Chereads / My Beloved Enemy / Chapter 21 - [20] Act Normal

Chapter 21 - [20] Act Normal

"Sa mga nangyari kahapon, sadyang tumatak na  sa isip ko ang salitang 'traydor'. "

Napalingon ako kay Arra. Nagbabasa siya ng libro habang nakanguso. Bakas sa mukha niya ang lungkot, na hindi ko alam kung ano nga ba ang dahilan.

"Malalaman din natin kung sino ang killer," bulong ko at niyakap siya.

Ngumiti siya at tinapik ang balikat ko. Nahihiwagaan na ako sa ikinikilos niya, parang may kakaiba talaga. Kung ano man iyon, malalaman ko rin soon.

Biglang nag beep ang cellphone ko, at nag flash sa screen ang mensahe  galing sa  unknown number.

"Meet me at the rooftop!" basa ko dito. Hindi  na ako nag aksaya pa ng oras, agad na akong tumakbo papalabas.

Kung ganoon, kilala ako ng killer. Alam niya ang numero ko. 

"Saan ka pupunta?"

Napatigil ako sa pagtakbo nang magkasalubong ko si Kaizer. Nakatingin siya sa'kin pero hindi siya nakatitig sa mga mata ko.

"Sa rooftop, bakit ikaw ano ang ginagawa mo pa rito?"

"Delikado na dito sa labas, kaya pumasok ka na sa loob," aniya at hinila ako.

"May ubo ka ba?" biglaan kong tanong na ikinagulat niya naman.

"Bakit?"

"Kakaiba ang boses mo, at medyo ang tangkad mo ngayon," puna ko at pinagmasdan siya ng maigi. "Naku, may iniinom ka yatang gamot para pati height malamangan mo ako."

Ngumisi lang siya at umiling. "Ang dami mong napapansin, huwag ka ng magtatatanong basta pumasok ka na sa silid niyo."

Hindi na ako sumagot at tumalikod na ako sa kanya. Ang lalaking iyon talaga, panira sa mga lakad ko. Akala ba niya susundin ko talaga siya. Never!

Hinintay ko na makalayo na siya, at saka naman ako lumabas ulit. Patakbo kong tinungo ang rooftop pero wala akong naabutan ni isang tao. Pinagmasdan ko ang buod paligid. Isang bagay lang ang nakakuha ng attensiyon ko.

"Kanino kaya ito?" Pinulot ko ang susi na nasa sahig. Hindi kaya,  ang hinahanap namin na killer ang may-ari nito?

Biglang may kumalabog sa labas, kaya naalarma ako.  Dahan-dahan kong binuksan ang pinto at sinilip kung ano ang mayroon. May kahon akong nakita sa pinakadulo ng hagdan. Iginala ko ang aking mga mata. Sa tingin ko nakikipaglaro sakin ang hinayupak na  killer na iyon.

Binuksan ko ang kahon nang dahan-dahan at sumalubong sa'kin ang duguan na kutsilyo. "D*mn what is this?" Nabitawan ko ito, at napaatras ako.

"Zinang, ano ang ginagawa mo dito?!" Nag-aalalang lumapit sa'kin si Kaizer. Agad niya akong niyakap, at tinadyakan palayo ang kahon.

"Ang killer," bulong ko.

"Ano?"

"Narito siya. Galing siya dito!"

Biglang nag-iba ang expresyon niya sa mukha at halatang gulat. Hinawakan niya ang kamay ko, at hinila na lang ako bigla.

"May sugat ka ba?" aniya at kinapa niya ang mga braso ko.

"Teka, bakit?" angal ko.

"Please Darling, huwag kang aalis na ikaw lang," mahinahon niyang wika. Halatado ang pagkasensero  niya sa pananalita. Nakikita ko sa mga mata niya ang labis na pag aalala.

I can't help not to cuss mentally. Nakakainis naman kasi. Dahil sa mga ikinikilos niya ay unti-unting nahuhulog na yata ako sa taong itinuturing kong kaaway.

"Bakit ba kasi concern ka?" inis kong tanong.

"Concern ako dahil mahalaga ka sakin. Ikaw ang buhay ko," sagot niya.

"Kaizer, tama na ang palabas mo. Alam ko na kaya mo ito ginagawa dahil gusto mo akong talunin, pero please lang naman huwag mong isali sa laro ang puso ko!"

"Hindi ako nakikipaglaro Zinang." Hinawakan niya ang kamay ko at itinapat sa kanan niyang dibdib. Ramdam ko ang pagtibok ng kaniyang puso.

"Gusto kong malaman mo na wala akong pakialam sa ranking na iyan. Ang mahalaga sa'kin ay  ikaw."

Para bang napipi ako bigla sa mga salitang pinakawalan niya. Hindi ako maka titig sa kaniya ng deretso.  Sh*t na iilang ako!

"May pinatay sa cr ng Room 6!"

Nabuhay ang buo kong sistema dahil sa babaeng sumigaw, hindi ko nakita kong sino pero pamilyar ang boses. Agad akong hinila ni Kaizer papalapit sa kaniya, at inakbayan ako. Sabay kaming naglakad, pero hindi ko manlang magawang magsalita. Pakiramdam ko ay matutunaw ako kapag ginawa ko iyon.

"Si Akiera ang namatay," humahagulgol na wika ni Kyla habang kausap sila Kuya Dark.

