Mahigit dalawang buwan nang nagtratrabaho sa kanya si Mercilita bilang nobya niya pero hindi niya pa rin magawang magtapat dito, hanggang ngayon kasi nararamdaman niya pa rin ang galit nito noong iwan niya ito at ipagpalit sa ibang babae. Natatakot siyang tanggihan nito ang pag-ibig niya lalo pa at sinabi nito sa kanya minsan, na hindi na ito pagpapauto . Alam niyang naging bato na ang puso nito dahil sa ginawa niya at hindi niya ito masisisi. Gusto niya itong ikulong sa mga bisig niya pero hindi niya magawa, at ang tanging magagawa niya lang ay muling balikan ang mga nakaraan nila. Gusto niyang iparamdam dito na walang nagbago, na mahal niya pa rin ito at ginawa niya lang ang dahilan na maging nobya ito para muli niya itong makasama at baka sakaling mapatawad siya . Hindi niya kayang nakikita itong nasasaktan at lalong hindi niya kinakaya kapag sinasabi nitong pinagsisihan nitong minahal siya. Pakiramdam niya napakawalang kwenta niyang lalaki.
"Sir nandiyan po ang Mama ni Maam Pinky." Tawag sa kanya ng secretary niya. Ang pamilya ni Pinky ang may-ari ng hotel kung saan siya nagtratrabaho bilang isa sa mga partner ng mga ito. Nakangiti niyang sinalubong ito at inalalayang makaupo. May katandaan na rin ito tulad ng Mama niya.
"Mukhang hindi mo pa napapasagot ang nililigawan mo ah?" puna nito sa kanya.
"Galit po talaga sa akin eh, hindi ako makahanap ng tiyempo." Amin niya dito.
"Kung nandito lang si Pinky tiyak na pagtatawanan ka non, iisipin mo ba na ang isang negosyante na tulad mo ay may kinakatakutan din pala."natatawa nitong turan sa kanya.
"Nagmamahal lang po." Nakangiti niyang sagot.
"Where is she?" tanong pa nito. Kapwa pa sila napatingin sa pinto ng biglang bumukas. Iniluwa non si Mercilita, ang ganda nito sa suot na red na blouse at slacks na white, napakasimple lang nito pero elegante ang dating.
"Sorry may bisita ka pala." Hingi nito ng paumanhin bago akmang lalabas ng opisina siya. Sinalubong niya ito at hinagkan sa pisngi.
"No, iha. Come in." tawag ng ina ni Pinky dito, kaya walang itong nagawa kundi ang umupo sa tapat ng babae.
"Mama, siya nga pala si Mercilita and Mercilita siya ang Mama ng asawa ko." Pakilala niya sa mga ito. Napansin niyang bahagyang namutla ito dahil sa sinabi niya.
"I heard a lot from you at tama nga sila, your beautiful." Puri nito kay Mercilita pero nanatili lang itong nakayuko. "Hindi na ako magtataka kung bakit ka nagustuhan ng manugang ko." Prangka nito sa babae.
"Ma, tinatakot niyo na si Mercilita." Agaw niya sa sasabihin nito.
"Im just kidding iho, curious lang talaga akong makilala siya." Nakangiti nitong pahayag. "Paano aalis na ako, tatawag nalang ako kapag nag level up na." Tukso nito sa kanya. "And Mercilita, ikaw na ang bahala sa asawa ng anak ko." Tawag pa nito sa babae na nanatiling nakaupo. Natatawa siya sa hitsura ni Mercilita, parang hindi ito makabasag pinggan. Hinatid niya muna hanggang elevator ang Mama ni Pinky bago niya binalikan si Mercilita, agad niya itong kinantilan ng halik sa labi pero nagulat siya ng mapansing umiiyak ito.
"What's wrong?" nagtataka niyang tanong. Pinahid niya ang mga luhang naglandas sa mga pisngi nito.
"Hindi ko na kaya ang ganitong set up, Sebastian. " umiiyak nitong turan sa kanya.
"Bakit naman? Hindi ba nagkaayos na tayo?" kinakabahan niyang tanong.
"Usap-usapan na ako ng mga tao sa hotel na ito, pakiramdam ko napakababa kong babae dahil pumapatol ako sa lalaking may asawa na." pahayag nito sa kanya.
"Wag mo silang pansinin dahil hindi naman sila ang bumubuhay sa atin. " Turan niya dito para kumalma.
