Chereads / BE MINE AGAIN / Chapter 6 - CHAPTER SIX

Chapter 6 - CHAPTER SIX

Maaga palang ay handa na siya para puntahan si Sebastian sa condo nito. Napilitan tuloy siya magresign sa trabaho niya dahil sa atraso niya kay Sebastian. Kailangan niyang gawin ito para sa sariling kaligtasan, lalo pa at sa nakikita niya sa mukha ni Sebastian ang pagiging seryoso.

"Boss mo na ngayon ang lalaking nanloko at nanakit sayo kaya dapat na maging propesyonal ka sa pagharap sa kanya. Trabaho lang ito Mercilita, walang personalan at lalong labas ang personal na bagay." Pagkakausap niya sa sarili. Nasa harap siya ng salamin at kasalukuyan tinitingnan ang sariling repleksiyon. For almost one year naging busy siya sa career niya at pagpapalago ng parlor para lang makalimutan niya si Sebastian pero heto na naman siya sasaktan niya na naman ang sarili. Kahit galit siya sa dating nobyo hindi niya maikakaila na may lihim pa rin siya pagmamahal dito at kahit minsan ay hindi iyon nawala kahit pa balot ng poot ang puso niya.

"Ano ba kasi ang trabaho mo kay Sebastian at bakit sa condo ka pinapapunta?" usisa sa kanya ni Nessie.

"Nagtataka nga rin ako lalo pa at alam kong may asawa sa siya." Sagot niya. "Baka mamaya katawan mo pala ang hinihingi niyang kabayaran." Paalala nito sa kanya na ikinatahimik niya.

"Hindi naman siguro. Isa pa may asawa na siya at malay natin kung kasama niya ang asawa niya doon." Sagot niya.

"Bakit parang nasasaktan ka?" usisa nito ng mapansin ang panibugho sa mga mata niya.

"Tanggap ko na Nessie, hindi kami para sa isat-isa. Kung gaano kalaki ang galit ko noon hindi pa rin nagbabago yun. Ginagawa ko ito para hindi ako makulong, yun lang yun." Sigurado niyang sagot.

"Wag sanang maulit ang nakaraan, galit daw pero mahal pala." Turan pa nito, maging tuloy siya ay napaisip sa sinabi nito. Alam niyang mahina siya kapag nasa harapan niya si Sebastian pero hindi niya hahayaan na muli itong magtagumpay para masaktan siya.

"Kung ito ang magiging paraan ng Diyos para makaganti ako sayo Sebastian gagawin ko. I'll make sure na mamahalin mo ako at ako naman ang mananakit sayo." Napangisi niyang bulong sa sarili.

Tumikhim muna siya bago pumapok sa condo unit nito. Nakatatlong katok palang siya nang biglang nagbukas ang pinto.

"Tita?" nakangiti niyang turan ng makilala ang babaing nagbukas ng pinto sa kanya. Agad siya nitong niyakap ng mahigpit kaya gumanti naman siya ng yakap. Sa tantiya niya nasa sixty mahigit na ito tulad ng mga magulang niya.

"Ang ganda mo na Mercilita." Puri nito sa kanya. Niyaya siya nito sa loob ng condo ni Sebastian. May kalakihan ang naturang condo hindi tulad ng ibang nakita niya, may tatlong silid at may malapad na sala. Ginala niya ang mga mata para hanapin ang asawa ni Sebastian pero bigo siya. Hindi niya alam kung ano ang sasabihin niya dito pagkatapos niyang mahuli ang mga ito. Kung noon may karapatan pa siyang sigawan ito ngayon ay wala na. Asawa na ito ni Sebastian.

"Kayo din ho, wala ho kayong ipinagbago." Nakangiti niyang puri dito. "Nandito po ba si Sebastian?" tanong niya dito habang palinga-linga. Kanina pa siya kinakabahan sa napasukan sitwasyon. Kung pwede lang sigurong ibalik niya ang kahapon hindi niya sisirain ang sasakyan nito pero sino ba naman ang may kakahayahan ibalik ang nakaraan kung nangyari na ang hindi dapat mangyari. Walang ibang dapat sisihin dahil unang-una walang nag-utos sa kanyang sirain ang sasakyan nito.

"Naliligo lang siya, hintayin mo nalang dahil may lakad ako at ng mga amiga ko. Sayang lang dahil gusto ko sana makipagkwentuhan sayo, di bale palagi namang may next time." Nakangiti nitong turan sa kanya.

