Chereads / My Beloved Enemy / Chapter 18 - [17] Hold-up Prank

Chapter 18 - [17] Hold-up Prank

MAAGA akong nagising at inihanda ang mga gamit ko. Hindi na rin tumatawag sa'kin si kuya Dark, pero panay masid lang ako sa paligid. Inilabas ko ang glasses, lipstick at smart watch ko at ipinasok sa bag.

Si ma'am Nicole kumusta na kaya? Hindi ko na ulit siya nadalaw, baka kung ano-ano na naman ang sabihin niya sa'kin. Iyakin daw ako, anak ng magnanakaw, madilim patay raw kami, naku po. Hindi ko inaasahan na mangyayari iyon sa kaniya.

"Mag-iingat ka doon. Nasabi ko na rin kay Xian na  ihatid ka na lang after the camp. Hindi ako sasama dahil may importante kaming lakad ng papa mo," wika ni mama. Hindi ko talaga siya maintindihan. Guro naman siya, pero bakit pa sumasama siya kay papa? Tumango lang ako at hindi na sumagot.

Isinuot ko ang isang gray hood, black jeans, at black and white na sapatos. Isinukbit ko sa likod ang backpack at ni-lock ang pinto. Naabutan ko si papa na nagbabasa ng news paper.

"Marami na pa lang kumakalat na magnanakaw sa lugar natin," aniya. Napahinto naman ako at tiningnan ang binabasa niya.

"Isang batang babae, pinatay kahapon ng mga magnanakaw. Bago patayin ay ginahasa muna ito," aniya.

"Wala silang puso," sagot ko at habang nakakuyom ang mga kamao.

"Ganiyan ang mga tao. Kapit sa patalim kapag wala ng maaatrasan," sabat ni mama.

"Kapit nga ba sa patalim, o may iba silang hangarin?" sagot ni papa. Nagkibit-balikat lang si mama.

"Mama, nga po pala si ma'am Nicole. Gising na siya," wika ko at nagpatuloy na sa paglalakad.

"May sinabi ba siya sa'yo? Kumusta na siya?" sunod-sunod niyang tanong. Umiling lang ako bilang sagot.

Tahimik akong naglalakad habang nakatingin lang sa dinadaanan ko. I choose to walk, dahil maiiwan din lang naman ang kotse ko dahil bus ang sasakyan namin. Sabi ni sir Leo Li, sa isang island daw ang punta namin. Hindi ko alam kung saang island ba iyon, basta sasakay pa kami ng fairyboat para makarating doon. Takot pa naman ako sa ganiyang sasakyan.

"So, you're really ready for the camp." Napatingala ako sa nagsalita.

"Kuya Dark, kasama ka sa camp?" tanong ko.

"Yes, to assure overall safety," aniya at nakisabay na sa'kin. Parang kapatid naman din ang turing niya sa'kin, pero kapag makapag-utos wagas.

"So, are you ready for your next mission?"

"Museum?" taka kong tanong. Tumawa ito at ginulo ang buhok ko.

"Nope, he's a living creature," aniya. It means, lalaki?

"Who?" tanong ko at may ipinakita siyang code. Hindi ko ito nakita ng maayos dahil agad din niya itong itinago.

"Malalaman mo, after the camp," dagdag pa niya.

"By the way, nagkakamabutihan na yata kayo ni Mr. Montero. Alam mo ba ang tungkol sa pagkatao niya?" aniya kaya umiling ako.

"Alin sa tanong ko ang sinasagot mo?"

"Hindi ko alam ang pagkatao niya, bakit may alam ka?" tanong ko pabalik.

"Lahat kayo may kaniya-kaniyang lihim. Spy ka, bakit hindi mo ito alamin? Matalino ka, bakit hindi mo ito gamitin? Maganda ka, bakit hindi mo ito---"

"Dang you're really making me suffer," sagot ko pero tumawa lang ito.

"Rule number one of being an agent, don't fall inlove. May tungkulin ka sa mundo, kaya iwasan mo na ma-attract sa kahit na sinong tao. Maaaring gawin sila na alas ng kalaban para matalo ka," aniya.

"I knew it. Okay Dad," sagot ko na may halong pagka-inis.

"You're just like her. Sayang at wala na siya," malungkot nitong sagot at naiwan ako sa kalasada. Tinawag ko lang na dad, nagwalkout na.

May nakita akong babaeng tumatakbo habang hinahabol ng lalaking nakabonet. Agad ko naman itong sinalubong, "miss anong problema?" Nakakunot-noo niya akong tiningnan.

"Ahm, sorry miss. Prank lang namin ito ng boyfriend ko, nagv-vlog kasi kami," aniya. Hindi ko alam kung matatawa ba ako ba sarili ko o maiinis dahil sa katangahan ko.

"O? Enjoy," tanging nasabi ko na lang at dumiritso na sa campus. Mga tao nga naman talaga, akala ba nila nakakatuwa ang gano'n na prank? Paano kung may makakita na pulis at barilin agad ang lalaki? Naku, hukay agad ang hahantungan niya.