"Wala nga ba Sebastian? Bakit anong tingin mo sa babaing nagiging girlfriend ng lalaking may asawa na?" tanong nito sa kanya kaya hindi siya makasagot. "Kapag ba ibinigay ko sayo ang katawan ko sapat na ba iyon bilang kabayaran sa pagkakautang ko?" tanong nito sa kanya na ikinagulat niya.
"Ayoko ko!" madiin niyang tutol. Hindi niya malaman kung saan nito kinuha ang mga sinasabi nito ngayon.
"Kahit maraming beses Sebastian okay lang, papayag akong gamitin mo ang katawan ko dahil hindi na kinakaya ng konsensiya ko ang lahat ng ito. Pagod na pagod na akong mangpanggap." Humahagulhol nitong turan sa kanya. Gusto niya itong yakapin ng mahigpit pero tinutulak siya nito.
"Gusto mo ba talagang iwan ako?" tanong niya dito sa mababang boses.
"Oo Sebastian, gusto ko ng makaalis sa alaala mo." Sagot nitong umiiyak.
"Hindi mo na ako mahal?" tanong niya pa. Pakiramdam niya sasabog ang puso niya ng mga oras na iyon.
"Hindi na kita mahal Sebastian kong yan ang gusto mong malaman, pagod na akong magpakatanga. Ayoko na!" umiiyak nitong sagot sa kanya.
"Makakaalis kana." Paos ang boses na turan niya. " Binibigay ko na ang kalayaan na gusto mo Mercilita." Dagdag niya pa.
"Paano ang utang ko?"
"Wag mo ng isipin yun, alam kong hindi ka matatahimik kapag nakikita mo ako, kaya simula sa araw na ito malaya mo ng gawin ang gusto mo na walang anumang iniisip na utang at kung tutuusin kulang pa ang pagsira mo sa sasakyan ko para mabayaran ko ang sakit na nararadaman mo." Hindi niya na hihintay ang sagot nito at nauna na siyang lumabas sa sariling opisina. Hindi niya kakayaning makita na aalis na ito sa buhay niya. Mahal na mahal niya ito kaya ayaw niya itong makitang nasasaktan nang dahil sa kanya. Sunod-sunod ang pagpatak na kanyang mga luha ng makalabas siya sa sariling opisina. Hindi niya matanggap ang sariling desisyon, isa lang naman kasi ang gusto niya, ang makasama niya ito ulit pero kung ayaw na nito na sa kanya hindi niya ipipilit ang sarili dito.
SIMULA ng ibigay sa kanya ni Sebastian ang kalayaan niya pakiramdam niya may kulang pa rin, akala niya magiging masaya na siya na wala na ito pero hindi niya maramdaman ang saya. Mahal niya pa rin si Sebastian, ang hindi niya lang matanggap ay may asawa na ito at hindi dapat na magpatuloy pa siya sa kanyang kahibangan. Kailangan niyang bumangon para sa bagong buhay, hindi lang ito ang lalaki sa mundo.
Ilang araw na siyang nagmumukmok sa sariling silid, pakiramdam niya kasi nawala ang tanging rason niya para mabuhay. Aaminin niya, umaasa siyang madudugtungan pa ang pagmamahalan nilang dalawa kahit na mali, pero sa tuwing may naririnig siya tungkol sa asawa nito nasasaktan siya, pakiramdam niya namamalimos lang siya ng pagmamahal dito lalo na nang makilala niya ang ina ng asawa ni Sebastian. Hindi siya tanga para hindi maintindihan ang ibig sabihin nito at aaminin niyang nasaktan siya kaya bumigay na siya kay Sebastian. Kahit minsan hindi siya napagod na umasang sa huli ay magiging sila ulit. Lalo na ngayon, sa tuwing ipipikit niya ang mga mata nakikita niya ang maamo nitong mukha. Ang mukha nito na pinanabikan niyang makita sa bawat araw pero ngayong wala na ito hindi niya na alam kung makikita niya pa kaya ito.
"I miss you Sebastian and I need you here with me!" bulong niya sa kawalan. Higit na masakit pala ang masaktan sa pangalawang pagkakataon.
NAPAGDESISYUNAN niyang umuwi nalang muna sa probinsya para makalimutan ang lalaki total wala pa naman siyang trabaho . Alam na rin ng mga magulang niya ang nangyari sa kanila ng lalaki at labis ang galit ng mga ito.
