Kanina pa siya handa para sunduin ni Sebastian pero wala pa rin ito, bago kasi siya umalis sa opisina nito sinabi nitong may seminar daw ito sa Baguio at kailangan niyang sumama. Gustuhin niya mang magtanong kung bakit kailangan kasama siya, hindi niya nalang siya nag-usisa pa. Tulad nga ng sinabi nito trabaho lang ang lahat sa kanila at kailangan niyang sumunod.
"Ayan tayo, baka mamaya magwala kana naman niyan." Puna sa kanya ni Nessie habang inaayusan siya ng buhok. Kanina pa kasi siya nakatulala sa kawalan.
Napaarko ang kilay niya at tiningnan ito mula sa salamin. "Anong ibig mong basahin?"
"Wag ka ng magkunwari pa dahil alam mo kung ano ang sinasabi ko. Wag kang masyadong magpadala sa Sebastian na yan, baka nakakalimutan mo na ang lahat ng ito ay pagpapanggap lang. May asawa na si Sebastian at kung hahayaan mo ang puso mo na mahalin siya, kabit ka pa rin!" paalala nito sa kanya.
"Alam ko naman yun kaya wag kang mag-alala dahil simula nang saktan niya ako, nadala na ako. Hindi na ako nagpapadalos-dalos ." sagot niya. Sabay pa silang napalingon ng may nagbusina sa labas ng parlor.
" Makalingon wagas!" nanlalaki ang matang tukso nito sa kanya.
"Nagulat lang ako." Depensa niya bago tumayo at kinuha ang may katamtamang laki ng bag. Hindi man lang nag-abala si Sebastian na bumaba at kunin ang mga dala niya. "Ungentleman!"
"Bakit ngayon ka lang?" agad niyang tanong dito ng makasakay sa kotse. Hindi man lang ito bumaba para pagbuksan siya ng pinto.
"Dumaan lang ako kay Pinky." Walang buhay na sagot nito sa kanya.
"Alam ba ang asawa mo na ako ang kasama mo ngayon?" usisa niya pero may parte sa puso niya ang nasaktan dahil sa sinabi nito.
"Alam niya." Seryosong sagot nito.
"Napakaunderstanding naman niya." Puri niya pa. "Bakit ba kasi kailangan sumama ako sayo? Bakit hindi nalang ang asawa mo ang niyaya mo? Mamaya matsismis ka pa." reklamo niya pero hindi ito kumibo. Muling namagitan ang katahimikan sa kanilang dalawa, inaantok na nga siya sa sobrang katahimikan. Akmang ipipikit niya na ang mga mata ng bigla nalang itong nagsalita.
"Kumusta ka ng wala na ako?" tanong nito sa kanya. Napalingon siya dito dahil sa tanong nito. Nanatiling nakatingin ang mga mata nito sa daan.
"Kahit mahirap, nanatili akong matatag. Inisip ko nalang na isa kang magandang memories na kahit kailan hindi na pwedeng ibalik pa." sagot niya. Kung anuman ang tumatakbo sa isip nito iyon ang hindi niya alam.
"Sana ang natatandaan mo ay ang masasayang araw na magkasama tayo." Sagot nito kanya.
"Ang totoo, lahat ng yun ay nakalimutan ko na, dahil alam ko na ang mga alaalang yon ang magbabalik ng sakit sa puso ko at ayoko ng manyari pa iyon. Hindi na ako mahinang babae ngayon, na konting lambing lang ay bibigay na." pauyam niyang pahayag. Kanina pa niya pinipigilan ang sariling wag umiyak. Gusto niya kasing ipakita dito na matatag na siya ngayon. Nagulat pa siya ng bigla nitong ginagap ang kaliwang kamay niya at hinawakan ng mahigpit. Hindi siya nakahuma sa ginawa nito, hindi niya rin malaman ang gagawin ng mga oras na iyon basta isa lang ang nararamdaman niya ang mabilis na pagtibok ng puso niya.
Hanggang sa makarating sila ng hotel na tutuluyan nila ay nanatiling nakahawak ito sa kamay niya. Kung hindi pa sila bababa hindi pa nito pakakawalan ang kamay niya.
Si Sebastian lang ang nag-iisang lalaki na nagpapawala sa katinuan niya. Hindi siya nakakapag-isip ng matino kapag ito ang kasama niya at sa tingin niya anumang oras bibigay siya dito at muling magpapahayag ng nararamdaman.
"Pano ba yan iisang kwarto nalang daw ang available?" tanong nito sa kanya.
