Chereads / BE MINE AGAIN / Chapter 9 - CHAPTER NINE

Chapter 9 - CHAPTER NINE

Tulad nga ng sinabi ng Nanay niya, agaw atensiyon siya sa maraming tao ng pumasok sila sa bahay ng gobernor. Lahat ng mata ay nakatingin sa kanya at punong-puno ng paghanga. Nakahawak siya sa braso ni Lance, samantalang nakahawak naman ito sa bewang niya. Namumula ang mukha niya sa mga titig ng mga lalaki sa kanya nang biglang mahagip ng mga mata niya ang pamilyar na mata. Si Sebastian. Galit ang nababasa niya sa mga mata nito kaya hindi niya magawang titigan ito ng matagal kaya napahawak siya ng mahigpit sa braso ni Lance.

"Its okay." Nakangiting bulong sa kanya ni Lance, bahagya pa itong yumuko para bumulong kaya halos maglapat na ang mga pisngi nila. Muli niyang tiningnan si Sebastian pero wala na ito sa dati nitong pwesto. Nagpalinga-linga siya pero hindi ito mahanap ng mga mata niya.

Dinala siya ni Lance sa mesa ng mga kaibigan nito. Mababait naman ang mga kaibigan nito kaya Nakikisali na rin siya sa usapan.

"Sayaw tayo?" yaya sa kanya ni Lance kaya hindi na siya nagdalawang isip na paunlakan ito. Pumailanlang ang magandang awitin. Nakahawak siya sa leeg nito at ito naman ay nakahawak sa bewang niya. Kapwa sila umiindak sa saliw ng musika hanggang sa matapos ang tugtugin.

"Pupunta lang ako ng cr."paalam niya kay Lance.

"Gusto mong ihatid na kita?"

"No, need. I can manage." Sagot niya. Tinuro nito sa kanya ang cr kaya agad siyang tumalima. Ang totoo kasi hindi naman siya nababanyo, gusto niya lang makahinga ng maluwag dahil kanina pa tumitibok ng malakas ang puso niya, simula ng makita niya si Sebastian. Muntikan pa siyang mabuwal ng bigla siyang bumangga, mabuti nalang at naging maagap ang nakabangga niya. Nahapit siya nito sa bewang kaya nabuwal siya sa dibdib nito.

"Sebastian?"nabigla niyang turan. Nabigla pa siya ng bigla nitong hinila ang kamay niya palayo sa mga tao. Dinala siya nito sa likod ng bahay . "Bakit ba?" naiinis niyang tanong dito, pilit siyang kumakawala sa mahigipit nitong pagkakahawak sa kanya.

"Nakikita mo ba ang sarili mo?" bulyaw nito sa kanya na ikinagulat niya. Muntikan pa siyang matumba ng bigla siya nitong binitiwan.

"Bakit, bulag ba ako para hindi ko makita ang sarili ko?" naiinis niyang sagot.

"Wag kang pilosopo, alam mo kung ano ang tinutukoy ko!" turan pa nito sa kanya. Ngayon niya lang ito nakitang magalit at lahat ng ugat nito sa leeg ay naglabasan na sa hindi niya malamang dahilan.

"Sa hindi ko nga alam kung bakit ka ganyan eh!" naguguluhan niyang sagot.

"Kaya ba gusto mo ng lumayo sakin dahil kay Lance? Siya ba ang dahilan kung bakit kana pagod? Siya ba ha?" galit na galit nitong tanong sa kanya.

"Ano ba ang pakialam mo sa buhay ko ha? Unang-una matagal na tayong wala, kaya wala kang karapatan para magsabihan ako sa dapat kung gawin at lalong wala kang karapatan para diktahan ako kung sino ang pwede kong samahan!" bulyaw niya rin dito.

"Hindi mo kilala si Lance, sasaktan ka lang niya." Sagot nito sa mababang boses.

"Bakit ikaw ba hindi mo ako sinaktan? Isa pa Sebastian malaki na ako, kaya ko ng dalhin ang sarili ko, without you!" pauyam niyang sagot. Magsasalita pa sana siya ng bigla siya nitong kinabig sa ulo at marahas na hinalikan sa labi.

"Yan ba ang gusto mo ha? Ang bastusin ng lalaking yon?" pang-iinsulto nito sa kanya, kaya hindi niya napigilan ang sarili at bigla niya itong sinampal ng malakas.

"Unang –una wala kang karapatan para pagsabihan ako sa dapat kung gawin. Wala kana sa buhay ko Sebastian, so please leave me alone!" duro niya dito bago niya ito tinalikuran. Pigil niyang wag pumatak ang mga luha habang binabaybay ang pasilyo papunta sa loob ng mansiyon. Agad niyang niyakap si Lance nang makasulubong niya ito.

