Chereads / BE MINE AGAIN / Chapter 1 - CHAPTER ONE

BE MINE AGAIN

🇵🇭Gabe_Fuentes
  • 10
    Completed
  • --
    NOT RATINGS
  • 18.2k
    Views
Synopsis

Chapter 1 - CHAPTER ONE

Nanlaki ang mga mata ni Mercy ng makita kung sino ang nagmamay-ari ng magandang motor sa tapat ng bahay nina Nessie, bestfriend niya ito simula pagkabata. Nessie for short pero ang totoo Ernesto talaga ang pangalan ng bakla niyang kaibigan.

"OMG!" hiyaw ng kaibigan niya dahil kapwa sila napakatingin sa pumaradang sasakyan sa tapat ng bahay ng mga ito. Kahit nasa loob sila ng sala kita pa rin nila ang humihintong sasakyan sa kalsada dahil open ang tindahan sa loob ng bahay. Tinampal niya sa noo ng kaibigan dahil sa inis.

"Anong OMG yang sinasabi mo?" kompronta niya sa kaibigan.

"Bakit ako lang ba ang natulala sa gwapong pumarada sa tapat ng bahay namin? Aminin mo gwapong-gwapo kay Sebastian kanina? Tulo-laway ka nga eh." Katiyaw nito sa kanya kaya pinandilatan niya ito. Aaminin niyang tumigil ang pag-ikot ng mundo niya ng makita kung sino ang nagmamay-ari ng makisig na katawan, at habang hinahubad nito ang suot na helmet para siyang tanga na naghihintay na masilayan ang mukha nito. Akala niya mafrufrustrate siya sa mukha ng may-ari ng motor dahil manchong-macho ito pero tama nga ang bestfriend niya ohlalala siya sa kagwapuhan nito. Malayong-malayo sa lalaking kinamumuhian niya twelve years ago. Naaalala niya pa noon ang mukha nito, daig pa nito ang tingting sa kapayatan at ang mukha nitong napakakinis ngayon ay puno ng pimples noong araw. Wala naman kaso sa kanya ang hitsura nito, ang ikinaiinis niya lang masyado itong feelingero masyadong mahangin ang ulo nito noong araw at natitiyak niyang lalo na ngayon dahil ubod na ito ng gwapo baka nga sumobra pa.

"Kahit ubod pa siya ng gwapo, hindi ako magkakagusto sa kanya. Hinding-hindi siya papasa sa standard ko! At lalong hindi ko makakalimutan ang mga ginawa niya sa akin noong araw!"madiing ang mga salitang binitiwan niya sa kaibigan.

"Hindi ka pa rin makaget-over kay Sebastian?"Nanlalaki ang mata nitong tanong sa kanya, kaya muli niya itong pinandilatan.

"Get-over sa paghihiganti!" pagtatama niya sa sinabi nito. Muli siyang sumilip sa labas ng bahay nang mapansing umalis ang lalaki. Agad siyang naghanap ng pako at agad na tinusok ang gulong ng motor nito, gulat na gulat si Nessie sa ginawa niya at kahit anong pigil nito hindi siya nagpaawat. Agad na nawalan ng hangin ang motor ng lalaki bago siya kumaripas ng takbo sa sarili nilang bahay. Naririnig niya pa ang pagtawag ng kaibigan sa kanya pero hindi niya ito pinakinggan. Lihim siyang napangiti sa ginawang kabaliwan.

"Magwala ka ngayon!" turan niyang ngising demonyo.

