Ilang linggo na nang nag-simulang sumunod ni Nigel sa amin ni Kai tuwing vacant class. Dating gawi si Kai natutulog ako naman nagbabasa lang. Si Nigel tumatambay lang talaga. Madalas kinakausap niya ako, pero nauuwi lang sa pagkainis ko sa kanya. Napakaboring talaga ng school life namin.
"Bestfriends ba talaga kayo ng lalaking yan?" pag-uumpisa niya.
Nilingon ko naman siya nito para sagutin.
"Di ba obvious?" irap ko sa kanya.
"Kung bestfriends kayo, alam mo lahat ng tungkol sa kanya?" kwestiyon niya.
"Hindi naman lahat, siguro 99.9 % alam ko," pagmamayabang ko sa kanya.
"Ano yan, alcohol? 99.9% lang ang napapatay na germs," patutsada niya.
Pilosopo din 'tong isang to ehh.
"I know something you don't know about him," umpisa niya.
"Talaga?" curious na tanong ko.
"It's something about his past," kwento niya.
"Past?" curious na tanong ko.
"Before he met you," sabi pa niya.
Bago niya ako makilala, malamang alam ko na ang ikikwento niya sa akin kaya inunahan ko na siya.
"Kung tungkol siguro yan sa kaibigan niyang nawala, ayoko na malaman. Sabi nga nila past is past at kung di naman ikwento sa akin na Kai okay lang hindi siya obligado na sabihin sa akin lahat," paliwanag ko.
Ayoko nang malaman kung sino pa siya, ibinalik ko na lang ang mata ko sa librong hawak ko.
"Oh! he told you it was a friend, what if I tell you that she was his first love," pahayag niya.
She was his first love...
Yan lang ang tumatak ko sa utak sa mga sinabi sa akin ni Nigel, nagkamali ako ng akala, siya pala ang first love ni Kai.
First love, baka Puppy love.
Siya rin ang dahilan kung bakit napaka bihira ngumiti ni Kai. Sinisisi niya ang sarili niya sa pagkawala nito. May kung ano sa dibdib ko na di ko maintindihan alam ko lang ang ay masakit ito. Wala naman ako karapatan masaktan.
"Anong nangyari sa 99.9% mo?" Nakataas ang kilay ni Nigel na tanong sa akin.
OO na, mali na ako.
"Bakit kasi naniniwala agad," bawi ko sa kanya.
I need to save my face.
Wala namang kasalanan si Nigel pero naiinis ako sa kanya.
"At least nalaman kong hindi pala manhid ang kaibigan ko," sabi ko na lamang.
Wala akong ka ide-ideya na may first love na pala itong si Kai.
"I can see you're hurting," nakangiting sabi ni Nigel.
Nang-aasar pa eh.
Gusto ko siyang hampasin ng libro, parang ang saya pa niya na nakikita akong ganito.
"Gusto mo ikaw ang saktan ko? " banta ko sabay pinanlisikan ko siya ng tingin.
"I'm just kidding," pag atras niya, habang natatawa.
Ibinalik kong muli ang mga mata ko sa librong hawak ko. Ramdam ko ang pagkunot ng noo. Kahit anong basa ko di ko pa din maintindihan ang binabasa ko. Napatingin na lang ako sa natutulog na si Kai.
Abnormal ka talaga!
Bakit ko ba iniintindi ang first love niya. Pakielam ko ba dun, curiousity kills talaga. Napailing na lang ako tsaka bumuntong hininga.
Nigel's point of View
I can see it in her eyes, there is pain in it. Parang nagsisisi tuloy ako na sinabi kong first love ni Kai ang babaeng 'yun, kahit hindi ko naman talaga alam.
"Gusto mo ikaw ang saktan ko?" banta niya sa akin nang asarin ko siya.
Base on her reactions, she doesn't know it yet. There is something inside me that wishes that she will never find out. Muli niyang ibinalik ang mga mata niya sa librong binabasa.
Sasaktan niya ako? Balak niya ba akong suntukin ulit? As if that will hurt me.
I remembered that day...
I froze when she punched me, I didn't expect that.
Sino ba ang babaeng ito?
Nagmadali siyang lumapit kay Kai at binigay iyon dito, saka ito hinila papasok sa mansion.
"Interesting," yan agad naisip ko.
No one ever dared to punch my face, di man lang nanghinayang sa mukha ko. Di naman malakas ang suntok niya, sa totoo lang, but somehow it affected me. I saw her grab Kai's hand and went inside the mansion.
I'm amazed how she manage doing those things to him, isn't she scared or what? Hindi niya ba nararamadaman na kakaiba si Kai.
A theory came to my thoughts, maybe she doesn't know it yet.
It's been weeks nang simulan kong sumama sa kanila tuwing vacant. Mga tambay sa library, sa totoo lang I'd rather be with my girls than with them, but I came here because of Kai.
At first takang-taka si Ren bakit lagi nalang akong sumusunod sa kanila. Mainit ang dugo niya sa akin or dahil siguro sa ginawa ko nung nakaraan. She can't do anything about it since di naman nagpoprotesta si Kai. I was so bored then, kaya ko pinansin ang bangs niya sobrang haba. Hindi ko nga alam kung paano niya nagagawang magbasa ng ganun, talent niya ata 'yun.
Her bangs were there since the first time I met her, second time and even the third time. I really got curious about her face, and maybe it's the reason why Kai allowed her to be his friend.
Sinubukan kong kausapin siya, buti na lang at di siya snob kahit halata namang ayaw niya akong kausapin. Sinubukan kong asarin siya tungkol sa bangs niya.