"Ano? AKala ko ba nakapagpareserve kana?" naguguluhan niyang tanong, isa lang kasi ang ibig sabihin nito na muli na naman silang matutulog sa iisang silid. Sariwa pa sa isipan niya ang nakaraan nila na magkasama din sila sa iisang silid at doon nga may nangyari sa kanila.
"Marami kasing umaakyat na turista ngayon dahil summer kaya nagkakaubusan ng kwarto." Sagot nito. Kung hindi niya lang alam na trabaho lang ang lahat ng ito iisipin niya talagang nakaplano ang lahat ng ito.
"Nasaan na pala ang kameeting mo?" usisa niya habang palinga-linga sa paligid.
"Kahapon pa sila nandito, mamayang gabi pa naman ang seminar namin." Sagot nito bago naglakad papuntang elevator para hanapin ang silid na tutuluyan nila. Tahimik siyang nakasunod dito, kung anu-ano na kasi ang pumapasok sa isip niya.
Atubili siyang pumasok sa loob ng silid nang buksan nito ang tutuluyan nila. Maluwang ang naturang silid, may mamahaling gamit sa bawat sulok. Napalunok siya ng makita ang iisang kama sa gitna na silid. Pakiramdam niya nakikita niya ang sarili sa kama habang kayakap ang hubad na katawan ni Sebastian.
"Mercilita?" untag sa kanya ng lalaki kaya bigla siyang natauhan, airconditioned naman ang buong hotel pero pinagpapawisan siya ng malagkit. Nagulat pa siya ng hawakan siya nito siko upang alalayan sa loob ng silid.
"Kaya ko." tutol niya bago nilayo ang kamay nito sa siko niya.
"Maliligo lang ako." Paalam nito sa kanya pero pinipigilan niya ito.
"Dito sa iisang kama tayo matutulog?" nangangatal ang boses na tanong niya sa lalaki.
"May nakikita ka bang ibang kama?" pauyam nitong tanong sa kanya.
"Wala, pero pwede naman akong sa sahig matulog at ikaw nalang sa kama." Alok niya pero hindi ito sumagot at agad na pumasok sa loob ng banyo. Naiwan siyang hindi mapalagay, napaupo siya sa kama dahil kanina pa nanghihina ang mga tuhod niya. Ngayon niya lang naramdaman ang lamig ng kapaligiran. Napayakap siya sa sarili.
"Bakit ba kasi ako minumulto ng nakaraan?" bulong niya sa sarili. Hindi niya malaman ang gagawin habang hinihintay matapos maligo si Sebastian.
"Maliligo ka?" tanong nito sa kanya. Nagulat pa siya sa bigla nitong pagsulpot.
"Hindi na, nilalamig ako." Sagot niya ditong mailap ang mata.
"Okay, so ano handa ka ng mamasyal?" usisa pa nito sa kanya na ikinagulat niya.
"Hindi ba trabaho ang dahilan kung bakit tayo nandito?" nagtataka niyang tanong habang pinagmamasdan niya itong nag-aayos sa sarili. Naamoy niya na naman ang mabini nitong amoy na nagpapawindang sa puso niya.
"Wala naman sigurong masama kung mamasyal tayo diba?"
"Tama ka walang masama, mabuti ngang makapagpamasyal tayo para naman makalimutan natin ang problema." Sagot niyang napakibit balikat.
Hindi na siya nagpalit ng damit at muli silang lumabas ng hotel. May mangilan-ngilang namamasyal, habang ang iba ay nasa gimikan. Karamihan sa namamasyal ay magnobyo at magnobya. Hindi niya maiwasang hindi mainggit sa mga ito dahil isa ang Baguio sa pinakaromantic na lugar para sa kanya at sa totoo lang first time niyang pumunta sa Baguio, kaya hindi siya nag-inarte ng yayain siya nitong sumama. Sa isang seafoods restaurant sila kumain. Sugpo at alimango ang inorder nito para sa kanila. Naging casual lang ang pag-uusap nilang dalawa at parang walangg nakaraan na namagitan sa pagitang nila. Pinaghimay siya nito ng sugpo bago nilagay sa pinggan niya, tinanggap niya iyon at maganang kumain.
"Ang sarap ng pagkain no?" Hindi niya mapigilang bigkas dito habang sinisipsip ang natitirang mango juice.
"Naubos mo nga ang sugpo eh." Biro nito sa kanya. Muli na naman niyang nasilayan ang mga ngiti nito kaya napangiti na rin siya.
"Mabuti nalang pala at sumama ako sayo." Bukal sa loob niyang turan.
"Bakit naman?"
"Syempre, iisipin mo yun libre na akong nakarating dito, nakakain pa ako ng sugpo na talaga namang paborito ko."masaya niyang pahayag.