"Okay lang Tita." She smiled, nervous dahil kung aalis ito tiyak na silang dalawa lang ni Sebastian sa loob ng condo.

"Paano mauuna na ako sayo?" paalam pa nito kaya tumango siya dito at humalik sa kanang pisngi nito. Pinagpawisan siya ng malagkit nang mawala na ito sa paningin niya.

"Are you okay?" tanong sa kanya ni Sebastian. Nagulat pa siya sa bigla nitong pagsulpot mula sa likuran niya. Nakatapis lang ito ng tuwalya at walang pang-itaas na damit. Napatayo siya ng wala sa oras, napatitig siya sa katawan nito at muling napalunok. Basa pa ang buhok nito maging ang katawan. Muli siyang napalunok ng mapako ang mga mata niya sa pang-ibaba nito. Pinamulahan siya ng mukha nang mahuli siya nitong nakatingin sa harapan nito.

"I like that." Turan nito sa kanya sabay kindat na lalo niyang ikinahiya.

"Bastos!" Bulyaw niya dito. "Pwede ba bago ka lumabas ng banyo magbihis ka naman? Ano nalang ang iisipin ng asawa ko kapag nakita tayong ganyan ang ayos mo?" nakataas ang kilay na turan niya para makabawi ng pagkapahiya.

"Bahay ko ito kaya kahit maghubad ako habang naglalakad okay lang." sagot pa nito na lalo niyang ikinainis. Akmang lalapit ito sa kanya pero pinigilan niya.

"Don't be afraid Honey."

"Honey ka diyan! Pwede ba Sebastian nandito ako hindi para makipaglaro sayo at lalong hindi para makipaglukohan!" sigaw niya dito.

"Ang gusto ko lang naman ay umupo ka kaya kita gustong lapitan." Palusot nito.

"Kaya ko ang sarili ko, kaya kung ako sayo magbihis ka muna kung gusto mo ng matinong pag-uusap." Mahinahon niya ng sambit.

Hindi pa rin siya mapakali habang hinihintay si Sebastian sa sala. Ang ipinagtataka niya lang ay kung bakit wala ang asawa nito. Gustuhin niya man na tanungin si Sebastian pero hindi niya magawa. Naubos niya na ang juice sa mesa sa sobrang nerbiyos. Kanina pa siya nag-iisip kung anong trabaho ang ibibigay sa kanya ng lalaki pero walang pumapasok na ideya sa isip niya, dahil sa presensiya nito nakatuon ang atensiyon niya. She really missed this man kahit pa labis siya nitong sinaktan and until now ito pa rin ang isinisigaw ng puso niya.

"Ngayong bihis na ako pwede na ba tayong mag-usap?" pormal nitong tanong sa kanya. Nakashort lang ito at nakasando tanda na wala itong balak lumabas ng bahay.

"Akala ko ba bibigyan mo ako ng trabaho?" agad niyang tanong dito. Magkatapat sila ng upuan habang ito ay nakataas ang mga paa sa maliit ng mesa.

"Yes at kung ayaw mo wala akong magagawa."

"Kaya nga ako nandito diba? Dahil tinatanggap ko na ang trabaho na ibibigay mo para mabayaran ko ang utang ko sayo!" mataray niyang sagot.

"Kung magtratrabaho ka sa akin will you please, lower your voice? Nakakabingi na kasi and starting today I'm your boss kaya kung pwede lang treat me as your boss? Hindi yung palagi mo akong sinisinghalan." Pangaral nito sa kanya kaya natahimik siya. Trabaho nga lang pala ang dahilan kung bakit siya nandito at labas ang sama ng loob niya. "May mga kondisyon ako na dapat mong sundin or else-

"Ipapakulong mo ako, Sir?" putol niya sa sasabihin nito.

"Yes at dahil sa akin ka nagtratrabaho wala kang karapatan magreklamo. Ang gagawin mo lang ay gawin ang trabaho mo."

"Pwede ko na bang malaman kung anong trabaho ang ibibigay mo sakin?" kinakabahan niyang tanong lalo pa at kakaiba ang tingin nito sa kanya. Malakas ang pakiramdam niyang ang katawan niya ang gusto nito.

"Be my girlfriend." Maikli nitong sagot sa kanya na ikinagulat niya.

"Girlfriend o kabit?" nanlalaki ang mata niyang tanong.

"Kaya mo bang gampanan kung kabit ang iaalok ko sayo? Mas maganda nga siguro kung kabit. What a beautiful idea." Nakangisi nitong turan.

