Chereads / BE MINE AGAIN / Chapter 4 - CHAPTER FOUR

Chapter 4 - CHAPTER FOUR

Naramdaman niyang seryoso talaga sa kanya si Sebastian nang aminin nito sa mga magulang niya na may unawaan na sila. Bagaman nabigla ang mga magulang niya dahil masyado raw mabilis ang lahat wala namang nagawa ang mga ito kundi ang ibigay ang bleesings na hinihingi nila. Sino ba naman kasi ang mag-aakala na ang aso at puso na palaging magkaaway ay magmamahalan pala sa huli.

"Saan tayo pupunta?" tanong ni Mercilita kay Sebastian nang minsang dalawin siya nito. Hindi na ito sa kanila nakatira dahil ayon dito nakakahiya daw sa mga magulang niya lalo pa at may unawaan na sila. Kung alam lang siguro ng mga magulang niya na may nangyari na sa kanila tiyak na hihingi ng kasal ang mga ito sa lalaki at kung sakali mang yayain siya ni Sebastian hindi na siya nagdalawang-isip pa. Handa na siyang makasama ito habang –buhay.

"Just wait Honey." Nakangiti nitong sagot sa kanya. Lulan sila sa motorsiklo nito, todo ang yakap niya dito sa takot na baka mahulog siya.

"Baka ihuhulog mo na naman ako sa liguan ng kalabaw?" pangungulit niyang sagot dito pero tawa lang ang isinagot nito kaya tumahamik nalang siya. Huminto sila sa isang bahay na ginagawa palang, maraming mga trabahador at pawang abala sa pagtratrabaho kung kaya't hindi man lang sila napansin ng mga ito. "Anong ginagawa natin dito?" nagtataka niyang tanong sa nobyo habang nakatingin sa mga manggagawa.

"Ito ang magiging bahay natin." Turan nito sa kanya na ikinabigla niya.

"Ano?" ulit niya.

"Ito ang magiging bahay mo kapag pinakasalan mo na ako." Nakangiti nitong turan sa kanya.

"Hindi ka nagbibiro?" tanong niya.

"Hndi ako nagbibiro Mercilita dahil kung nagbibiro ako masamang biro ito." Sagot nito kaya kinurot niya ito sa tagiliran. Hindi pa rin siya makapaniwala sa sinabi mo.

"Binili mo ito para sa atin?"

"Yes, at para na rin sa magiging mga anak natin. Okay na ba sayo ang magiging bahay natin?" tanong nito sa kanya bago tinuro ang bahay na ginagawa.

"Hindi pa rin ako makapaniwala pero hindi ba masyadong malaki para sa atin?" tanong niya habang iniikot ang mga mata sa kabuuan ng bahay.

"It's okay, honey para naman komportable ang magiging mga anak natin." Sagot nito. Humilig siya sa dibdib ng nobyo habang sabay nilang pinagmamasdan ang mga manggagawa.

"Palagi mo nalang ginugulat." Turan niya dito.

"Hindi kita ginugulat dahil matagal ko na itong plinano at ikaw nalang ang kulang." Sagot nito na lalong nagpataba sa puso niya. "Kapag natapos na ang bahay na ito pwede na tayong magpakasal." Dagdag pa nito.

"Hindi ba masyadong magastos? Kakabili mo lang ng bahay at lupa tapos gagastos kana naman sa kasal natin." Nag-aalala niyang turan.

"Tulad nga ng sinabi ko ang lahat ng ito ay nakaplano na. Aanhin ko naman ang bahay na yan kung hindi naman tayo kasal at hindi naman kita makakasama? Hindi sasaya ang bahay na yan kung hindi ikaw ang kasama ko." Turan pa nito.

"Kung ganun pwede naman siguro tayong magpakasal sa huwes at sa susunod nalang sa simbahan kapag nakaipon na tayo."pahayag niya pa.

