Chereads / My Beloved Enemy / Chapter 19 - [18] Camp Adventure

Chapter 19 - [18] Camp Adventure

HINDI ko alam kung ano ang gagawin ko. Napatumba namin lahat ng mga nagbanta sa buhay namin. Pero lahat sila nakatakas. Bumaba na rin si kuya Dark para isumbong daw ito sa mga pulis. Sabi niya hahabol na lang siya sa'min. Pero alam ko na siya ang maghahanap sa mga iyon.

"Ayos ka lang?" tanong ni Kaikai na katabi ko.

"Yes, ikaw nasaktan ka ba?"

"I'm fine darling. Magaling ka palang bumanat sa labanan," aniya at natawa pa. Hindi na ako sumagot pero nginitian ko siya. Si Xian na ang nagmamaneho ng bus, since lahat naman daw ng vehicles kaya niyang imaneho.

"Wait, saan tayo dadaan,"wika ni Xian at tumigil ang bus. Dalawang daan ang nasa harapan. Hindi namin alam kung saan ang dinaanan ng iba naming kasamahan.

"Sa kaliwa," wika ni Lance.

"Alam mo Lance?" takang tanong ni ma'am Zandra. Naka-upo lang siya sa tabi ni sir Kenneth, at walang expresiyon sa mukha.

"Yes, diyan ang daan," aniya kaya  sumunod naman si Xian.

"Ang tagal na natin na nagbya-byahe, hindi pa tayo nakakarating sa distinasyon!" reklamo ni Arra na nasa harapan namin.

"Oo nga eh, gumagabi na. Ang sabi apat na oras lang ang byahe," dagdag pa ni Kyla.

"Relax guys, alam niyo masyado kayong atat," mataray na wika ni Yhana.

"Tsk, tinatanong ka ba namin?" banat ni Arra. Umirap lang ito at  ipinagpatuloy ang pagma-make-up niya.

"Zinang, wala ka bang napapansin na kakaiba?" tawag sa'kin ni Kaizer.

"Wala, bakit?" tanong ko at tumingin sa labas ng bintana.

"Mukhang mali ang nadaanan natin," aniya.

Halos magkahiwalay ang kaluluwa at katawan ko dahil sa lakas ng preno na ginawa ni Xian. Nagsigawan na rin ang mga kasama namin at ang iba ay nagkanda banggaan.

"Anong nangyari Xian?" sigaw ko. Tumayo naman si sir Kenneth.

"May bangin!" sigaw ni Xian. Lahat ng mga kasama namin ay nagpanic. May kaniya-kaniyang takbuhan palabas ng bus. Hinila na rin ako nila Kyla at Arra.

"LUMABAS NA KAYONG LAHAT SA BUS!" sigaw ko bigla. Nagtataka akong tiningnan ng lahat. May kaniya-kaniyang reklamo at tanong.

"What? I-aatras natin ang bus," wika ni Xian. Agad naman akong tumakbo papunta sa driver's seat at hinila siya palabas.

"Ihulog natin ang bus sa bangin!" dagdag ko pa. Lahat sila nakataas ang kilay. Si Kaizer naman ay sumunod sa sinabi ko. Kaming dalawa ang nagtutulak pero pilit kaming pinipigilan nila Xian at sir Kenneth.

"Stop it Kaizer and Zyne!" Hindi lang namin sila pinapansin. Dahil mahirap talagang itulak ang malaking bus na ito, napilitan ako na pumasok sa loob ng bus.

"Zyne, ano ang gagawin mo?" sigaw ni Kaizer. Sumenyas ako  sa kaniya na huwag na akong sundan.

Nilingon ko ang bomba na umiilaw ng kulay pula. Hindi p'weding sumabog ito dito sa itaas. Kailangan na ma-ihulog ito sa bangin! Tumakbo ako at hinarap ang manebela.

"Patay o buhay, basta ito na talaga ang role ko," bulong ko at inistart ag engine. Nagsimulang umandar ang bus kaya nakarinig ako ng malakas na sigawan.

Nakita ko na paunti-unti ng lumalapit sa gilid ng bangin ang bus. Binitawan ko ang manebela at tumakbo ako patungo sa pintuan ng bus. Tumalon ako at nagpagulong-gulong sa lupa. I can feel that my bones are stretch. Masakit!

Kasabay ng pagbasak ko ay pagbagsak at pagsabog ng bus. Lahat sila nagsigawan. This is the worst camp ever. Agad akong nilapitan nila Arra at Kyla. Hindi ako makagalaw dahil masakit ang paa ko.

"Zyne," niyakap ako ni Kyla. Hinilot naman ni Arra ang paa ko.

