Nagbalik kami ni Kai sa dating gawi, hindi ata napansin ng mga classmates ko na nagkatampuhan kami ng lalaking ito. Sabagay wala naman silang pakielam sa amin. Ngayon ay nakatambay ulit kami sa library, siya natutulog at ako naman ay magbabasa dapat pero di ko magawa dahil naiirita ako. Di ko alam kung bakit kasama namin si Nigel dito, di man lang nagprotesta si Kai at sa tabi ko pa siya umupo. Samantalang nung isang linggo lang ehh muntik na silang gumawa ng eksena sa library. Magpinsan nga talaga sila, parehong abnormal.
Dahil wala naman akong naintindihan sa binabasa ko ay isinara ko na lang ang librong hawak ko.
"Bakit ka ba nandito?" naiinis na sabi ko kay Nigel hindi ganun kalakas dahil baka mapansin kami ng Librarian.
"Wala naman nagsabing bawal ako pumunta ng Library," sagit niya sa akin.
"Ehh bakit ka nakikishare ng table sa amin?" tanong ko sa kanya.
"Sa pagkakaalam ko hindi naman sa'yo itong table na'to, wala ka namang pangalan dito." Tila nang-iinis na sabi niya.
"Tss!" Yan na lang ang nasabi ko.
Haay naku! Wala akong mapapala sa kanya, mabibwisit lang ako.
Naalala ko ulit yung oras na niloko niya ako at sinabing patay na si Kai. Tapos 'yung tawa niyang parang mababaliw.
"Are you that mad at me?" bigla na lamang niyang tanong sa akin.
"H'wag mo nga akong ini-english, sapat na yung isa lang ang nag-eenglish na kausap ko. " sagot ko.
Tinitukoy ko ay si Kai, hindi naman sa nahihirapan akong umintindi ng english. Pakiramdam ko kasi iniisip ng kausap ko na superior sila pag nagsasalita ng english. Iba si Kai dahil kahit anong gawin ko superior talaga siya sa akin at bihira lang naman magsalita kaya okay lang. Ang isang ito ay ewan ko ba hindi ako galit sa kanya, naunahan na siguro ng di magandang umpisa ang pagkakakilala naming kaya ganito ako sa kanya.
"Malamang naiinis ako sayo!" irap ko sa kanya.
"Is it.... Dahil ba dun sa ginawa ko last time?" tanong niya.
Alam naman pala niya magtatanong pa, parang ewan.
"Sorry, hindi ko naman alam na maniniwala ka sa akin, ganun na ba ako kagaling umarte?" mayabang na sabi niya.
Putspa!
"Haay naku ewan, so kasalanan ko pa na naniwala ako sayo ganun?" paglilinaw ko.
"Medyo, as if naman kaya kong gawin yun," sabi niya.
Lakas talaga ng loob.
Napaisip ako, nang mga oras na 'yun ay ramdam ko na totoo ang mga sinabi niya.
"Wait, maiba ako, kelan mo balak gupitan yang bangs mong mahaba, na parang di na bangs," Biglang pag-iiba niya ng usapan.
Hindi ko rin alam, nasanay na ata akong natatakpan yung mata ko ng makapal na bangs o baka i-hairpin ko na lang.
"Pakielam mo ba? Inaano ka ba ng bangs ko?"
"Ang pangit mo siguro kaya mo tinatakpan mo yang mga mata mo?" sabi niya sa akin.
Wow! Nilait ba ako ng lalaking ito?
Oo, alam ko maganda ang lahi nila pero para laitin ako kahit di pa niya nakikita ang totoong itsura ko. Nakakainis ha! Normal lang ang itsura ko, okay na yung mukha akong tao.
"Wow! Ikaw na gwapo!" I answered with sarcasm.
"I know right," sabi niya with confidence.
Napa-maang na lang ako sa sagot niya. Hindi ata niya nakuha nag ibig kong sabihin, iniinsulto ko siya.
"Haay, ewan ko sayo. Hindi pangit ang mukha ko sabi ng salamin naming sa bahay. " Sagot ko sa kanya.
"Oh? May nagsasalita kayong salamin?" tanong niya.
Muntik na akong malaglag sa kinauupuan ko.
Seryoso ba to? Naniwala siya sa sinabi ko?
"Wala, ginawa mo pa akong kontrabida sa Snow white."
"Then let me see your eyes," utos niya.
Tumayo siya bigla akmang aabutin niya ang bangs ko para hawiin. Pero bigla na lang hinawakan ni Kai ang kamay niya bago pa man niya ako mahawakan, kahit my lamesa sa pagitan nila.
"I told you not to lay your hands on her," paalala ni Kai.
Kelan pa siya nagising? Di ko man lang napansin.
Binawi ni Nigel ang kamay niya mula sa pagkakahawak ni Kai.
"How Possessive, tch!" narinig kong reklamo ni Nigel.
Medyo nakaramdam ako ng tension sa pagitan nilang dalawa, balak pa ata akong gawing referee.
