Sa halip na umalis na kami sa islang ito at itigil na ang walang kabuluhan na camping, ay mas minabuti nilang mag stay pa ng isang gabi. Pakiramdam ko lahat kaming may alam sa nangyayari ay kriminal. Kasi hindi nila ipinaalam sa iba naming mga kasamahan ang tungkol sa totoong nangyayari.
"Bakit hindi natin sabihin sa lahat? Bakit kailangan na ilihim pa? " tanong ko kay Kuya Dark.
"Matatakot sila at mahihirapan tayo na hanapin pa ang killer," aniya at humarap sa'kin.
"Detective ka rin 'di ba? Bakit hindi mo alamin kung sino ba ang killer?" sinigawan ko na siya dahil sa inis ko.
Naturingan na leader siya sa association ng TGP pero ito siya ngayon, parang bulag at bingi na walang ginagawang hakbang para matapos na ang misteryo na nangyayari.
"May takdang panahon para sa killer na iyon."
Tinalikuran ko na siya at hindi na ako sumagot pa. Walang kwenta lang naman ang isasagot niya. Marahil tama nga si Ara, hindi ako dapat magtiwala sa kahit na sino lang.
"Zyne!" Nakangiti akong sinalubong ni Kyla at agad ko naman siyang niyakap.
"Ayos ka na ba?"
Tumango siya. "Pinasasabi nga pala ni Sir Dark na may laro daw tayo mamaya," aniya.
"Hindi ako sasali, may gagawin ako eh," sagot ko.
"No, please sumali kana beshy." Nagpa cute pa siya at ngumiti. So sino ba naman ako para tanggihan pa siya.
"Sige na nga, ikaw talaga!"
Sabay kaming tumakbo kaya lang nagkamali ang lagay ng paa ko. Bigla akong natumba at nasubsob sa buhangin. Ay grabeng katngahan na ito.
"Wanna back ride?" Nakangiting iniabot ni Kaizer ang kanyang kaliwang kamay.
"Back ride your face," sagot ko at tumayo.
"O baka gusto mo kargahin kita, ng naka bridal style!" Aniya na malapad ang ngisi.
"Sira, bakit ka ba nandito?!" sagot ko habang taas baba ang mga kilay.
Narinig kong tumawa siya. "Ang taray na naman ng Zinang ko. Bakit may Red da---" Agad kong tinakpan ang bibig niya at pinalo sa balikat.
"Wala. Nang iinis ka na naman eh!"
"Kasalanan ko ba kung masaya ako kapag naiinis kita? Pero mas doble ang saya ko kapag napapangiti kita," aniya.
"Ahems, nilalanggam na ako," natatawang wika ni Kyla.
"Ito naman sinisira mo ang moment ng dalawa. Halika na!" Hinila siya ni Arra at sabay na silang tumakbo.
"Do Xian really loves you?"
Napalingon ako kay Kaizer. "What?" gulat kong tanong.
"I already knew it. Engage na kayo, right?"
Tumango ako. "We are just forced. Kung ayaw ko sa'yo mas lalong ayaw ko sa kaniya."
"Paano kung itakas kita, aangal ka ba?" aniya na ikinalaki ng mga mata ko.
"Alam mo ikaw, puro ka kalokohan. Halika na!" Hinila ko na siya. Pero sa tingin ko mali yata ang ginawa ko.
He's now holding my hand. Holding hands while walking? Oh gosh, this is pretty insane!
Pag dating namin sa main area agad na akong naupo at humiwalay kay Kaizer. Maliwang din naman dahil bilog na bilog ang buwan at kitang-kita ko ang malapad na ngisi ni Kaizer.
"So students, are you ready for our next activities?" Tanong ni Teacher Amy.
Agad namang nagsigawan ang mga estudyante.
"So let's start. Ang laro natin ay stuck in the mud. Kukuha kayo ng slip of paper sa bowl na hawak ko. Mamaya ko na ipapaliwanag ang mechanics!"
Paisa-isa kaming kumuha ng papel sa bowl na hawak niya.
Ano kayang laro na naman ang naisipan ng Dark na iyon. Ang alam ko, siya ang nag prepare ng larong ito.
"Students, open the slip of papers you get!" utos ni Kuya Dark.
Binuksan naman namin ito at napangiti ako. Ano itong nakuha ko, lucky charm?
"Dalawa ang makakakuha sa may black dot na papel. Sila ang murderer kunwari!"
Nabitawan ko bigla ang papel nang marinig ko ang sinabi niya. What the h*ll he's doing. Magpatawad na ngang naganap tapos ito pa ang larong naisip niya.
"Hindi pweding ipa-alam kung sino ang dalawa, para mas mahirapan ang mga survivors sa pag alam kung sino ang kalaban nila. Dalawampu kayo na naririto, kaya pahirapan ito."
Agad kong pinulot ang papel, at itinago. Anong pakulo ito, ano ang kalalabasan nito?
"Hahampasin nila kyo ng malamig na stick, hudyat na isa kayong biktima, muli lang kayong makakagalaw if someone will crawl under their legs. Ang magmatigas may parusa. Kung may savior ka then ligtas ka. Pero kung wala, mangangalay ka sa katatayo hanggang sa maubos na ma freeze kayong lahat. Mananalo kayong mga survivor laban sa dalawang murderer kong mahuhulaan ng di pa na freeze kong sino sila. Bawal ang cheating, bawal magturo ang mga naka freeze na. Walang usapan to, naka masid kami. This game will serve as an excercise also," paliwanag ni Teacher Amy.
