Chereads / My Beloved Enemy / Chapter 14 - [13] Saved by Someone

Chapter 14 - [13] Saved by Someone

TUMAYO na ako mula sa pagkakahiga at inayos ang sarili ko. Hindi maaaring magpadala ako sa nararamdaman ko. In just one wrong move, magbabago ang lahat. Ayaw kong madamay pa siya.

"Alam ko kung nasaan sila. They're safe," wika ni Kaizer.

"Kaikai, saan mo sila dinala," taka kong tanong.

"Someone saved them," aniya. Hinarap ko siya at tiningnan ng masama.

"Sino nga?" pagtataray ko dito.

"Relax, darling. Ayan ka na naman nagtataray," aniya.

"Sabi ni Ashton, may lalaking dumating para itapon ang laman ng mesa niyo. Nasugatan lang sila Arra at Kyla dahil sa mga bubog na nagkalat sa sahig," paliwanag niya.

"Nakilala ba nila kung sino ang lalaki? Ano ang suot?" sunod-sunod kong tanong.

"May mask daw ito," dagdag pa niya. Kumunot naman ang noo ko habang nag-iisip ng maaaring gumawa no'n. Hindi naman si agent Rez dahil kasama ko siya doin sa rooftop.

"May kilala ka bang Rez?" bigla kong tanong sa kaniya. Umiling lang siya at inayos ang buhok niya.

"Wala akong kilalang Rez," sagot niya at hinatak na ako palabas sa guest room nila.

May tatlong larawan ng lalaki akong nakita sa wall nila. Pero mabilis ang lakad namin ni Kaizer kaya naman hindi ko nakita ng malinaw.

"Alam mo ba,  iniisip ko kung paano ka naging agent," bigla niyang sabi.

"Hoy, Kaizer Montero, bakit anong akala mo sa'kin? Lampa talag---"

"Sabi ko naman kasi, becareful. But don't worry, I will always  catch you," aniya habang yakap-yakap ako. Muntik na akong malaglag sa kanal dahil sa pagmamadali kong maglakad. Arg, nakakainis na talaga ang sarili ko.

"Ewan ko sa'yo. Kausapin mo ang daliri ko!" singhal ko. Ako pa itong galit, ako na nga ang tinutulungan. Jusq!

"ZYNE BESTFRIEND!"

"Zyne, buti ligtas ka!"

Bati sa akin nila Arra at Kyla. Nakahiga sila sa hospital bed. May benda sila sa braso at si Arra may benda sa ulo. Niyakap ko kaagad sila.

"Sorry, iniwan ko kayo," naiiyak kong wika. Ako na yata ang pinaka-iyaking agent sa mundo.

"Mabuti nga Zyne na umalis ka. Kung hindi ka umalis, marahil ay narito ka rin nakaratay at sugatan," sagot ni Kyla.

"Utang namin ang buhay namin sa lalaking naka-mask. Zyne, palagay ko kilala ko siya," masayang wika ni Kyla. Tumango naman si Arra.

"Mukha siyang agent! Ang cool, niya," dagdag pa ni Arra.

"Oo nga, tama ka Arra. Kaya gusto ko talagang maging agent. Ikaw Zyne, 'di ba gusto mong maging hero?" Napatigil ako sa tanong ni Kyla.

"Ah, oo. Pero mahirap pa lang maging hero. Kaya ikaw Kyla, huwag ka ng mangarap sa agent-agent na iyan. Mapanganib iyan," sagot ko habang nakatitig kay Kaizer.

" Zyne, huwag ka ng pupunta sa pharmacy ha," biglang sabi ni Arra. Hindi ko alam kung bakit niya sinabi iyon.

"Bakit naman?" taka kong tanong.

"Basta, huwag ka ng babalik doon. Mayroon namang clinic sa campus, at may Rosegold pharmacy sa kabilang daan," aniya. Tumango na lang ako kahit na naguguluhan.

"Kyla, pinapabigay ng mama mo!" Napalingon kami sa pinto na bumukas. Pumasok si Xian, at inihagis kay Kyla ang isang paper bag. As usual, nakaheadset pa rin siya at agad ng tumalikod.

Kahit na gano'n ang ginawa ni Xian, ay nakangiti pa rin si Kyla. Naawa tuloy ako sa kaniya. Lahat na ginagawa niya para lang magkabati sila ni Xian, pero snob pa rin siya nito.

"Alam niyo, gusto ko talagang maging pusa," biglang wika ni Kyla.

"Bakit?" takang tanong ni Arra.

"Kasi tanging pusa lang ang kinakausap ni Xian. Si Catchy, ang pusang pinakamamahal niya" aniya.  May nakita rin akong luha mula sa mga mata niya. She's in pain.

"Kyla, magkakabati rin kayo," wika ni Arra at niyakap si Kyla.