"Masaya ako dahil napasaya kita." Turan nito sa kanya aya muli siyang natigilan.
"Hindi ako masaya na kasama kita, masaya ako dahil nakarating ako ng Baguio." Pagtatama niya sa sinabi nito.
"Pero kung hindi dahil sa akin hindi ka magiging masaya."
"In your dream mister. Wag kang masyadong assuming!" irap niya dito.
"I miss you." Turan nito sa kanya na lalong ikinagulat niya. Totoo ba ang narinig niya o baka mamaya nananaginip na naman siya.
"Ano?"
"I really miss you Honey." Ulit nito sa kanya. Muli na namang nagwala ng puso niya dahil sa sinabi nito. Gusto niyang maniwala sa sinasabi nito pero takot ang namayani sa puso niya. Natatakot siya na baka pinaniniwala na naman siya nito, pagkatapos ay sasaktan sa huli.
"Malinaw sayo kung bakit ako nandito sa tabi mo Sebastian. Trabaho lang ang lahat ng ito." Prangka niya dito.. Lumapit ito sa tabi niya at hinapit ang bewang niya. Hindi siya makagalaw sa kinauupuan at hinayaan niya lang ito sa ginagawa. Alam niya na ang ginagawa ng lalaki, papaibigin siya at sa huli iiyak na naman siya but not this time dahil sasakyan niya ang trip nito. Nanatili itong nakayakap sa kanya, dama niya ang init ng katawan nito at hininga sa leeg niya. God knows kung gaano niya pinanabikan ang mga yakap nito pero nagtimpi pa rin siya at hinayaan lang ito sa ginagawa. Nilalaro laro nito ang mga hibla ng buhok niya pero deadma pa rin siya.
"I miss the way you felt for me. Namiss ko ang mga minuto na niyayakap mo ako at hinahalikan. Gusto kong balikan ang nakaraan, Mercilita." Bulong nito sa kanya.
"Ang nakaraan ay hindi na pwedeng balikan, dahil ang sugat kailanman ay hindi naghihilom." Mahina niyang sagot.
"Alam kong hindi na maibabalik ang panahon na nawala, pero kaya kong bumawi at pawiin ang sakit na naramdaman mo." Turan pa nito na ikinainis niya, kumawala siya sa mahigpit nitong yakap at hinarap niya ito.
"Tama na Sebastian! Hindi bato ang puso ko para paulit-ulit mong paglaruan at muling paniwalain sa kung anu-anong matamis na salita! Sana man lang maisip mo na nasasaktan mo ako!"madiin ang salitang turan niya. "Nandito ako para sa trabaho ko sayo, dahil iyon ang gusto mo, pero hindi kasali ang puso ko, kaya nagkakamali ka kung iniisip mo na mauuto mo pa rin ako dahil dalang-dala na ako sayo!" bulyaw niya dito bago niya ito tinalikuran. Alam niyang nakasunod lang ito sa kanya kaya binilisan niya ang pagtakbo makalayo lang dito kahit saglit lang.
Dinala siya ng mga paa sa isang night bar, maingay at puno ng mga tao. Agad siyang naghanap ng bakanteng mesa at agad na umorder ng inumin. Mabuti nalang at hindi niya nakalimutang dalhin ang wallet niya kaninang umalis siya. Tinungga niya agad ang beer na binigay sa kanya ng waitress.Muntikan niya pang maibuga ang unang lagok niya ng beer dahil sa pait na gumuhit sa kanyang lalamunan. Hindi niya mapigilang hindi maiyak sa sitwasyon nakasadlakan. Magpapalipas muna siya ng sama nang loob bago bumalik sa loob ng hotel, gusto niyang makalimutan muna si Sebastian kahit saglit lang.
"Sino ka para paglaruan ang damdamin ko? Wala kang karapatan! Kaya, kahit mahal pa kita hindi ko na hahayaan pang matalo at muling masaktan! Pagkatapos mong makuha ang lahat sa akin iniwan mo nalang ako na parang walang nangyari! Wala kang isang salita Sebastian! Sana hindi nalang kita minahal at sana sa iba ko nalang inukol ang pagmamahal ko!" pagkakausap niya sa sarili habang mag-isang naglalakad sa madilim na daan. Hindi niya na nabilang kung nakailang beer siya kanina dahil tungga ang ginawa niya sa bawat beer na masayaran ng kamay niya. Sa sobrang kalasingan hindi niya na matandaan kung saan ang daan pauwi ng hotel. Wala na rin sa tamang direksyon ang lakad niya sa tindi ng kalasingan. Hanggang sa mawalan nalang siya ng malay sa kalsada.
