Chereads / BE MINE AGAIN / Chapter 3 - CHAPTER THREE

Chapter 3 - CHAPTER THREE

Napangiti siya habang pinagmamasdan ang mukha ni Sebastian, nakangiti ito habang nakikipaglaro sa dalawang bata. Naghahabulan ang mga ito sa ulanan, basang-basa na ang katawan nito sa malakas na buhos ng ulan. Ilang araw palang silang naging magkaibigan pero pakiramdam niya matagal niya itong kilala.

"Mercilita, sali kana. Masarap ang tubig!" yaya nito sa kanya. Hindi naman siya kalayuan sa mga ito.

"Malamig." Tanggi niya. Nagulat pa siya nang bigla siya nitong nilapitan at hinila sa ulanan. Hinapit siya nito sa bewang at inikot-ikot. Agad siyang nabasa ng tubig ulan. Bumakat sa katawan niya ang manipis na t-shirt na suot. Alam niyang kitang-kita ang bra niya sa loob ng damit. Wala ang mga magulang niya ng mga oras na iyon samantalang nakikisaya rin sa kanila ang mga bata. Pinakawalan siya nito kaya tumakbo siya palayo dito pero muli siya nitong hinabol. Napuno ng tawanan ang bakuran nila, pilit siyang umiiwas na wag nitong mahuli pero magaling ito dahil agad siyang hinapit sa bewang. Nabuwal siya sa matipuno nitong katawan. Magkadikit na magkadikit ang mga basa nilang katawan. Maliit lang ang distansiyang pagitan ng mga labi nila. Naramdaman niya ang malakas na tibok ng puso nito at maging ang puso niya ay nagwawala na rin, lalo pa at halos hindi na siya makahinga sa yakap nito. Hindi niya alam kung lalayo dito dahil nagugustuhan niya rin ang init ng katawan nito, na nakayakap sa kanya. Akmang magsasalita siya ng biglang sinakop nito ang mga labi niya. Hindi siya nakakilos sa bilis ng pangyayari, alam niyang maging ang mga bata ay napatingin sa kanila. Sa isang linggo pamamalagi nito sa kanila naramdaman niya na hindi na ito ang Sebastian noon na hindi man lang marunong ngumiti. Napapapikit siya sa sensasyong dulot ng halik nito, mahigpit ang hawak nito sa bewang niya habang sakop nito ang mga labi niya. Gusto niya itong itulak sa takot na baka bigla nalang dumating ang mga magulang niya at makita sila sa ganoong ayos pero natagpuan niya ang sariling yumayakap dito at tinutugon ang mga halik nito. Kahit baguhan siya sa pakikipaghalikan pakiramdam niya kusang natututo ang mga labi niya sa bawat paghalik nito, kung hindi pa sila kinapos ng hininga hindi sila maghihiwalay. NaKAramdaman siya ng pag-kaasiwa ng kumalas siya dito, pero muli siya nitong binuhat at muling inikot-ikot sa ulanan. Muling bumalik sa normal ang lahat, napansin niya ring wala na ang dalawang bata na kanina lang ay kasama nila sa paglalaro. Hindi niya mapigilang hindi mapasigaw habang sinasalubong ang malakas na bagsak ng ulan, muli siya nitong binaba at muli silang nagkakatitigan. Hinawi nito ang ilang hibla ng buhok na nakaharang sa mukha niya. Walang salitang namutawi sa mga bibig nila at maging siya ay naghihintay lang sa sasabihin nito. Nanginginig ang mga tuhod niya sa kaba na nararamdamdan. Ngayon lang siya nakaramdam ng ganitong atraksiyon sa isang lalaki at sa lalaki pang matagal niyang kinamuhian. Muli nitong sinakop ang mga labi niya, marahan at puno ng pagmamahal.

"Sebastian!" tanging nasabi niya ng tinugon niya ang halik nito.