"Arg. Sino ba nakapag isip ng ganiyang game,kakainis," reklamo ni Arra.
"Walang iba kundi si Mr. Dark Cruz," sagot ni Kyla at tumawa. Mukhang natuwa pa yata siya.
Buti nalang talaga at naka jogging pants kaming lahat kaya mas madali ito. Pero kinakabahan ako, legit!
Nagsimula kaming pumuta sa open field. Ang astig naman ng islang 'to. Kung wala sanang krimen na nangyari, ayos na sana. Pupurihin ko na sana ang kayamanan ng pamilyang Montero, kaya lang may misteryo pang naganap sa'min dito.
Humiwalay ako kila Kyla at humalo ako sa ibang estudyante.
Nagsimulang magbilang si Miss Jing. "Time starts now!" Sabi niya kaya nagtakbuhan na kami.
Trying to avoid each other ang ginagawa lang. Walang may balak na dumikit sa bawat isa.
Nakita ko si Arra na nakatalikod. Agad ko siyang nilapitan. Hinampas ko siya ng soft stick na nakatago sa kamay ko. Kaya agad siyang tumayo ng tuwid. Ibig sabihin nakafreeze na siya. Yes, isa ako sa murderer.
Tumakbo ulit ako at nambiktima pa ng marami, but hindi ko ginalaw si Ashton at Renzo.Teka asan nga ba si Kaizer.
Naramdaman ko na papalapit sa akin. "So darling, be a victim of the game? Or be my victim?" bulong ni Kaizer sakin.
Siya pala ang isa.
Binatukan ko siya. "Sira, pareho tayong manbibiktima. Wag mo akong papiliin diyan," Natatawa kong sagot at tiningnan sila Arra.
Hinila ko si Kaizer papunta sa may puno.
Magtatago muna kami.
Nakita ko na lumapit si Lance kay Arra, pero naunahan siya ni Ashton. And there it goes, nakagalaw na ulit si Arra.
"Mukhang nag eenjoy ka yata sa nakikita mo!" pangungulit ni Kai.
"Halika na manbibiktima pa tayo!" Sabi ko at tumakbo na.
Sakto palapit na ako kay Lance nakita ako ni Xian, pero bago ito makapag salita nabiktima na ito ni Kai, kaya hinampas ko na rin si Lance.
"Zyne and Kaizer are the murderers!"
Kusa kaming napatigil nang magsalita si Kyla. Her smile tells a hundred meaning. I can feel it, may something. Mukhang may plano yata ang reyna kong kaibigan.
"Game over!" Tumawa si Kuya Dark.
"So, magaling ka pala Kyla!" tili ni Arra at inakbayan ako.
"Hindi ako si Kyla, bakit ako ang inakbayan mo?" tanong ko rito.
"Just be ready, Zyne," bulong niya at ngumiti.
"Naku kinikilig ako kanina Arra. Ashton is very concern---" Biglang hinila ni Arra si Kyla. Her cheeks turns to red. Aw cute!
"So what would be the punishment to our two murderers?" Nakangising humarap sa'min si Kuya Dark.
"Date!"
"Dance!"
"Lock them in one room for tonight!"
Napalingon ako kay Kyla. Seryoso ba siya sa sinasabi niya?
Agad namang naghiyawan ang mga kasamahan namin. Lahat sila para bang kinakagat ng langgam. Grr.
"At, lagyan sila ng posas sa kamay!" dagdag pa ni Renzo.
"Are you all insane?!" inis na turan ni Xian.
"Bakit galit ka, Xi?" tanong ni Kyla.
"Kaibigan ka ba talaga ni Zyne o ano? Tch!"
Agad kong tinapik ang balikat ni Kyla. "Don't mind him," nakangiti kong wika.
"I'll accept the consequence." Humarap ako sa kanilang lahat.
"Me too," Kaizer said.
4 hours passed
"It's not ako good idea Zyne!" Hinila ako ni Arra papasok sa silid namin.
"Bakit?"
"I can't explain it right now pero delikado," aniya.
"Delikado sino?"
"Zyne, hindi ko alam pero may kakaiba kay Kaizer. At, sa tingin ko planado rin ang mga nangyayari."
"Sabi mo noon, hindi niya magagawang saktan ang isang tulad ko. Naghihinala ka na ba sa kaniya?"
Niyakap niya ako bigla. "Hindi sa pinaghihinalaan ko siya, pero sa tingin ko hindi siya iisa," sagot niya.
Naguluhan ako sa sinabi niya. Hindi ko alam kung sino ang tinutukoy niyang hindi iisa. Ang killer ba?
"I mean, Kaizer is not only Kaizer," she added.
"What?"
"Pero may tiwala ako sa iyo, mag-iingat ka lang Zyne." Hinalikan niya ako sa noo, at nagpaalam saglit na pupuntahan daw niya si Kyla.
Ibinagsak ko ang katawan ko sa kama. Hindi ko alam kung ano ba ang dapat kong isipin. Sa sabon na ang utak ko kakaisip tungkol sa mga nangyayari.
About Kaizer, nahahalata ko rin minsan cold siya sa kin, pero madalas nakakainis siya dahil nangungulit. Pero para sa'kin natural lang naman yata iyon, pabagu-bago ang mood.
"Are you ready for tonight, beshy?"
Napabangon ako bigla nang pumasok si Kyla. "Yes," sagot ko.
"Nagkita kayo ni Arra?" tanong ko sa kaniya.
"Wala, bakit pupunta ba siya sa silid ko?" gulat niyang tanong kaya tumango ako.
Without saying any words, she rushed out from my room. Napailing na lang ako. She's also weird.