Chereads / My Beloved Enemy / Chapter 24 - [23] Night Mystery

Chapter 24 - [23] Night Mystery

Sadyang mabilis lumipas ang mga oras, at dumating na nga ang itinakdang oras para sa punishment sa'min ni Kaizer. Nawa'y makatulog ako sa gabing ito.

"Bakit nakangiti ka diyan?" singhal ko kay Kaizer. Ewan ko ba, basta kapag kausap ko siya hindi ko maiwasan na magtaray.

"Dahil masaya ako," sagot niya at naglakad. Dahil nakaposas ang kamay ko sa kanang kamay niya, sumunod ako nang wala sa oras.

"Masaya ka pa sa lagay nating ito? "

"Oo naman. Walang rason para maging malungkot ako. Dahil kasiyahan ng puso ko na makasama ka. Isipin mo, isang Zyne Lxrylle ang makakatabi ko sa pagtulog," aniya at humarap sakin. "Ano pa kaya kung, ikakasal na tayo, ide parang nasa langit na ako." Ngumiti siya ng sobrang lawak.

Gezz what!  Imbes na mainis ako ay tumalikod ako sa kaniya at ngumiti. Nararamdaman ko na nag iinit ang pisnge ko. Dang it!

"Kasal mo mukha mo, Kaikai! Akala mo ba, magpapakasal ako sa'yo?"

Pero mas hindi ako magpapakasal kay Xian. Kung darating man sa punto na pa pipiliin ako sa kanilang dalawa, mas gugustuhin ko pa na si Kaikai na lang. And behalf, mahal siya ng kaibigan ko.

"I'll make impossible things to possible," bulong ni Kaizer.

Napabuntong hininga na lang ako. Paano kung ituloy talaga niya Mama ang kasalanan namin ni Xian. Paano na ako? Paano na ang puso ko?

"Kaikai," tawag ko sa kaniya.

"Bakit Zinang?"

"Bakit ka ba ganiyan?"

Tumawa siya ng bahagya at hinila ang kamay ko dahilan para mapayakap ako sa kanya. "Nagiging ganito ako dahil mahal kita. Darling you're just only mine!" aniya at ginulo ang buhok ko.

"Loving you're enemy is pretty insane."

"You're not my enemy. I'll never treat you as an enemy. You are my love, my only love," he said ang slowly kissed my forehead.

Hindi ako nakagalaw dahil sa ginawa niya. Hindi ko maipaliwanag pero, para bang napapa amo  niya ako. Hindi ko maintindihan pero, sobrang lakas ng tibok ng puso ko.

Am I inlove with this guy? Paano ba masasabi na inlove ang isang tao? This is crazy! Natatakot ako, para sa kaniya at para sa'kin. 

"You can't love a girl like me," I answered but he just smiled.

"I did." He closed his eyes and smile again.

"I lied. Because loving an enemy is not really crazy. Loving you is the best thing that I can do. Thank you for making feel of being loved," bulong ko. Alam ko na tulog na siya dahil humihilik na nga.

I'm sorry Kaikai, pero kailangan kong pigilan kong ano man ang nagsisimulang mabuo sa puso ko. Ayaw kong mapahamak ka, at masaktan ka lang sa huli. Kamatayan ang mortal kong kalaban. Ayaw kong sa huli maiiwan kita na sugatan.

***

Alas dose na ng gabi, pero hindi parin ako dalawin ng antok. Habang si Kaizer ang himbing na ng tulog. Napangiti na lang ako nang pagmasdan ko ang nakapikit niyang mga mata.

Naudlot ang pagmamasid ko sa natutulog kong katabi nang makarinig ako ng katok sa pinto namin. Biglang nakaramdam ako ng kaba. Sino ba namang matinong tao ang kakatok ng ganitong oras?

Sinubukan kong ipinikit ang mga mata ko, pero bigo pa rin ako. I got curious about that knock in our  door. Para alamin kung ano ba talaga iyon, tinapik ko si Kaizer.

