Chereads / BE MINE AGAIN / Chapter 10 - CHAPTER TEN

Chapter 10 - CHAPTER TEN

May mga araw na hindi pa rin siya naniniwala na muli silang magmamahalan pero totoo ang lahat, mahal pa rin siya ni Sebastian at handa nitong ibigay ang pangalan nito para sa kanya. Pagkatapos ng pagkidnap sa kanya ni Lance hindi na siya hinahayaan ni Sebastian mag-isa. Kahit saan siya magpunta kasama niya ito na talaga naman higit na nagpapasaya sa kanya.

"Saan tayo pupunta?" usisa niya dito. Nakasakay siya motor nito ng mga oras na iyon.

"Sa paraiso." Nakabungisngis nitong sagot sa kanya kaya pinagkukurot niya ito sa tagiliran.

"Pilosopo."

"Mainipin ka kasi." Sagot nito sa kanya kaya tumahimik nalang siya.

Hindi niya inasahan na sa bahay na pinapagawa nito siya dadalhin. This time wala ng nakapaskel na for sale, masasabi niyang tapos na tapos na ang naturang bahay dahil sa pagkakaayos non. Kung dati foreman ang nagpapasok sa kanya ngayon ay guard na. Nakangiti silang binati ng guard.

"Halika na." yaya sa kanya ni Sebastian dahil atubili pa rin siyang pumasok. Last time kasi na pumasok siya sa bahay na ito ay umiyak siya.

"Bahay mo ito kaya wag kang mahiya." Biro nito sa kanya.

"Akala ko for sale na ito." Nagtataka niyang tanong habang akay nito.

"Noon, akala ko kasi ayaw mo na talaga sa akin at isa pa malulungkot lang ako kapag tumira ako dito kung hindi naman ikaw ang kasama ko pero ngayon nandito ka,wala ng dahilan para ibinta ko ito. Tulad na sinabi ko noon, dito tayo bubuo ng pamilya at ipinapangako kong hindi na iyon mauudlot pa." nakangiti nitong pahayag sa kanya. Nilibot siya nito sa loob ng bahay, fully-furnished na halos ang loob at wala na siyang nakikita na dapat pang ayusin. Perfect para sa kanya ang naturang bahay at lahat ng furniture ay nagustuhan niya, kung pwede nga lang tumira na ngayon sa bahay na ito gagawin niya.

"Kung mayaman lang ako, hindi ko hahayaan na mapunta ito sa iba dahil ako mismo ang bibili nito noong for sale pa ito." Turan niya.

"Hindi mo na kailangan pang maging mayaman dahil pakasalan mo lang ako at tiyak na mapapasayo ito." Turan nito sa kanya. Nagulat pa siya nang bigla itong lumuhod sa harapan niya. Hindi niya malamang ang gagawin sa labis na pagkabigla. Sunod-sunod ang pagpatak ng kanyang luha dahil sa sorpresa nito, tumambad sa panginin niya ang kumikislap na singsing sa maliit na karheta.

"Wala ng dahilan para patagalin pa natin ang pagpapakasal natin Mercilita. Ikaw lang ang nagsisilibing buhay ko kaya hindi ko hahayaan na muli ka pang mawala. Gusto na kitang makasama ngayon at naiinip na akong maging mister mo. Kung papaya ka na maging asawa ko pininapangako kong ikaw lang at wala ng iba pa. Ikaw lang hanggang nabubuhay ako sa mundong ito. Mahal na mahal kita Mercilita, kaya sana tanggapin mo ang pagmamahal ko sayo. Pakasalan mo ako." Hiling hiling nito sa kanya.

Sunod-sunod ang pagtango niya bilang pagpayag kaya ginagap nito ang kamay niya at sinuot ang singsing. Napahagulhol siya nang maramdaman sa daliri ang singsing.

"Thank you for loving me Sebastian. Pinapangako kong mamahalin din kita sa abot na aking makakaya. Hinding-hindi ako susuko sa pagmamahalan natin at ipaglalaban kita hanggang sa huli." Madamdamin niyang pahayag.

"Simula sa araw na ito ibibigay ko sayo ang puso ko hanggang sa pagtanda natin." Turan pa nito.

