Chereads / My Beloved Enemy / Chapter 15 - [14] Myries Farm

Chapter 15 - [14] Myries Farm

DAYS past, medyo kumalma na ang mundo. Balik na sa normal ang lahat. Nakahiga lang ako sa kama habang nakatulala sa kisame. Iniisip ko kung ano ang mayroon sa musuem na kaharap ng bahay namin. Iniisip ko rin kung gagawin ko ba ang misyon na iyon, o hindi. Alam ko ang tungkulin ko, pero hindi ko maiwasan na matakot.

Nag-beep ang phone ko kaya tiningnan ko ito. May message galing sa isang hindi ko kilalang numero.

From: +639**********

Let's visit Myries Farm. Lumabas ka sa bahay niyo, puntahan mo ako sa park. Hihintayin kita, darling.

Recieved: 5:20 am

So it's Kaikai. Tch, nakakabaliw ang pagtatawag niyang darling. Feelingero talaga eh 'no! Maghintay siya doon ng matagal, bahala siya.

"Teka, Myries Farm?" Napatayo ako agad at  tumakbo pababa ng hagdan. Wala sila mama, dahil may business trip daw, ewan. Mas mabuti nga na wala sila rito, para maka-gala ako.  Wala na rin si manang dahil umuwi na yata.

Isinuot ko ang jacket ko at nagdala ako ng maliit na bag. ADVENTURE! Nakikita ko na ang sarili ko na tumatakbo patungo sa toktok ng farm. Aakyat talaga ako sa tree house doon.

"Hey, Kaikai!" Parang nagulat ko yata si Kaizer, dahil nanlaki ang mga singkit nitong mata. Akala ko ba nasa park siya, bakit nandito siya sa tapat ng coffee shop?

"Ikaw pala  Zyne," aniya. Ay, nakalimutan niya ba na may lakad kami? O baka naman prank lang ang message na iyon?

"Ano, titingnan mo na lang ako?" inis kong tanong dito. Umiling naman ito at tumayo.

"May kukunin lang ako, hintayin mo ako sa park," aniya. Mukhang may candy yata sa bibig nito at parang iba ang boses. Napatawa naman ako ng tumakbo na siya.

"Sige, Kaikai. Hindi mo sinabi sa'kin na mahilig ka pala sa candies!" sigaw ko rito kaya napalingon sa'kin.

Nakarating ako sa park at naupo sa bench. Ano ba ang kukunin ng taong iyon? Tsk, nakakainis talaga siya.

"Hoy Zinang! Ang tagal mo namng maglakad!" sigaw ni Kaizer na naglalakad papalapit sa'kin.

"Nagbihis ka pala. Akala ko may kukunin ka? Gusto mo?" Natatawa kong salubong sa kaniya. Iniabot ko ang fresh  ment candy na blue sa kaniya kaya napakunot ang mga noo nito.

"Ano 'yan? At Kukunin? Ah, ito," aniya. May kinuha siyang ticket sa bulsa niya. Dalawa ito kaya naman napangiti ako.

"Libre mo ako?" nakangiti kong tanong.

"Yes, darling. Ayaw mo?" Pinalo ko siya ng mahina at kinuha naman niya ang iniaabot kong candy.

Ang bilis niyang magbihis, siguro hinubad niya lang ang pang-ibabaw na damit niya. Tch, bahala na nga 'yon. Bakit ko ba iniisip ang bagay na iyon.

"Anong gusto mong puntahan muna natin?" tanong niya habang naglalakad kami. Nagtatanong na siga pero malayo pa nga kami.

"Mga  kapamilya mo," sagot ko at pinagtawanan siya.

"Grabe naman darling, wala doon ang mga kapamilya ko," aniya at tumawa. Hmm, ewan bakit ba ako nakikipagtawanan sa lalaking ito.

"Ewan ko sa'yo. Pero gusto ko munang tingnan ang mga rabbits," sagot ko. Hinila ko siya nang matanaw ko na ang gate ng farm. Nag-unahan kami sa pagtakbo, hinila ko siya para maunahan ko.