"Yes, Darling?"

Aish, ang pagtawag niya sa'kin ng ganiyan ay talagang nagdudulot sa'kin ng kakaibang pakiramdam. Tila ba'y  agad na nag-init ang pisnge ko, pero hindi ko na iyon binigyan ng kahulugan.

"May kumatok ng pinto eh," sagot ko. Sumeryoso ang mukha niya at napalingon sa gawing may bintana.

"Something is going wrong," aniya na ikinabigla ko.

Bumangon kami ng sabay, at dahil sa posas hindi kami makagalaw ng maayos. Pero kahit na ganoon, mas naging maingat sa bawat galaw si Kaizer. Halata ang pag-iingat niya, and I hate it. Mas gusto ko na lang na lagi kaming nagbabangyaan kasya sa ganito.

"Bubuksan ba natin?" he asked.

Tumango ako ng bahagya na para bang hindi rin sigurado sa isasagot ko.

"Baka importante ang kailangan ng kumatok," wika ko.

Dahan-dahan niyang binuksan ang pinto. Walang taong sumalubong sa'min,  kundi ang malamig na hangin at kakaibang amoy mula sa hindi ko alam kung saang parte ng isla.

"Sticky note," bulong ni Kaizer at kinuha ang papel na nakadikit sa pinto.

A game again? Pero bakit ngayon gabi pa nila naisip? Hindi kaya, ang killer ang may kagagawan nito?

"The killers want to play with us. Sinadya nila yata ito," wika ulit ni Kaizer.

Naguluhan ako sa sinasabi  niya. Bakit makikipaglaro sa'min ang killer na iyon? May atraso ba talaga kami sa kaniya, kaya niya ginagawa ito? Pero ang malaking tanong, sino siya?

"Roses are red, violets are blue, and it is where you can see the hidden clue," basa namin ng sabay.

"Ano raw?" reklamo ko. Hindi ko na intindihan.  Hindi ko alam kung ano ang tinutukoy niya.

"They are flowers right?" tanong ni Kaizer.

"Ang rose at violet?"

"Oo. May gusto siyang iparating sa'tin. May tinutukoy siya na iisang bagay," sagot niya habang nag-iisip ng maigi.

"It means sa may bulaklak natin makikita ang clue?" tanong ko habang kumakamot sa ulo.

"Maybe," aniya at sumenyas na tatayo raw kami.

"Tama mga. Isang flower pot ang tinutukoy niya."

May pagkalito kong nilingon si Kaizer. "Kaikai, anong pinagsasasabi mo?"

"Look," aniya at itinuro ang flower pot na nasa labas ng silid namin. "May isa pang sticky note."

"Ano ba naman iyan, ginagawa tayong mga detective. Bakit hindi na lang siya magpakilala para matapos na," reklamo ko, pero agad naman na tinakpan ni Kaizer ang bibig ko.

"Shhhh."

Itinikom ko na nga ang bibig ko at kinuha ang sticky note  na hawak niya.

" BRING ME A:_________

There is one made for a pocket.  And one that is specially for steaks. There's one to spread peanut butter. And a large one to cut wedding cakes."

"This is pretty insane!" singhal ko.

"Shhhh, lower your voice. Hahalikan kita kapag nagsisigaw ka pa diyan," nakangisi na wika ni Kaizer.

"Aba't subukan mo lang!" sigaw ko ulit.

Natahimik ako nang bigla niya akong hinarap. Unti-unti niyang inilalapit ang mukha niya sa'kin. Gezz what?!

"Siyempre biro lang 'yon. May respeto ako sa future wife ko," aniya at ngumiti.

Inirapan ko siya at bahagyang itinulak. Laking katangahan pala ang ginawa ko. Itinulak ko nga siya  at sabay naman  kaming bumagsak sa buhangin.

"Chansing ka  Boi!" iritadong kong wika.