"Magkakilala talaga kayo ni Xian?" tanong ko naman.

"Oo, magkasabay kaming lumaki. Sa iisang bahay," malungkot niyang sagot.

Sa tagal na namin na magkakasama, ngayon lang siya ng kwento tungkol sa buhay niya. Nagka-interes tuloy ako na alamin ang mga buhay nila ni Arra. Kaibigan ko sila, kaya hindi ko na pinaghinalaan pa ang pagkatao nila. Pero ngayon, may masakit pa lang  nililihim si Kyla.

"Kyla, look. Ang ganda mo, maraming nagkakagusto sa'yo, bakit si Xian pa?" mahina kong tanong.

"Siya ang first crush ko, Zyne. First love na rin," aniya at humikbi na. Napalingon naman ako kay Kaizer pero agad din itong umalis. Lumabas ng 'di nagpapaalam.

"Wait lang mga sissy, may pupuntahan lang ako," paalam ko sa kanila.

Sinundan ko palabas si Kaizer. Lumabas ito ng hospital at nakita ko na nilapitan niya si Xian na nasa tapat ng kotse nito. Nakatayo habang nakatanaw sa malayo.

"Xian, alam mo ba na nasasaktan na siya? Bakit ba gusto mo na ganoon na lang lagi? Bakit hindi ka magpaka-lalaki?" sigaw ni Kaizer dito.

"Kaizer, wala kang alam. Takot lang ako. Takot akong mapahamak siya!" sigaw pabalik ni Xian at pumasok na sa kotse. Padabog niyang isinarado ang kotse at pinaharurot agad.

Napakunot-noo ako. So, kilala pala ni Kaizer si Xian. I mean, parang may alam si Kaizer tungkol aa pagkatao nila Kyla at Xian. Bakit kaya? Agad na akong tumakbo papasok sa silid nila Arra at Kyla.

"Zyne, kilala mo ba si Drake Ruiz?" biglang tanong ni Arra pero pabulong lang ito. Nakaidlip na kasi si Kyla. Tiningan ko siya mata sa mata.

"Hindi ko siya kilala, bakit? Sino ang taong iyan?" taka kong tanong.

May kinuha siyang papel sa bag niya. Iniabot niya ito sa'kin at nakita ko ang tatak ng TGP, at pangalan na Drake Ruiz. Drake Ruiz sa TGP? Wala akong kilala na Drake. Pero, hindi ko naman lahat kabisado ang pangalan ng mga myembro ng assosasyon namin. Pero sa pagkaka-alala ko, wala talaga.

"Isang psycho na scientist at multi-professional," aniya kaya nagulat ako. Taong may banta sa mundo, ang katulad niya. Hindi kaya, isa sa mga staff sa pharmacy?

"Kapag nakita mo siya, huwag kang magpapakilala. Zyne, isa siyang delikadong tao. May panahon na wala siya sa sarili, pumapatay ng walang rason. At madalas nangyayari sa kaniya ang halucination. Kung ano-ano na lang ang nagagawa at nasasabi niya, dahil sa sakit niya," paliwanag ni Arra.

Paano niya nalaman ang mga bagay na ito? Ang pagkakakilala ko lang naman sa kaniya, ay speaker at kalaw bestfriend ko.

Ano na ba ang nangyayari sa mundong ito. It's getting more complicated. Nalilito na talaga ako.

"How did you know?" I ask but she just smile.

"Zinang, gumagabi na. Kailangan na kitang ihatid sa bahay ninyo," wika ni Kaizer. Napa-irap naman ako. Wrong timing Kaikai!

Kahit labag sa kalooban ko at nagpaalam na ako kay Arra. Hinalikan ko na rin sa noo ang natutulog na si Kyla.

"Ingat ka lagi Zyne, we love you," pahabol ni Arra.

"Mahal ko rin kayo. Mag-iingat ako, kayo rin," sagot ko naman.

"Paano naman ako. Wala bang I love you?" Napalingon ako kay Kaizer na nakangisi. Inirapan ko lang siya at kinurot sa braso.

"I LOVE YOU MORE, DARLING!" sigaw nito kaya agad kong binitawan. May saltik, talaga siya!

"Kilala mo ba sila Kyla at Xian?"

Napalingon siya sa'kin at tumango. Nagbuntong-hininga muna ito bago sumagot," Oo, kababata ko sila," aniya.

"Gano'n ba. Ayaw ko na nasasaktan si Kyla, kakausapin ko si Xian," sagot ko pero nabigla ako nang ihinto niya bigla ang kotse.

"No, don't do that darling. Hayaan mo na sila, ako muna ang asikasuhin mo," aniya. Seryoso sa una, pero humagalpak naman ang tawa niya matapos iyon sabihin.