"Hindi ba kabit din ang tawag sa babaing pumapatol sa may asawa na? Malaki nga ang kaibahan pareho naman ang kahulugan." Giit niya pa.

"Kung ayaw mo pwede ka ng umalis. Magkita nalang tayo sa presinto." Putol nito sa pag-uusap nila.

"Okay. You win. Wala naman akong magagawa diba kundi ang pumayag?" naiinis niyang sagot dito. Ano nalang ang sasabihin sa kanya ng mga tao kapag nalaman ng mga ito na ang kunwari niyang nobyo ay may asawa na. "Hanggang kailan ako magtratrabaho sayo?"

"Hanggang sa mabayaran mo ang five hundred thousand na utang mo at sa tingin ko aabot ng two years yun."

"Hindi ba parang lugi naman yata ako non?"alma niya pa.

"You think? Kung tutuusin nga ako ang lugi dahil malaki ang sahod mo sa akin kahit wala naman akong mapapala sa pagpapanggap mo, unless magiging masaya ako sayo." Nakataas ang kilay nitong hamon sa kanya at hindi siya tanga para hindi malaman kung ano ang laman ng isip nito.

KANINA pa siya nakahiga pero hindi pa rin siya dinadalaw ng antok. Tama ba itong ginagawa niya? Ang pasukin ang pagiging nobya sa buhay ni Sebastian? May maaapakan siyang tao at ayaw niya ng ganun kahit na masakit ang ginawa ng mga ito sa kanya. Si Sebastian ang may kasalanan sa kanya at labas ang asawa nito, pero kung hindi niya naman tatanggapin ang alok nito baka ipakulong nga siya nito. Bumangon nalang siya sa kama at nagbukas ng tv pero kahit anong pag-aaliw niya sa sarili si Sebastian pa rin ang nasa isip niya.

"Patulugin mo naman ako, utang na loob. Bakit ba hindi ka mawala-wala sa isip ko?" pagkakausap niya sa sarili.

NAGISING siya sa paulit-ulit na ring ng cellphone niya, ayaw niya sanang sagutin iyon dahil antok na antok pa siya lalo pa at alas kwatro na ng madaling araw siya natulog. Kinapa niya ang cellphone sa maliit niyang side table.

"Hello?" yamot niyang sagot sa kabilang linya.

"Bakit wala ka pa? Di ba may usapan tayo?" mainit ang ulo na tanong sa kanya ni Sebastian sa kabilang linya. Nawala ang antok niya dahil sa sinabi nito.

"Usapan? Wala naman ah?" sagot niya dahil wala naman siyang naalala na may usapan sila bago sila maghiwalay kahapon.

"I txted you, ang sabi ko samahan mo ako ngayong araw." Paalala pa nito. Hindi niya na kasi tiningnan ang cellphone ng makauwi siya.

"Hindi ko nabasa, I'm sorry. Hintayin mo nalang ako in one hour." Turan niya ditong agad na nagmadali. Kinuha niya agad ang gamit panligo at agad na nagtungo sa cr. "Bye na."

"In thirty minutes dapat nandito kana." Maawtoridad nitong sagot sa kanya.

"Hindi ko kaya yun. Ang layo kaya ng bahay niyo baka nakakalimutan mong sa Taguig pa ang bahay mo?" naiinis niyang paalala dito. Ano siya si Darna na kayang liparan ang traffic.

"Sa office kana tumuloy." Turan pa nito at agad na pinatay ang linya. Ang tinutukoy nitong office ay nasa quezon city, malapit lang sa kanila. Hindi na siya nag-abala pang mag-almusal at agad na umalis ng parlor. Napapailing nalang sa kanya ang kaibigan. Hindi niya lubos maisip na mawawalan siya ng kita sa loob ng dalawang taon dahil lang sa paninira niya ng sasakyan. Napakaganda na sana ng trabaho niya at benepisyo sa kompanyang pinagtratrabahuan pero kailangan niyang magresign para sa bagong trabahong sakit lang ng puso ang makukuha niya.

Nasa second floor ang opisina ni Sebastian. Nakangiti siyang nagtanong sa guard kung saan ang opisina ni Sebastian, kung bakit ba kasi hindi man lang ito nag-abala na sunduin siya sa ibaba ng hotel hindi yong para siyang nawawala.

"Ikaw po ba si Maam Mercilita, ang nobya ni Sir Seb?" tanong nito sa kanya. Maiinis na sana siya sa pagtawag nito ng buo sa pangalan niya pero agad din itong nakabawi sa sinabi nitong nobya siya ng lalaki.

