ARAW ng Lunes, lutang ako habang naglalakad. Ang mga nakakasalubong ko naman ay bumabati sa'kin.
"Hey Vice, Good Morning," umakbay sa'kin si Lance at kasabay niya si Arra.
"HOY ZYNE, ANG AGA MO NGAYON!" Napatakip agad ako sa tainga ko. Ang lakas ng pagkakasabi niya no'n. Take note, magkalapit lang kami.
"Gosh, mabibinge na ako Arra," reklamo ko. Tumawa naman si Lance at pinitik ang noo ni Arra.
"Alam mo Vice, balak nila Sir Li, na payagan ang camp na naisipan ng anak nila," wika naman ni Lance.
Ang tanga ko naman talaga para hindi ko mahalata na anak pala ng may-ari ng paaralan na ito si Li. Kaya pala hindi naghirap si Xian na maging campus king. Masyado yata akong naging busy sa pagiging agent ko kaya pati ang tungkol sa mga bagay na ito ay hindi ko napansin.
"TALAGA LANCE? O MY GOSH! I'M EXCITED!"
Pinagtinginan kami ng mga tao dahil sa lakas ng sigaw ni Arra. Nag peace sign naman siya.
"Maganda iyan, since last year naman natin dito," sagot ko kay Lance.
"Oo nga, pero balita ko, ililipat ka raw ng mama mo sa Australia? Narinig ko ang pag-uusap nila ni sir Leo." Napalingon ako kay Lance.
"One more grading nalang at aalis na nga ako dito. Ayaw ko sana, kaya lang kailangan," sagot ko kaya niyakap naman ako ni Arra.
"TAMARRA, HINDI NA AKO MAKAHINGA!"
Kumalas naman siya sa pagkakayakap sa'kin. Masama ang tingin niya sa'kin, at nauna ng naglakad. Tinapik naman ni Lance ang balikat ko.
"Ayaw niya na umalis ka. Sino ba ang matutuwa na iiwan mo na kami? We love you, Vice," aniya at naiwan na ako.
Hindi ko rin naman gustong iwan sila. Pero wala akong magagawa. At may naisip na rin akong gawin, para naman maging makahulugan ang stay ko dito. I'll make things to be happier, kahit sa iilang araw lang.
Nakita ko si Xian na naglalakad papalapit sa'kin. But I'm surprise nang hindi niya ako pansinin. Nilampasan niya lang ako , at walang lingun-lingon na naglakad patungo sa classroom nila. Same grade level lang kami, pero ibang section siya. Sa tingin ko ay, mas matanda siya sa'kin, pero wala siyang manners.
"Hey, Zinang!" Ngumiti ako nang makasalubong ko si Kaizer.
"Hi, my dear," sagot ko. Napahinto naman siya at tiningnan ako ng mabuti.
"What?" natatawa kong tanong.
"W-Wala," sagot niya at sabay na kaming naglakad.
"Naaalala mo ba ang sinabi ko?" tanong niya pero umiling lang ako. Sa dami ba naman ng nangyari, hindi ko alam kung alin ang tinutukoy niya.
"Ang alin?"
"Our deal. It's a game," sagot niya at tumigil kami sa paglalakad.
"Let's have a game called, INTELLEGENIC GAME. Kapag natalo kita, I'll make you mine forever," aniya. Tumawa ako saglit.
"Pataasan lang ng rank. Nakakatawa man kasi top 2 lang ako, pero ang lakas ng loob kong hamunin ka, pero wala kang pagpipilian na ba. Deal or deal?"
"Deal," sagot ko at ngumiti. Wala namang ibang choice, nagbigay pa ng pagpipilian.
"Mabuti naman at sumang-ayon ka. Thank you," aniya at naglakad na kami ulit.
Hindi ko alam ang kahahantungan nito. Pero ayaw ko na sayangin ang mga panahon na makakasama ko pa sila.
He's so annoying. But everytime I coundn't hear his disgusting voice, my day is totally bored.
"Hoy, kayong dalawa. Nagpunta pala kayo sa Myries farm! Yiee, may label na ba kayo?" tanong ni Kyla. Nakangiti naman si Ashton at Renzo habang nagbubulungan.
"Sana all sa inyo," wika ni Arra at nakanguso.
"Anong sana all? Oy, wala 'yon," sagot ko at naupo na.
Pumasok si sir Kenneth at hinarap kaming nakangiti. Umayos naman kaming lahat sa pag-upo at tumahimik. Naku, ang teacher na ito ay disguise lang.
"Good Morning my dear students. Tuloy ang camp niyo sa susunod na mga araw. Sana ay mag-enjoy kayo at mas maging komportable sa isa't-isa."
Napuno ng tilian ang buong silid. Ang iba ay napatayo pa at pumalakpak, ang iilan naman at panay apir sa mga kaibigan nila. At si Arra naman ay panay kalabit sa'kin. Nilingon ko ito.
"Sorry na, mahal lang talaga kita," aniya at niyakap ako. Napangiti naman ko.
"Anong drama 'yan? Mukhang may mamamatay na---" Hindi natapos ni Ashton ang sasabihin niya dahil binatukan ito ni Arra. Si Kyla naman at Renzo ay nag-uusap.