"Mukhang napakasaya mo yata ngayon anak?"Puna sa kanya ng ama ng makasalubong niya ito sa bakuran nila. Nagbakasyon lang sila ni Nessie sa probinsiya dahil fiesta ngayon sa kanila, may sarili na kasi siyang beauty parlor sa Manila at business partner niya ang kaibigan sa naturang parlor. Magdadalawang-buwan na ang parlor nila at sapat naman ang kita nila sa araw-araw para makabayad ng upa at pasahod para sa dalawang tao nila. Noon pa naman kasi pangarap na nila ng kaibigan ang magkaroon ng sariling negosyo kaya ng magkagraduate siya sa kursong business management niyaya niya ang kaibigan na lumuwas ng Manila. Magkasama silang nagtrabaho at nang makaipon unti-unti silang nagtayo ng parlor at kahit may parlor na siya hindi pa rin siya tumitigil sa pagtratrabaho, isa siyang public accountant. Pandagdag puhunan na rin ang kinikita niya sa pagtratrabaho. Sa edad niyang twenty five trabaho ang palaging laman ng isip niya lalo pa at nangako siya sa mga magulang na bibigyan niya ang mga ito ng magandang buhay. Hindi naman siya naprepressure sa buhay niya dahil talagang pangarap niya ito para sa mga magulang lalo pa at nag-iisa lang siya anak.

"Bakit Tay, hindi ba ako ganito kasaya lagi?" nakangiti niyang tanong sa ama bago niya ito inakay papasok ng bahay.

"Alam mo Mercilita anak kita, nababasa ko sa mga mata mo kung may ginawa kang kapilyahan." Sagot nito sa kanya. Napangiwi na naman siya ng marinig ang pagtawag nito sa pangalan niya. Tanging ito lang at si Sebastian ang tumatawag sa kanya ng Mercilita kaya naman ganun nalang ang inis niya dito at kahit anong pakiusap niya kasing Mercy nalang ang itawag sa kanya hindi ito sumusunod. Hindi naman sa nababansutan siya sa pangalan niya, pakiramdam niya kasi ang tanda niya kapag tinatawag siyang Mercilita.

"Natatawa lang kasi ako kay Nessie kanina." Sagot niya sa ama. Hinalikan niya ang ina ng madatnan niya itong naghahain sa hapag para sa tanghalian nila. "Tulungan na kita Nay." Alok niya sa ina bago inabot ang mangkok sa kamay nito. "Mukhang masarap itong niluto niyo ah." Puri niya sa mga pagkain bago inamoy ang mga yon.

"Syempre naman. Favorite mo kaya yan, ginataang alimango. Magbihis kana muna bago tayo kumain." Turan sa kanya ng ina kaya dali-dali siyang pumanhik sa sariling silid para magpalit ng damit. Akmang magpapalit na siya ng damit nang may masilip siyang tao sa labas ng bahay nila. Simple lang ang buhay nila sa probinsiya, magsasaka ang ama niya at mananahi naman ang ina niya 'yon ang dahilan kung bakit siya nakatapos sa pag-aaral, kaya hindi niya binigo ang mga ito at nag-aral siyang mabuti.

"Sebastian!" bulong niya sa pangalan nito. Lumakas ang kabog ng dibdib niya sa takot na baka nalaman nito na siya ang may gawa sa motor. "Bakit ako matatakot samantalang kulang pa yan sa ginawa mo sa akin!" sagot niya sa sariling tanong. Ang laki talaga ng pinagbago ni Sebastian, napakakisig na nito ngayon at ubod na ng gwapo at habang pinagmamasdan niya ito mula sa gate nila ilang metro ang layo sa bahay nila sa tingin niya papasa itong modelo dahil sa ganda nitong lalaki.

"Tao po! Tao po!" narinig niyang sigaw nito kaya agad siyang tumalima papunta sa likod ng bahay nila at agad niyang pinakawalan ang alagang asong si Chow. Nakita niya kung paano tumakbo ng mabilis ang alagang asong pit bull sa bisita nila. Narinig niya pa ang hiyaw ni Sebastian bago siya lumabas ng bahay. ANg lakas ng tawa niya ng makita itong umakyat sa puno ng mangga, para itong unggoy na pinagkasya ang sarili sa maliit ng puno habang nakatanghod si Chow dito. Napansin niyang namutla ito.

