Ewan ko ba, bakit tinatamad ako ngayon.
Dahil ba wala si Kai?
Ganito lang din naman ang ginagawa namin kapag andito siya, tambay sa library. Ang kaibahan lang talaga ay wala siya at kami lang ni Nigel ang magkasama. Ewan ko ba ulit, bakit parang binabantayan niya ako, pwede niya naman di sundin si Kai. Halata namang n aiinip din siya ditto kagaya ko.
"Kung gusto mong lumubas, lumayas ka na di kita pipigilan," sabi ko sa kanya, malay ko ba na nahihiya lang siya magpaalam.
"Hindi pwede, baka mag-suicide ka 'pag umalis ako sa sobrang pagkamiss mo sa pinsan ko," paliwanag niya.
Pagkarinig ko nun ay pinanlisikan ko siya ng mata.
Mukha ba talaga akong patay na patay sa pinsan niya?
Tsk!
"Don't give me that look, you know what di dapat tayo tumatambay dito para di mo mamiss ang pinsan ko." sabi niya.
"Bakit mo ba pinagpipilitan na namimiss ko ang pinsan mo, ha?" inis na sabi ko.
"Kung hindi, e di sumama ka sa akin," suhestiyon niya.
Para panindigan na di ko namimiss si Kai sumama na ako Nigel. Sinundan ko lang siya mula paglabas hanggang sa cafeteria.
Nagugutom lang pala siya.
Haay naku naman!
Pag pasok namin sa Cafeteria ay naghanap kami ng mauupuan. Ramdam ko ang tingin sa amin ng mga schoolmates namin, O mas tamang sabihin sa kanya sila nakatingin.
"Ano gusto mo? My treat," lahad niya.
"Ikaw talaga dapat magbayad ikaw nagyaya dito ehh," sagot ko naman.
"Okay, so ano gusto mo?" tanong niya sa akin.
"Tubig," sagot ko.
"Tubig, mainit ba dahil Hot ako?" tanong niya sa akin.
Kapal ng mukha nito.
Napakunot ako ng noo sa sinabi niya. Mas mahangin pa siya sa Signal number 3 na bagyo.
"Haay naku Nigel, matagal ng mainit at di ikaw ang dahilan. Bumili ka na lang ng kahit ano, kairita ka," pambabara ko sa kanya.
Nginisian lang niya ako, tsaka nagpunta sa counter. Pagbalik niya ay puno ang tray sa dami niyang binili. Pinatong niy iyon sa mesa tsaka siya umupo sa katapat kong upuan.
"Ano yan? Bakit ang dami?" reklamo ko nang makita ang mga binili niya.
"Di ko alam ang gusto mo kaya ayan ang resulta," dahilan niya.
"Ibalik mo yan dun, di natin mauubos yan!" utos ko.
"Kung ayaw mo itatapon ko na lang," sabi niya.
Akmang bubuhatin niya ulit ang tray para itapon, kaya hinila ko siya at pinaupo ulit.
"Akala ko ba ayaw mo?" tanong niya.
"Kesa naman itapon mo yan, kung di maubos iuuwi ko na lang. Abnormal talaga," sagot ko sa kanya.
Bwisit!
Ngumiti lang siya sa akin. Sige na panalo na siya. Nagsimula kaming kumain.
"Ren?" tawag niya sa sa akin.
"Ano?" tanong ko naman.
"Bakit master minsan ang tawag mo kay Kai? Paano nangyari yun?" usisa niya.
"Dahil nilibre mo ako sasagutin ko ang tanong mo," sabi ko.
"May duel kami ginagawa kung sino manalo siya ang ibbgay ng natalo ang wish niya. Three random wishes lang. Sadyang nautakan lang ako ni Kai kaya gano'n," kwento ko.
"Who suggested it?" tanong niya.
"Ako, napakatamad kasing kumilos niyang si Kai ever since hirap utusan kaya naisipan ko gawin yan. Pumayag naman siya," patuloy ko.
"Anong klaseng duel yan?" tanong niya.
"Random games kung anong trip ni papa at kuya," paliwanag ko.
"Pinayagan nila kayo na gawin yan?" reklamo niya.
"Of course, supportive nila noh?" proud na sabi ko.