"Sa ngayon, hindi muna ako mag-di-discuss. May mga iilan lang akong tanong sa inyo," wika ni sir. Naupo siya sa teacher's table at nakangisi ito.
"Sino ba ang gustong mamatay?" aniya kaya natahimik ang lahat. Anong klaseng tanong ba iyan?
"Wala hindi ba? Pero ang buhay natin ay hindi natin hawak. Bawat isa sa'tin ay mamamatay sa nakatakdang panahon. Kaya habang may buhay pa, gawin na natin ang mga bagay na maganda at makapagpapasaya sa'tin," aniya. Napangiti naman ako. Relate ako sa sinabi niya.
Tumunog ang bell kaya maaga kaming na dismiss. Agad na kaming tumayo pero tinawag kami ni sir.
"Lance, Zyne, Tamarra, Ashton,may meeting kayo. Proceed to the meeting room." Tumango naman kami. Ibinilin namin si Kyla kay Renzo at Kaizer. Although alam namin na matanda na iyan si Kyla, pero nag-aalala lang ako dahil malaki ang problema niya ngayon.
"Good Morning Woodrige Officers. Gusto ko kayong makausap ng personal. Sa darating na camp ninyo, nais kong kayo ang magpanatili ng kaayusan at kaligtasan ng lahat. May tiwala ako sa inyo," wika ni sir Li. Hindi pa siya katandaan. G'wapo, at medyo kamukha ni Xian.
"Miss Zyne, ikaw ang gusto kong maghanda ng games para sa first day ninyo," aniya at ngumiti sa'kin.
"Sa mga susunod na araw naman ay mga guro," dagdag pa niya.
"Ikaw Lance, ang bahala sa siguridad ng lahat. Don't worry, kasama ninyo si sir Kenneth. Tutulungan niya kayong maging safe ang lahat," dagdag pa niya.
"Miss Arra and Mr.Ashton, kayo ang bahala sa foods." Tumango naman sila Arra at Ashton.
"The rest na mga officers, tumulong na lang kayo sa dalawang P.I.O natin," aniya.
"Yes, sir!"
Tumayo na ang lahat pero bago kami maka-alis, tinawag pa ako ni sir Leo Li. Lumapit ako sa kaniya at pinaupo naman ako. I wonder kung nasaan ang asawa niya, dahil hindi ko pa ito nakikita.
"May sinabi ba si Nicole bago siya nawalan ng malay?" Hindi muna ako naka-imik sa tanong niya. Sinabi pala ni sir Kenneth ang nangyari.
"Hindi po naituloy sir," sagot ko. Tumawa ito at tumayo.
"Tito na lang Zyne, total magiging asawa mo rin naman ang anak ko," aniya kaya napatungo ako. Gusto kong sabihin na"ayaw ko po sa anak mo." Pero tumango na lang ako at pilit na ngumiti.
"Kapag naka-usap mo siya, sana huwag kang mabibigla sa sasabihin niya," aniya at pinayagan na akong lumabas.
Ano ba ang alam ni ma'am Nicole at bakit pati siya may paki-alam tungkol doon? Ang lihim ba ito ng Poisonous Association?
----☆----
"Let's have a quiz, get one half sheet of paper," wika ni ma'am Zandra. Napanganga naman ako dahil nakalimutan ko na kung ano ang leksiyon namin sa kaniya bago mag weekend.
May isinulat siya sa pisara at napakunot-noo naman ako. Wala akong matandaan na lesson niya. Lagot na, anong gagawin ko? Napapikit na lang ako, hanggang sa nagtimes up na. Wala akong isinulat na kahit na ano. Nagpalitan kami ng papel, at hindi ko alam kung saan napunta ang papel ko.
Ang napunta sa'kin ay papel ni Kaizer. Lahat nasagutan niya, at alam ko lahat ng ito ay tama. Napapikit na lang ako at hinintay na ma-i-lantad ang kahihiyan na ginawa ko. Tinawag na ang highest score kaya ipinasa ko ang kay Kaizer. Dumating na sa 9, 8--- "Gwen Zynelle Lxrylle, she got 9, one wrong," wika ni ma'am.
Totally napa huh? ako. Paanong nangyari iyon? Ni isang sagot wala akong isinulat, tapos one wrong daw ako? Sino kayang anghel ang nakahawak sa papel ko.
"Ma'am sino po ang nagcheck ng papel ko?" tanong ko kay ma'am ng madismiss na ang klase.
"Si Mr. Montero, bakit Zyne, may correction ba?" Umiling ako agad at nagpasalamat. Hinabol ko si Kaizer at hinila.
"Bakit mo ginawa iyon?" tanong ko. Ngumiti siya,"dahil ayaw ko na mapahiya ka. Ginawa ko naman ang intellegenic game, para mapasa'kin ka. Hindi para maging sikat ako o mapahiya ka, that's it darling," aniya at kumindat.
Natahimik ako sa sinabi niya. Mali pala ang pagkakakilala ko sa kaniya. Ang akala ko, nabubuhay lang siya para sa sarili niyang hangarin. Tama nga ang sabi, don't easily judge someone without knowing there life story.
"Thank you for saving me. We may now be friends."