"Ayoko, dahil gusto kitang iharap sa simbahan. Don't worry about money dahil may ipon ako. Ibibigay ko ang kasal na nararapat sayo at nararapat sa pagmamahalan natin."

"Thank you for loving me. Hindi ko inaasahan ang lahat ng ito." Turan niya dahil sa hindi inaasahang pangyayari.

"My pleasure, because loving you is priceless at kahit buong mundo bibilhin ko makuha lang kita."

******************

PANAY ang tukso sa kanya ni Nessie nang makabalik sila sa Manila. Mahigit isang buwan din siyang nanatili sa probinsiya dahil hindi pa naman tapos ang pagpapagawa niya ng parlor at isa pa kasa-kasama niya palagi si Sebastian.

"Umuwi lang ng probinsiya nagkalovelife na agad? Ikaw na te!" Biro pa nito sa kanya. Kasalukuyan silang nagpapahinga sa silid niya, may dalawang silid kasi sa likod ng parlor at iyon ang silid nila ni Nessie. Kanina niya pa nga ito gustong itaboy na iwan siya pero hindi siya nito tinatantanan lalo pa at halos hindi naman sila nakakapag-usap noong umuwi siya. Busy ang buhay niya kay Sebastian. Naiwan si Sebastian sa probinsiya nila sa Isabela dahil hindi pa tapos ang pinapagawa nitong bahay. Gustuhin man nito na ihatid sila hindi naman pwede. Ilang oras palang silang nagkakalayo miss na miss niya na ito.

"Inggit ka lang!" pang-aasar niya dito.

"Alam mo ikaw malihim ka, kung hindi pa sinabi ng nanay mo na kayo na ni Sebastian hindi ko man lang malalalaman. Nakakatampo lang ha!" sita nito sa kanya sa malambing na boses.

"Alam ko kasi na kukulitin mo lang ako at uukrayin lalo pa at alam mong galit na galit ako sa kanya at isa pa may kasalanan ka sa akin. Bakit mo sinabi na ako ang nagbutas ng gulong niya?" nakataaas ang kilay na tanong niya ng maalala na sinumbong siya nito.

" Paanong hindi ako aamin kung may ipapakilala siyang fafa sa akin." Kinikilig nitong amin.

"Kaya mo ako pinahamak, ganun ba?" nanlalaki ang mga matang tanong niya.

"Nagkalovelife ka naman." Ingos nito kaya napangiti nalang siya. "Anong feeling na may boyfriend kana ngayon? Bakit mo ba minahal ang lalaking tinuring mo na kaaway sa mahabang panahon." tanong pa nito sa kanya.

"Noon pa naman kasi humahanga na ako sa kanya yon nga lang palagi niya akong iniinis. Kaaway ang turing niya sa akin kaya syempre kaaway din ang turing ko sa kanya pero iba na ngayon, dahil bumalik ang paghanga ko sa kanya at lubos ko pa siyang nakilala. Ngayon lang ako naging masaya ng ganito Nessie at alam mo yan."

"Atleast hindi kana tigang diyan! I'm so happy for you. Sa hinaba-haba ng pag-aaway niyo sa pag-iibigan din natuloy pero ingat ka baka mamaya pinagtritripan ka lang niyan." Paalala nito sa kanya.

"Kaibigan ba talaga kita? Kung makadiscourage ka diyan wagas."

"Nagpapaalala lang ako lalo pa at first boyfriend mo yang si Sebastian. Kaya kung ako sayo wag mong isuko yang bataan mo hanggat hindi pa kayo kasal." Dagdag pa nito na ikinatigil niya. Napatitig siya sa kaibigan habang kagat ang isang daliri.

"Don't tell me-

"Oo." Putol niya sa sasabihin nito. Nanlaki ang mga mata nito sa sinabi niya. Umarte pa itong hinimatay sa harapan niya.