"Weird," yun lang ang naging tugon niya.
Sinimulan ko ulit ang pagkain at ganun din siya hanggang sa mabusog kami. Gaya ng sinabi ko iuuwi ko kung ano man ang matira sa mga binili niya. Natapos na ang last period namin, at pauwi na sana ako ng biglang umulan.
Patay na!wala akong payong!
Si Nigel kaya may payong?
Speaking of the devil, may kasama siyang babae na malamang chic niya. Nagsishare sila ngayon sa iisang payong pauwi, at mukhang kinikilig pa yung babae. Di man lang ako naalala ng abnormal na to isusumbong kita kay Kai.
Perks of having a handsome face.
So naiwan na nga ako, di ata magkakahimala na may sumulpot na magsishare sa akin ng payong niya.
Dahil mas mahalaga ang gamit ko na wag mabasa inalis ko sa plastic yung mga pagkain na iuuwi ko di naman mababasa yun kasi sealed pa, at inilagay doon ang gamit ko. Sinigurado ko munang di mababasa ang notebooks ko bago ko ibalik sa bag.
Naghintay muna ako ng ilang minuto,nagbakasakaling huminto ang ulan bago ako nagdesisyong sumugod dito. Kaysa naman maiwan ako dito sa school mag-isa, baka may makita pa akong multo.
This is it pansit!
Bahala na maliligo na lang ulit ako pagdating ko sa bahay. Kumaripas ako ng takbo habang pumapatak ang malakas na ulan sa ulo ko. Hinihingal akong kakatakbo sa ulan.
Bakit ko ba pinapagod sarili ko kakatakbo eh mababasa din naman ako.
Nagdesisyon akong huminto sa ilalim ng puno at hinabol ko ang hininga ko.
Ang lamig!
Ramdam ko ang panginginig ng panga ko dahil sa lamig. Natawa na lang ako sa sarili ko.
"Huy! Bakit ka tumatawa diyan mag-isa?"
Napatingin ako kung sino ang nagsalita. Si Nigel pala yun, mukhang naka-uwi na siya kasi nakapagpalit na siya ng damit.
Anong ginagawa niya dito?
"Anong ginagawa mo dito?" taking tanong ko sa kanya.
"Sinusundo ka, obviously? Bumalik ako sa school kaso nakaalis ka na pala," dahilan niya.
Should I be thankful o hindi?
Basa na ako kaya I chose the latter.
"Halika na, dun din ako magdidinner sa inyo," sabi nito. Nagsimula na akong maglakad paalis sa ilalim ng puno.
"Ayaw mong magpayong?" tanong niya sa akin.
"Mababasa ka lang din kapag naki-share pa ako sayo ng payong," sabi ko.
"Wear this." Sabay hinubad niya ang jacket na suot niya at inabot niya sa akin.
Abnormal talaga, pag sinuot ko yun malamang mababasa lang din ng ulan yun.
"Mababasa lang yan ng ulan," reklamo ko.
"I can let you get soak in the rain, but Kai will kill me kung malaman niya hinayaan kong masilipan ka ng iba dahil sa suot mo," sabi niya.
Dahil sa suot ko?
Napatingin ako sa suot ko tsaka ko napansin na manipis nga pala ang damit ko at bakat na ang bra ko dahil sa ulan.
Putspa!
Agad kong hinablot ang jacket ni Nigel at sinuot. Di ko maiwasan ang mamula kahit pa walang tao dun malay ko kung may nakakita sa akin, at isa pa nakita ako ni Nigel. Tumanggi ako kanina pero ngayon naglalakad kami ni Nigel at nasa iisa kaming payong. Di ko na magawang makipagtalo dahil sa kahihiyan. Pagdating namin sa bahay ay agad akong tumakbo papasok ng bahay at umakyat sa kwarto ko.
Nakakahiya talaga, engot mo Ren!
Gaya ng sinabi ko naligo ulit ako, mahirap na magkasakit. Busy si papa at si kuya kaya di nila ako nakitang basing sisiw kanina pag-uwi. Naasiwa ako sa presensya ni Nigel habang kumakain kami. Magkatapat kami ngayon, kasama si Papa at si kuya. Bigla na lang siya natatawa tapos titingin sa akin tapos ngingisi.