"What's wrong?" nagtataka nitong tanong sa kanya.

"Nandito siya." Umiiyak niyang sumbong. "Umuwi na tayo Lance, gusto ko ng pagpahinga."

"Okay, ihahatid na kita. Magpapaalam lang ako kay Tito." Turan nito sa kanya. Saglit itong nagpaalam sa kanya para magpaalam sa ilang kaibigan kaya minabuti niya nalang na sa labas ito hintayin. Hindi pa man siya nakakatagal sa paghihintay dito nang bigla nalang may humintong sasakyan sa tapat niya at agad siyang pinapasok sa loob ng kotse, hindi niya magawang manlaban dahil sa panyong nilagay sa bibig niya at agad siyang nawalan ng malay.

KANINA pa si Sebastian sa bahay nina Mercilita pero wala pa rin ito, sinubukan niyang bumalik sa party at nadatnan niya doon si Lance pero wala ang babae sa tabi nito. Sa galit niya kasi kagabi dahil sa nakitang kasama nito si Lance ay agad siyang umalis. Dumiretso siya sa bahay ng mga ito at nagpaliwanag siya sa mga magulang ni Mercilita. Alam niyang naniniwala ang mga ito sa kanya, maghahating-gabi na silang naghihintay dito pero wala pa rin ito, kaya minabuti niyang bumalik sa party. Halos nag-uwian na ang mga bisita pero nakita niya si Lance sa isang sulok, mag-isa itong umiinom ng alak. Kulang nalang sugurin niya ito ng suntok sa selos na nadarama. Kilala niya ito, barkada kasi ito ng isa niyang kaibigan at ayon sa mga kaibigan niya illegal ang trabaho nito at hindi lang yun dahil ayon pa sa mga kwento, mamamatay tao rin daw ito. Unang tingin niya palang dito alam niyang may masama itong binabalak kay Mercilita at hindi niya iyon hahayaang mangyari.

"Si Mercilita?" agad niyang tanong dito. Nagulatpa ito sa bigla niyang pagsulpot.

"Bakit sa akin mo siya hinahanap? Hindi ba ikaw daw ang kasama niya kanina at isa pa nakikita mo naman siguro na wala siya dito diba?" mayabang nitong sagot sa kanya.

"Wala sa kanila si Mercilita at alam ko na ikaw ang may hawak sa kanya!" pagbibintang niya dito.

"Ano ang kinalaman ko kung wala sa kanila si Mercilita? Wag mo akong pagbibintangan dahil sa ating dalawa, ikaw ang may kakayahang gawin yun. May nakakita sayo na kinaladkad mo siya sa likod ng bahay, tapos ngayon hahanapin mo siya sa akin? Naglolokohan ba tayo?"

"Kilala kita Lance, alam ko ang kaya mong gawin but spare Mercilita kung ayaw mong lumabas lahat ng baho mo! Mahal ko si Mercilita kaya hindi ako gagawa ng isang bagay na ikakapahamak niya." Duro niya dito.

"Kaya pala pinagpalit ka niya agad." Pauyam nitong turan sa kanya kaya agad niya itong inundayan ng suntok, agad itong natumba dahil sa hindi inaasahang suntok na gagawin niya.

"Asshole!!" turan niya bago tuluyang umalis.

LITONG-lito siya habang paikot-ikot sa lugar nila. Tinawagan niya ang mga magulang nito pero ayon sa mga ito wala daw doon si Mercilita. Kung kani-kanino na sila nagtanong kung may nakakita dito pero walang ibang may alam kung nasaan ito pumunta. Kilala niya si Mercilita, hindi nito ugaling bigyan ng alalahanin ang mga magulang at kung sakali man aalis ito, nagpapaalam ito. Panay lang ang ring ng cellphone nito kapag tinatawagan niya kaya naman alalang-alala na siya. Hindi niya mapapatawad ang sarili kapag may mangyaring masama dito.

Magdamag siyang naghanap sa babae pero kahit anino nito ay hindi niya makita. Hindi pa nila magawang magreport sa mga pulis dahil wala pa namang twenty four hours itong nawawala. Wala ring tigil sa pag-iyak ang nanay nito sa labis na pag-aalala.