"Ikaw  ang nagtulak sakin," aniya.

"Tumahimik ka. Mag-isip ka na lang kung ano ang ibig sabihin ng note na iyan. May pa bring me pa eh!"

Umiling lang siya, at tumawa. "Bakit ba natin siya susundin? Moment nga natin 'to tapos e eksena siya. Sa tingin ko, admirer mo ang may gawa nito," aniya.

"Aba't anong admirer ko? Ugok baka mga fangirl mo kamo!" ganti ko. Maka admirer eh no wagas. Akala niya siya lang marunong mang asar.

"Selos ka?"

Hinarap ko siya at sinamaan ng tingin. "Selos, ako? Bakit? Dzuh, never!"

"Shhhhhh!" Bigla niya akong hinila patago sa isang madilim na lugar. Halong inis at kaba ang naramdaman ko. Anong gagawin niya sakin?

***

[Tamarra's Point of View]

Kanina pa ako paikot-ikot, pero hindi talaga ako mapakali. Kinakabahan ako na ewan.

"Hoy anong nangyayari sa'yo?" tanong ni Lance na kanina pa yatang nanunuod sa'kin.

"Wala naman." Ngumiti ako at naupo sa hiwalay na sofa.

"Kinakabahan na baka raw gahasain ni Kaizer si Zyne," natatawang sagot ni Ashton.

"G*go!" singhal ko.

"Mapapatay ko ang ugok na iyon kapag ginawa niya 'yon," sagot ni Xian.

"Hoy hindi rapist ang kaibigan natin." Napakamot si Renzo at binatukan si Ashton.

"Ehem." Narinig ko ang pekeng tikhim ni Kyla. "Aalis muna ako Arra, may gagawin lang ako," paalam niya sa'kin.

Tumango ako at hinayaan siyang umalis. Nasasaktan lang talaga siya sa mga ikinikilos niya Xian.  Hindi ko maintindihan pero sa tingin ko may something kay Xian at Zyne.  Dati naman hindi sila nag-uusap, pero this past few days madalas ko silang mapansin na nag-uusap.

"Sige boys, aalis na rin ako," paalam ko at tumayo na.

"Hindi mo ba isasama si Ton?" Nakangising humarap sa'kin si Renzo.

"Ulol sa'yo na ang g*gong iyan!" sigaw ko at tumakbo na.

"Are you sure about this?"

Napahinto ako nang may marinig akong boses ng babae sa loob ng kuwarto ni Kyle.  Pero ang alam ko ay nasa labas si Kyle dahil nakita ko pa lang siya bago ako umalis.

"Hindi kaya nila malaman na tayo ang may kagagawan ng lahat?"

Nanatili akong nakatayo at pinakikinggan ang usapan nila. Kilala ko ang boses na iyan. Hindi ako puwedeng magkamali.

Narinig ko ang unti-unting pagbukas ng pinto, kaya agad na akong tumakbo papalayo. But I was more shock on what I saw. Nagtago ako sa malaking puno, at sinundan ng tingin ang lalaking galing sa dalampasigan.

Nakita ko na pumasok siya sa safe house nila Sir Kenneth. Dahan-dahan akong sumunod sa kaniya. May daan akong nakita pababa, kung hindi ako nagkakamali may underground pala sila rito.

Hindi kaya, siya ang may kagagawan ng lahat? Pero hindi. Iba lang siya, dahil ang babae na nasa silid ni Kyle ang mismong may sabi na sila ang may kagagawan ng lahat.

Nagtaasan ang mga balahibo ko nang may maalala ako. Agad akong naglakad palabas. Kailangan kong puntahan si Zyne!

"You're not going out!"

Humarap ako sa kaniya ng dahan-dahan. Isinara niya ang pinto, at hinarap ako.

"Bakit mo ito ginagawa? Ikaw ang killer---" Tinakpan niya ang bibig ko at hinila ako.