"Sino ka?" pagkukunwari niyang tanong habang nakatingin dito. Hindi niya pa rin mapigilang mapangiti ng makita ang todong kapit nito sa sanga ng mangga.

"Paalisin mo muna yang aso mo!" galit na sagot nito sa kanya.

"No way! Paano kung magnanakaw ka?" nanlalaki ang mata niyang sagot dito.

"Magnanakaw? What the hell! At ano naman ang nanakawin ko sa bukid? Araro?" mayabang nitong sagot sa kanya kaya bumangon na naman ang galit sa dibdib niya. Tatalikuran niya sana ito pero sumigaw ito.

"Wait!" pigil nito sa kanya kaya muli niya itong tiningnan. "Im Sebastian." Pakilala nito sa kanya. "Remember me?" tanong pa nito sa kanya. Saglit siyang nag-isip bago pumalatak ng sagot.

"Sebastian Manuel Lagdameo, my demon neighbors, right?" turan niya dito. Hindi ito makakibo sa sinabi niya. "Sino ba naman ang hindi makakakilala sa pangalang yan na sa tuwing naiisip ko kumukulo ang dugo ko at gusto ko siyang ipakain kay Chow." Dagdag niya pa.

"Nangangawit na ako, paalisin mo na yang aso mo." Pakiusap nito sa kanya.

"Bakit sa akin ba hindi ka naawa nang ipahabol mo ako sa aso mo? Tuwang-tuwa ka pa nga habang nagkakandatisod-tisod ako sa pagtakbo diba?" pauyam niyang sagot dito ng muli niyang maalala ang mga ginawa nito.

"Dahil nagnakaw ka ng bayabas namin." Katwiran nito.

"Dahil lang sa bayabas ipapahabol mo ako?" usig niya dito.

"Forget it Mercilita. Matagal na yon ang importante ay ang ngayon, mukhang lalapain talaga ako ng alaga mo." Pakiusap nito sa kanya.

"Alam mo bang kahit mahal si Chow binili ko talaga siya para sa pagbabalik mo at ngayong bumalik ka mukhang makakatikim si Chow ng imported." Pananakot niya dito. Napakagat-labi siya ng makitang paparating ang mga magulang. Napatingin ang mga ito kay Sebastian. Agad namang kinuha ng tatay niya si Chow at binalik sa kulungan.

"Naku iho, pasensiya kana mukhang nakawala itong si Chow." Hingi ng paumanhin na turan ng ina niya. Mukhang naalala ito ng ama mga magulang niya. Nag-ayos muna ng sarili si Sebastian bago ito nagbigay galang sa ina. Napatalikod siya ng bumalik ang ama galing sa likuran ng bahay, kinulong nito ang alaga niyang aso sa kulungan. Napansin niya ang masusing pagmamasid sa kanya ng ama. Yumuko siya para iiwas ang mata dito pero sa harapan niya ito tumigil, sa halip na kay Sebastian kaya napilitan siyang tingnan ito.

"Pinakawalan mo ba si Chow?" seryosong tanong ng ama niya sa kanya.

"Papakainin ko sana siya kanina ng bigla nalang nagwala dahil may dumating na tao." Pag-iimbento niya ng kasinungalingan pero alam niyang hindi naniwala ang ama sa sagot niya. Napakagat-labi siya ng talikuran siya ng ama.

"Sa tingin ko po sinadya ni Mercilita na pakawalan ang alaga niyo." Sumbong nito sa ama niya kaya pinandilatan niya ito. Kung may mapupulot nga lang siyang bato sa tabi baka pinulot niya na at pinukol sa bibig nito para matahimik.

"Hindi yan totoo!" nanlalaki ang butas ng ilong na depensa niya sa sarili.