"Tingin ko nahihirapan siya sa bangs niya, hahawiin ko lang," paliwanag ni Nigel.
As if naman, alam kong gusto lang niya makita kung pangit ba talaga ako. Tumayo si Kai sa kanyang upuan at naglakad papunta sa tabi ko. Napatayo na din ako.
"Magpinsan talaga kayo, wala naman kasalanan yung bangs ko sa inyo ahh."
Nagdahilan lang talaga ko, parang naisip ko ang gagawin ni Kai, siya mismo ang hahawi ng bangs ko. Ewan ba bigla akong nailang pag masyado siyang malapit sa akin.
"I told you, I hate it, you can't even see well with those," sabi ni Kai.
"Anong gusto mong gawin ko, bunutin ko yung bangs ko?" sagot ko sa kanya.
Narinig kong pigil ang tawa ni Nigel, si Kai naman ay nakatingin lang sa akin.
"Oo na aayusin ko na po Master Kai. "
Kinuha ko ang isang libro at binuklat ko yun sa pahinang may naka-ipit na paperclip at kinuha iyon. Hinawi ko ang bangs ko at saka inipit ko sa iisang direksyon. Ngayon ay maliwanag ng muli ang paligid ko.
"Masaya ka na?" Nakasimangot na tanong ko kay Kai.
"Not really."
Eh bakit mo pa pinagawa to sa akin?!
Bumalik siya sa kinauupuan niya kanina at muling natulog. Napakunot na lang akong noo. Napatingin ako sa direksyon ni Nigel na nakatitig sa akin.
Ano na naman kaya ang problema nito?
Napailing na lang ako at muling umupo at nangalumbaba sa mesa. Mula sa aking peripheral view ay nakita ko ding bumalik na sa pagkakaupo si Nigel.
"Sabi ko sayo, ordinaryo lang ako, kesyo may bangs o wala ganun pa din." Hindi ko siya tinitignan habang sinasabi yun. Hindi naman siya sumagot.
Nakatitig lang ako kay Kai, buti pa siya patulog-tulog lang.
"Wag mo titigan baka matunaw. " pansin ni Nigel.
Nawala ang concentration ko ng biglang magsalita si Nigel.
"Sinong matutunaw? Si Kai? Di naman siya Ice cream para matunaw, Tss!" sagot ko.
"You like him don't you?" Tanong niya sa akin.
CRUSH ko siya okay!
H'wag ka nga istorbo sa pag sa-sight seeing ko.
"Ha? Siya? gusto ko?" pagmamaang-mangan ko, sabay turo ko sa natutulog na si Kai.
Di kami close para malaman niya iyon.
"Yup, I can see it by the way you look at him. You can't lie," sabi niya na tilang siguradong-sigurado.
Mas mabuti pa atang hindi ko hinawi ang bangs ko, kung anu-anong nakikita niya sa mata ko.
"Paano kung sabihin kong wala, masasabi mo bang nagsisinungaling ako," pagtataray ko sa kanya.
"Kung wala kang gusto sa kanya, be my girlfriend then," nakangiting sabi niya.
Putspa!
Napakurap-kurap ako sa sinabi niya, anong trip ng lalaking eto.
Ano siya siniswerte?
Kahit di ako interesado sa kanya. Dapat nanliligaw pa din siya kahit paano.
"Abnormal ka! Ayoko nga!" mabilis kong tanggi.
"See, you really like him," natatawang sabi niya.
So hinuhuli lang pala niya ako.
"Hindi ganun 'yun, bilis mo siguro magpalit ng girlfriend noh? Isa ka siguro sa mga lokong mahilig magpa-iyak ng mga babae noh?" bintang ko.
"I never ask them to like me, kasalanan ko bang sila ang naghahabol sa akin," pagmamalaki niya.
Aba! Iba din!
Napanganga na lang ako sa kanya, magpinsan sila ni Kai pero total opposite pagdating sa babae. Isang nangongolekta ng girlfriend at isang No Girlfrend since birth.
"Kung ayaw mo maging girlfriend ko. Don't fall for him, save yourself before it's too late," biglang sabi niya.
"Haay naku Nigel tigiltigilan mo ako, as if naman nainlove ka na dati," bara ko sa kanya.
"Hindi pa. I don't even know how it feels."
"Kaya naman pala ganyan ka, matakot ka na baka bigla kang karmahin," banta ko sa kanya.
"I don't have the heart to love someone,"
"Huwag kang magsalita ng tapos Nigel, basta sinabihan kita," paalala ko sa kanya.
"We're not friends para bigyan mo ko ng advise," tila iritang sagot niya sa akin.
Makasabi naman 'to.
"Concerned Citizen lang," sagot ko sa kanya.
"Thanks," tipid niyang sabi.
Marunong pala siyang mag-thank you, okay na din yun kahit di siya marunong mag-sorry.
< End of Chapter 6 >