Gusto niyang magsisisigaw sa loob ng silid niya pagkatapos niyang magbanlaw. Hindi pa rin maalis sa isip niya ang halikan na nangyari sa pagitan nila ni Sebastian. Hindi niya inaasahan na mangyayari iyon at lalong hindi niya inaasahan na ipagkakanulo siya ng sariling damdamin, lalo pa at sa mga araw na kasama niya ito sa bahay nila ay lalong tumitindi ang atraksiyong nararamdaman niya ukol sa lalaki. Gusto niyang baliwalain ang nararamdaman dahil iniisip niya na kaibigan lang ang turing sa kanya ni Sebastian. Ayaw niyang bigyan ng kahulugan ang pagiging sweet at maasikaso nito sa kanya dahil gusto niya ng kumpirmasyon. Ayaw niyang maging assuming at sa huli masasaktan lang siya pero ang halik nito kanina hindi niya nakayanang labanan at ilang ulit niya pang tinugon. Hindi niya maipaliwanag kung anong saya ang nararamdaman niya ngayon, pakiramdam niya sasabog ang puso niya.

"Mahal na nga ba kita Sebastian?" tanong niya sarili.

"Kung hindi mo siya mahal bakit ka magkakaganyan at bakit ka makikipaghalikan sa kanya?" sagot ng isip niya sa tanong niya.

"Mahal na nga yata kita Sebastian." Usal niya pa habang nakatingala sa kisame. "Hindi ko alam kung paano nangyari pero ikaw ang sinisigaw ng puso ko. Nasasabik akong gumising sa isang araw kung ikaw ang palagi kong kasama."dagdag niya pa.

Napangiti siya ng makitang may masarap na pagkaing nakahanda sa hapag-kainan. Hindi na sana siya bababa dahil nahihiya pa siya sa nangyari sa kanila ni Sebastian lalo pa at wala pa rin ang mga magulang niya. Nagulat pa siya sa bigla nitong pagsulpot sa harapan niya, may dala itong gummamela flower at agad na inabot sa kanya.

"Saan mo naman ito kinuha?" natatawa niyang tanong. Inabot nito ang kamay at dahan-dahan siyang pinaupo.

"Diyan lang sa kapit-bahay." Nakangiti nitong sagot. Nakashort na maong lang ito at walang pang-itaas na damit kaya kitang-kita niyang ang naglalakihan nitong abs. Bigla niya tuloy nahiling na sana muli siya nitong ikulong sa mga bisig nito, ang mga bisig na yata nito ang pinakagusto niyang lugar na puntahan. Pakiramdam niya natutuyo ang lalamunan niya sa kakatingin sa abs nito, napainom tuloy siya ng tubig ng wala sa oras.

"Ikaw ba ang nagluto nito?" tanong niya sa niluto nitong carbonara. Inamoy niya pa ang nakahain sa hapag. May liempong prito ring nakahaing. Sa halip na umupo ito at kumuha ng pinggan, sa pinggan niya ito naglagay ng pasta at hinaluan ng sauce. "Kumain kana, kaya ko naman kumain mag-isa." Tutol niya sa ginagawa nito habang inaagaw ang tinidor.

"Gusto ko share tayo. Alipin mo ako ngayon." Sagot nito bago siya kinindatan. Nagwala na naman ang puso niya dahil sa kilig kaya siguro niya ito nagustuhan dahil sa pag-aasikaso nito sa kanya. Ibang-iba ito sa Sebastian na kilala niya.

"Mamaya makita ka ni Tatay, lagot ka dun! Diba nangako ka sa kanya?" paalala niya dito.

"Not this time Honey dahil wala siya, tinawagan niya ako kanina para sabihing hindi sila makakauwi dahil malakas na malakas ang ulan at sabi niya pa bantayan ko ang prinsesa niya at wag daw tayong mag-away." Sagot nito sa kanya kaya bigla siyang kinabahan, silang dalawa lang ngayon sa iisang bahay pero lihim rin siyang natuwa dahil masosolo niya ang lalaki. Hindi niya na kailangan ng kumpirmasyon at lalong hindi niya na kailangan pang magtanong dahil ayaw niyang masira ang araw nilang dalawa total nararamdaman niya naman na mahal siya ni Sebastian. Sapat na iyon sa ngayon. They are old enough para hindi malaman ang tama sa mali at kung mali man itong ginagawa nila hindi niya na muna kailangan mag-isip pa.