"Keep quiet, they might caught us. What is your name?"

Nagtaka ako sa sinabi niya. Hindi niya ako kilala? Kung ganoon, tama ang hinala ko. Isa siyang impostor! Sinipa ko siya sa paa, dahilan para matumba siya. Sinubukan ko na buksan ang pinto, pero nahuli niya ang mga kamay ko.

"Hide yourself from the killers. They are now searching for you," aniya at nilagyan ng panyo ang bibig ko.

Unti-unti akong nahihilo. Pero bago ako tuluyang mawalan ng malay, nakita ko pa ng malapitan ang mukha niya.

Nagising na lang ako na wala ng kasama. Tumayo ako at sinubukan na buksan ang pinto. And good to know madali lang  palang buksan ito. Pero ang ipinagtataka ko ngayon ay nasaan na napunta ang lalaking iyon.

Ang una kong tinahak na daan ay patungo sa kwarto kung saan ikinulong si Zyne at Kaizer. Kailangan kong masiguro ang kalagayan ng kaibigan ko. May lihim na itinatago si Kaizer.

Kakatok na  sana ako sa pinto nang may marinig akong ingay mula sa hindi kalayuan. Buong ingat akong naglakad papalapit dito, pero isang sticky note lang ang naabutan ko.

"Arra?" Halos tumalon ako sa gulat nang lumabas si Zyne at Kaizer galing sa madilim na sulok.

"Anong ginagawa mo rito? Bakit hindi ka pa natutulog? Midnight na bakit lumabas ka pa?" sunod-sunod na tanong ni Zyne.

Tiningnan ko si Kaizer pero ngumiti lang ito. Kung kasama ni Zyne si Kaizer, ibig sabihin ang lalaking nakaharap ko kanina ay ibang Kaizer.

"Oy ayos ka lang?"

"Hindi ako mapakali kasi eh, at maaga pa naman. 9:00 pm palang, anong midnight ang pinagsasasabi mo?" tanong ko.

Nagkatinginan silang dalawa, at umiling si Kaizer. "We need to stop them!" aniya.

"Ano?" Kumunot ang noo ni Zyne at hinarap si Kaizer.

"Naisahan na naman tayo ng killers na iyon," sagot ni Kaizer na puno ng galit ang boses.

"Anong gagawin natin?" tanong ko.

Matagal na akong nag o obserba, kaya masasabi ko na kilala ko na kung sino ang mga salarin. Pero nakalilito ang mga nangyayari. Lalo na iyong lalaki kanina. Hindi ko malaman kung ano ang ginagawa niya rito, pero isa lang ang natitiyak ko. Kapamilya siya ng pamilyang Montero.

"Hihiwalay ako sa inyo, at susubukan kong paalalahanan ang mga kasamahan natin," suhestiyon ko.

Balak sanang tumutol ni Zyne, pero nauna na akong tumalikod. "I'll be safe!" wika ko.

Sa paglalakad ko papalapit sa mga silid ng kasamahan namin, napansin ko na lahat ng pinto ay bukas. Ang tanging nasa center na lang ang hindi. Sa lahat ng kwarto nila dito, iyon ang pinakamalaki.

Nakiramdam muna ako, bago ako magtangkang buksan ito.

"Who the h*ll made this?"

"Bakit nakalock tayo?"

Hindi ako nag dalawang isip na buksan ang pinto, but unfortunately someone hit me in my head. I can feel the sticky fluid flowing from my head down to my face.

"Arra!" Nakita ko na sinaksak ni Kyla si Kyle na siyang pumalo sa ulo ko.

"Si Kyle ang killer!" sigaw ng mga kaklase namin.

"Ikaw pala ang killer Kyle, kaya dapat kang mamatay!" sigaw ni Kyla at pinaulanan ng saksak ang inosenteng binata.

Mali ang inaakala nila. Biktima lang si Kyle at hindi siya ang Killer.