"Ano ba naman Mercilita hindi porket mahal mo ibibigay mo na!" pangaral nito sa kanya habang nakahiga sa kama niya. "Pero sabagay hindi kita masisisi. Sa gwapo ba naman ni Sebastian tatanggi ka pa! So, anong feeling mo sa pagsasanib ng mga katawan niyo?" tanong nito sa kanya kaya muli siyang napangiti.

"Pakiramdam ko babaing-babae ako ng mga oras na iyon." Sagot niya habang yakap ang paboritong una.

"Landi mo te! Dinaig mo pa kaming mga bakla!" humahagalpak na tawa ni Nessie sa kanya.

Hating-gabi na sila natapos magkwentuhan ni Nessie pero hindi pa rin siya makatulog dahil hindi pa rin siya tinatawagan ni Sebastian, lalo pa at nangako ito sa kanya na tatawagan siya kapag nasa Maynila na siya. Sinipat niya ang cellphone pero walang missed call siyang natanggap, sinubukan niyang patayin ang cellphone sa pagbabakasaling hindi nakakatanggap ng message pero nang muli niyang buksan ay wala pa ring txt at tawag. Nag-aalala na siya lalo pa at kanina niya pa ito tinatawagan at tnitxt. Naisip niya tuloy ang sinabi ni Nessie pero pilit niyang inaalis sa isipan niya ang mga negatibong bagay. Hindi ganun si Sebastian dahil mahal siya nito at marunong ito tumupad sa usapan. Hanggang sa nakatulugan nalang niya ang paghihintay sa tawag nito.

"Tinawagan ka na ba ni Sebastian?" agad na tanong sa kanya ni Nessie kinaumagahan. Maitim na ang gilid ng mga mata niya dahil sa paghihintay sa tawag nito pero hanggang sumapit ang tanghalian wala pa ring tawag.

"Nag-aalala na ako, baka mayaya may masamang nangyari kay Sebastian." Malungkot niyang turan sa kaibigan.

"Masamang nangyari o nakalimot na talaga?" tanong nito sa kanya.

"May isang salita si Sebastian at alam ko rin na hindi niya ako kayang saktan. "buo ang loob niyang sagot.

"Kung ganun bakit hindi mo tawagan ang mga magulang mo?" Suhestiyon nito. Kanina niya pa nga gustong tawagan ang mga ito pero nagdadalawang-isip siya, ayaw niya kasing mag-isip ang mga magulang kung bakit hinahanap niya ang lalaki pero mapilit si Nessie at ito pa mismo ang nakipag-usap sa mga magulang niya.

"Kahapon pa daw umuwi ng Manila si Sebastian at ang bilin, dadaan daw dito sa parlor mamaya." Nakangiting kwento ni Nessie sa kanya kaya nakahinga siya ng maluwag.

HINDI na siya pumasok sa opisina ng araw na iyon. Naghanda nalang siya ng hapunan para sa kanila ni Sebastian pero mag-aalas onse na ng gabi wala pa rin ito hanggang umabot na nang isang linggo ang hindi nito pagpapakita sa kanya. Nang una nag-aalala na siya pero ng umabot nang tatlong araw mahigit malinaw na sa kanya ang lahat, na ang lahat sa kanila ay isa lang laro at ginawa siya nitong pampalipas oras. Walang gabing hindi siya umiiyak. Hindi niya matanggap ang ginawa sa kanya ng lalaki. Kung kailan totoo ang pagmamahal niya ngayon pa siya masasaktan. Tama si Nessie dapat hindi niya minahal si Sebastian at dapat nagtira din siya ng pagmamahal para sa sarili, hindi tulad ngayon na nahihirapan siyang tanggapin ang lahat.

"Kain na tayo." Yaya sa kanya ng kaibigan. Isang linggo na siyang nagmumukmuk sa loob ng silid, hindi rin siya makapasok dahil tiyak na hindi naman siya makakapagtrabaho ng maayos. Lumapit sa kanya ang kaibigan at hinagod ang likod niya kaya muli na naman siyang napaiyak. Kung wala ito tiyak na maging ang parlor nila ay mapapabayaan niya na rin.