Malambing na malambing ito sa kanya habang sinusubuan siya ng carbonara, hindi rin siya nakaligtas sa pagnakaw nito ng halik sa mga labi niya. Hindi siya umiiwas kapag hinahalikan siya nito at minsan pa nga siya na mismo ang humahalik sa lalaki.

"I like you Mercilita." Bulong nito sa kanya habang naghuhugas siya ng pinggan. Nanatili ito sa likod niya habang nakayakap sa bewang niya. " I like you, noon pa man kaya siguro kita palaging pinagtritripan noon. I like the way you smile. Nawawala ang pagod ko at stress kapag ikaw ang kasama ko." Dagdag pa nito. Gusto niya man itong harapin at sagutin pero hindi pa siya tapos sa paghuhugas. Nagulat pa siya ng biglang siya nitong binuhat at pinaupo sa sofa.

"Sebastian hindi pa ako tapos." Pigil niya dito, babalik sana siya sa lababo pero hinarangan nito ang daraanan niya. Muling tumahip ng mabilis ang puso niya nang mapatingin siya sa nagsusumamo nitong mata.

"Look at me honey." Utos nito sa kanya kaya sinunod niya ito. Napapaso siya sa nag-aapoy nitong mga mata. Hindi niya makayanang makipagtitigan dito ng matagal. "I love you Mercilita, mahal na kita noon pa man. Hindi mo man ako nakikita at nakakasama noon, ako palagi kitang pinagmamasdan at binabantayan. Naalala mo ba ng malunod ka at nawalan ng malay? Ako ang lalaking sumagip sayo Mercilita at yon ang unang pagkakataon na nahalikan kita." Paalala nito sa kanya. Hindi niya makakalimutan ang pagkalunod niyang iyon, marunong naman siyang lumangoy pero pinulikat siya habang lumalangoy, hindi niya maigalaw ang mga binti kaya agad siyang nakainom ng tubig at nawalan ng malay.

"Pero sabi ni Nessie siya ang sumagip sa akin?" nagtataka niyang tanong.

"It was me Honey, sinabi ko lang yun sa kanya para hindi mo malaman na ako ang sumagip sayo lalo pa at galit na galit ka sa akin. I love you honey." Turan pa nito kaya napaiyak nalang siya. Kinulong siya nito sa matitipunong bisig at hinagod ang likod niya. "Do you love me?" tanong nito sa kanya ng mahimasmasan siya.

"Hindi." Sagot niya. Nakita niya agad ang panibugho sa mga mata nito. "Hindi kita mahal noon dahil kaaway ang turing ko sayo pero ngayon mahal na nga yata kita. Kung dati hinahangaan lang kita ngayon mahal na kita." Bawi niya sa sinabi.

"Bakit yata?" tanong pa nito.

"Hindi ko kasi maintindihan ang sarili kung bakit agad kitang minahal samantalang kaaway ang turing ko sayo. Naguguluhan ako at natatakot dahil napakabilis ng pangyayari." Amin niya sa lalaki.

"I know and that's my fault. Ang importante sa ngayon mahal kita at mahal mo ako." Nakangiti nitong turan. "I love you honey." Bulong pa nito sa kanya.

"I love you too Sebastian." Sagot niya. Siya na ang kusang humalik sa mga labi nito.

"Matulog na tayo Honey." Yaya nito sa kanya kaya muli na naman siyang kinabahan.

"Mauna kana, magliligpit muna ako." Iwas niya dito pero hindi ito pumayag, daig pa nila ang bagong kasal dahil bigla siya nitong binuhat papuntang silid niya pagkatapos ay dahan-dahan siyang binaba sa kama niya. Nakayakap ang mga kamay nito sa bewang niya habang nakadangan sa kanya. Hindi siya mapakali sa mga titig nito lalo na at magkadikit ang mga katawan nila.

"Matulog kana." Utos niya dito habang tinuturo ang lapag kung saan ito dapat matulog. Hindi siya nito pinansin bagkus nilaro-laro nito ang tungki ng ilong niya habang hinahaplos ng kaliwang kamay nito ang buhok niya. Hindi na siya mapakali sa malakas na tibok ng puso niya lalo pa at nararamdaman niyang walang balak si Sebastian na pakawalan siya.