"Ako na ang humihingi ng tawad sayo Sebastian." Nahihiyang sagot ng ama niya. Kahit mabait ang ama niya may takot pa rin siya dito dahil kilala niya ito kung magalit. Naalala niya pa noong bata siya kapag napapagalitan siya ilang oras din siya nitong pinaluluhod sa munggo at kung hindi pa siya aatungal sa pag-iyak hindi siya nito patatayuin. Isa kasi sa mga turo nito ang wag gumanti sa kapwa kahit na napakasama nito, at yon yata ang hindi niya kayang gawin kapag nakikita niya ang lalaking ito. Matagal niyang hinintay ang pagbabalik ng lalaking ito, dahil dito napilitan siyang mag-alaga ng aso ng wala sa oras, iyon ay para makaganti dito. Seventeen years old ito nang mag-migrate ang magulang nito sa Canada at kahit mahigit isang dekada na ang lumipas hindi pa rin siya sumukong umasa na babalik ito at makakaganti din siya. Bumalik sa alaala niya ang nakaraan.

LABIS siyang naapektuhan ng ibenta nang kapitbahay nila ang lupa na palagi niyang tinatambayan tuwing nag-iisa siya. Unang-una gusto niyang tumambay doon dahil maraming bunga ng bayabas at mangga sa bakuran ng mga ito na talaga namang paborito niya. Hinahayaan nga lang siya ng may-ari ng bahay na kunin ang mga bunga pero ang nakabili ng katabing lupa nila ay ubod ng damot at iyon ay walang iba kundi si Sebastian. Mabait ang mga magulang nito sa kanila at lalo na sa kanya pero ang anak ng mga ito na si Sebastian, demonyo kong ituring niya. Napakadamot nito at ayaw nitong tumungtong siya sa bakuran ng mga ito sa hindi niya malamang dahilan. Gustuhin niya mang makipagkaibigan dito pero ayaw nito sa kanya.

Isang araw napansin niyang umalis ng bahay si Sebastian kaya naman agad niyang tinawid ang maliit na bakod papunta sa bakuran ng mga ito. Napangiti siya ng makitang hitik sa bunga ang bayabas at mangga. Agad niyang nilabas ang baong plastic at agad na sinunggaban ang puno. Ilang araw na rin siyang hindi nakakakain ng bayabas at mangga kung hindi pa nga siya binibigyan ng Mama ni Sebastian tuwing sabado baka isang taon na siyang hindi napakali lalo pa at natatanaw niya mula sa bahay nila ang malalaking bunga ng bayabas. Kumabog ang dibdib niya ng biglang tumahol ang alagang aso ni Sebastian. Agad niyang sinara ang plastic na puno ng bunga bago tumakbo pabalik ng bahay nila pero huli na dahil nasa harapan niya na ang aso nitong Labrador. Kumabog ng malakas ang dibdib niya sa takot na maabutan ng aso. Pakiramdam niya lumulutang na siya sa pagtakbo sa takot na maabutan pero likas na mabilis ang aso, una niyang nabitiwan ang dalang plastic nang bigla siyang nabuwal sa putikan. Nasubsob ang mukha niya sa putikan. Naghalo ang putik at luha niya. Kahit nadapa na siya sa putik hindi pa rin siya tinantanan ng aso dahil nakabantay ito sa kanya, hinihintay lang siguro ang pagtayo niya at saka siya hahabulin uli. Hindi siya kumilos sa pagkakadapa sa takot na makagat at dahil sa takot, umaatungal na siya ng iyak. Nahagip ng mata niya ang isang pigura ng lalaki. Nakatayo ito sa puno ng mangga habang nakangiting pinagmamasdan ang kaawa-awang sitwasyon niya. Maya't-maya pa ay lumapit ito at kinuha ang tali ng aso. Umiiyak siyang tumayo sa putikan.

"Next time kasi wag kang magnakaw, yan tuloy ang napala mo!" turan pa nito na lalo niyang ikinagalit. Binato niya ito ng ilang mangga at bayabas na nagkalat pero mabilis itong umilag.

