UMUWI ako sa bahay na kasama sila Xian at Josh. Mukhang seryoso sila sa sinasabi nila. God, is it really happening? Bakit naman naisipan nila mama ang bagay na iyan?
"Mabuti at naka-uwi ka na, Zyne. Saan ka ba galing?" tanong ni mama nang pumasok ako sa loob ng bahay. Sumalubong din si papa at napangiti ito nang makita sila Josh at Xian.
"Xian, ikinagagalak ko na makita kang muli," bati ni papa. Si Josh naman ay dumiretso sa kusina. Feeling at home ang loko.
"Ako rin, Tito," sagot nito.
"Zyne, we want you to formaly meet your fiance," wika ni mama. Hindi ako umimik, at tiningnan ko lang sila.
"Si Xian ang gusto namin na makasama mo habang buhay. Kapag nawala kami ng mama mo, siya ang magiging karamay mo," dagdag pa ni papa.
"What the hell are you talking, papa? Fiance? Sa tanang ng buhay ko, hindi ko pinangarap ang ganito. Nasaan na ang karapatan kong pumili ng taong mamahalin ko?" sigaw ko sa kanila. Hindi ko alam, pero nasasaktan ako. Naiinis ako, galit ako!
"This is what we want, kaya ito ang susundin mo," sagot ni mama. Ngumisi lang si Xian at inakbayan naman ito ni papa.
"Simula noon sinusunod ko kayo. Pero sana sa bagay na ito, hayaan niyo na mag disisyon ako para sa sarili ko," wika ko habang nagpipigil ng hikbi. Ramdam ko na at anytime, lalabas na ang mga luha ko.
"Just do what we want, Zyne. This is for your own good," wika ni mama na may diin.
"Ayaw mo ba sa Hari ng campus natin? Nasa kaniya na ang lahat," sabat ni Josh. Tiningnan ko lang siya ng blanko at tumayo na ako.
"Choosy masyado. Bakit si Kaizer ba ang gusto mo?" Natigilan ako sa sinabi ni Xian. Parang bumilis ang tibok ng puso ko.
"Wala akong gusto. Aalis na muna ako," sagot ko pero hinarangan ako ni mama.
"Zyne, please be kind. Huwag mo kaming ipapahiya sa kaniya," bulong ni mama.
"Mag-usap muna kayo. May pupuntahan lang kami," paalam ni papa at hinalikan ang noo ko. Tinapik niya rin ang balikat ko saka sila umalis ni mama.
"Kaya mo ba ito ginagawa para matakasan si Kyla? C'mon, alam mong gusto ka ng kaibigan ko. Bakit kailangan na paglaruan mo kami?" sigaw ko kay Xian.
"Hindi ako ang nakikipaglaro Zyne. Pasalamat ka nga na pumayag ako. Dahil kung hindi, mawawalan ka na ng bahay at lahat ng mayroon kayo ay mawawala sa inyo," aniya at naupo sa couch.
"Kakain lang ako, sana magkabati kayo pagkatapos kong kumain," paalam ni Josh pero hindi ko ito pinansin.
"What do you mean?" tanong ko na masama ang tingin sa kaniya.
"Pagmamay-ari namin ang negosyong pinamamahalaan ng papa mo. Ang bahay na ito ay pag-aari namin, ang paaralan na pinapasukan natin ay pag-aari namin. Ngayon, gusto mo ba na maging misirably ang buhay niyo?" aniya. Natahimik ako.
I was totally shock sa sinabi niya. I did not expect everything. Am I just dreaming? Bakit inilihim nila papa ang tungkol sa bahay na ito?
"Don't worry, hindi nila malalaman na fiance mo ako. Just do whatever I say," aniya at ngumisi. Tinanggal niya ang headset at lumapit sa'kin.
"Do I really need to do this?"
"Yes, you need to," aniya at hinawakan ang mukha ko.
"How about Kyla? Ayaw ko na masaktan ang kaibigan ko. Akala ko ikaw si XL na nagsulat sa freedom wall. Wala ba talaga siyang puwang diyan sa puso mo?"
"I don't like her. At hindi ako si XL, kahit kailan hindi ako susulat para sa kaibigan mo," aniya.
"Do you like Kaizer?"
Hinilot ko ang noo ko at sumandal sa upuan. Hindi ko na ramdam na buhay pa ako. Parang nakalutang na sa ere ang utak ko. Hindi na ako makapag-isip ng tama. Gulong-gulo na ako.
"Do you like Kaizer?" Pinitik ni Xian ang noo ko kaya nakuha niya ang attensiyon ko.
"No, I don't," sagot ko. Hindi na siya nagtanong pa.
"Ayos na kayo?" tanong ni Josh habang ngumunguya.
"Ayos lang ako, hindi ko alam kung okay lang siya," sagot ni Xian.
Nagring ang phone ko kaya agad ko itong sinagot,"hello." Narinig ko sa kabilang linya na humihikbi si Kyla. Kumirot ang puso ko sa narinig ko.
"Z-Zyne... ang s-sakit," aniya na humihikbi. Naguluhan ako sa sinabi niya.
"Kyla, bakit anong nangyari?" nag-aalala kong tanong. Napalingon naman sila Josh at Xian sa gawi ko.