Kahit pagod at puyat hindi pa rin siya sumukong hanapin ito. Hanggang sa maisipan niyang sundan si Lance. Tamang-tama na palabas na ito ng bahay sakay sa sarili nitong kotse. Mula sa malayo sinundan niya ito, hindi siya nagpahalata dito dahil alam niyang matinik ito. Masukal ang binabaybay nitong daanan kaya napilitan siya bumaba ng sasakyan at hininto ang pagsunod dito baka mahalata na nitong may nakasunod pero hindi pa rin siya tumigil, malakas ang kutob niyang hawak ni Lance si Mercilita. Patakbo niya itong sinundan at kahit pa talahiban ang dinaanan niya hindi niya alintana iyon. Kailangan niyang masundan ito dahil habang tumatagal lalong nasa panganib ang buhay ni Mercilita. Hindi dapat makalayo sa kanya ang sasakyan nito at kailangan niyang malaman kung saan ito pupunta. Hindi pa naman siya nakakalayo sa pagtakbo ng marinig niya ang paghinto ng makina ng sasakyan nito. Kitang-kita niyang sinalubong si Lance ng mga armadong lalaki, kaya lalong lumakas ang kutob niya na hawak nito si Mercilita pero kailangan niyang makita na hawak ng mga ito ang babae bago siya humingi ng tulong. Dahan-dahan siyang lumabas mula sa pagkakakubli at dumaan siya sa likuran. May kalakihan ang bahay na bato pero halatang luma na at abandonado. Mula sa maliit na butas kitang-kitang niya ang walang malay na si Mercilita, nakahiga ito sa maliit na mesa. Napatiim baga siya nang mapansin niya ang dugo sa gilid ng bibig nito, tanda lamang iyon na pinagbuhatan ito ng kamay. Gusto niyang magwala mula sa pinagtataguan para makaganti pero hindi pwede, kinapa niya ang cellphone sa bulsa at humingi ng saklolo.

MASAKIT ang buong katawan niya ng magising siya at nasa loob siya ng hospital. Naramdaman niya rin ang pamamaga ng mga labi. Naalala niya pa ng bigla siyang sinampal ng lalaking kumuha sa kanya ng magising siya. Nanlaban kasi siya kaya siya sinaktan at kung ano ang dahilan ng lalaking nandukot sa kanya iyon ang hindi niya alam. Wala naman siyang pera para maging biktima ng kidnapped for ransom pero rape victim baka pa. Pinilit niyang umupo pero may natabig ang mga paa niya. Nagulat pa siya ng mag-angat ito ng ulo. Agad itong lumapit sa kanya.

"Kumusta ang pakiramdam mo?" tanong nito sa kanya. Agad nitong ginagap ang kamay niya.

"Paano ako napunta dito?" naguguluhan niyang tanong dito.

"Si Lance ang nagpadukot sayo, mabuti nalang at sinundan ko siya kaya kita nakita." Sagot nito na ikinagulat niya.

"Pero bakit niya gagawin yun sa akin?" naguguluhan niyang tanong.

"Tulad nga ng sinabi ko, masamang tao si Lance at gawain niyang dukutin ang babaing natitipuhan niya kaya ka niya pinadukot."

"Nasaan na siya ngayon?" galit niyang tanong sa lalaki.

"Nakakulong na siya, hindi lang kasi ikaw ang naging biktima niya. Patong-patong ang kasong isinampa sa kanya kaya tinitiyak ko sayo na hindi na siya makakalaya pa. Hindi ko mapapatawad ang sarili ko kung may masamang mangyayari sayo Mercilita. Mahal pa rin kita hanggang ngayon at kahit minsan hindi nagbago ang pagmamahal ko sayo." Amin nito sa kanya.

"Kahit mahal pa rin kita Sebastian hindi na pwede. Ayoko ng masaktan at lalong ayoko ng umaasa pa. Walang nagbago sa pagmamahal ko sayo, noon at ngayon ikaw pa rin ang nag-iisang lalaking minamahal ko pero hanggang kailan? May asawa ka na. Kahit saang anggulo mo tingnan mali ang mahalin pa rin kita." Humihikbi niyang sagot dito.

Ginagap nito ang kamay niya at hinagkan yon. "Walang mali sa pagmamahalan natin. Patawad kung sinaktan man kita noon at higit na pinili si Pinky. Mahal kita pero kailangan ako ni Pinky dahil may sakit siya, hindi ko matanggihan ang pakiusap ng pamilya niya na pakasalan siya dahil alam ko na iyon lang tanging dahilan para mapasaya siya at namatay siya sa araw ng kasal namin. Patawad kong pinili kong masaktan ka." Umiiyak nitong paliwanag sa kanya kaya hindi niya rin mapigilang umiyak.