"Hindi mo ito pag-aari at isa pa kasama ako ng tinanim ang mga punong yan!" sumisigok niyang sagot.

"Kung ikaw ang nagtanim niyan dapat dun sa bahay mo itinanim at nang binili namin ang lupang ito kasama ang mga punong yan kaya ang bottomline akin ang punong yan!" pang-aasar nito sa kanya bago siya tinalikuran.

"Demonyo ka Sebastian! I hate you!!!! Kainin mo ang lupa mong yan!" sigaw niya sa papalayong lalaki.

Hindi mawala ang galit niya sa lalaki simula ng ipahabol siya nito sa alagang aso. Gusto niyang gumanti dito pero hindi niya alam kung paano. Sinubukan niyang magsumbong sa mga magulang pero siya pa ang pinagalitan ng mga ito dahil siya daw ang mali. Tuluyan na sana siyang magtatanim ng galit dito pero bigla siya nitong kinausap. May mga dala itong mangga at bayabas bilang suhol kaya naman pinatawad niya agad ito at sinimulang lantakan ang mga bigay nito. Sa totoo lang kasi gusto niya rin itong maging kaibigan, ito lang talaga ang may ayaw sa kanya. Niyaya siya nitong mamasyal kaya hindi na siya tumanggi. Niyaya siya nito sa taniman ng palay ng mga ito.

"Mabait ka naman pala eh." Nakangiti niyang turan sa binata habang inaakay siyang sumakay ng besikleta nito. Hindi niya maiwasang hindi mapayakap sa payat nitong bewang ng magsimula na itong paandarin ang besikleta. Naamoy niya ang pabango nitong nanuot sa kalamnan niya. Hindi niya alam kung bakit lihim siyang kinilig. Natigil ang pag-iisip niya ng huminto sila sa palayan. Inalalayan siya nitong bumaba.

"Maglakad nalang tayo." Turan nito sa kanya ng makababa sila kaya naman tumango siya.

"Hindi ba delikado?" tanong niya ng mapansing maputik ang daanan nila.

"Diba sabi mo gusto mong sumakay ng kabayo? Kung hindi natin tatawirin ang maliit na kahon ng palayan na yan hindi tayo makakapunta sa dulo." Paliwanag nito sa kanya kaya wala siyang nagawa. Nauna siyang tumawid sa maliit na kahon, binalanse niya ang katawan sa takot na mahulog sa mga palayan. Napangiwi pa siya ng makita ang maliit na sapa na liguan ng kalabaw sa gilid ng daanan nila. Tiyak na hulog siya kung hindi siya umayos sa paglalakad.

"Sebastian, wag nalang kaya tayong tumuloy." Nag-aalangan niyang sambit bago huminto sa paglalakad. "At bakit ikaw ang nasa huli? Diba dapat ikaw ang nasa unahan?" tanong niya. Kinabahan siya ng maisip niya na baka pinagtritripan na naman siya nito.

"Kaya nandito ako sa likuran mo para masalo kita kung sakaling mahulog ka." Sagot nito kaya naman lihim siyang kinilig.

"Kung ganyan ka naman palagi eh di magkakasundo tayo." Sagot niya bago ito kininditan.