"Alam kong mahirap mag-move on pero hindi pa katapusan ng lahat. Tuloy ang buhay natin, wag mong hayaan na masira ang buhay mo nang dahil sa kanya." Turan nito sa kanya.

"Pakiramdam ko durog na durog ako at kailanman hindi na mabubuo pa." umiiyak niya sagot.

"Yan ang nararadaman ng puso mo pero kaya mong kontrolin yan dahil ikaw ang nagdadala ng puso mo. Isasara ko ngayon ang parlor para naman makapag-unwind ka, lumabas kana sa lungga mo at sasamahan kita." Dagdag pa nito bago siya niyakap.

Kahit mabigat ang katawan pinilit niya pa rin ang sariling lumabas ng bahay. Nanibago pa siya sa ingay ng kalsada at mga taong nag-uusap na halos sumisigaw na. Nag window shopping sila Ni Nessie. Wala naman siyang pinamili, kaya pinagsawa niya nalang ang mga mata sa mga nakakasalubong nang mahagip ng mga mata niya ang isang bulto ng katawan na pamilyar na pamilyar sa kanya. Nagliwanag ang mukha niya ng makompirmang si Sebastian nga ang lalaki sa isang restaurant pero agad ding dumilim ang mukha niya ng makitang may kasama ang lalaki, sinusubuan nito ang babae habang nakayapos ang babae dito. Umakyat ang dugo niya sa ulo at agad itong sinugod. Pinagsasampal niya si Sebastian sa harapan ng babaing kasama nito at maging sa maraming tao. Hindi ito nakahuma sa ginawa niya. Wala siyang pakialam kung may maraming tao sa paligid nila, hindi niya mapigilang hindi umiyak habang sinasaktan niya ito. Pilit siya nitong pinipigilan pero hindi siya nagpaawat at ang ikinagalit niya higit na prinoprotektahan nito ang babaing kasama. Durog na durog ang puso niya ng mga oras na iyon, pakiramdam niya napakatanga niyang babae at walang kakampi dahil sa ginawa nito.

"Nagtiwala ako sayo pero ito pa ang iginanti mo? Para akong tangang naghihintay sa pagbalik mo pero andito kalang pala at nakikipaglandian sa babaing ito!" bulyaw niya pa dito bago hinablot ang buhok ng babaing kasama nito pero bago pa man dumantay ang kamay niya sa buhok ng babaing kasama nito ay mahigpit siyang hinawakan ni Sebastian sa braso para pigilan.

"Tumigil kana!" galit nitong bulyaw sa kanya kaya lalo siyang nagalit.

"Tumigil? Bakit nahihiya kang malaman ng babaing yan na dalawa kami sa buhay mo?" galit niyang tanong sa lalaki. Namumula na ang mukha nito dahil sa pananampal niya. Sa halip na sumagot ito ay kinaladkad siya nito palayo sa mga taong nakikiusyuso at palayo sa babaing kasama nito. Ayaw niya sanang sumunod dito pero higit na malakas ito sa kanya. "Bitiwan mo ako!" nagwawala niyang sigaw dito. Bumuntong-hininga muna ito bago siya pinakawalan.

"Hindi ka ba nahihiya sa ginagawa mo?" mahina ang boses na tanong nito sa kanya.

"Hindi ko kailangan mahiya dahil wala naman akong ginagawang masama! Wag mo akong itulad sayo na makapal ang mukha! Nagsisisi ako kung bakit binigyan kita ng pagkakataon na muling makalapit sa buhay ko!" duro niya sa mukha nito. "Hindi na sana kita minahal kung ganito lang naman ang igaganti mo sa akin, hinding-hindi kita mapapatawad!" umiiyak niyang bulyaw dito. Hindi niya alam kung niloloko lang ba siya ng paningin niya dahil nabasa niya sa mga mata nito ang sakit ng bawat salitang binibitawan niya.

