Chereads / My Beloved Enemy / Chapter 20 - [19] All together

Chapter 20 - [19] All together

HINDI ako sang-ayon sa iniisip ni ma'am Zandra. Kapag nagkahiwa-hiwalay kami, maaaring may patayin lang iba. Mauubos kami kung magkataon.

"Wait lang. Sa tingin ko ay plinano ng killer ang nangyayari. Naisip na niya agad ang gagawin natin. Huwag tayong maghiwa-hiwakay dahil maiisahan niya tayo. Kailangan sama-sama tayo para kung may magtangka sa buhay ng isa sa'tin, ay mapapansin natin ito."

"Tama si Zyne, mahirap na ang magkahiwalay," sabat ni Arra.

"Oo, mahirap ang long distance relationship ma'am, sir," pabiro na sagot ni Ashton.

"It's a love shot," kanta ni Renzo at sumayaw si Zach.

Mga loko. Sa ganitong lagay naisip pa nilang nagbiro. Nakakabaliw!

"O, siya sige. Hindi na tayo maghihiwa-hiwalay. Tulong-tulong," sagot ni ma'am Zandra.

"All for one, one for all," dagdag pa ni sir Kenneth.

Napagdesisyonan namin na sa kanang daan kami dadaan. Hindi pa naman masyadong madilim, since 4:30 pa lang. Nakilala rin namin ang unang biktima na si Gwenyth Alvarez, 17 years old at isang nerd. Pero napansin ko naman ang suot niyang pulseras, hindi ito normal lang. Dahil kagaya ito ng sa'kin.

Habang naglalakad kami ay may nakikita akong mga footsteps gamit ang glasses ko. Mga tatlong pares ng paa ang nakikita ko. Nabahala ako nang bigla itong nawala. Palinga-linga ako, sa kaliwa, kanan at unahan, pero wala.

"Teka," awat ko sa kanila. Si sir Kenneth naman ay sumenyas. May itinuro siyang puno. May isang arrow sa itaas nito. Itinuturo ang kaliwang daan. Pero tungkol sa footsteps, paanong nawala iyon sa lugar na ito? Lumipad sila?

"Zinang, hold me tight," bulong ni Kaizer dahil madilim ang dinadaanan namin.

Nilingon ko si Arra pero nakahinga ako ng maluwag ng makita ko na hawak ito nila Renzo at Ashton. Hinawakan ko ang kamay ni Kaizer, to protect him, not to protect myself.

"May iniwan na sulat ang killer," wika ni ma'am Zandra.

"What gets wetter as it dries?" basa ni Zach.

"Ano ang mas lalong nababasa kapag natuyo?" translate ni Renzo.

"Translator ka dre?" pikon na tanong ni Yhana.

"Ice?" tanong ni Janine ang alipores ni Yhana.

"Gaga, natutuyo ba ang ice?" bara ni Yhana.

"Is it towel?" tanong ni Arra.

"Sir Kenneth?" tawag namin kay sir Kenneth dahil bigla itong nawala. Nagpanic na ang mga kasamahan namin, pero pinakalma sila ni ma'am.

"Towel ang sagot," sabat ni Kaizer.

"Pero, Kaikai walang towel dito," sagot ko.

"Dumiritso na kayo, bilis!" Nagtakbuhan naman agad ang mga kaklase namin nang dumating si sir Kenneth.

"Kaizer,  guide them to our safe house. Nandito na pala tayo sa isla natin," wika pa nito. Agad namang tumakbo si Kaizer hila-hila ako.

"Wait, kailangang hanapin ko ang towel. May ibig sabihin ang riddle na iyon," reklamo ko.

"Mauna na kayo, sasamahan ko na lang si Zyne," wika pa ni sir Kenneth. Kumunot ang noo ni Kaizer pero hinila naman ito ni Ashton at Renzo.

"Nasa isla tayo? Paano?" tanong ko. Hindi ako makapaniwala sa sinasabi niya. Hindi naman kami dumaan sa dagat o tubig.

"Sa shortcut  tayo dumaan. Ang daan na iyon ay papunta sa private island namin," turo ni sir Kenneth sa dinadaanan nila Kaizer.

"So, it means papunta talaga tayo sa island niyo? Doon ba ang distination natin?" tanong ko.

Tumango siya at hinatak ako.

"Ang riddles na ito at pakulo ng letching killer na iyon. Hindi ko alam kung isa ba siyang spy o estudyante lang," aniya.

"Towel," ulit ko.

"Sa safe house maraming towel," aniya. Agad naman kaming tumakbo at hinabol sila Kaizer.

