Chereads / My Beloved Enemy / Chapter 11 - [10] Acquaintance Party 1

Chapter 11 - [10] Acquaintance Party 1

SIMULA pa kagabi tinatadtad na ako ng messages ng unknown number na iyon. Kisyo kausapin ko siya bago magsimula ang party. May sasabihin daw kasi siyang mahalagang impormasiyon, at dapat huwag ko raw ipaalam kay kuya Dark.

Nanlalamig ang mga kamay ko habang inilalagay ang isang dagger sa legs ko. Inilagay ko rin ang earpiece ko dahil ito ang utos ni kuya Dark. Isinuot ko ang bracelete na may tracker, at ang dress na may camera button. Simply lang ang isinuot kong dress, pero attractive.

"Enjoy sa party anak," wika ni papa at hinalikan ako sa noo. Si mama naman naunang naglakad patungo sa garage.

"You can use your car," sabi ni mama at ibinigay sa'kin ang susi ng kotse ko. Napangiti ako at agad ko ng kinuha ang susi, mahirap na baka mabago ang isip niya.

"Salamat mama," nakangiti kong wika at niyakap siya. Tumango lang si mama at pumasok sa kotse niya. Walang pinagbago si mama, cold pa rin.

"Hey you look dazzling girl!" bungad sa'kin ni Kyla. Nakasuot siya ng itim na dress, kumikintab ito kapag na-i-ilawan. Si Arra naman ay nakasuot ng backless na dress. Sexy, pero ang ingay-ingay.

"ZYNE, ANG GANDA NATIN NGAYON!"

"ZYNE, GRABE BAGAY TALAGA KAYO NI KAIZER!"

Napangiwi ako dahil sa sigaw niya. Nakakahiya talaga siya. Hinila ko naman ito at tinakpan ang bibig. Nakita ko pa na nagtawanan ang mga kasamahan namin. At namuno doon si Josh.

"Hi, my dear. You look so gorgeous!" aniya at lumapit sa'min.

"Josh, ikaw ba iyan?" sabat naman ni Kyla.

"Yes, Queen Ky. Bakit g'wapo ako 'no?"

"Mukha kang amerikanong panot," sagot ni Kyla at nagtawanan sila ni Arra.

"Anong panot? Hindi ako panot. Sa g'wapo ko ito, magiging panot?" inis na umalis si Josh, habang sila Arra at Kyla ay nagpapakalunod sa katatawa.

Nagsimula na ang party pero ako palinga-linga lang at hindi mapakali. Nakita ko na umakyat na si Kyla sa stage at nagbigay ng message. Katabi niya si Xian Li ang King ng Woodridge High. Ang cool niyang tingnan dahil lagi siyang nakaheadset, mukhang mahilig sa musika. Pero, sa tingin ko, masama naman talaga ang ugali niya. Wala rin siyang kaibigan, ewan ko ba kung bakit nagkagusto diyan si Kyla. Maybe because he is handsome.

"So, ready ka na? Tayo na ang next?" tanong sa'kin ni Arra. Tumango ako at nginitian siya. Hindi nakakalimutan ang deal namin ni Kaikai. Matalo o manalo, atleast makakapasok pa rin ako sa Myries Farm.

Kinalabit ako ni Arra at sumenyas. Agad naman akong tumayo at sumunod na sa kaniya. Napuno ng hiyawan ang buong hall. Panay cheer ang lahat habang ako nanginginig ang kamay. Nakita ko sa 'di kalayuan si Kuya Dark. Nakangisi lang ito habang nakatitig sa'kin.

"Our band vocalists, Kaizer Montero and Gwen Zynelle Lxrylle!" Medyo nairita ako sa part na binigkas ang whole name ko. Tch, ang haba.

"Go team GWENZER!"

Natigilan ako nang bigla silang sumigaw. Gwenzer? Seriously? Nakakakilabot naman. Nakita kong nakatitig pala sa'kin si Kaizer. Nakangiti na parang ewan, at bigla nalang kumindat. Arg!

He's wearing a tuxedo at nakataas ang buhok. G'wapo naman siya, perfect ang pangangatawan, matangos ang ilong, at... no! Kailan pa ako sumamba sa mahangin na kagaya niya?

Umayos ako ng pagkakatayo ng magsimula ng tumugtog ang instruments. Napansin ko naman na lumapit si Kaizer sa'kin. Mas lalo tuloy akong kinabahan. Parang naririnig ko na ang heartbeat ko.

Kaizer: I can't win,

I can't reign

I will never win this game without you, without you I am lost,

I am vain,

I will never be the same without you, without you

Ako: I won't run,

I won't fly I will never make it by without you,

without you I can't rest,

I can't fight All I need is you and I,

without you, without you

Oh oh oh

You! You! You!

