Di ko namalayan na naka-alis na sila papa at kuya. Di ako nakapag-babye man lang dahil sa tulog ako. Kahit ngayon ay mabigat pa din ang pakiramdam ko. Gusto ko lang matulog, barado din ang ilong ko dahil sa sipon.
Narinig ko na lang na may kumakatok sa pinto ng kwarto ko.
"Seiren, are you awake? Malilate na tayo," pagbibigay alam ni Nigel.
Oo nga pala may pasok pa kami ngayon, at may long quiz pa. Hindi pwedeng umabsent kahit gustuhin ko. Naligo ako at naghanda bago pumasok sa school. Si Nigel ay hinintay ako hanggang sa matapos. Dahil wala si papa wala din almusal dahil sobrang malilate na kami. Pinilit ko lang talaga ang sarili kong maglakad para makarating sa school.
"Seiren okay ka lang?" Tanong ni Nigel.
Tinanguan ko lang siya. Wala ako sa mood hanggang sa matapos ang long quiz namin. Buti na lang talaga at may vacant kami. Pinili kong may stay sa loob ng classroom.
Lovesick ba ako?
Miss ko na si Kai!
Si Nigel as usual napapaligiran pa rin ng mga girls. Pinagmasdan ko lang siya, may iba sa mga mata niya ngayon.
Malungkot ba siya?
Miss niya din ba si Kai?
Natawa na lang ako sa naisip ko.
...
"Birthday pala ni Nigel ngayon," dinig kong bulungan ng mga classmates namin na babae habang papunta ako sa cafeteria para magmeryenda.
Birthday niya ngayon?
Hala!
Paano ako maghahanda di ako marunong magluto. Hanggang sa pag-uwi ay ganun ang mood niya. Di ako sanay sa pang-i-snob niya.Nauna siyang maglakad sa akin kaya binilisan ko ang paglalakad ko para makasabay siya.
"Hoy! panget! balita ko birthday mo ngayon? Manlibre ka naman," pambuburaot ko.
"I don't celebrate my birthday," sabi niya.
"Huh? pwede ba 'yun?" takang tanong ko.
"How will I celebrate my birthday knowing my mom died after giving birth to me?" malungkot ang mata niya habang sinasabi niya iyon.
Nag-iwas siya ng tingin saka nag-patuloy sa paglalakad. Naiwan akong nakatulala, di ko inaasahan na may drama din sa buhay ang lalaki na yun. Kung tutuusin pareho kami na wala ng mama. Di ko man maalala atleast nakasama ko siya at naalagaan niya ako.
It's different for Nigel hindi niya nakilala ang nanay niya.
...
Tahimik lang kami ni Nigel kahit pagdating sa bahay. Di ako sanay walang nambabara sa akin. Tinabihan ko siya habang nanonood ng TV.
"Hey!" sigaw ko sa kanya.
"Hey..." walang ganang tugon niya, ni di man lang ako tinignan.
"Uhmm..." di ako makapag-isip ng sasabihin sa kanya.
"Ilang taon ka na ngayon?" tanong ko.
"21"tipid niyang sagot.
"Hindi ka ba nagugutom?" tanong ko.
"Wala akong gana," sagot niya.
"Okay, dito lang ako ahh," sabi ko.
"Ikaw bahala," sagot naman niya.
"Sorry di ko alam 'yung tungkol sa mama mo." simula ko.
"Of course you won't, Di ko naman pinagkakalat 'yun," malamig na sabi niya.
"Ang sungit mo ngayon, para kang may regla," nakasimangot na sabi ko.
"Quit bothering me," iritang sabi niya.
"Makulit talaga lahi ko, kaya magtiis ka!" di nagpatinag na sagot ko.
"Tapos?" bara niya sa akin.
"Anong tapos? Tapos maganda ako," sagot ko sa kanya.
"Talaga?" 'di naniniwalang tanong niya.
"Oo maganda ako sabi ni papa, kamukha ko daw si mama," sabi ko naman.
"I won't believe you until I see your mom," sabi niya.
"Tumayo ka diyan!" utos ko sa kanya.
"Ayoko," tanggi niya.
"Halika na!" Hinila ko siya mula sa sofa.
"Stop!" utos niya.
"Ayoko!" sagot ko.
"Halika na nga sabi!"sabi ko sabay hila ko sakanya.
Wala siyang nagawa sa kakulitan ko kaya sumama na siya sakin.
"Anong ginagawa natin dito?" tanong niya sa akin.
"Ipapakilala kita sa mama ko," sabi ko.
"Ha?" takang tanong niya.
"Mama! meet Nigel! we are not friends pero soon pwede na," pagpapakilala ko.
Huminto kami sa tapat ng puntod ni Mama at umupo ako.
"Your mom is dead?" di makapaniwalang tanong niya.
Tumango na lamang ako.
"Yup, matagal na. Di mo ba napansin hindi mo siya nakikita sa bahay? Mag-hi ka naman sa mama ko," sabi ko sa kanya.
