Chereads / My Beloved Enemy / Chapter 12 - [11] Acquaintance Party 2

Chapter 12 - [11] Acquaintance Party 2

ITINULAK na ako ni Kyla palapit kay Kaizer kaya napahawak ako sa kamay niya. Agad ko naman na binawi ang kamay ko dahil para bang nakuryente ako.

Dahan-dahan kaming naglakad patungo sa dancefloor at hinawakan niya ang bewang ko. Medyo nakiliti ako kaya napa-atras ako. It is my first time to have a special dance. Dati lagi akong tumatakas kapag ganitong part na, pero ngayon wala akong palag.

Heart beats fast

Colours and promises

How to be brave?

How can I love when I'm afraid to fall?

But watching you stand alone

All of my doubt

Suddenly goes away somehow

"Relax, darling. Ako lang ito, don't be nervous," aniya at hinigpitan ang pagkahawak sa'kin. Nakatitig siya sa mga mata ko, habang ako panay iwas ng tingin.

One step closer

I have died every day waiting for you

Darling, don't be afraid

I have loved you for a thousand years

I'll love you for a thousand more

"Kaikai, bakit?" tanong ko na hindi ko alam kung bakit ko nasabi iyon.

Time stands still

Beauty in all she is

I will be brave

I will not let anything take away

What's standing in front of me

Every breath

Every hour has come to this

"Anong bakit darling? Bakit g'wapo ako?" Nainis ako sa sinabi niya. Kahit kailan talaga ang hangin niya.

One step closer

I have died every day waiting for you

Darling, don't be afraid

I have loved you for a thousand years

I'll love you for a thousand more

And all along I believed I would find you

Time has brought your heart to me

I have loved you for a thousand years

I'll love you for a thousand more

"G'wapong-g'wapo ka talaga sa sarili mo. Ugok, mas g'wapo pa sa'yo ang unggoy sa bahay namin!" Inis kong sagot sa kaniya.

One step closer

One step closer

I have died every day waiting for you

Darling, don't be afraid

I have loved you for a thousand years

I'll love you for a thousand more

And all along I believed I would find you

Time has brought your heart to me

I have loved you for a thousand years

I'll love you for a thousand more

"I loved you for a thousand years," ulit niya sa kanta.

"Hindi ko naman talaga kailangan na maging g'wapo. Ang gusto ko lang naman ang mapasakin ang puso mo. I'm serious Zyne, pakakasalan kita. Tandaan mo iyan, magkalayo man ang mundo natin, marami man ang mangyari sa mundo, pangako ko sa'yo. Ikaw ang babaeng pakakasalan ko!"  Hindi na ako nakasagot pa sa sinabi niya.

Gusto niya ako? O baka naman nagkukunwari lang siya para mapabagsak ako? Natapos na ang sayaw, kaya umupo na ako. Uminom agad ako ng tubig na nasa mesa namin. May napansin akong papel na nakaipit sa glass ko. Kinuha ko ito at nabasa ko ang isa na namang code.

JMMVHML

Bahagya akong napaupo habang tinitingnan ang code. Tumayo ako at lumabas ng hall. Nagtungo ako sa locker at kinuha ang ballpen at notebook ko.

Isinulat ko ang alphabet letters. Sa tingin ko ay hitman cipher ito.

A~ A

B~Z

C~Y

D~X

E~W

F~V

G~U

H~T

I~S

J~R

K~Q

L~P

M~O

N~N

[J= R, M=O, M=O, V=F, H=T, M=O, L=P] = ROOFTOP. Sa rooftop! Baka naroon na siya, ang taong gustong kumausap sa'kin.

"Zinang!" Nagtago ako agad nang marinig ko ang boses ni Kaizer. Sinundan pala niya ako. Ano ba ang kailangan ng lalaking ito? Dahan-dahan akong naglakad papalayo at agad ng kumaripas ng takbo. Pagkarating ko sa office ni mama, agad kong hinubad ang dress ko. Naiwan ang agent suit ko, at isinuot ko na rin ang mask.

Nagmadali akong nagtungo sa sinasabi ng code. Pinagmasdan ko ang buong rooftop at hindi ko maiwasan na kabahan. Sino kaya siya?

"Zyne, ikaw ba iyan?" Nanlamig ako nang marinig ko ang boses niya. Dahan-dahan akong lumapit sa kaniya .

"M-Ma'am Nicole?" Niyakap niya ako agad at hinila upang magtago.

"Zyne, gusto kong linawin sa iyo na hindi kalaban ang P.A. Isa ako sa kanila, at hindi kami ang gumagawa ng pills na nakakasama sa mga tao. Ang lahat ng ito ay sinadya lang. Zyne, ang totoong kalaban ay---Ahhhh!"

