.

"Why are we being so dramatic." Nakasimangot na sabi niya.

We sound like two old people talking about life well in fact we are just bunch kids who knows a little about life. We decided na umuwi dahil lumalalim na ang gabi. Hinatid ako ni Nigel sa bahay naming. Naka-abang naman ang kuya ko sa harap ng pintuan.

"Oh bakit ngayon lang kayo umuwi?" Pag-susuplado niya. Di naman bagay sa kanya.

"Kuya pasalamat ka na lang at di pa ako nakipagtanan," sagot ko sa kanya.

"Saraduhan kaya kita ng pinto!" banta niya sa akin.

"Edi sa bintana ako dadaan," pang-aasar ko pa sa kanya.

"Ren," saway sa akin ni Nigel.

"Sorry, we came home late," sabi naman ni Nigel. Sakto naming dumating si Papa.

"Andiyan na pala kayo, Nigel halika na saluhan mo kami sa pagkain."

"Ayy di na po busog pa ako, salamat po," tanggi ni Nigel.

"Oh siya sige, Ingat ka sa pag-uwi," paalam ni Papa.

Kumaway lang ako kay Nigel bilang paalam tsaka pumasok sa loob ng bahay. I was wondering who Allison really is at bakit ako kailangan protektahan ni Kai.

Why is he asking me to stay away from him?

< End of Chapter 14 >