"Ehh?" alangang sagot niya.
"Mag-hi ka lang malay mo magsalita," sabi ko naman.
Napangiwi si Nigel dahil sa sinabi ko.
"Hi, tita," pilit na ngiti niya.
Pagkatapos niya mag-hi. Hinila ko siya ulit para tumakbo palabas ng sementeryo. Hingal ako ng makalabas kami.
"Anong trip mo?" tanong ko.
"Pinakilala ko lang talaga sayo si Mama," dahilan ko.
"Ang bilis naman 'nun," sabi niya.
"Natatakot ako, Gabi na tapos tayo lang dalawa dun. Paano kung biglang may magpakita na multo," paliwanag ko.
"Silly," sagot niya sa akin. Medyo napangiti siya sa sinabi ko.
Nagpatuloy na kami maglakad pauwi ng madaanan namin ang isang park. Hinila ko siya papunta dun at naupo kami sa may swing.
"Sinisisi mo ba sarili mo sa pagkamatay ng mama mo?" tanong ko.
Di siya umimik. I stepped on a land mine.
"I don't have the right to say this, Pero tingin ko kung nakikita ka ng mama mo na malungkot tuwing birthday mo, malulungkot din siya," sabi ko.
"How sure are you?" usisa niya.
"Kasi kung nabubuhay siya icecelebrate niya lagi ang birthday mo ng masaya. Moms wanted their kids to be happy kahit sa birthday man lang nila," paliwanag ko.
"How could I be happy knowing she died because of me? "mapait na tanong niya sa akin.
"May choice siya kung sino ang bubuhayin niya sarili niya o ikaw, but she chose you," sabi ko naman.
Tumayo ako sa harap niya.
"She died because she wanted to see you live a happy life," dahilan ko sa kanya.
"She gave you the the best gift she could give, she gave you life," dugtong ko pa.
Di ko napigilan ang pagiging iyakin ko, tumulo ang luha ko. Namiss ko ang mama ko. Akala ko kawawa na ako kasi maagang nawala ang mama ko. Pero hindi pala ganun yun.
...
Nigel
'She gave you the the best gift she could give, she gave you life.'
Dumako ang mga mata ko sa mukha niya habang nakatayo sa harap ko. I never expected her to say those things. All my life sinisisi ko sarili ko kung bakit nawala ang Mama ko. But this girl is right. I know my mom wanted me to live even if it cause her death. There is something warm inside my chest, that I can't explain. I was about to cry when i heard her sob.
Umiiyak siya?bakit?
In a sudden I hold her in my arms to comfort her. Aalisin ko sana ang pagkayakap ko sa kanya ng marealize ko ang ginawa ko. Ngunit bigla na lamang niya akong niyakap pabalik. She's so soft despite acting strong.
This girl, I want to protect her.
We stayed like that for a few minutes hanggang sa inalis niya ang pagkakayakap sa akin.
"Tyansing ka na ha," she said while looking up to me.
She's accusing me, but somehow I just felt like it.
"You enjoyed being in my arms." pang-aasar ko.
"Oo na lang." Tinalikuran niya ako saka nagsimulang maglakad.
"Where are you going?" tanong ko.
"Uuwi na, anong oras na kaya," sagot niya.
Tinignan ko siya habang naglalakad palayo sa akin. I found myself smiling, for the first time I felt happy on my Birthday.
"Ano na Nigel? Wala ka balak umuwi?" tanong niya.
Nakakunot noong lingon niya sa akin. I didn't realize I was falling behind. Saka ako tumakbo palapit sa kanya.
...
"Nigel! Halika na dito!" Tawag sa akin in Ren mula sa kusina.
Anong pakana ng babaeng ito?
Pagdating ko sa kusina may dala-dala na siyang cupcake na may maliit na kandila sa gitna na nakapatong sa platito.
"Happy birthday to you! Happy Birthday to you! Happy birthday! Happy birthday! Happy Birthday to you!" Kanta niya papalipit sa akin.
"Make a wish," Nakangiting sabi niya.
"Do I really have to?" tanong ko.
"'Wag KJ" simangot niya.
Ano nga ba ang hihilingin ko?
Hinipan ko ang kandila.
"Yaay! Kainan na!" Masiglang sabi niya.
"Upo ka na," yaya niya sa akin. Nilapag niya ang cupcake sa mesa.
"Kain na tayo!" aya niya sa akin.
Napangiwi na lang ako sa pagkain sa mesa. Nagluto siya ng pansit canton, at dalawang nilagang itlog.
"Bakit ganyan itsura mo?" Ismid na tanong niya sakin.
"Yan lang kaya kong lutuin, pasensya ka na, pero at least may pancit pa din for long life."nakangiting sabi niya.
"Thank you," sabi niya.
"You're welcome," I smiled at him.
***
Ren
Mukhang okay na si Nigel. Pero disappointed ako, first time niya mag celebrate ng birthday tapos pancit canton at itlog lang ang kaya kong lutuin. Dapat magaral na talaga along magluto. Magkatabi kami ni Nigel.