"Lance anong kalukuhan ito?" galit na wika ni Xian.

"Look. Muntik ng mamatay tayo dahil sa bangin kanina. Tapos ngayon, muntik ng mamatay si Zyne, dahil sa pagliligtas sa'tin. Hindi ba't ikaw ang nagturo sa daan na ito? Ikaw rin 'di ba ang inatasan ni daddy na icheck ang mga bus kanina?!"

"Wala akong alam. Ginawa ko lang ang nakasulat sa papel na ibinigay sa'kin," aniya. May inilabas siyang papel. Isang mapa at may sulat pang isa.

"Turn right and continue your ride," basa ko rito.

"Bakit sa kaliwa tayo dumaan?"

"Dahil ang mapa ang sinunod ko, baka dito sa kanan na daan ang tinutukoy ng isang iyan," sagit niya.

"Balak tayong patayin ng may-ari ng  mapa na iyan!" wika ni sir Kenneth.

"Sino ang nagbigay niyan sa iyo, Mr. President?" tanong ni ma'am Zandra.

"May nakasulat na from Li," wika pa ni Lance.

Lahat napaligon at tiningnan si Xian ng masama. Hinarangan naman ni Kaizer si Xian at hinarap ang mga kasama namin.

"Wait, hindi tayo sure  na si Mr. Li nga ang may-ari  sa dalawang iyan."

"Ang ama o Anak?" tanong pa ni Kyle na kaklase  namin.

"Hindi ko alam iyan. Kung alam ko, sana hindi ko na ibubuwis ang buhay ko kanina sa bangin na iyan. Sana sa isang bus na ako sumakay," wika namn ni Xian.

"Pinagbibintangan niyo si Xian? Bakit sa tingin ninyo kaya niya bang gawin ito? Si tito Leo, hindi rin siya masamang tao!" sigaw ni Kyla.

"Excuse me miss Kyla na 'kala mo naman maganda, bakit ka ba nadedefend?" nakangisi na tanong ni Yhana.

Pinilit kong tumayo at kinuha sa kamay ni Lance ang sulat. Dito may nakasulat na turn right and continue your ride. Galing ito kay Mr. Li. Pero ang mapa, ay hindi. Isang code ang nakita ko sa pinalamababang part. Maliit ang pagkasulat dito.

133C

"Wait, tingnan niyo," tawag ko sa kanila.

"D.R?" tanong ni Arra.  Nagtaka ako kung paano niya ito nabasa ng ganoon kadali.

"Yes, it is D R," ulit niya.

"How did you know?" tanong ni Ashton.

"Napag-aralan ko na iyan noon sa dating school ko," aniya at ngumiti. Napatango naman ako at tumayo ng tuwid.

"Anong D R?" tanong ni Xian at binangga si Kaizer.

"Drake Ruiz?" tanong ko na ikinabigla ni Arra. Nabitawan niya ang mapa na hawak niya at umatras.

"Si Drake?" tanong ni sir Kenneth. Sa tingin ko ay kilala niya ito. Sino ba ang taong iyon?

"So, paano na tayo ngayon?" reklamo ni Yhana. Naglakad ito papalayo kasama ang mga alipores niya.

"Hey, huwag kayong lumayo. Nawawala na nga tayo!" sigaw pa ni Lance.

"It's your fault!" banat lang ng mga ito. Napaupo sa damo si Lance habang nakahawak sa ulo niya.

"Hey, don't blame yourself. It's not your fault," tawag ko rito.

"Tatawag ako kila teacher Anthony," wika naman ni ma'am Zandra. But as she get her phone, she frownesd.

"Walang signal dito," aniya.

"Bumalik tayo sa dinaanan natin," wika ni Kyla.

"Gabi na, mapanganib sa daan," sagot ni sir Kenneth.

"Wear this." Itinapon sa'kin ni Xian ang isa pa niyang jacket. Actually, I don't need it dahil may hood naman na ako.

"Just wear it darling," dagdag ni Kaizer.

Nagtungo si Xian sa isang puno at ipinalsak na naman ang headset niya. Napa-iling na lang ako, at hinarap si Kaizer.

"Ano sa tingin mo ang nangyayari. Mayroon kayang traydor sa mga kasama natin?" tanong niya kaya hinampas ko ito ng mahina.

"Siguro naman wala. Kasi kung kasama natin iyon, malamang mamamatay din siya pag nagkataon. Alam ko na hindi niya ilalagay sa panganib ang sarili niya," sagot ko.

"Ikaw ha. Pinakabahan mo ako kanina, akala ko sasabay ka a bus," aniya at tumabi sa'kin.

"Naku, ayaw ko pang mamatay 'no. May future pa ako," sagot ko.