"May ahas!!!" biglang sigaw ni Sebastian kaya nataranta siya, agad siyang tumalon sa liguan ng kalabaw sa labis na takot. Dinaig niya pa ang kalabaw sa paglangoy sa maputik na sapa. Napansin niya ring matulin na kumaripas ng takbo si Sebastian pabalik sa besikleta nito at iniwan siya sa putikan. Hindi niya malaman ang gagawin ng mga oras na iyon. Nalasahan niya rin ang putik sa bibig niya. Ang puti niyang t-shirt at jogging pants ay naging kulay tsokolate. Matagal siya bago makaahon sa sapa dahil sa bigat ng putik sa katawan. Umiiyak na siya sa galit at katangahan. Kung bakit ba kasi naniwala siya sa Sebastian na yon samantalang siya na nga ang may sabing demonyo ito at likas na masama at ang demonyo kailanman ay hindi na magbabago pa. Siya naman itong si tanga dinalhan lang mangga at bayabas sasama agad kaya ito ang napala niya, tumalon sa liguan ng kalabaw. Hindi naman totoo ang sinabi nitong ahas dahil wala naman siyang nakitang ahas sa paligid lalo pa at hindi naman masukal ang daan. Para siyang baliw na umiiyak habang binabaybay ang malayo nilang bahay. Lahat napapatingin sa hitsura niya pero hindi siya makilala ng mga ito. Hiyaan niya lang na hindi siya makilala, pasalamat na rin siya dahil natabunan ng putik ang mukha niya dahil kung hindi mas nakakahiya ang sinapit niya.

Kinakabahan siyang kumatok sa katamtaman nilang bahay. Kulang nalang atakihin ang nanay niya sa nabungaran, hindi rin siya nito nakilala. Yayakapin niya sana ito pero tinabig siya nito.

"Nay naman eh!" reklamo niyang sisigok-sigok, sabay pahid sa sipong tumutulo.

"Por diyos por santo! iKaw ba yan Mercilita?" pagtitiyak pa nito habang nakahawak sa dibdib. Tango lang ang isinagot niya sa ina.

"Anak niyo nga ito Nay." Sagot niya.

"Anong nangyari sayo?" gulat nitong tanong sa kanya.

"Nahulog po ako sa liguan ng kalabaw." Sagot niyang umiiyak.

"Ano ka ba naman, pati ba naman liguan ng kalabaw sinadya mo pang languyin? Pambihira kang bata ka." Pangaral pa ng ina niya pero lihim itong natatawa sa hitsura niya. Hindi man lang siya nito inakay papasok ng bahay bagkus inabutan siya ng palanggana para sa likod bahay na dumaan.

"Ang sama niyo Nay, napahiya na nga ako sa labasan tapos pagtatawanan niyo pa ako. Baka gusto niyo pong magpalitrato?" sagot niyang naiinis kaya natawa na ito lalo.

"Aba kung meron tayong camera kukunan talaga kita, souvenir din kaya yun." Biro pa nito sa kanya para mapangiti siya, kahit kasi natatakpan ng putik ang mukha niya makikita mo pa rin ang galit niyang mukha.

BUONG araw siyang naligo dahil kumapit sa buong katawan niya ang putik, at ang masaklap pa pati ang amoy ng kalabaw ay hindi maalis sa katawan niya kahit pa pinaliguan niya na ng pabango ang katawan. Kung baga sa pagkain may after taste na, iyon ang naaamoy niya sa sarili. Mabango nga siya pero habang tumatagal amoy ng kalabaw ang naaamoy niya.

Umiiyak siyang nagbabad buong araw sa malaking batya. Hindi rin maipinta ang mukha niya buong araw. Kung nakita niya nga lang ang Sebastian na yon ng araw na iyon tiyak na napatay niya ito sa galit. Para sa kanya walang kabayaran ang ginawa nito at lalong walang kapatawaran.

Ilang araw din siyang naghanda para makaganti dito pero kahit anino nito ay hindi niya nakikita, nagkakandahaba na nga ang leeg niya kakatanaw sa bahay ng mga ito pero mailap talaga ito hanggang sa mabalitaan niyang mag-mimigrate ang pamilya nito sa ibang bansa. Saya ang naramdaman niya ng mga oras na iyon pero sa kabilang banda naiinis pa rin siya dahil hindi siya nakaganti at hanggang sa makaalis ang mga ito paghihigante pa rin ang nasa puso niya, gusto niyang maranasan nito ang pinaranas nito sa kanya.