NAGLALAKAD ako ng tahimik sa may coridor nang makarinig ako ng mga yabag na papalapit. Huminto ako saglit at nakiramdam.
"Good Morning, Zinang!" Halos durugin ko si Kaizer dahil sa gulat nang bigla na lang itong sumulpot. May balak yatang patayin ako sa gulat.
"Anong maganda sa umaga kung mukha mo agad ang makikita ko?" I hissed at him. He just gave me a damn so annoying smile.
"Para sa'kin, maganda ang umaga kapag nakikita kita. At mas lalong nabubuo ang araw ko kapag naaasar kita."
"Arg, shut up Kaikai!"
"Well, see you later," aniya at tumakbo papalayo. Walang formal na klase ngayon, dahil ginagawa namin ang preparation para bukas.
Dumiritso ako sa room ni ma'am Nicole, pero walang tao. Tumuloy ako sa loob at nakita ko ang spy cam na may nakabalot sa led. Walanjo! Nakita yata ni ma'am! Agad kong pinindot ang relo na suot ko.
"Kuya Dark, mukhang nalaman yata ni ma'am ang plano."
"Gawan mo ng paraan Zyne," aniya at pinatay agad. Napahinga ako ng malalim at agad ng lumabas. Naglakad ako patungo sa cafeteria para hanapin sila Kyla at Arra.
"Hey Zyne!" Nakakunot-noo kong tiningnan si Kenneth.
"Kenneth, ikaw pala," sagot ko.
"Hoy, hindi Kenneth. Sir, Kenneth!" singhal sa'kin ni Kyla. Tiningnan ko lamg siya ng 'what do you mean look'. Itinuro naman niya ang uniporme ni Kenneth.
"Ayos lang, miss Lxrylle!" aniya at ngumisi. Naglakad na siya papalapit sa mesa nila Kaizer.
Huminga ako ng malalim at naupo na. Tiningnan ko naman sila Kyla at Arra na nakagitig pala sa'kin.
"Hoy bruha, parang may sekreto ka sa'min!" sita sa'kin ni Arra.
"OO NGA! SABIHIN MO NA KASI!" sigaw ni Arra. Napatakip ako sa tainga at tinakpan ko ang bibig niya.
"Una, may callsign. Zinang at Kaikai. Tapos ngayon kilala mo ang kuya niya. Tapos baka sa susunod magkatotoo na nga ang sinasabi ni Kaizer na pakakasalan ka niya," wika ni Kyla.
"Guys relax. Si Kenneth... I mean Sir Kenneth ay nakasama ko sa TGP," sagot ko.
"Sa pharmacy?" sabay nilang tanong.
"Ah--- oo. At si Kaizer, malabong magkatotoo ang pinagsasasabi niya. Kaya kayong dalawa, tumigil kayo," dagdag ko pa.
"Bakit may lipstick dito?" nakangising tanong ni Arra.
"Ayie, dalaga na siya," dagdag ni Kyla. Inirapan ko na lang sila at kumain na.
Nang matapos kaming kumain ay bumalik na kami sa hall. Abalang-abala ang lahat. May kaniya-kaniyang ginagawa at nakatuon ang attensiyon sa pagdecorate ng hall. Nakita ko na pumasok si ma'am Nicole sa hall at kinausap nito si Lance. Hindi ko na lang ito pinansin at tinapos ko ang pagasulat ng calligraphies.
Lumabas na ako saglit para bumili ng tubig sa cafeteria. Habang naglalakad ako, may napansin akong nakatayo sa likod ng room ni ma'am Nicole. Agad akong umatras at dahan-dahan na nagtungo roon. Kinuha ko ang camera pistol at itinago sa likod ko.
"What are you doing here?" tanong ko sa lalaking nakatalikod. Naka-uniporme siya na pang guro. Dahan-dahan itong humarap sa'kin. Nakangisi niya akong tiningnan kaya naman napakamot ako sa ulo ko.
"What are you doing here?" ulit ko.
"Ginagawa mo naman pala ang misyon mo, Zyne," wika ni kuya Dark at pumalakpak.
"Bagong teacher niyo," dagdag pa niya at naglakad na. Sinundan ko naman siya at hindi ko mapagilan na magtanong.
"Ano ba talaga si ma'am Nicole? Myembro siya ng P.A hindi ba?" Tumango siya at humarap sa'kin.
"That's it! Kaya dapat mo siyang patayin, bago pa magsimula ang acquaintance party niyo," wika niya na pabulong. Umiling ako at napaatras.
"Hindi ako pumapatay kuya Dark," sagot ko pero umiling lang siya.
"Misyon mo ang dapat mong alalahanin Zyne. Killing is the key to achieve peace," he said and left me.
Naglakad ako na parang wala sa sarili. Nakita ko si Kenneth na pumasok sa room ni ma'am Nicole. Nagtago ako sa pintuan at sinubukan na pakingggan sila.