"Ang daya, Zinang hintayin mo ako!" Tinawanan ko lang siya at huminto ako sa gate. Inilabas ko ang camera.

"SMILE!"

Lumapit siya sa'kin at nagwacky. Umakbay rin siya at ngumiti ng mukhang ewan.

"Enjoy your stay here ma'am and sir," bati ng guard.

"Salamat po," sagot ko at tinakbo ang pataas na daan. Grabe nakakangalay sa paa. Hindi pa nga kami nangangalahati nangangalay na ang paa ko.

"O, kaya pa?" tanong niya. Inirapan ko lang ito.

"Look, rabbits!" Napalingon naman ako agad. But wrong move, malapit pala siya sa'kin. Bahagya akong umurong para makalayo ng kaunti.

"Hahahaha, muntik na. Pero okay lang, ako naman ang future hubby mo," aniya. Grr, para siyang ano!

"Woah!" Hinawakan ko ang isang rabbit at ibinigay kay Kaizer ang camera. Naintindihan naman niya ang ibig kong sabihin.

"SMILE darling!" Ngumiti ako ng pinakamatamis na ngiti habang karga ang rabbit.

"Dito ka rin," wika ko at hinila siya. Nagpicture kami together at umakyat na ulit.

Ang ganda ng paligid. Pantay ang mga carabao grass at may mga bulaklak sa pathway. May mga puno sa itaas na bahagi ng farm. Maraming mga hayop na naririto. May usa, unggoy, love birds, rabbits, may aquaruim din sila sa main house. Mahangin sa itaas ng farm, at matatanaw ang kabuuan ng bayan.

"Ang ganda dito," puri ni Kaizer.

"Salamat sa'yo. Sa kabila ng pang-iinis mo, hindi ko inaakala na ikaw ang magdadala sa'kin dito," wika ko at naupo muna sa bench.

"Sabi ko kasi, ang babaeng dadalhin ko rito, ay ang babaeng pakakasalan ko," aniya. Tiningnan ko siya ng masama.

"Kasal ka ng kasal, mamaya sasakalin na kita," pagbabanta ko.

"That's why I love you. Dahil madali kitang napipikon!" aniya at pinagtawanan ako. Napakamot na lang ako sa ulo ko.

"Tara sa tree house!" Agad naman akong tumayo at nauna na siyang umakyat. Sumunod lang ako habang nakangiti.

"Alam mo ba na noong bata pa lang kami, ang hilig naming tumambay sa tree house," kwento niya.

"Kayo?"

"Oo, lima kaming magkakaibigan. Dalawang babae, tatlo kaming lalaki," aniya. Tumango na lang ako  at napa sana all.

"Ikaw ano ang lagi mong ginagawa noong bata ka?" tanong niya bigla.

"Wala. Wala akong maalala," natatawa kong sagot.

"Ganoon ba, ayaw mo bang maalala?"

"Bakit ko naman aalalahanin kung ayaw talaga ng utak ko? Tsaka, hindi na iyon mahalag. Past na iyon, ang importante ang ngayon at ang future."

"Tama ka. Here, I know you love it," aniya at may iniabot sa'kin.

"Chocolate?" Natatawa kong tanong. Agad ko naman itong tinanggap.

"Yes, darling," sagot niya.

"Bakit darling? Wala naman tayo?"

"Hindi naman magjowa lang ang pweding magtawagan ng darling. Katulong nga namin, darling ang tawag ni mommy," aniya.

"Pero... okay," sagot ko at kinain na lang ang bigay niya.

"Alam mo, ang ganda sana ng mundo kong walang masasamang tao," bigla niyang sabi. Sumang-ayon naman ako.

"Tama ka. Pero, wala talaga. Kaakibat ng buhay ay pagsubok. Kaya nariyan ang mga masasamang nilalang para subukin kung gaano katatag tayong mga mabubuting tao," sagot ko naman.

"Kung uutusan ka na pumatay ng masamang tao, at isa ito sa mga mahal mo, papatayin mo ba para sa katahimikan ng buong mundo?" Napatigil ako sa tanong niya.

"H-Hindi ko alam," nauutal kong sagot.