"Sebastian ba kamo?" ulit niya sa pangalan ng lalaki. Kung ito kasi pinangangalandakan ang buo niyang pangalan, hindi siya papatalo dito.

"Siya na nga Maam. Yon po pala ang opisina ni Sir." Turo nito sa kanya sa kaliwang pinto. Tumango lang siya dito bilang pasasalamat. Kakatok sana siya pero bukas ang pinto kaya tuluyan na siyang pumasok. Nakatalikod ito sa mesa nitong at may binabasa.

"Late ka." Bungad nito sa kanya. Nagulat pa siya sa bigla nitong pagsalita, akala niya kasi hindi nito namalayan ang pagpasok niya.

"Natraffic ako." Sagot niya. Humarap ito kanya at tinitigan siyang mabuti, maya't maya pa ay lumapit ito sa kanya at kinantilan siya ng halik sa labi. Mabilis lang iyon pero natulala siya sa ginawa nito. "Bakit?" nakataas ang kilay na tanong niya. Seryoso pa rin ang mukha nito at tila wala sa mood na makipagtalo sa kanya.

"You're my girlfriend, remember?" paalala nito sa kanya.

"Kailangan ba talagang gawin yon?"

"Part of your job as my girlfriend?" sagot nito sa kanya kaya napakibit balikat nalang siya. Nobya nga pala ang trabaho niya sa buhay nito at wala siyang karapatan para magreklamo. Hindi siya dapat magpaapekto sa pinapakita nito at lalong hindi siya dapat maniwala sa paglalambing nito.

"Kumain na ba ang boyfriend ko?" malambing niyang tanong dito na ikinagulat nito. Nagulat yata sa bigla niyang pagsakay sa drama nito.

"Tapos na." matipid nitong sagot.

"Ako, hindi pa kumakain." Arte niya pa bago ito kininditan.

"Oa kana, hindi bagay sayo. Nagmumukha kang trying hard samantalang alam ko naman na kulang nalang kainin mo ako ng buhay!" Inis nitong turan sa kanya kaya nayamot na naman siya.

"Diba gusto mong sakyan ko ang trip mo kaya ito ang ginagawa ko?"

"Alam ko ang takbo ng utak mo Mercilita at siguro naman kilala mo ako?"

"Diba walang personalan ang lahat ng ito? Nandito ako dahil yon ang trabaho ko a-

Naputol ang sasabihin niya ng bigla siya nitong kinabig at sinakop ang mga labi. Napapitlag siya sa ginawa nito, gusto niyang makawala sa mga yakap nito at halik pero malakas ito kumpara sa kanya. Walang mga araw na hindi niya binabalikan ang mga araw na magkasama sila, magkahinang ang mga labi at magkayakap. Hindi niya namalayan na kusa na pala siyang tumutugon sa mga halik nito, humahaplos din ang mga kamay niya sa malapad nitong dibdib.

"Gutom kana nga." Biglang sabi nito ng kumalas sa pagkakayakap sa kanya, pakiramdam siya naisahan na naman siya nito.

"Nagustuhan mo ba?" namumula ang mukhang tanong niya. Isinukbit niya ang mga kamay sa braso nito ng akmang lalabas ito ng opisina nang may bigla siyang naalala. Agad niyang inalis ang kamay niya sa braso nito.

"Mahirap ng may makakita sa akin at bigla nalang akong kaladkarin." Sagot niya dito na ang tinutukoy ay ang asawa nito.

"Hindi naman siguro, magkaiba kasi kayo ng misis ko. Hindi yon basta nanunugod hanggat hindi niya naririnig ang paliwanag ko. Marunong mahiya yon. Kung magkakalat yon sa loob ng bahay at hindi gagawa ng eskandalo sa maraming tao." Sagot nito sa kanya. Alam niya na ang lahat ng sinabi nito ay patama sa kanya.

"Magkaiba nga kami. Hindi kasi ako tanga at lalong hindi ako magbubulag-bulagan. " sagot niya . "Bakit ako mahihiya samantalang wala naman akong kasalanan at ang tanging kasalanan ko lang naman ay ang magmahal sa lalaking walang isang salita." Dagdag niya pa. Napansin niya ang bigla nitong pagtahimik at hanggang sa makalabas sila ng hotel ay tahimik pa rin ito.

Nakatitig lang si Sebastian sa kanya habang panay ang subo niya. Kanina pa ito hindi kumikibo at tila ang lalim ng iniisip.