PUMASOK kami sa isang bilog na tunnel. Madilim at tanging ilaw lang ng kotse ni Kaizer ang nagbibigay liwanag sa paligid. Papaano ba ito, hindi ko p'weding sabihin sa kanila ang tungkol sa TGP. At si kuya Dark, kailangan na makausap ko siya sa lalong madaling panahon.
"We're here," wika ni Kaizer at inihinto ang kotse. Itinuro niya ang isang elevator na nandito sa tunnel. Agad naman kaming bumaba sa kotse.
Napansin ko na si mama, hindi na siya naiinis kay Kaizer. Malumanay ang mukha niya, pero wala lang din siyang imik. Nakarating kami sa isang kwartong kulay puti. Pumasok kami at tumakbo na si mama palapit kay ma'am Nicole.
"Ate Nicole, gumising ka." Umiyak na sabi mama. Para bang kinurot ang puso ko sa nakita ko.
"Magigising pa po siya. Pero hindi pa ngayon, kailangan lang natin siyang itago dito. Delikado ang buhay niya," wika ni sir Kenneth at lumingon sa'kin.
"Let's talk," aniya kaya lumabas ako. Bahagyang susunod si Kaizer, pero pinigilan ito ng kuya niya.
"Misyon mo siya hindi ba?" mahinahon na tanong ni sir Kenneth.
"Oo, pero hindi ko alam kung sino ang may gawa niyan sa kaniya. May sasabihin siya sa'kin, pero bigla na lang may tumama na kung ano sa kaniya."
"Sir Kenneth, naguguluhan ako. Ano ang nangyayari?"
"Umalis ka na sa pagiging agent mo. Mapapahamak ka lang. AZ, gusto kong ako naman ang sundin mo sa ngayon, bilang assistant head agent ng TGP," aniya kaya mas lalo akong naguluhan.
"Just focus on your career, family, friends. Bata ka pa, hindi mo dapat nararanasan ang mga ganito," dagdag pa niya.
"S-Sir Kenneth, si kuya Dark lang ang susundin ko. Siya ang head agent at siya ang kilala ko. Kakikilala ko lang sa'yo, tapos uutusan mo ako?"
"Ayaw ko lang na mawala ang taong mahal ng kapatid ko. Zyne, bilang agent buhay mo ang nakataya, kapag nawala ka, mawawala rin siya sa sarili niya!" Iniwan niya akong tulala. Hindi ko naiintindihan ang nangyayari. Isinuot ko ang earpiece ko at sinubukan na kausapin si kuya Dark.
"Patay na si ma'am Nicole. Masaya ka na?" pagsisinungaling ko.
"Magaling Zyne. Bumalik ka sa headquarters may sasabihin ako," aniya kaya napalingon ako sa kwartong pinasukan nila mama. Mula doon ay lumabas si Kaizer at lumapit sa'kin.
"Ayos ka lang?" nag-aalala niyang tanong. Tumango lang ako at ngumiti.
"Ayos lang naman ako. Pero, sila Arra at Kyla, kailangan ko silang puntahan," sagot ko.
"Puntahan natin sila," aniya pero umiling lang ako.
"Bantayan mo na lang si mama, ako na lang ang babalik sa campus. Hahanapin ko kung nasaan sila Arra," sagot ko at hindi na hinintay ang sagot niya.
Bumaba ako gamit ang elevator at agad ng tumakbo. Madilim, at wala akong makita. Pero kahit gano'n, nagpatuloy lang ako sa pagtakbo. Nang makalabas na ako ay wala na akong sinayang na panahon. Agad akong sumakay ng taxi para magtungo sa pharmacy.
"Salamat po." Matapos akong magbayad, pumasok na ako gamit ang exit door.
"Mabuti at nandito ka na. Zyne, mas lalo na silang kumakalat sa buong mundo. Kailangan na magdoble-ingat tayo. Nasa paligid lang ang kalaban. Ang Nicole na iyon ang may pakana sa nangyari sa party kanina. May inilagay siyang chemical sa mga inumin. Kapag malaman ng assosasyon nila na epektibo ang kemikal ay gagawin nila itong pills na maaaring ikapahamak ng buong mundo," aniya. Natahimik ako at naalala ang sinabi ni Sir Kenneth. Hindi ko alam kung sino ang susundin ko.
"Kuya Dark, nasaan ba ang laboratory ng Poisonous Association?" buong tapang kong tanong.
"Hindi ko pa alam sa ngayon Zyne," aniya.
"Agent Cruz!" Napalingon kami sa humihingal na si Agent Rez.
"May lumusob sa opisina ng mga detectives. Lahat sila ay patay na!" wika nito kaya nagalit si kuya Dark. Ibinato nito ang hawak na telepono.