Pawis na pawis kaming dumating sa safe house nila at nadaanan namin ang iba na nakatulala lang.

"Hey, what's wrong?" tanong ko kay Kyle. Naglakad lang ito papalapit sa mga bato na nahuhulog mula sa itaas. Tumingala ako at nakita ko na may maliit at malalaking bato ang nalalaglag. Parang walang katapusan ito.

"Ano iyan?" tanong ko.

"Fountain!" wika ni Kyle at tumakbo ito papalapit kaya hinila ko ito.

"Mamamatay ka pag natamaan ka. Bato iyan hindi tubig," wika ko. Nagpumiglas lang ito kay napilitan ako na bugbugin ito.

"They are hypnotized," sigaw ni Kaizer.

"Anong nangyayari sa kanila?" tanong ko.

"Kanina, nag-agawan sila ng mga towels dahil ito ang tinutukoy ng killer. May nakasulat na don't smell, pero inamoy nila ito." Natataranta si ma'am Zandra.

"May lason sa mga towels, kung ganoon. Sinadya nga ang lahat," wika naman ni Lance.

"Sir Kenneth?" nagtataka kong tanong.

Ayaw kong paghinalaan sila, pero nakapagtataka. Dahil safe house nila ito, pero bakit may lason ang mga towels.

"May hindi tayo pinansin doon sa riddles,"dagdag ni Arra. Tiningnan ko siya ng 'what is it' look. Hindi na ako mapakali dahil una sa lahat, nawawala ang isang bestfriend ko. Maski pati na rin ang fiance ko. Kahit naman siguro ayaw ko kay Xian, ayaw ko pa rin na mamatay iyon.

"Ang nasa likod. May nakalagay doon. May nakasulat na maliliit ba letra," aniya.

"Dala ko ang papel, ito." Inilibas ni ma'am Zandra ang papel at si Lance naman, tinulungan sila Ashton na itali ang mga kasamahan namin. Mahirap na baka kung ano ang gawin nila.

"ELSA WEL," basa ko rito.

Kung hindi ako nagkakamali, it is an anagram. Hindi ko alam kung galing ba ito sa killer, or maybe from the asset. Hindi ako naniniwala na walang asset. Dahil papaanong magkakaroon ng spy cam sa itaas ng puno kung hindi talaga sinadya.

"Sea wall. An anagram, maybe nasa sea wall sila," sagot ni Arra. My bestfriend has a detective skills. Hindi ko alam pero, nakakapaghinala rin. Hindi kaya, isa din siyang agent?

"Paano ka nakakasiguro?" kontra ni Ashton.

"Iyan ang sabi dito. Gusto ng killer na maliit lang ang makakapunta sa sea wall kaya naglagay ito ng hypnotizing pills sa mga towels. Maybe, may balak pa siyang iba," aniya. Tumango ako at ihinihanda ang sarili.

"Nasaan na ba sila? Nasa main venue na ba? Or on the way pa lang?" tanong ko naman.

"Sino?"

"Ang ibang kasamamahan natin."

"On the way na marahil sila. Since sa shortcut pala tayo nakadaan," sagot ni sir Kenneth.

"Shortcut? So, it means alam ng nakikipaglaro na ito ang lugar ninyo, Sir. And mukhang kabisado niya talaga, dahil maging ang safehouse ay napasok niya," dagdag pa ni Arra.

"Kami ba ang pinaghihinalaan mo?" tanong ni Kaizer.

"Wala naman akong sinasabi, pero sino nga ba?"

Inawat ko na sila para hindi na lumaki pa ang issue. I check my phone at nakita ko na puro missed call si kuya Dark, may signal na pala sa islang ito.

"Don't answer any call Zyne. Hindi p'weding malaman nila ang nangyayari dito. It might threaten them," paalala ni ma'am Zandra. Tumango lang ako at itinago ang phone ko.

"Magtungo na tayo sa sea wall. Ang bestfriend ko, kailangan nila tayo," naiiyak na wika ni Arra. Niyakap ko siya to give some comfort.

"Yes, we will," sagot ni Ashton at tinapik ang balikat ni Arra. Akala mo naman hindi sila aso't pusa.

Naglakad kami patungo sa sea wall, pero iniwan namin si Renzo at ma'am Zandra sa safe house para bantayan ang iba naming kasama.

"Mukhang wala namang tao rito," reklamo ni Ashton. Hinila naman siya ni Arra.

"May mga footsteps dito," tawag ko sa kanila. Lumulubog sa buhangin na mga yapak. Sinundan ko ito ng tingin, at nakita na sa dulo ng sea wall ito huminto.

"Anong pakulo ito, masyadong paranoid yata siya," wika ni Kaizer.