ILANG araw na nilang pinaghahandaan ang nalalapit nilang kasalan, kung siya kasi ang masusunod simpleng kasalan lang ang gusto niya pero sino ba naman ang babaing ayaw makasal sa engrandeng kasal.

"Nararamdaman ko na talaga na ikakasal kana." Umiiyak na turan sa kanya ni Nessie. Kasama niya ito sa pamimigay ng invitation card. Sa probinsiya nila piniling magpakasal dahil nandun ang karamihan sa pamilya niya. Nag-uwian din ang pamilya ni Sebastian doon para masaksihan ang kasal nila, hindi rin nagpahuli ang mga magulang ni Pinky at nangako na dadalo rin sa kasal. Everything is perfect at araw nalang ang binibilang para makasal na sila ng tuluyan.

"Nararamdaman ko na rin at ang totoo nga niyan kinakabahan na ako. Paano nalang kung hindi ako magiging mabuting ina at asawa kay Sebastian at sa magiging anak namin?" amin niya sa kaibigan.

"Eh di wag kang magpakasal kung ganyan na marami kang kinakatakutan." Sabay ingos nito sa kanya kaya kinurot niya ito.

"Parang sinabi mo na rin na magpakamatay ako."

"Eh di wow! Hindi mo naman kasi hawak ang buhay ng isang tao o kapalaran mo. Lahat naman ay natututunan at isa pa sa haba ng pinagdaaanan niyo ni Sebastian ngayon ka pa ba niya iiwan sa ere? Kaya relax ka lang at wag kang mag-isip ng kung anu-ano."

"Tama ka diyan. Mahal ako ni Sebastian at mahal ko rin siya kaya kami magpapakasal." napanatag niyang sagot.

"That's my girl." Kumukumpas nitong sigaw.

SA wakas dumating na rin ang araw na pinakahihintay nila ni Sebastian, sasakay palang siya ng bridal car ng pigilan siya ng Mama ni Pinky.

"Thank you for everything iha and I'm really sorry kung natagalan bago kayo ikinasal ni Sebastian. He really love's you at saksi ako dun. " turan nito sa kanya bago siya niyakap ng mahigpit. "Mahalin mo si Sebastian." Dagdag pa nito. Tumungo siya bilang tugon dito.

PAGAKATAPOS ng reception agad silang tumalak papuntang hongkong para sa kanilang honeymoon. Kapwa sila excited para sa bagong kabanata ng kanilang buhay.

Love is a short word, but difficult to define, hanggang sa dumating si Sebastian sa buhay niya. Tulad nila ni Sebastian, ang pagmamahal nila ay hindi nila inakalang muli pang mabubuo pero ito sa sila ngayon at mag-asawa na. Hindi magkakaroon ng kahulugan ang pagmamahal kung hindi mo ito nararamdaman.

EPILOGUE

"Bakit minahal mo ako ng ganito Sebastian?" hindi niya maiwasang itanong dito.

"Hindi mo naman masasagot yan dahil kusa mo lang itong mararamdaman. Isang araw kasi natuklasan ko nalang na mahal na pala at masaya ako kapag nakikita kang galit na galit at sa tuwing kasama kita nabubuo ang araw ko sa hindi ko malamang dahilan. I want to be with you in the future Mercilita." Madamdamin nitong pahayag sa kanya. "Hindi ko sasayangin ang pangalawang pagkakataon na binigay mo sa akin. Mamahalin kita hanggang wakas." Dagdag pa nito kaya napaluha siya.

"Hindi ko maipaliwag ang sayang nararamdaman ko ngayon Sebastian, kahit kasi sa panaginip ko hindi ko ito napanaginipan kaya hindi ko sasayangin ang mga araw na mahalin ka.I want to treasure our love every single day. " sagot niya.

"And I'm afraid to lose you, honey." Turan sa kanya ni Sebastian bago sinakop ang mga labi niya. Napayakap siya ng mahigpit sa leeg nito at tinugon ang mainit nitong halik. Napakislot siya ng muling madama sa pangalawang pagkakataon ang mga kamay nito sa kanyang katawan. Buong puso niyang pinagkaloob ang sarili sa lalaking nag-iisa sa puso niya.