Abnormal number three talaga.
Nagpatuloy na lang ako sa pagkain ko hanggang sa biglang magsalita si papa.
"May sasabihin ako sa inyo," sabi ni papa.
Base sa expression ng mukha niya parang di maganda ang sasabihin niya, kinabahan ako bigla. Papa 'wag mo sabihing may malubha kang sakit o ano pa man.
"Maaga kaming aalis ng kuya Aizen niyo mamayang madaling araw, kaya kayo muna bahala sa bahay. Babalik naman kami kinabukasan, kaya niyo naman siguro ng kayo lang." paniniguro ni papa.
Isa pa 'tong si papa abnormal din.
"Ren, 'wag mong pagsasamantalahan 'tong si Nigel habang wala kami. Malalagot ka kay Kai," paalala ng kuya konv abnormal.
Ay wow! Di ko siya gusto noh!
Napakunot naman ako ng noo. Anong klaseng imagination ba meron 'tong kuya ko.
"Ewan ko sayo kuya, di ako manyak kagaya mo!"protesta ko. Tumingin ako kay papa para sagutin ang tanong niya kanina.
"Kaya ko naman magluto ng instant noodles papa," sabi ko saka ko siya nginitian.
"Instant noodles lang ipapakain mo sakin?" tanong ni Nigel.
"Di ako marunong mag-luto, kung ayaw mo ikaw mag-luto basta 'wag mo sunugin ang bahay namin," pauna ko sa kanya.
"Kawawa naman si Kai pag napang-asawa ka niya, mamatay siya sa gutom," biglang sabi ni kuya.
"Papayat lang di mamatay, ako na naman nakita niyo,"pagtatama ko.
"So you agree on getting married with him?" tanong ni Nigel.
Ayt!
"Kaya tulungan mo pinsan mo magka-girlfriend para makatakas siya kay Ren," sabay tawa ng kuya ko.
"Kung hanapan natin ng boyfriend si Ren, willing ako just to save my cousin," sabi ni Nigel kay kuya.
"Living sacrifice," sagot ni kuya.
Nagtatawanan silang dalawa, sa kalokohan nila.
Mga abnormal...
"Mga kalokohan niyo, ang babata niyo pa kasal na agad,"sabi ko.
"20 years old ka na at 23 na ako, adult na 'yun sa pagkaka-alam," sabi ng kuya ko.
Nag-iisip pala ang kuya ko minsan.
"I'm a 12 year old trapped inside a 20 year old body."
"You're just childish, wala ka pa nga atang first kiss," naka-ngising sabi ni Nigel.
First Kiss!
Asar naalala ko na naman. First kiss nga ba yun kung aksidente lang. Alam ko namumula na naman ako ngayon.
"'Wag mo sabihing meron nga!" bulalas ng kuya.
"'Wag mo sabihing pati si Roosevelt pinagsamantalahan mo na." bintang nito.
Tinakasan na ata ng hangin sa utak ang kuya ko.
"Sira ulo! Papa ipasok na natin si kuya sa mental, wala na siyang pag-asa." sumbong ko kay papa.
"Bakit ako? Ikaw dapat! kasi pati teddy bear pinagsasamantalahan mo!" bintang niya pa rin.
"Abnormal ka talaga lahat ng bata hinahalikan mga teddy bear nila," paliwanag ko.
"Matanda ka na 20 ka na!" pag papaalala niya sa akin.
"12 year old trapped inside a 20 year old body nga ehh!" paglilinaw ko.
Habang nagkakagulo kami ng kuya ko ay tumatawa lang si Papa at si Nigel. Kung ako 12 year old trapped inside a 20 year old body ang kuya ko naman 3 year old trapped inside a 23 year old monster. Isa na naman to sa mga walang ka-kwenta kwentang away namin ng kuya kong takas sa mental. At least natakasan ko ang issue kay Kai. Pero pwede kaya na pakasalan ako ni Kai pag nagpropose ako?
Ipinilig ko ang ulo ko sa naisip.
Ano ba yung naiisip ko.
Puro ka na lang kalokohan, Bestfriend ka nga eh Bestfriend!
< End of Chapter 9>