Hindi muna ako nakagalaw. Naramdaman  ko ang panghihina ng mga tuhod  ko. That bloody knife was used to kill Akiera. Kung ganoon naisahan ako ng killer. Sinadya niya ang lahat.

"Hindi ba kayo ang mag kasama ni Akiera sa iisang kwarto?" tanong ni Arra at pinakakalma si Kyla.

"Yes, pero lumabas siya. Sabi niya pupunta raw siya sa Rooftop."

Mas lalong dumoble ang kaba ko. Hindi kaya si Akiera ang killer? Hindi kaya siya ang nakikipagkita sakin sa Rooftop? Pero bakit siya naman namatay?

"Nakita ko sila Zyne and Kaizer na malapit sa lokasyon ng room kung saan pinatay si Akiera," sumbong ni Kyle. "At syempre si Kyla rin na halos magkasunod lang sila ni Akiera sa pagpasok doon," dugtong pa niya.

"Sinundan ko si Akiera, dahil may nagtext sakin. Sabi niya na may papatayin daw sa Rooftop.  Kaya naisip ko agad si Akiera, pero laking gulat ko na lang nang sa room  6 siya pumasok," paliwanag naman ni Kyla.

Tumayo si Arra at lumapit sa'kin. "Akala mo ba di kita sinundan?" aniya at binatukan ako.

"Ano?" gulat kong tanong sa kaniya.

"Naunahan nga lang ako ni Kaizer na lapitan ka," bulong niya.

"Kung ganoon, nakita mo kung sino ang naglagay sa kahon na iyon?"

"Hindi ko siya nakita, pero alam ko kasama natin siya. Trust no one," paalala niya.

"Nagtataka ako. Bakit paglabas mo sa silid na iyon, hindi ka kaagad sumigaw?" Nakataas kilay na tanong ni Kyle. So ang lalaking ito ay may kaugnayan din sa naganap.

"Kasi walang lumalabas na boses sa bibig ko. Natakot ako ng sobra. Akala ko naroon pa ang killer," umiiyak pa rin na sagot ni Kyla.

Nakakaawa naman ang kaibigan namin. Masyado ng marami ang nangyari sa kaniya ngayon. Laging na papalapit siya sa kapahamakan.

"At ikaw, bakit ka naman nasa labas ng ganoong oras?" tanong ni Kuya Dark kay Kylle.

"Dahil nakita ko si Zyne na tumatakbo, akala ko hinahabol na siya ng killer. At nakita ko na wala namang killer kaya hindi ko na siya sinundan, babalik na sana ako sa silid ko nang makita ko si Kyla na lumabas din. Sinundan ko siya at ayon na nga sumigaw siya."

"Kanina, sila Kaizer at Zyne ang sabi mong nakita mo malapit sa lokasyon ni Akiera tama ba?" tanong ni Ma'am Zandra.

"Opo."

"Ano ang ginagawa niyo roon?" seryosong tanong ni Ma'am sa'min.

"Date bakit bawal ba? Nasira ang moment namin nang sumigaw si Kyla," iritadong sagot ni Kaizer.

"Bakit malapit sa inyo ang kutsilyo na ginamit panaksak kay Akiera?" tanong ni Kyla.

"Wait, Kyla pinagbibintangan mo ba ang kaibigan natin?" tanong ni Arra.

"Hindi, pero nakapagtataka lang naman. May date kayo, pero bakit nasa may hagdan lang, 'di ba dapat sa rooftop?"

"Enough! Hindi killer si Zyne at Kaizer," seryosong wika ni Sir Kenneth.

"Bakit sila ang tinatanong niyo? Maari rin namang ako," nakangisi na wika ni Arra.

"What?" Binatukan ito ni Kyla.  "O bakit? Nasa labas din kaya ako," She said and flashed a creepy smile.

Ang ngiti niya ay may gustong ipahiwatig. Alam ko na may alam na si  Ara sa mga nangyayari.

"Kung ikaw ang killer, magpapanggap ka  na inosente," sabat ni Kaizer.

"Maaring ang killer ngayon ay nagpapanggap na tulog."

"At pwede ring isa sa'tin na narito," dugtong pa ni Ara.

Nakaka praning mag-isip kung sino ba talaga ang walang puso na pumapatay sa'min dito. Bakit ba kasi naisipan pa nila na mag camping sa islang ito. Ngayon tuloy dalawa na ang na biktima.

Pala isipan pa rin sa'kin kung sino ba talaga ang may-ari ng numero na nagtext sakin. Kung malalaman ko, matutukoy ko rin kung sino ang killer.

"Huwag mo ng alamin ang totoo, masasaktan ka lang," bulong ni Ara at tinapik ang balikat ko. Sinamahan niya na rin si Kyla pabalik sa loob.

"Hindi iisa ang killer. Dalawa sila, base na rin sa sulat na napulot natin," wika ni Kaizer.

"Pero isang hint lang ang nakalagay doon."

"Tama ka. Para hindi natin malaman kung sino ang isa, kaya isang hint lang ang ibinigay. Pero huwag kang mag-alala, bukas na bukas din malalaman na natin kung sino sila." Inakbayan niya ako ulit at ginulo ang buhok ko. "Basta, huwag ka ng magalit sa'kin."

"G*go 'di naman ako galit sa'yo!"

"Habang buhay pa ako, walang makapananakit sa'yo. Tandaan mo 'to Zinang, lahat ng babangga sa'yo ay itutumba ko."