Without You!

You! You!

Without you

Sabay: Can't erase, so I'll take blame

But I can't accept that we're estranged            without you,

without you I can't quit now,

this can't be right

I can't take one more sleepless night    without you,

without you I won't soar,

I won't climb If you're not here,

I'm paralyzed without you,

without you I can't look,

I'm so blind I lost my heart,

I lost my mind without you, without you

Kaizer: Oh oh oh

You! You! You!

Without You!

You! You!

Without you

Kanta niya habang itinuturo ako. Mas lalong naghiyawan ang lahat. Kilig na kilig sila habang ako sasabog na sa inis.

Sabay ulit : I am lost,

I am vain I will never be the same,

without you

Agad na akong tumakbo pababa ng stage matapos naming kantahin ang last line. Nag intermission din si Lance, Kyla, Josh at Akiera. Hiphop dance ang sinayaw nila.

Pumwesto na ako sa photo booth at inilabas ang HD camera. Sila Arra at Kyla abala sa marriage booth, habang si Akiera  ay tinutulungan naman ako.

"ZYNE, SA FREEDOM WALL TINGNAN MO!" sigaw ni Arra habang ngiting-ngiti sa'kin. Lumapit naman si Lance at tumango,"Kami na ang bahala dito Zyne," aniya.

Pinag-isa namin ang freedom wall at confession booth, para mas madaling i-handle. Agad naman akong naglakad papunta sa freedom wall at nakita ko ang tatlong cards. Naka-sulat ang pangalan ko at galing kay SECRET daw ito.. Gezzz!

To: ZYNE

I   wan't to be your friend, and be with you all the time.

From: SECRET

To: ZYNE

I ADORE YOU, DARLING!

From:SECRET

To: ZYNE

Alam mo minsan gusto kitang lunurin. Lunurin sa pagmamahal ko. Huwag ka na kasing magtaray, mas gumaganda ka pag nakangiti ka!

From:SECRET

May pa secret pa ang mokong. Pero ang darling? Si Kaizer lang ang tumatawag sa'kin ng gano'n. May kutob ako na sa kaniya ang mga letter na iyan. Napatawa nalang ako at kinuha ito. Inilagay ko ito aa hand purse ko. May napansin din akong letter para kay Arra.

To: ARRA

Miss speaker, magbago ka na. Crush pa naman kita.

From: Speechless

Ola! Ang taray, speaker at speechless. Naghanap pa ako ng iba. Natatawa ako sa ibang nakalagay dito. Ang iba mga hinanakit kay mama, at iba pang teachers.

"Sana all may SECRET," wika ni Ashton na siyang nakabantay dito. Inirapan ko siya at tiningnan ng masama.

"Alam kong alam mo kung sino ang may-ari nito," sigaw ko dito pero tumawa lang. May itinuro pa siya sa itaas at tiningnan ko naman.

To: Queen Kyla

I like you, but I need to keep it as a secret. True love can wait, at alam kong gusto mo rin ako. Sana hintayin mo ang panahon na ako na mismo ang magtapat sa iyo. Stay beautiful, my queen.

From: XL

XL? Hindi small? Nakakatawa ang codename nila. Nakita ko naman na nakisilip si Ashton, kaya pinalo ko ito.

"Asan si Kaikai?" tanong ko sa kaniya.

"Nakakabading ang nickname niya. Pasalamat ka mahal ka no'n. Pero bakit mo siya hinahanap? Miss mo kaagad?"

"Alam mo kanina, grabe ang galing niyong dalawa. Parang totoong-totoo na ang without you na iyon," aniya.

"Ewan ko sa'yo!" Nainis ako kaya tinalikuran ko na lang siya. Naglakad ako palayo at naupo na sa mesa namin. Tapos na ang time para sa mga booth kaya balik na ulit sa kaniya-kaniyang mesa.

"Let's proceed to  the other part of our party. The special dance!" masiglang wika ni Arra. Sila na pala ni Ashton ang emcee.

Iinom na ako ng wine pero bigla na lang may kumuha sa baso ko. Pinalitan niya ng tubig ang inumin ko. May sayad yata itong Kaizer na ito.

"Kaizer Montero and Gwen Zynelle Lxrylle. Our team GwenZer!" sabay na wika nila Ashton at Arra. Napa-irap ako  at uminom na ng tubig.

"Zyne, sasayaw na kayo," kinalabit na ako ni Kyla kaya naman napatayo ako.

"WHAT?"

Nakita ko si Kaizer na nakangisi habang nakalahad ang kamay. Jusq, papayag ba ako? Isasayaw niya ako? T-tapos?