DALAWANG TAON na silang mag-asawa ni Sebastian at ngayon ay nagdadalawang-tao na siya sa panganay nila. Sa dalawang taon na pagsasama nila napuno siya ng pagmamahal. Lahat ng gusto niya ay binibigay ng asawa. Naging tirahan nila ang bahay kung saan sila unang nangarap at masasabi niyang hindi siya nagkamali sa pagpili dito.

"Pauwi ka na ba?" tanong niya sa asawa, nasa Manila kasi ito para asikasuhin ang hotel. Dalawang-araw na silang hindi nagkikita dahil nasa malayo ito at talaga naman pinananabikan niya itong makita. Minuto nga lang na hindi niya ito nakikita nalulungkot na siya, dalawang araw pa kaya?

"Miss mo na ba ako?" tanong nito sa kanya.

"Hindi ba halata? Kulang na nga lang minu-minuto kita kung tawagan." Napaismid niyang sagot, nararamdaman niya kasing parang wala itong planong umuwi. Napahimas siya sa tiyan ng bahagyang kumirot. "Ouch!" hiyaw niya.

"Bakit?" nataranta nitong tanong sa kabilang linya. Kabuwanan niya na kasi kaya hindi siya pwedeng walang kasama. Mabuti nalang at sinamahan muna siya ng Nanay niya habang wala si Sebastian.

"Kumirot lang ang tiyan ko." Daing niya.

"Mag-ingat ka. Sige na, mamaya nalang tayo mag-usap may meeting pa ako." Paalam nito sa kabilang linya na ikinainis niya. Hindi pa nga siya nakapagbabay pinutol agad nito ang.

Maya't-maya pa ang may kumatok sa main door kaya sumilip siya sa bintana at napansin niyang may kausap ang ina. Napakunot noo pa siya ng makitang may dalang bulaklak ang Nanay niya.

"Kanino po galing?" usisa niya sa ina dahil hindi naman nagbibigay ng bulaklak ang ama niya ina.

"Para sayo." Nakangiting sagot ng ina bago inabot sa kanya ang bulaklak. Agad niyang sinipat ang bulaklak pero hindi niya nakita ang card na hinahanap.

"Kanino daw galing?" nagtataka niyang tanong sa ina dahil malayo naman ang asawa niya.

"Hindi sinabi eh." Napapailing na sagot ng ina, kapwa pa sila napatingin sa nagbukas na pintuan. Nakangiting mukha ni Sebastian ang nasilayan niya.

"Do you like it, honey?" tanong nito sa kanya pagkatapos magbigay galang sa Nanay niya. Tinulungan siya nitong tumayo at hinagkan sa labi. Niyakap niya ito ng mahigpit.

"Nasorpresa nga ako." Nakangiti niyang sagot na kanina lang ay hindi maipinta ang mukha niya dahil bigla nalang itong nawala sa kabilang linya.

" I miss you honey." Bulong nito sa tenga niya.

"Namiss din kita, akala ko hindi kana uuwi." Sabay ismid niya

"Pwede ba yun eh naiwan ko ang puso ko sayo at ikakamatay ko kung hindi ako babalik sayo." Malambing nitong pahayag sa kanya kaya niyakap niya ito mahigpit.

"Baka langgamin kayo niyan." Biro sa kanila ng Nanay niya, nakalimutan na nilang nakatingin pala ito.

"Okay lang yan Nay, baka kasi magtampo ang anak niyo kapag hindi ko niyakap." Sabat ni Sebastian sa ina bago siya kinindatan kaya pinagkukurot niya ito sa tagiliran. Naiwan silang dalawa sa sala.

"Mahal kita Sebastian sana hindi ka magsawang mahalin ako." Nakangiti niyang turan sa asawa.

"Yan ang hindi mangyayari dahil ang pagmamahal ko sayo ay hindi tulad ng pagkain na pinagsasawaan sa huli dahil bawat araw na nagdaan lalo pa kitang minamahal." Madamdamin nitong pahayag.

"Mas mahal kita, mula noon hanggang ngayon at habang nabubuhay ako." Madamdamin nitong pahayag.

END