Nakarating ako sa campus na nakapamulsa lang. Para bang mabigat ang katawan ko kahit naman hindi nga ako kumain. Dumiritso ako sa cafeteria para bumili ng sandwich at C2. Simula nang mangyari ang poisoning dito, hindi na ako bumibili ng milktea. At na-confirm na rin na hazardous chemicals ang inihalo sa ice cubes kaya nakamatay ito. Base sa sabi ni kuya Dark, kagagawan ito ng Poisonous Association.

Sa daming nangyayaring krimen sa mundo, walang nakatutukoy kung ano ang poisonous association. Hindi daw naka-rehestro ang assosasyon na iyon. Wala daw ganoon na assosasyon sa buong Pilipinas. Nakakalito, pero hindi ba dapat sikat sila sa kasamaan na ginagawa sa buong mundo? Pero hindi sila mabanggit-banggit sa mga headlines ng worldwide news? Nag-e-exist ba talaga ang pangalan ng assosasyon na iyan, o alias lang nila ito?

"ZYNE, I'M SO EXCITED!" Nilingon ko si Arra na abot  langit ang ngiti. Kumaway naman si Kyla at hinila ako ni Lance. Makahila si President wagas.

"Vice, alam mo ba na crush ka pala ni Xian?" niya kaya napalingon ako kay Kyla. Anong crush ang sinasabi niya? Nakita ko naman na may isang piattos na ipinabibigay daw si Xian.

"H-Hindi ako naniniwala diyan," sagot ko. Wala akong balak na tanggapin ang ibinibigay niya. Pero si Kyla na mismo ang nag-abot nito sa'kin.

"Ikaw ang gusto niya, kaya ayaw niya sa'kin," sagot ni Kyla na malungkot. Hinagod ko ang likod nito at niyakap.

"Hindi ko siya gusto Kyla, maniwala ka," sagot ko. Ngumiti naman siya at tumango.

"I have trust on you," aniya.

Sumakay na kami sa bus na pinakahuli. Wala pang teacher na nandito, tanging driver lang at konduktor ang pinakamatanda . Hindi ko maiwasan na hanapin kung nasaan si Kaizer. Hindi ko kasi siya makita kaya napabuntong hininga na lang ako.

Nakita ko na umalis na ang mga naunang bus, pero kami hinihintay pa ang iilan na kasamahan namin. Including Kaizer and his squad. Nakakabagot naman na maghintay, lalo pa't mainit kasi nakabukas pa ang mga pintuan at bintana. Hindi raw gumagana ang aircon kapag hindi umaandar ang bus. Tsk.

Maya-maya pa ay nagsidatingan na rin sila kasama sila ma'am Zandra, Xian at sir Kenneth. Umandar na ang bus,pero napansin ko na wala pa si kuya Dark.

"Walang kikilos ng masama. Hold up 'to!" sigaw ng konduktor kaya nagkagulo ang mga estudyante. Napahigpit ang hawak sa'kin ni Kyla at Arra pero hindi lang ako umimik. Prank lang 'yan eh.

"Ibaba mo ang baril mo, bumaba ka kung ayaw mong masaktan," wika naman ni kuya Dark. Nandito pala si kuya Dark, hindi ko lang yata napansin.

Ang lakas ng loob ng mga ito na maghold-up na nakasakay kami rito. May huminto  na kotse at iniluwal nito ang mga nakaitim na kalalakihan. Doon na ako naalarma at tumayo. Itinutok sa akin ng konduktor ang baril niya kaya natawa ako.

"Hold up prank ba ito?" tanong ko kaya naguguluhan akong nilingon nila Kyla at Arra. Si Lance naman ay naglalakad na papalapit sa konduktor. Hindi ko alam kung ano ang plano niya, pero masama ito.

Nag-sipasok ang mga naka-itim na kalalakihan kaya hindi na ako nagdalawang isip na sipain ang isa sa kanila. Nagkagulo na sa loob ng bus, pero si kuya Dark nakaupo lang. Hindi ko masyadong nakilala ang katabi niya dahil natatakpan ang mukha nito ng newspaper. Sa tingin ko ay natutulog na.

May putok ng baril akong narinig pero hindi lang ako nagpatinag. Patuloy lang ako sa pagsipa at pagsuntok sa lalaking pumapasok sa bus. Napalingon ako sa nag-aagawan ng baril. It was Xian and the conductor. Hindi ko maintindihan ang sarili ko pero nag-alala ako.

Nakita ko si Kaizer na nakikipaglaban din kasama ang kuya niya sa labas. Sila Arra at Kyla naman at hinaharangan ni Lance. Si kuya Dark ay may inilabas na rin na baril at itinutok sa'kin. Kinabahan ako, sa ikinilos niya. Napapikit na lang ako nang pumutok ito. May isang mainit na likido ang tumalsik sa braso ko. Natumba ang lalaking may hawak na patalim, na siya pa lang binaril niya.

"Xian!" sigaw ni Kyla. Nasipa  si Xian ng konduktor. Nagmadali akong lumapit sa kanila pero naunahan ako ni Kaizer. Hinila ni Kaizer ang lalaki at pinatid naman iyon ni Xian. Sinugod ko ang lalaki at hinila ko ang damit niya. But I was shock sa nakita ko. Isang tatak na kilala ko.

What does it mean?