"Totoo ba ang lahat ng yan? Baka mamaya pinagtritripan mo na naman ako?" tanong niya dito bago niya ito iningusan. Kahit yata pinagtritripan na naman siya nito maniniwala na naman dahil iyon ang gusto ng puso niya, ang muli itong makasama. Hindi niya rin mapigilang hindi malungkot sa naging asawa nito.

"Wala akong dahilan para magsinungaling." Pagsusumamo nito.

"Pero bakit mo pa pinatagal? Dapat noon mo pa sinabi sakin ang lahat, para hindi na tayo nasaktan pa." naguguluhan niyang tanong.

"Kapag kasi sinasabi ko na mahal pa rin kita hindi ka naniniwala at iniisip mo na biro lang ang lahat ng ito at parte lang ng pagiging nobya mo. Kung alam mo lang na labis akong nasasaktan kapag binabara mo ako at kapag sinasabi mo na nagsisisi ka na minahal mo ako. Naghintay ako ng matagal na panahon para muli kang makasama at ilang beses ko rin sinubukang aminin sayo ang lahat pero natatakot ako sa maaari mong isagot."

"Kung alam mo lang ang sakit na nararamdaman ko kapag sinasabi kong hindi na kita mahal at kapag tinitiis kong wag kang yakapin. Natatakot man ako sa maaaring mangyari sa ngayon pero kung kinakailangan kong muling sumugal makasama ka lang gagawin ko, Sebastian." Amin niya sa nararamdaman.

"Kung susugal ka man sa ngayon ipinapangako kong hindi kana masasaktan pa at habang nabubuhay ako , papatunayan ko sayo ang totoo kong pagmamahal. Lumipas man ang panahon pero hindi ang pamamahal ko dahil sa puso ko, nag-iisa ka lang." madamdamin nitong pahayag sa kanya kaya muli na naman siyang napaiyak. Kusa siyang yumuko para mayakap ito. Kapwa sila nag-iiyakan.

"I'm sorry kung may mga nasabi akong hindi maganda sayo. Im sorry kung naramdaman mo na hindi na kita mahal." Bulong niya dito.

"Wala kang kasalanan dahil ako ang may kasalanan sayo. Marami akong sinayang na panahon at oras pero hindi na iyon mangyayari pa dahil sisiguraduhin kong alam mo ang bawat gagawin kong desisyon. I miss your smile, your voice and your laugh honey." Malambing nitong sagot sa kanya.

"Ako rin ay ganun din, pinananabikan kong makisalayan ang mga ngiti mo lalo na ang pagmamahal mo." Turan niya, tumayo ito at kinabig ang ulo niya palapit dito, puno ng pagmamahal siya nitong hinagkan sa mga labi niya. Napayakap siya sa leeg nito habang dinadama ang init ng halik nito. Sabik ang puso niyang tinutugon ang mga halik nito.

"I love you Sebastian." Bulong niya dito.

"Ilang beses kung pinanabikan ang mga katagang yan at ngayong narinig ko na, muling nabuo ang pagkatao ko. I love you too Mercilita and I'm glad dahil mahal mo rin ako. Hindi ka magsisisi sa pagmamahal na inukol mo sa akin."

"That's because I just can't stop loving you at kahit pa pigilan ko ang puso kong wag kang mahalin tila may sarili itong isip at tanging pangalan mo lang ang isinisigaw. Walang ibang pwedeng kumuha ng puso ko maliban sayo, Sebastian." Nakangiti niyang sagot.

"Maiba ako what about Lance? Do you like him?"

"Malabong mangyari yon! Dahil kahit anong gawin niya malayo siya sayo at hindi niya mapapantayan ang pagmamahal na binuo mo dito sa puso ko." Sagot niya habang tinuturo ang dibdib. Muli siya nitong kinantilan ng mabilis na halik sa mga labi.

Dream come true ang muli nilang pagbabalikan. Sino ba naman kasi ang maniniwala na may forever pa palang naghihintay sa dalawang taong minsan ng nagkalayo. Tanggap niya na noon na kahit anong gawin niya, hindi na magiging kanya si Sebastian pero maling-mali siya dahil ngayon na ang simula ng pagmamahalan nila. Pagmamahalan na wala ng makakasira pa.

Wala na siyang mahihiling pa ngayong kasama niya na ito at muli silang nagkaayos, panatag na ang puso niya na kahit kailan ay hindi na ito mawawala pa at hindi siya natatakot na muling magtiwala dito dahil alam niyang this time sila na talaga at wala ng magpapahiwalay sa kanila. Humilig siya sa balikat ni Sebastian bago tuluyang natulog. Ngayon lang siya ulit nakatulog na may ngiti sa mga labi.