"Si X-Xian, ikakasal na raw siya sa babaeng gusto ng mga magulang niya. Z-Zyne, hindi ko kaya," aniya. I can felt her pain. Ako ang dahilan kung bakit siya nasasaktan ngayon. Ng dahil samin ni Xian, nasasaktan ang kaibigan ko. Hindi ko rin naman ito gusto.
"Pupuntahan kita. Wait mo ako," sagot ko.
"Nasa sea wall ako, malapit sa coffee shop," sagot niya at patuloy lang sa pag-iyak.
Agad na akong tumakbo palabas ng bahay. Narinig ko pa na tinatawag ako nila Xian at Josh pero hindi ko sila pinansin.
"Darling, are you alright?" Napalingon ako sa lalaking humahabol sa'kin. Not now, Kaikai! Naiiyak na naman ako.
Tumigil ako sa pagtakbo at hinawakan niya ang kamay ko. Ihinarap niya ako sa kaniya at hinaplos ang mukha kong basa na pala sa mga luha.
"Damn, I don't want to see you like this. It's breaking my heart. What's wrong," aniya.
"W-Wala ito," maang kong sagot.
"No, you're lying," aniya at niyakap na ako. Tuluyan na nga akong napahikbi at umagos ang masaganang luha mula sa mga mata ko.
"I hate my life Kai," bulong ko.
"What's wrong Zinang? Sinaktan ka ba nila?"
"No, pero nasasaktan ako. Basta masakit," sagot ko at pumikit.
Pakiramdam ko ang sama kong tao, pinarurusahan ako dahil sa 'di ko alam na kasalanan. Pakiramdam ko wala ng direksiyon ang buhay ko.
"Alin ang masakit?" tanong niya. Napahiwalay ako sa yakap namin nang maalala ko si Kyla.
"W-wala. Sige alis na ako." Pinahid ko ang mga luha ko at pilit na ngumiti. Tumakbo ako papalayo at hinanap si Kyla.
"ZYNE AYOS KA LANG?" Nakita ko si Arra na yakap si Kyla.
"O-oo, naman," sagot ko.
"Kyla," bulong ko at niyakap ito. Walang humpay sa pag-agos ang mga luha ko.
"Ang sakit. Dahil simula bata siya ang pangarap ko. Kasabay kaming lumaki, at iisa lang ang bahay namin. Pero hindi na siya umuuwi marahil dahil ayaw niya na makita ako, tapos ngayon malalaman ko na lang,ikakasal na siya," aniya. Nagsikip ang dibdib ko.
"Kung sino man ang babaeng iyon, hindi ko siya aatrasan. Ipaglalaban ko kung ano ang akin!" aniya.
"Zyne, I know you can hear me. Gusto kang makita ni Nicole, gising na siya," wika ni sir Kenneth. Suot ko pa pala ang earpiece kaya na contact niya ako ng walang kahirap-hirap.
"Arra, ikaw na muna ang bahala kay Kyla. May emergency lang," paalam ko at niyakap ulit si Kyla. I'm so sorry bestfriend. I'm sorry. Bakit ba kasi tayo ang napiling paglaruan ng kapalaran? Wala naman akong naaalalang nagawang masama aa mundo, pero bakit ganito.
Tumakbo ako pabalik sa bahay at naabutan ko sila Xian na nasa labas. Nilampasan ko lang sila at nakita ko naman na nakatanaw mula sa 'di kalayuan si Kaizer. Sinusundan niya yata ako.
Pinaharurot ko ang kotse at pumasok sa tunnel na dinaanan namin noon. Pula na ang ilaw dito, at may scanner na sa intrance. Pagkarating ko ay agad na akong sumakay sa elevator.
"Where is she?" Itinuro ni Sir Kenneth ang puting kwarto. Ang silid na napaglagyan kay ma'am Nicole.
"She's here." Napako ang tingin ko kay Kaizer na naka-upo sa gilid. Nandito na siya? Akala ko nandoon siya kanina sa playground na 'di kalayuan sa bahay.
"Ma'am, ayos ka na po ba?" Naka-upo siya sa kama kaya tumabi ako. Hindi siya nagsasalita, bagkus ay tumawa lang siya.
"Ayos?" aniya at tumawa ulit. Nabuang na siya?
Lumabas naman si Kaizer at pumasok si sir Kenneth sa loob.
" Iyan ang epekto ng gamot na nasa bala na tumama sa kaniya," wika ni sir Kenneth.
"Ma'am, lumaban ka po. 'Di po ba may sasabihin pa kayo sa'kin?"
"Ingat, anak ng magnanakaw!" aniya at tumawa ulit. Napakunot-noo ako sa sinabi niya.
"Ma'am," bulong ko.
"Hindi ko alam kung papaano natin siya maibabalik sa tamang pag-iisip," malungkot na wika ni sir Kenneth.
"Madilim, patay kayo," wika ni ma'am.
"Gamot, druga. Hahahahaha!"
"Zyne." Tinawag niya ang pangalan ko, kaya akala ko ay gumaling na siya,"iyakin," dugtong pa niya.
Arg. Isa pang problema na dumating. Papaano ko pa ito malalampasan? Napapikit na lang ako. Si kuya Dark, baka may alam siya sa nangyayari kay ma'am Nicole. Pero hindi p'weding sabihin ko sa kaniya na buhay ito, dahil sinabi ko na patay na siya.
Ano na ang gagawin ko?