Hindi niya naituloy ang sasabihin niya ng bigla na lang siyang namilipit sa sakit. Napaupo siya sa sahig at hindi makapag-salita. Sinubukan ko siyang buhatin pero biglang may dumating. Agent Rez?

"We need to save her!" aniya at agad ng binuhat si ma'am Nicole. Dumating rin si sir Kenneth at tinulungan si Agent Rez. Paano nila nalaman na nandito kami?

"AZ, at AR sa hall. Tulungan niyo ang mga estudyante sa hall!" sigaw ni Sir Kenneth at tumakbo na pababa habang dala si ma'am Nicole. Anong mayroon kay ma'am Nicole? Bakit tinulungan siya ni Agent Rez at Sir/Agent Kenneth? Hindi ba't target namin siya?

"Sa hall tayo," wika ni Agent Rez at hinila ako.

Nagkakagulong tao at panay sigawan. May kaniya-kaniyang takbuhan at ang iba ay naka handusay. Anong nangyari?

"Agent Rez, anong nangyari?" tanong ko sa kaniya. Bagao pa man siya makasagot ay dumating si kuya Dark.

"Kagagawan ito ng mga Poisonous Aasociation. Ito na ang sinasabi ko sa iyo, Zyne!" galit na wika ni Kuya Dark.

"Agent Cruz, call her AZ, not her real name!" inis naman na sagot ni Agent Rez. So it means kilala niya ako?

"Kyla, Arra!" sigaw ko pero hindi nila ako narinig. Tinakpan ang bibig ko ni Agent Rez.

"Control yourself, hindi nila dapat malaman na isa kang agent," paalala niya.

Tumawag agad si kuya Dark ng ambulance at sinabi ang deduction niya. Naiwan akong naka-upo sa tabi.

"Hi, idol!" Nakita ko si Josh na nakangiti. So, hindi siya nadamay?

"Let's go!" Hinila ako ni Agent Rez at dinala sa locker room.

"Magbihis ka na," aniya at umalis.

Binuksan ko naman ang locker, mabuti at nandito pa ang P.E uniform ko. Isinuot ko ito para maitago ang agent suit ko.

"Nandito ka lang pala, nag-alala ako sa iyo!" Napalingon ako sa lalaking nagsalita. Si Kaizer na gulo na ang buhok, may dugo sa braso niya. Agad ko naman itong hinawakan, pero hindi pala sugat ito.

"A-ayos ka lang? Nasaktan ka ba? Ano ang nangyari sa hall?" sunod-sunod kong tanong.

Sa halip na sumagot ay niyakap niya ako ng sobrang higpit. Hindi ko alam pero biglang lumambot ang mga tuhod ko. My heart beats so fast, at napayakap ako pabalik.

"May lason ang mga wines. At naging wild sila, mga dalawang minuto ang lumipas ng umalis ka sa hall. Hinanap kita, saan ka ba nagpunta? Alam mo bang nag-alala ako sa'yo? Halos lumipad na ako para lang mahanap ka eh, sa susunod huwag ka ng uulit pa," aniya.

Ganiyan ba talaga siya ka-concern sa'kin? Seryoso ba talaga siya sa mga sinasabi niya?

"Zyne, bakit ganiyan ang suot mo?" tanong ni Josh na nakangisi.

"Napunit ang dress ko. Kaya nagbihis ako," palusot ko.

"Kailangan nating puntahan si Tita Nicole," wika ni Kaizer na ikinabigla ko. Tita niya si ma'am Nicole? Pero bakit si sir Kenneth Nicole lang ang tawag kay ma'am.  Naguguluhan na talaga ako.

Sino  at ano ba talaga sila?

"Zyne, nasaan na si Nicole?" Biglang nagsalita si kuya Dark. Tinanggal ko ang earpiece ko at itinago sa bulsa ng jogging pants.

"Ma'am Lxrylle, sumunod po kayo sa amin," wika ni Kaizer ng makita si mama. Nag-aalala ang mukha ni mama lalo na ng makita ako.

"Anak ayos ka lang?" Niyakap niya ako agad.

"Mama, opo ayos lang ako," sagot ko.

"Si mam--- Nicole, napaano siya?" Nauutal niyang tanong. Naguilty tuloy ako. Bilin pa naman ni kuya Dark sa'kin na papatayin ko si ma'am Nicole bago magsimula ang party. Pero sabi pa anga ni sir Kenneth, bakit naman papatayin ang taong walang kasalanan.

"Ayos na po siya, kasama niya si Kenneth," wika ni Kaizer kaya sinapak ko ito.

"Kuya mo iyon!" Tumawa lang ito at hinila na ako. Pumasok naman si mama sa kotse ni Kaizer.

"Salamat sa inyo, Montero!" mahinang sabi ni mama.

Muli akong lumingon sa labas ng kotse. Nasaan na si Agent Rez, dito rin siya nag-aaral sa campus namin? Sino kaya siya?