Maaga palang ay gising na siya para magjogging, inaaliw nalang niya ang sarili para hindi na mag-isip pa ng mag-isip. Napahinto siya sa isang bahay na bagong tayo. Maganda ang naturang bahay, maganda ang pagkakadesenyo at sa tingin niya mamahalin na materyales ang ginamit. Muling pumatak ang mga luha niya ng makilala kung sino ang may-ari ng bahay. Ang bahay na dapat sana ay magiging bahay nila ay for sale na ngayon, nakaramdam siya ng lungkot. Espesyal kasi sa puso niya ang bahay na iyon, doon kasi sila nangarap at bumuo ng pamilya.
"Konting panahon nalang at matatapos na yan at kapag natapos na yan pwede na tayong magpakasal." Naalala niyang sabi sa kanya ni Sebastian. Pinunasan niya ang luha at huminga ng malalim.
"Nakaraan nalang si Sebastian sa buhay mo Mercilita at ang alaala na yun ay hindi na maaaring ibalik pa." saway sa kanya ng isip.
Akmang lalayo na siya sa naturang bahay ng biglang may tumawag sa kanya. Napahinto siya at nilingon ang boses na tumawag sa kanya.
"Bakit?" tanong niya sa trabahor, pamilyar ito sa kanya dahil minsan niya na itong nakita noong pumapasyal siya sa bahay na pinapagawa ni Sebastian.
"Maam, ikaw pala yan. Bakit hindi po muna kayo pumasok para naman makita niyo ang loob?" turan nito sa kanya.
"Naku kuya wag na, sa susunod nalang po." Sagot niya pero sa kabilang bahagi ng puso niya gusto niyang masilip ang bahay.
"Naku Maam baka wala na pong next time baka kasi sa susunod na araw ay may tumira na dito." Turan nito sa kanya kaya napilitan siyang pumasok sa loob ng bahay. Hindi niya maiwasang hindi mamangha, dahil sa nakikita sa loob ng bahay, sinunod pa rin pala ng arkitekto ang gusto niyang mangyari at maging ang kulay ng pader at kisame ay walang ipinagbago. Siya kasi ang tinanong noon ni Sebastian kung ano ang gusto niyang ikulay. Hindi niya maiwasang hindi malungkot, sana kasama niya ngayon si Sebastian sa bahay na ito.
"Wala palang binago sa design ng bahay?" Turan niya sa trabahador, napag-alaman niya mula rito na ito pala ang foreman ng bahay.
"Iyon po kasi ang gusto ni Sir Sebastian, ayaw niyang may baguhin kami sa unang design na binigay niya at lahat po ng gusto niyo noon ay iyon pa rin ang sinunod niya. Simula sa mga kwarto, kusina,sala at terrace na gusto niyo noon ay pinagawa niya." Kwento nito sa kanya kaya muli siyang napaiyak dahil sa sinabi nito. Ang hindi niya lang alam ay kung bakit hindi binago ni Sebastian ang dating design samantalang matagal na rin silang wala. May karapatan itong baguhin na ayon sa gusto nito o di kaya ng asawa nito.
"Bakit ba daw niya binibinta?" usisa niya pa.
"Isang tao lang daw kasi ang gusto niyang tumira na bahay na ito at wala daw ang babaing yon." Sagot nito sa kanya.
Habang nagjojogging pabalik sa bahay nila panay pa rin ang tulo ng mga luha niya, hindi niya mapigilang hindi umiyak dahil sa nalaman. Napahinto siya sa pagtakbo at pabagsak na umupo sa may malaking bato. Napasubsob siya sa sariling mga kamay bago umiyak ng malakas.
"May problema ba Miss?" tanong sa kanya ng isang lalaki ,nag-angat siya ng mukha at tiningna ito. Agad niyang pinunasan ang basang mukha at tinuyo.
"Wala naman." Mataray niyang sagot. Hindi niya ito namumukhaan at sa tingin niya dayo lang ito sa lugar nila.
"You're not okay." Sagot nitong hindi naniniwala sa sinabi niya.
"Okay nga lang ako." Sagot niya pa bago niya ito tinalikuran.
"Ihahatid na kita." Alok nito sa kanya. Nakasunod ito sa kanya habang naglalakad siya.
"No need and thank you dahil malapit lang ang bahay namin." Tutol niya.