NARAMDAMAN niyang may nagtatanggal ng mga damit niya bago siya tuluyang nawalan ng malay.
"S—ebastian, mahal ko!" ungol niya. Naramdaman niya ang mainit na halik sa mga labi niya bago siya tuluyang nakatulog ng mahimbing.
SAPO ang ulo ng magising siya kinaumagahan, hindi niya magawang idilat ang mga mata kaya napaungol nalang siya, nagulat pa siya ng biglang masagi ng paa niya ang isang bulto ng katawan. May katabi siya sa kama habang nakayakap sa bewang niya ang mga kamay nito. Biglang pumasok sa isip niya ang nangyari kagabi at ang paglalasing na nangyari pero kahit hindi niya imulat ang mga mata alam ng puso niya ang amoy ng lalaking katabi, lalo na ang higpit ng yakap nito pero pinilit niya pa rin idinilat ang mga mata at tama nga siya, si Sebastian nga ang katabi niya pero ang mas nakakagimbal ay wala siyang suot na saplot maliban sa panty niya, at maging bra ay wala siyang suot. Napatutop siya sa labi. Himbing pa rin sa tabi niya si Sebastian.
"Ano na naman ang katangahang ginawa mo Mercilita?" galit niyang tanong sa sarili. Dahan-dahan niyang inalis ang mga kamay nito na nakayakap sa bewang niya pero nagising ito. Pinamulahan siya ng mukha nang makita ang pilyo nitong ngiti.
"What?" nakataas ang kilay na tanong niya. Binalot niya ng maayos ang sarili sa puting kumot. "Bakit wala akong damit?" naguguluhan niyang tanong.
"Nakalimutan mo ba ang nangyari kagabi?"tanong nito sa kanya bago umupo at tinitigan siya. Sa tingin niya wala rin itong suot na saplot dahil bakat sa kumot at pagkalalaki nito.
"Magtatanong ba ako kung matatandaan ko." Naiinis niyang sagot.
"Pinilit mo ako kagabe."sagot nito na ikinagimbal niya.
"Paanong mangyayari yun eh lasing na lasing nga ako" Naguguluhan niyang tanong.
"Kung lasing ka bakit ka nakauwi dito?"
"Ang alam ko lasing ako at hindi ako nakauwi dito kagabi." Sagot niya dito habang inaalala ang nangyari kagabi.
"Pag-uwi mo kagabi you kissed me at sinabi mong mahal mo ako hanggang sa may nangyari nga sa atin."paliwanag pa nito sa kanya.
"Hindi ko gagawin yun!" kaila niya pa.
"Pero ginawa mo na." natatawa nitong pahayag.
"Pinagsamantalahan mo ang kalasingan ko!" umiiyak niyang sagot.
"Tumutol ako pero ikaw ang may gusto ng lahat ng ito." Dipensa pa nito kaya hinampas niya ito ng kamay, panay naman ang ilag nito sa ginawa niyang paghampas hanggang sa ikulong siya nito sa mga bisig nito.
"Wala kang dapat na ikagalit dahil hindi totoo ang sinabi ko. Walang nangyari sa atin because I respect you, hindi ko pagsasamantalahan ang kahinaan mo sa ganitong paraan." Bulong nito sa kanya kaya nakahinga siya ng maluwag. Muntikan niya ng isumpa ang sarili kung totoo nga na may nangyari sa kanilang dalawa. "Mabuti nalang at nakita kita sa daan bago ka nawalan ng malay. Nasuyod ko na yata ang buong Baguio sa paghahanap sayo pero sa kalsada lang pala kita makikita. Hindi ako nakaattend ng seminar dahil nag-aalala ako sayo." Kwento pa nito.
Kumalas siya sa pagkakayakap dito at muling ibinalot ang kumot sa sariling katawan. "Kung walang nangyari sa atin bakit wala akong damit?" tanong niya pa.
"Nagsuka ka kagabi kaya inalis ko ang damit mong may suka."
"Eh bakit pati ang bra inalis mo?"
"Nasukahan mo rin."
"Bastos, gusto mo lang sigurong makita." Turan niya dito bago niya ito inirapan. Pinamumulahan siya ng mukha kapag naiisip niyang pinagsawa nito ang mga mata sa dibdib niya. Sa isang iglap biglang bumalik na naman ito sa dati, bumabalik na naman ang lalaking minahal niya. Sa bawat halik at yakap nito sa kanya ay nararamdaman niya ang pagmamahal nito at maging sa mga salita nito ay tumatagos sa puso niya.