Namuno ang katahimikan sa pagitan naming dalawa. Sa totoo lang, hindi ko talaga alam ang isasagot sa tanong niyan iyon. Paano nga kung mangyari sa'kin ang eksina na iyon? Ano ba ang magandang gawin? Takasan? Harapin? O pipikit na lang?

"Look, may unggoy nakalabas sa lungga!" aniya kaya napatayo ako. Humarap ako sa kaniya pero nakaturo siya sa sarili niya habang tumatawa. Pinaghahampas ko siya dahil sa inis.

"Unggoy ka pala talaga!" sigaw ko sa kaniya.

"Ano? Sa g'wapo kong ito magiging unggoy? Ayokong malahian ng hayop ang magiging  mga anak natin," aniya kaya binatukan ko na nga.

"G*g* anong anak? Asa ka!" sigaw ko at bumaba na sa tree house.

Apat na oras kaming nag-aasaran sa loob ng farm. Apat na oras din na hindi ko maintidihan ang nararamdaman ko. Naiinis ako na masaya. Hindi ko alam, pero iyan ang totoo.

"Balik po kayo," wika ng guard.

"Yes, we shall return," sagot naman ni Kaizer.

Nakangiti kaming pareho habang naglalakad pauwi. Hindi niya dinala ang kotse niya para daw mas ma-enjoy namin ang adventure. Nag send ako ng pictures kila Kyla at Arra para baka sakali mahikayat sila na magpunta sa Myries Farm.

"Bakit nga pala ikaw ang nanlibre ng ticket?"

"Kasi, gusto ko. It's my pleasure to treat my darling," aniya. Nanindig ang balahibo ko tuloy sa sinabi niya. Darling daw talaga?

"So, are you ready for our new deal? It's more complicated than before," dagdag pa niya.

"Deal na complicated?"

"Oo, dahil diyan nakasalalay ang puso mo," aniya at kumindat. I frowned at him.

"Bukas ko na sasabihin, maghanda ka na lang darling. Dahil this time, hindi na ako magpapatalo," aniya at hinawakan ang kamay ko.

"Zyne, where have you been?" Nakasalubong namin si Josh na nakataas ang mga kilay. Daig pa niya ang babae kung makapagtaray.

"Adventure," sagot ko. Nakita ko naman na dumarating si Xian at may ibinigay kay Josh. So, magkaibigan ang dalawang ito? Well, bagay naman ang ugali nila. Si Josh, heartbreaker, si Xian? Ewan, basta panget ang ugali niya.

"Playing with her?" nakangising wika ni Xian. Hindi ko alam ang ibig niyang sabihin. Pero tumawa agad si Josh.

"Don't mess with the wrong person, Kaizer," banta pa ni Josh at hinila ako.

"Hoy, ano ba. Sino ang may sabi na hilain mo ako?" singhal ko rito.

"You're just her cousin, but she's mine," sagot ni Kaizer at ngumiti.

"Walang sa'yo Kaizer. Kaya makaka-alis ka na," dagdag pa ni Xian. Ano ba ang ginagawa ng lalaking ito dito at kasama pa si Josh? Ngayon ko lang nakita na magkasama sila.

"So, Zyne. Meet Xian, your fiance," wika nito na ikinalumo ko. Fiance? Nabibinge yata ako. Anong fiance ang sinasabi niya?

"You must be kidding me, right?" natatawa kong sagot. Ngumisi si Xian at umiling.

"Totoo ang sinabi niya," aniya. Seriously? May fiance na ako sa edad na 17? Anong kalukuhan ito?

"Ikaw? NO NEVER!" sigaw ko sa kanila pero nagtawanan lang ang mga ito.

My world is now complicated. Naliligaw na yata ang kaluluwa ko, at masyadong marami ng nangyayari na hindi kanais-nais. For goodness sake! Fiance? Mas gugustuhin ko pa na mamatay bilang agent kaysa magpakasal sa lalaking mahal ng bestfriend ko. Or maybe, mas mabuti pang magpakasal kay  Kaizer kaysa naman kay Xian?

... mali. Wala akong pakakasalan!