"I'm sorry Mercilita. Maiintindihan ko kung muli mo akong kamuhian but this is over dahil ikakasal na ako kay Pinky." Sagot nito na ikinagimbal niya. Napaupo siya sa sahig at muling humagulhol ng iyak. Pilit siya nitong hinahawakan para itayo pero inaalis niya ang kamay nito.

"Mercy!" tawag sa kanya ni Nessie. Iniwan niya kasi ito kanina ng makita niya si Sebastian. Agad siya nitong dinaluhan kaya napayakap nalang siya dito. "Umalis kana!" sigaw ni Nessie kay Sebastian.

"Bahala kana sa kanya." Sagot ni Sebastian bago tuluyang umalis at muling binalikan ang babaing kasama. Napahagulhol siya ng malakas ng makaalis ang mga ito at hanggang makarating sila ng parlor ay wala pa ring patid ang pag-iyak niya. Mugto na ang mga mata niya sa ilang oras na pag-iyak.

"Gusto mo papuntahin natin ang Nanay mo? Hindi ko na kasi alam kung paano kita dadamayan at hindi ko rin alam kung paano ko maaalis ang sakit diyan sa puso mo." Turan sa kanya ni Nessie. Nakaagapay ito sa kanya hanggang sa makauwi sila.

"Hindi na kailangan. Ayokong mag-alala siya sa akin at alam ko rin na masasaktan lang sila kapag nalaman nila ang lahat ng ito." Sagot niyang humihikbi.

"Don't worry sis, karma strike thrice. Isipin mo nalang na hindi siya nararapat sayo." Payo pa nito.

"Hinding-hindi ko siya mapapatawad. Kung pwede ko nga lang siyang patayin gagawin ko talaga." Puno ng hinanakit niyang sagot.

"Wag naman ganyan, wag mong sasayangin ang buhay mo para lang sa isang taong walang kwenta."

"Tama ka. Wala siyang kwenta." Sagot niya bago pinahid ang mga luhang kanina pa walang patid ang pagpatak. Tumayo siya at tiningnan ang sarili sa salamin.

"Nagkakamali siya kung iisipin niyang maghahabol ako sa kanya at lalo't-lalong hindi ko ititigil ang buhay ko para lang sa kanya." Matapang niyang sagot. Pilit man siyang nagpapakatatag sa harapan ni Nessie pero sa kaloob-looban niya gusto niyang magwala. Hindi niya lubos maisip na magagawa sa kanya ni Sebastian ang lahat ng ito at kung paano siya nito napaniwala na silang dalawa pa rin at the end of the day. Siya lang pala ang tangang naniniwala sa forever. Paniwalang-paniwala siya sa bawat pangako ni Sebastian sa kanya, yun pala napagtripan na naman siya nito at sa huli ito na naman ang panalo ang kaibibahan nga lang ngayon ay kasali na ang puso niya. Maliwanag pa sa sikat ng araw na niloko lang siya nito dahil bakit siya nito aalukin ng kasal kung ikakasal na pala ito sa babaing yun? Mahigit isang buwan ding pinaglaruan ni Sebastian ang puso niya at kahit minsan hindi niya nahalata o naramdaman na lahat ng pinapakita nito ay walang saysay.

"Magbabayad ka sa sakit na ginawa mo sa akin Sebastian! Hinding-hindi kita mapapatawad. Sa susunod na magtagpo ang landas natin sisiguraduhin kong hindi na ako ang magiging talo. Nagawa mo mang paglaruan ang puso ko hindi naman nito makakalimutan ang sakit na dulot mo. You're my first heartache at ito na ang magiging huli na masasaktan mo pa ako." Matapang niyang pangako sa sarili.