"Kung ganun susundan nalang kita." Sagot nito kaya napatigil siya sa paglalakad at tiningnan ito. Infairness sa lalaking ito may hitsura din at mamula-mula ang mukha na bahagyang nasisinagan ng araw.
"Close ba tayo dahil ang pagkakaalam ko hindi kita kilala?" Mataray niyang tanong.
"Im Lance." Nakangiti nitong pakilala sa sarili. "Ang ganda mo pa naman pero parang ang bigat ng problema mo." Turan nito sa kanya. Susungitan niya sana ito pero napag-isip isip niya na wala naman itong ginagawang masama para tarayan niya.
"Mercy." Sagot niya. Inabot nito ang kamay sa kanya kaya inabot niya naman at nakipagkamay dito. Wala siyang naramdaman na anuman nang magdaop ang mga palad nila hindi tulad ng naramdaman niya noong si Sebastian ang kasama niya.
Habang naglalakad sila panay ang kwento nito, napag-alaman niyang pamangkin ito ng gobernor nila at dayo lang sa kanila tulad ng naisip niya kanina. Palabiro din ito kaya agad na nahuli nito ang loob niya.
"Hindi porket nasaktan kana ng isang lalaki ititigil mo na ang buhay mo." Pangaral pa nito sa kanya.
"Paano kung mahal mo pa rin siya?" tanong niya.
"Ikaw ang nakakaalam kung ano ang dapat mong gawin. Minsan kasi nakakapagod na rin magmahal lalo na kapag hindi mo naman nakikitang mahal ka niya. Ikaw na rin ang nagsabi na pinaglalaruan ka lang niya." Sagot nito.
Naging magkaibigan sila ni Lance, dumadalaw-dalaw ito sa bahay nila pero kahit kasama niya ito si Sebastian pa rin ang laman ng puso't isip niya. Naiinis na nga siya sa sarili sa kakaisip dito at kahit gustuhin niya mang hindi ito isipin kusa nalang itong papasok sa isip niya.
"Hoy!"untag sa kanya ng lalaki.
"May sinasabi ka?" tanong niya na biglang nautahan.
"Sabi ko may pagtitipon bukas kina uncle at kung gusto mong sumama para naman makapaglibang ka." Ulit nito sa sinabi. Hindi kaila sa kanya na gusto siya nito dahil sa mga bulaklak na dala nito araw-araw.
"Hindi ba nakakahiya yun?" nag-aalangan niyang tanong.
"Bakit naman eh kasama mo naman ako. Don't worry hindi kita iiwan dun." Turan pa nito sa kanya kaya pumayag na rin siya.
WALANG gana siyang dumalo sa imbitasyon ni Lance pero nahihiya naman siyang wag sumipot lalo pa at nakapangako na siya dito. Naghanap siya ng maisusuot, at nakapili naman siya ng damit na babagay sa kanya. Black dress iyon na hapit sa katawan niya, bahagyang nakalitaw rin ang cleavage niya at mga binti sa naturang suot.
"Napakaganda mo naman ngayon anak." Puri sa kanya ng ina nang makita siya nitong bumaba ng hagdan.
"Hindi ba pangit yang suot mo? Tingnan mo nga kulang nalang maghubad ka sa suot mong yan?" kontra ng ama niya.
Hindi makapagsalita si Lance ng sunduin siya nito, nabigla yata ito sa suot niya. Kahit siya kanina habang nag-aayos sa sarili niya hindi rin siya makapaniwala sa iginanda niya. Matagal din niyang tinitigan ang sariling repleksiyon sa salamin. First time niyang magsuot ng ganitong damit dahil hindi naman siya dumadalo sa mga pagtitipon.
"Lance!" tawag niya sa pangalan nito.
"You look elegant." Napapailing nitong turan.
"Thank you." Nahihiya niyang sagot.
Panay ang puri sa kanya ni Lance habang nasa sasakyan sila. Nakikita niya sa mga mata nito ang malaking paghanga sa kanya.
"Napakaswerte ng lalaking minahal mo. Kung nakikita ka lang niya ngayon sigurado akong ipipilit niya ang sarili niya para lang mapansin mo." Turan nito sa kanya.
"Wag na natin siyang pag-usapan. Nakakawala ng gana." Sagot niya.
"Im sorry." Hingi nito ng paumanhin sa kanya.