"You're so beautiful honey. Nasasabik akong mahalikan palagi ang mga labi mo. Gusto ko, palagi kalang sa tabi ko kahit saan man ako magpunta. Be mine Honey." Pahayag nito sa kanya habang hinahaplos ang makinis niyang mukha.

"Sayo lang ako Sebastian. Hindi ko man hawak ang bukas pero gusto ko ikaw ang bukas ko. Sayo ko lang naramdaman ang ganitong saya sa tanang-buhay ko. Noon pa man mahalaga kana sa akin sa kabila ng pang-iinis mo." Nahihiya niya sagot. Kinantilan siya nito ng halik sa labi at buong puso niyang tinugon.

Pagkasabik ang nararamdaman niya sa tuwing hinahalikan siya nito. Kiliti ang hatid ng bawat haplos nito sa kanyang katawan, bawat madaanan ng kamay nito ay naghahatid sa kanya ng kakaibang ligaya. Hindi niya maiwasang hindi mapakislot sa mararamdamang saya. Pakiramdam niya isa siyang mamahaling bagay sa tuwing hinahawakan siya ni Sebastian, nararamdam niya kung gaano siya nito kamahal at kahit kailan hindi niya inisip na mangyayari ang lahat ng ito sa pagitan nila ni Sebastian at ngayon handang-handa na siyang ipagkaloob ang sarili sa lalaking itinatangi na ng puso niya.

"Sana hindi mo maisip na pagkakamali itong nangyari sa atin." Turan nito sa kanya. Nakayakap siya hubad nitong katawan habang kinantilan nito ng halik ang noo niya.

"This is not a mistake, it's my choice na ibigay sayo sarili ko dahil mahal na kita. At kahit ilang ulit pang may mangyari sa atin hinding-hindi ako magsisisi." Nakangiti niyang sagot.

"I'm sorry if I hurt you." Turan pa nito dahil nasaktan siya sa unang pagniniig nila.

"Worth it naman dahil napasaya kita." Nakangiti niyang sagot.

"Super happy Honey, dahil nalaman ko na importante din ako sayo dahil binigay mo ang importanteng bagay sa buhay mo na alam mong kahit kailan ay hindi na maibabalik pa." masaya nitong pahayag kaya natuwa na rin siya. Pangako niya kasi noon sa sarili na ibibigay niya ang sarili sa lalaking mamahalin niya at sigurado na siyang si Sebastian iyon.

"Hindi ko nga lubos maisip na mangyayari ang lahat ng ito at maging sa panaginip hindi ko naisip na mamahalin kita and after all this years hindi pa rin kita nakakalimutan, siguro dahil ikaw pala ang soulmate ko at itinakdang mamahalin ko." Nakangiti niyang pahayag.

"Hindi siguro Honey, dahil sigurado ang lahat ng ito and I promised you na ang lahat ng ito ay hindi panandalian. I want to be with you all the time. Ikaw ang nag-iisang taong hindi ko makakalimutan. You're always part of my dream."dagdag pa nito. Kinantilan niya ito ng halik sa labi bago sila natulog.

Tulog na tulog na si Sebastian pero siya ay nanatiling gising. Mabigat na nga ang mga talukap ng mga mata niya. Nakahubad pa ito sa tabi niya at nakayakap ang mga kamay sa bewang niya. Malakas pa rin ang buhos ng ulan na tanging saksi sa pagmamahalan nilang dalawa. Pinagmasdan niya ang mukha ng lalaking katabi. Hindi-hindi siya magsasawang pagmasdan ang lalaking katabi. Napakaamo talaga ng mukha nito at ang mga labi nito na tila laging nag-aanyaya sa kanyang dampian ng halik. Dinantay niya ang mga palad sa makinis nitong mukha. Malaya niyang dinama ang bawat parte ng mukha nito, tumagal siya sa mga labi nito. Pinagsawa niya ang mga daliring paglaruan ang mga iyon.

"I love you Sebastian. Sana hindi na matapos ang gabing ito. Maya't-maya pa ay dinalaw na siya ng antok na may ngiti sa labi.