"Ibibigay ko ang bagong misyon sa iyo Zyne. Pasukin mo ang museum na kaharap ng bahay niyo. Nakuha nila ang formula na pinakaiingatan natin!"
Kaharap ng bahay namin? It means, naroon ang mga kalaban? Possible rin na naroon ang main laboratory nila.
"Bakit si Zyne?!" sigaw ni Agent Rez.
"Wala ka bang tiwala sa kaniya? Relax ka lang Agent Rezaer."
"Aalis na ako. Kailangan kong alamin ang kalagayan nila Arra at Kyla."
"Hangga't isa kang agent, kasama mo ang kamatayan. Pati ang mga mahal mo sa buhay ay nailalagay sa panganib. Dark, tama na." Napalingon ako kay agent Rez.
"C'mon, my dear agent. Kaya ni Zyne ang misyon na ito. Magaling siya, at matalino," natatawang wika ni kuya Dark.
"Bata pa siya at kailangan siya ng pamilya, kaibigan at mga taong nagmamahal sa kaniya," sigaw ni agent Rez.
Gusto kong alamin kung sino siya. Kung sino ang nakapaloob sa maskara na iyan. Bakit concern din siya sa'kin? Kilala niya ako?
Hindi na ako nakinig pa sa pinag-uusapan nila. Sinubukan kong tawagan si Kyla, pero hindi niya ito sinasagot. Si Arra, hindi ko rin ma contact. Kinakabahan ako, hindi ko alam kong ano ang gagawin ko. Gusto kong umiyak dahil sa kaba. Wala akong kwenta. Isa akong agent pero hindi ko napangalagaan ang mga kaibigan at kamag-aral ko.
Bumuhos ang napakalakas na ulan na animo'y nakisabay sa nararamdaman ko. Nalilito na ako. Ano na ang nangyayari sa mundo. Sino ang mga kalaban ko?
"Ayokong makita ka na umiiyak. Kung sinisisi mo ang sarili mo, tama na. Alam ko naman na ginagawa mo ang lahat para sa kanila. Maaayos din ang lahat." Naglakad si Lance papalapit sa'kin. Nabasa na rin siya dahil malakas ang buhos ng ulan.
"I'm sorry, Pres," sagot ko.
"Zyne, nahanap ko na kung nasaan sila."
May dalang payong si Kaizer at agad akong hinila. Napangiti naman si Lance at tumango sa'kin.
"Sabi ko naman kasi, sasamahan kita. Bakit ka nagmadali? Zinang, lagi mong tatandaan, karamay mo ako sa lahat ng oras," aniya at niyakap ako.
Ewan pero, mas lalong na-guilty ako. Ang lalaking kinaiinisan ko ang siyang comfortzone ko na ngayon. Nakakatawa lang isipin kasi lagi ko siyang tinatarayan pero ito pa rin siya, hindi ako sinusukuan.
"Salamat Kaikai," nakangiti kong sabi. Niyakap ko rin siya pabalik. Pumasok kami sa kotse niya at tumigil kami sa isang napakalaking bahay. Nandito ba sila Arra?
"Halika, magbihis ka muna," aniya at inalalayan ako. Pumasok kami at agad naman na sumalubong ang mga katulong.
"Manang, ikuha niyo po siya ng magandang damit sa guest room," utos sa kanila ni Kaizer.
Napayakap ako sa sarili ko at nanginginig na rin ang mga kamay ko. Masama pala talaga ang maligo sa ulan. Naramdaman ko na lang na niyayakap na ako ni Kaizer.
"Don't worry, I'm always here to give warm when you're in cold," seryoso niyang sabi. Napangiti na lang ako. Hindi ko na inisip kung gaano ako naiiinis sa kaniya. Basta niyakap ko rin siya ng mahigpit.
***
NAGISING nalang ako na nakahiga na sa kama. Nakatulog na pala ako dahil sa ginaw kanina.
"Zinang, takot ka bang ma-fall?" Napalingon ako kay Kaizer na naka-upo sa gilid ng kama. Nakatitig lang ito sa salamin na kaharap niya.
"Hindi naman. Pero naniniwala ako sa kasabihan na, true love can wait," sagot ko. Ngumiti siya at nahiga sa tabi ko.
"Tama ka, I can wait. Kahit pa dumating sa panahon na uugod-ugod na ako saka mo lang akong mamahalin, maghihintay ako," aniya kaya pinalo ko ng mahina. Sa kalagayan namin ngayon, parang nawala ang aso't-pusa na Kaikai at Zinang.
"Kaikai, hindi tayo p'wede. Maraming dahilan," sagot ko.
"Pero kailangan kita, dahil ikaw ang tanging buhay ko," wika niya na ikinabilis ng tibok nitong puso ko.
"I will do everything just to win your heart. Walang hadlang sa totoong pagmamahal, maging si kamatayan ay lalabanan ko!"