"Kenneth, malapit ng mangyari ang kinatatakutan ko. Kapag namatay ako, magugulo na ang... ang anak ko baka mapahamak."
"Bakit ka mamamatay?"
"Dahil papatayin niyo ako."
"Kilala mo ako, Nicole. Hindi ako pumapatay ng walang kasalanan, pero kaya kong magpanggap para sa katahimikan," aniya.
Umusog ako para mas marinig ko ang pinag-uusapan nila. Pero naka gawa ito ng ingay. Dali-dali akong tumakbo patungo sa may locker room.
"Naghahanap ka na naman ng CR?" Napahinto ako at napahawak sa tapat ng puso ko. Nakasandal si Kaizer sa locker niya at nakapamulsa pa. Naglakad ito papalapit sa'kin at ngumisi.
"CR ba ang hinahanap mo kaya naligaw ka na naman dito? O ako talaga ang hinahanap mo?"
Mas lalong kumulo amg dugo ko sa sinabi niya. Tiningnan ko lang siya ng masama.
"Alam mo, imbes na tumayo ka diyan at tumitig sa'kin, magpractice nalang tayo. Remember, may deal tayo, Zinang my darling!" Binatukan ko siya at nilampasan ko lang.
"Walang atrasan darling. Let's practice together." Hinabol niya ako at hinawakan ang braso ko.
"May gagawin pa ako," sagot ko at inalis ang kamay niya.
"Kapag natalo kita, huwag mo akong sisihin," aniya at tumawa pa. Iniwan ko siyang tumatawa at nagtungo na ako sa room ni mama. Naroon si ma'am Nicole, magka-usap sila ni mama.
"Zyne, mag-iingat ka." Napalingon ako nang biglang lumapit si ma'am sa'kin.
"Huwag kang maniniwala agad sa mga sinasabi ng ibang tao. Hija, matalino ka, kaya marami ang magnanais na makuha ka para gamitin sa masamang hangarin," aniya. Naguluhan ako pero hindi ko lang ito ipinahalata.
"Opo ma'am nag-iingat po ako."
"Aalis na siya sa susunod na semester. Ililipat ko sila ni Josh sa Australia," wika ni mama.
"Mag-iingat kayo roon," sagot ni ma'am at nagpaalam na kay mama.
Maya-maya pa ay may pumasok sa room ni mama. Isang babae na tolero at buhaghag ang buhok. Umiiyak ito at humihingal pa.
"Ma'am kanina po may nag-aaway na estudyante doon sa science lab, pero hindi lang nagtagal natumba sila at nasunog ang mukha nila. Nakakatakot ang mga itsura nila," aniya. Agad kaming napatayo ni mama.
Inutusan ako ni mama na tumawag sa pulis. Tinawagan ko kaagad si Inspector Go, at lumabas na ako. Nandito si Kenneth, I mean sir Kenneth at kuya Dark kaya dapat mahanap ko sila. Naglibot ako pero hindi ko sila mahanap kaya dumiretso na ako sa Science Lab.
"Alam ko kung sino ang may kagagawan nito. Ikaw, Mr. Jones," sabi ni kuya Dark na nakaharap kay Teacher Jones. Ang teacher namin sa Science. Nakatingin lang ako sa kanila.
"Bakit ko naman gagawin iyon?" tanong ni Sir Jones.
May kaniya-kaniyang takbuhan ang lahat nang biglang humandusay si sir Jones. Nakadilat ang mata, at may bala sa leeg niya. May sharpshooter na nakamasid sa paligid! Iginala ko ang paningin ko at nakita ko ang isang lalaki na nasa rooftop.
"Huwag mo siyang hahabulin. Mapapahamak ka lang." Napalingon ako kay kuya Dark pero si Sir Kenneth naman ang tumakbo sa direksiyon na iyon.
"Kenneth!" tawag ni kuya Dark pero hindi lang ito nakinig.
"Isang scientist ng Poisonous Association si Mr. Jones, at marami pa sila na naririto," aniya. Humarap ako sa kaniya at tumungo.
"Kaya ba kayo nandito?" tanong ko at tumango siya. Hahawakan na niya sana ang balikat ko nang biglang may humila sa'kin.
"Excuse us Sir Cruz, may practice pa kami." I frowned and faced Kaizer.
"Ang kuya mo, baka mapahamak siya," wika ko rito.
"Sinong kuya?" taka niyang tanong.
"Si Kenneth. I mean, sir Kenneth," sagot ko pero patuloy niya lang akong hinila.
"Kaya niya ang sarili niya. Ikaw 'tong inaalala ko. Huwag kang magtitiwala agad Zinang, hindi mo pa alam kung sino talaga ang kalaban," seryoso niyang sagot. I look at him confusely.
"I mean, kung sino ang may pakana ng lahat," dagdag pa niya.
"One of the new teachers are the real enemy!" Napalingon kami kay ma'am Nicole. Ano ang sinasabi niya?