"Bakit natulala ka diyan?" tanong ko sa kanya.
" Wala naman, sorry first time mo mag celebrate di man lang ako nakapaghanda ng maayos," sagot niya.
"It's the thought that counts," sabi niya.
"Masaya ka ba?" tanong ko.
"I' m happy you're here to celebrate my birthday with me," sabi naman niya.
"Anong wish mo?" usisa ko.
"It's a secret," tanggi niya.
"Sabi nila pag nalaman ng iba birthday wish mo, di matutupad. Gusto kong matupad ang first ever wish ko," dahilan pa niya.
"Damot!" Simangot ko.
"Matutulog na ako. Ikaw?" Tanong ko sa kanya.
"Ang aga naman," reklamo ko.
"May isa kasi diyan, nagdadamot ng wish," pagpaparinig ko.
"Bakit kasi gusto mo malaman?" tanong niya pbalik sa akin.
"Malay mo, matulungan kitang matupad ang wish mo," kumbinsi ko sa kanya.
"Sigurado ka?" tanong niya na tila interesado.
"Oo naman," pursigidong sabi ko.
"Wag na..." tanggi niya.
"Damot!" Inis na sabi ko.Habang siya naman nakangiting ng nakakaloko.
"Regalo mo sa akin?" Biglang tanong niya.
"Demanding, pinag-luto na nga kita ng pancit canton at itlog eh, plus birthday cupcake," sagot ko.
"Hindi counted 'yun," reklamo niya.
"Bahala ka sa buhay mo!" sigaw ko sa kanya.
Umakyat na ako sa kwarto. Hindi para matulog. Gagawa ako ng birthday card para kay Nigel. Okay na siguro 'yun.
Pagkatapos nun at nagpunta ulit ako sa sala para ibigay ang birthday card na gawa ko para sa kanya. Pero wala na siya doon. Kaya napag desisyunan kong katukin siya sa tinutulugan niyang kwarto.
"Nigel gising ka pa?" Tanong ko.
Agad naman niyang binuksan ang pinto.
"Bakit?" Tanong niya sa akin.
Inabot ko sa kanya ang birthday card na ginawa ko.
"Pasensya na, card lang ang regalong kaya kong ibigay," nahihiyang sabi ko.
"Lumapit ka." utos niya.
Ginawa ko naman iyon. Bigla na lamang niya along hinalikan sa pisngi. Nanlaki ang mata ko sa gulat.
"Para saan yun?" tanong ko.
"It means thank you," sabi niya, saka niya ako niyakap.
Anong nangyayari?
Bigla na lamang may tumikhim.Hinanap ko kung saan galing 'yun at nakita ko si Kai. Kumalas ako sa pagkakayakap ni Nigel.
"Kai!" Nak angiting sigaw ko sa pangalan niya.
Waaahhh! Bumalik na siya!
Bakit ganun itsura niya? Galit ba siya? Nskita niya ba ang ginawa ni Nigel?
Nakakunot noo siyang nakatingin sa akin saka mabilis na naglakad palapit. Hiniwakan niya ang kamay ko at niyakap palayo kay Nigel.
Anong nangyayari?
"What are you doing?" Impit na tanong ni Kai kay Nigel.
Ramdam ko ang tensyon sa katawan niya habang yakap ako.
"The bestfriend is back," nang-aasar ang tono ni Nigel.
"I said what are you doing?"ulit niya sa tanong.
"Showing her my affection. Thank you for leaving I realize how much I like Ren. Watch your back I might snatch her away from you," sabi ni Nigel.
Ramdam kong humigpit ang yakap sa akin ni Kai.
"You can't, I won't let you," banta ni Kai.
"We both know you can't," sagot ni Nigel.
Tiningala ko si Kai, nakakunot ang kanyang noo at nakatitig kay Nigel.
"Anong nangyayari? Nag-aaway ba kayo?" Tanong ko.
"Let's go," utos niya.
'Yun lang ang sinabi ni Kai, hinila niya ako papunta sa kwarto ko. Tinignan ko si Nigel at kinawayan siya saglit bilang pagpapaalam. He didn't say a word.
"Bakit ganyan itsura mo?" tanong ko.
"What do I look?" tanong niya.
"You look mad?" sagot ko.
"Why won't I be mad? I just got home and saw the two of you hugging," sabi niya.
"Nigel is a dick what if I didn't came on time, he might do something weird and I will not be able to protect you," dugtong pa niya.
Hindi ko alam kung matutuwa ako dahil nag aalala siya o maiinis dahil parang wala siyang tiwala sa akin.
"Bakit parang nag-seselos ka?" panunukso ko.
"I'm not, I'm your bestfriend that's why I'm being protective," paglilinaw niya.
Ahahaha!
Ipagdiinan pa, Oo na! Hwag mo na ipamukha na hanggang bestfriends lang tayo.
< End of Chapter 10 >