"May future pa tayo," aniya.

"Ang hangin mo," natatawa kong sagot. At inayos ang mga gamit namin.

Gumawa sila sir Kenneth at ma'am Zandra ng bonfire. Nagsimula namang magtayo ng tent sila Ashton, Renzo, Kyle at Kaizer. Si Xian at Kyla, biglang nawala sa paningin ko.

"Hoy, sinong hinahanap mo?" tanong sa'kin ni Arra at kiniliti ako.

"Miss mo agad si Kaizer?" aniya kaya binatukan ko.

"Anong Kaizer ka diyan? Si Kyla ang hinahanap ko!" sigaw ko rito at may itinuro siya kaya lang nagtaka siya bigla.

"Nasaan na sila?" tanong niya. "Baka magkasama sila,"dagdag pa niya.

"Oo, baka nga magkasama talaga sila," natatawa kong sagot. Baka nagka-ayos na sila mas mabuti iyon.

"Nawawala sila Xian at Kyla!" sigaw ni Lance kaya agad kaming naalarma. Paanong nawawala? Hindi ba p'weding magkasama sila?

"Baka magkasama lang sila," sagot ko pero umiling si sir Kaizer.

Tumayo ako agad at isinuot ang glasses ko. Kailangan ko ito para makita ko ang mga bagay na hindi kayang makita ng natural na mata.

"Zyne, what's that?" tanong ni Yhana na nakaturo sa glasses ko. "Parang kagaya ng kay ma'am Zandra. Ang cool, p'wede pahiram?" dagdag pa niya.

"Sorry, nanlalabo na ang mata ko kaya hindi mo p'weding hiramin," sagot ko kaya umirap ito.

"Wait, hahanapin ko si Xian," wika ni Kaizer.

"TEKA LANG! M-MAY DUGO DITO!" sigaw ni Arra at itinuro ang halaman na madahon.

Linapitan ko ito at nakita ko ang isa naming kamag-aral na naliligo sa sariling dugo. Nakahawak ito sa dibdib niya na may kutsilyo.

"May killer tayong kasama. Baka pati sila Xian ay pinatay na!" sigaw ni Yhana.

Hinawakan ni Kaizer ang kamay ko at bahagya akong hinila. Nakita ko sa kutsilyo na may nakasulat.

"Let's have a game," basa pa ni Arra. Nabasa niya ito kahit magulo at patung-patong ang pagkasulat dito.

"Zyne? Hindi ba't ikaw ang naka-assign sa games?" tanong ni Renzo. Tumango ako kaya masama ang tingin nilang lahat sa'kin.

"Stop this game, Zyne!" sigaw ni Zach na dancerist sa school namin.

"Sa tingin mo ako ang may gawa?"tanong ko dito na nakapamewang.

"Sino pa ba ang gagawang iba?" sigaw naman ni Delta ang bitch ng campus.

"I'll prove that y'all wrong," sagot ko at tinalikuran sila.

"Zyne!" tinawag ako ni sir Kenneth at lumapit siya sa'kin.

"Nasundan tayo ng kalaban," aniya kaya nabigla ako.

"Nakikita niya tayo," dagdag pa niya kaya napatingala ako sa itaas.

"May spy camera sa itaas ng puno," bulong ko. Tumango siya at umiling.

"Planado ang lahat," aniya.

"Kailangan na mahanap natin sila Xian at Kyla," aniya.

"Guys, hatiin natin ang grupo," wika ni ma'am Zandra.

"Ako at si sir Kenneth ay bubuo ng dalawang grupo. Maghiwa-hiwalay tayo para mahanap natin sila Kyla at Xian," wika pa niya.

"Sino ang sasama sa'kin?" tanong ni sir Kenneth. Nagtaas ng kamay sila Kyle, Yhana at mga lipores nito. Pati na rin ang apat pa naming kaklase.

"Sasama kami kay ma'am Zandra," wika ko.

"I'll go with you darling," bulong ni Kaizer.

"So, ang naiwan sa'kin ay sina Ashton, Arra, Renzo, Zach, Kaizer at Zyne," wika ni ma'am Zandra.

"Hindi ba unfair iyon, dahil mas maliit lang kami?" reklamo ni Zach.

"Ide lumipat ka sa'min," wika naman ni Yhana.

"No, I'll go with my aunt," aniya. Tinutukoy niya si ma'am Zandra.

"Hanapin ninyo sila Kyla at Xian, at hahanapin namin ang killer," dagdag pa ni ma'am Zandra.

"Let's go," wika ni Arra.

"Be careful," bulong ni sir Kenneth pero hinila ako ni Kaizer.

"Back off!" aniya. Hindi yata sila magka-ayos ng kuya niya.