"Wait, maiba ako, kelan mo balak gupitan yang bangs mong mahaba, na parang di na bangs," pag-iiba ko ng usapan namin.
"Pakielam mo ba? Inaano ka ba ng bangs ko?" sagot niya sa akin.
Ang ayos niya kausap, she will not like it if i get pissed.
"Ang pangit mo siguro kaya mo tinatakpan mo yang mga mata mo?" I told her trying to mock her.
"Wow! Ikaw na gwapo," she said. I heard sarcasm in her voice.
"I know right," I agreed.
She fell silent for a moment, maybe she didn't expect my answer.
"Haay, ewan ko sa'yo. Hindi pangit ang mukha ko sabi ng salamin namin sa bahay," she finally said.
"Talaga? May nagsasalita kayong salamin?" I tried my best to sound amazed.
I hold my laugh when she almost fell on her seat.
"Wala, ginawa mo pa akong kontrabida sa Snow white," sagot niya.
"Then let me see your eyes," sabi ko.
Sinubukan kong hawiin ang bangs niya, pero bago ko pa maabot ang bangs niya ay hinawakan ni Kai ang kamay ko. Honestly I almost forget that he was there.
"I told you not to lay your hands on her," he said.
As if I forgot what he told me last time. Binawi ni ko ang kamay ko mula sa pagkakahawak niya.
"How Possessive, tch!" bulong ko.
"Tingin ko nahihirapan siya sa bangs niya, hahawiin ko lang," sabi ko na lang.
Tumayo si Kai sa kanyang upuan at naglakad papunta sa tabi ni Rin, na bigla ring tumayo.
"Magpinsan talaga kayo, wala naman kasalanan yung bangs ko sa inyo ahh," sita ni Ren.
Biglang sabi ni Seiren, parang alam na niya ang susunod na gagawin ni Kai.
"I told you, I hate it, you can't even see well with those," sabi ni Kai.
It seems like I was watching a teen dram seeing them.
"Anong gusto mo gawin ko, bunutin ko yung bangs ko?" sarcastic na sagot ni Seiren.
I tried hard not to laugh at them, they look like tom and gerry.
"Oo na, aayusin ko na po Master Kai!" suko ni Seiren.
Did I hear it right?
Tinawag niyang Master si Kai anong relationship ba talaga meron ang dalawang ito?
I saw Seiren took a paperclip from the book she was reading and used it to clip her bangs.
"Masaya ka na?" Nakasimangot na tanong niya kay Kai.
"Not really," sagot naman nito.
Kai returned to his seat and continued his nap, then I returned my gaze to Seiren.
I finally saw her eyes those dark brown orbs are beautiful.
Beautiful? No, they were just ordinary I finally convinced myself. She looked at me with confusion.
What facial expression am I showing right now?
She sat down, and so did I while still staring at her.
"Sabi ko sa'yo, ordinaryo lang ako, kesyo may bangs o wala ganun pa din," sabi niya.
I didn't bother answering her. She was just staring at Kai and then sighed. I can tell by the way she looked at him she likes him.
"'Wag mo titigan baka matunaw." Putol ko sa pag-iimagine niya.
"Sinong matutunaw? Si Kai? Di naman siya Ice cream para matunaw, Tss!" sagot niya.
"You like him don't you?" I finally asked her.
"Ha? Siya? Gusto ko?" she denied while pointing at Kai.
Kahit deny niya masyadong obvious iyon para itanggi niya.
"Yup, I can see it in the way you look at him. You can't lie," I said.
"Paano kung sabihin kong wala, masasabi mo bang nagsisinungaling ako," Pagtataray niya sa akin.
"Kung wala kang gusto sa kanya, be my girlfriend then," suhestiyon ko.
I didn't expect to say that myself. Nakita kong Napakurap-kurap siya. Siguro iniisip niyang nasisiraan na ako.
"Abnormal ka! Ayoko nga," she declined.
Nabasted ako nang di inaasahan.
"See, you really like him," I chuckled, I am right.
"Hindi ganun 'yun, bilis mo siguro magpalit ng girlfriend noh. Isa ka siguro sa mga lokong mahilig magpa-iyak ng mga babae noh?" bintang niya.
"I never ask them to like me, kasalanan ko bang sila ang naghahabol sa akin. " prenteng sagot ko.
That was true, never did I chase after them.
"Kung ayaw mo maging girlfriend ko. Don't fall for him, save yourself before it's too late," I told her.
I didn't really intend to make her my girlfriend. But I'm just giving her the chance of saving herself.
"Haay naku Nigel tigil-tigilan mo ako, as if naman nainlove ka na dati," kwestiyon niya sa sinabi ko
"Hindi pa," I said flatly.
Totoo naman, I got no plans of falling inlove.
"Kaya naman pala ganyan ka, matakot ka na baka bigla kang karmahin," banta niya.
Hindi pa naman ako kinakarma, why should I be scared?
"I don't have the heart to love someone," I told her.
"Huwag kang magsalita ng tapos Nigel, sinabihan kita," payo niya.
"We're not friends para bigyan mo ko ng advise," I said.
"Concerned Citizen lang,"paliwanag niya.
"Thanks." I said flatly.
She was still reading her book and I'm still looking at her.
What's wrong with me? Am I drawn into her? Like she said she's ordinary but, there is something in her that will mesmerize you.
Hey! What am I thinking? Gutom lang siguro ako. Tama! gutom lang ako. I convinced myself.
I stood up and took my leave.
"Ay? Tignan mo to basta-basta na lang lumalayas," dinig kong sabi niya.
I wish I didn't get to see her eyes now I'm distracted. She is looking blankly at her book, at minsan napapatingin kay Kai. I can really say she loves him, and I feel sorry for her.