"Hindi siya basta-bastang tao. Isang psycho lang ang gagawa ng ganito," sagot ni sir Kenneth.

So isa lang ang pinupunterya sa sinabi niya. It was Drake Ruiz, pero sino ba ang taong iyon? Sabing kabilang sa TGP? Pero bakit wala siya sa agent lists?

"Kakagat ba tayo sa patibong na ito?" tanong ko. Hindi naman sila naka-imik agad.

"Siya ang huhulihin natin sa bitag," sagot ni Kaizer.

"Paano?" tanong namin. "Ako ang gagawing pain, just be sure na ililigtas niyo ako," natatawa niyang wika.

"Sira ka ba? Anong pain ka diyan? Tumigil ka nga," sagot ko kaya naghiyawan naman sila Arra at Ashton.

"Sinasayang natin ang oras," dagdag ko at hinila na sila. Wala silang nagawa kundi ang sumunod na lang.

Two more steps, at mararating na namin ang pinakadulong bahagi ng sea wall. Napahigpit ako ng hawak sa hood ko. Dahan-dahan kaming sumilip kung ano ang nasa likod. Medyo madilim na, pero may buwan naman na nagbibigay ng liwanag.

"KYLA!" She was lying with a tape on her mouth. She's also binded by chains. Pero may dugo sa gilid ng damit niya. Hindi ko alam kung napansin ba nila, o ako lang ang nakapansin.

"Si Xian," wika nito ng ma-ialis na ang tape. Umiiyak ito kaya niyakap agad namin.

"Nasaan siya?" tanong ko.

"May kumuha sa kaniya. Isang lalaki na naka-mask at binugbog siya nito," aniya.

"Saan siya dinala?" tanong ni Kaizer. Alam ko na nag-aalala rin siya kay Xian. Nasabi niya na magkababata silang tatlo nila Kyla, kaya kahit ganoon ang ugali ni Xian mahal pa rin iyon ni Kaizer.

"Sa..."

"HEY!" napalingon kami sa tumatakbo na si Xian. Nakapalsak pa rin ang headset nito na para bang wala lang nangyari.

"Anong nangyari?" tanong ko. Tumawa lang ito.

"She poisoned me, nakatulog ako at nagising na lang na wala ng damit" aniya kaya napalaki ang mga mata ko.

She? Pero bakit lalaki ang sinabi ni Kyla? Ibig sabihin dalawa? And what? Hala, baka na-rape na siya!

"You mean, babae? Xian lalaki ang kumuha sa'yo! Kitang-kita ng dalawa kong mata, naka-mask siya at pinatulog ka niya," sagot ni kyla na umiiyak.

"Shhh, tahan na sissy. Ang importante ay ligtas kayo," wika ko at niyakap ito ng mahigpit.

"Sorry kung nadamay kayo. Sorry," aniya. Her words seems to have another meaning.

"Binalaan na ako ng isang text message. Sinabi niya na kailangan daw na makipagkita ako sa kaniya, dahil may mangyayaring masama sa camp natin kapag hindi ko ito ginawa, lalong-lalo na kay Xian," aniya kaya hinagod ko ang likod niya.

"Wala kang kasalanan, biktima lang tayong lahat," sagot ni sir Kenneth.

"Pero sinabi niya na dalawa raw dito ang ispiya. Hindi ko alam kong sino ang tinutukoy niya. Ispiya raw ng napakadelikadong Assosasyon na may banta sa mundo," dagdag pa ni Kyla. Napalingon ako kay sir Kenneth.

Isa akong ispiya, pero hindi kalaban. Ang layunin ko ay mapangalagn ang sangkatauhan. Sino naman sa amin? At sino ang may kagagawan ng lahat ng ito?

"They're just crazy,"sagot ni Xian.

"Sa ngayon, act normal. Na parang walang nangyari. Huwag kayong magpapakita ng takot, at huwag ipagkalat ang nangyari. Kailangan na ilihim natin ito, dahil magkakagulo ang lahat ng estudyante kapag nalaman nila ang nangyari sa batch natin," wika ni sir Kenneth.

Sumang-ayon ang lahat. Bumalik kami sa safehouse at naabutan namin sila ma'am Zandra at Renzo na nakabantay sa labas. Nagising na rin ang mga kasamahan namin, at tinanggal na ang mga tali dito.

"Ano ba ang nangyari? Saan tayo dumaan? Nasaan na ang iba?" wika ng mga ito. Nakalimutan nila ang nangyari?

"Kagagawan niya nga ito," bulong ni sir Kenneth.

"Sino?"

"Ang totoong kalaban!"