PAGKATAPOS naming magpractice ay agad naman kaming nagtungo sa cafeteria. Napahawak ako sa tiyan ko na nagwawala na ang mga bulate. It's already 11:65, mukhang napatagal yata ang practice, at pati oras hindi na namin napansin.
"Beshy, I'll call Kyla, kausapin natin siya habang kumakain tayo," wika ni Arra. Agad naman akong tumango.
"So, one table na lang tayo," suhestiyon ni Lance. Sumang-ayon sila habang ako hindi na nagsalita pa. Ang inaalala ko lang ay si Kaizer, ayaw ko na ulit makasabay sa pagkain ang lalaking iyan.
"So Zinang, pwede makitabi?" nakangisi habang hinihila ni Kaizer ang upuan. Inirapan ko lang siya at hindi pinansin.
"Ang taray naman ng future wife ko, smile ka naman please," aniya kaya mas lalo akong nainis.
"Alam mo ba Kaikai, manahimik ka!" inis kong sagot dito.
"Ang sweet ninyo talaga," wika ni Renzo. Isa pa ang lalaking ito.
"Alin ang sweet? Nakakainis na kayo," inis kong sagot sa kanila.
"Shhh, huwag niyo ng kulitin ang darling ko," wika ni Kaizer at naka-akbay sa upuan ko. Ew!
"Hi Kyla, alam mo may himalang nangyayari dito. Look oh!" nakatawang sabi ni Arra at itinuro kami. Kumaway ako kay Kyla pero may epal na nakisabay.
"Hi Kyla---"
"Hi Queen Ky," sabat ni Kaizer.
"Hoy Kaizer huwag mong sasaktan ang kaibigan namin. Kung hindi malilintikan ka sa'kin," bungad ni Kyla. Inirapan ko ito at mas lalong tumawa.
God, what's happening with this world?
5:30 pm
Abala kaming mga officers sa pagdecorate ng hall. Dito namin gaganapin ang acquaintance party. Malawak ang hall, at perfect setting para sa mga parties.
"Zyne, sabay na tayong umuwi mamaya." Napalingon ako at napangiti. It was Josh, ang pinsan ko na heartbreaker sa campus. Tumango ako at nilapitan ito.
"Himala at kinausap mo ako?" Tumawa ito at inakbayan ako.
"Bakit ko naman hindi kakausapin ang pinakamaganda at pinakamatalino kong pinsan?"
"Bola, wala akong chix dito," sagot ko at pinalo ang braso.
"Pero, alam mo ba? Effective ito," aniya na ikinagulo ng isip ko.
"Anong effective? Naku, tulungan mo nga ako na ilagay sa itaas ito." Hinawakan ko ang portable stair at umakyat naman siya.
Napansin ko rin na kung saan ako magpunta sinusundan niya rin ako. Ano kayang lason ang nakain niya ngayon? Himala!
"So guys, uwian na. It's already 6:30, madilim na sa labas," wika ni Lance kaya naman bigla akong napatakip sa bibig ko. Nakalimutan ko ang misyon ko. Paktay.
"May problema ba Zy?" Napansin pala ko ni Josh, kaya nginitian ko lang ito.
"Hoy Josh, ingatan mo ang bestfriend ko. Pag iyan nagkagalos, patay ka sa'kin!" banta ni Arra dito bago ako niyakap. Nauna silang umalis ni Lance, since magkapit bahay at magpinsan naman sila kaya magkasabay silang uuwi.
Nagpaalam na rin ang iba naming kasamahan. Pero bago lumabas si Ashton may sinabi pa ito. "His property is only for him," aniya. Tumawa naman si Josh at hinila na ako palabas.
"Nasaan ang kotse mo?" Napayakap ako sa aking sarili at medyo nanginig. Hinubad naman ni Josh ang blazer niya at ipinatong sa blazer ko. Ang sweet ng mokong , baka na-overdose ng asukal.
"So, paano maglalakad lang tayo, Zy. Kaya mo ba?" Nakangisi nitong tanong.
"S-Sigurado ka? Gabi na maglalakad lang tayo?"
"Flat tire kasi eh." Wala akong nagawa kundi ang tumango na lang. Naramdaman ko naman na nag vibrate ang cellphone ko. Sinulyapan ko ito at nakita si kuya Dark na tumatawag. I have no time for anither mission. Pagod na ang katawan ko, baka mamaya mag failed pa ako.
Naramdaman ko na nakahawak na pala sa braso ko itong si Josh. Nakakabulag na kadiliman ang aming sinalubong. Sira ang ilaw sa bandang ito, pinababayaan lang ng gobyerno. Napatakip ako ng ilong nang may maamoy akong kakaiba.
"What's that smell!" inis na tanong ni Josh.
"Wait... magtago ka," sigaw ko at itinulak ito sa gilid ng daan. Gumulong kami pareho at nakita ko ang tatlong kalalakihan na pinaulanan ng bala ang madilim na daan. May dala silang gasolina at ibinuhos ito. Agad ko namang hinila si Josh at tumakbo kami ng mabilis. Napahawak na ako sa dibdib ko dahil kinakapos na ako ng hininga.
"Grabe, mamamatay na yata tayo," puna niya. Binatukan ko at pinandilatan ng mata.
"Bata pa ako, malayong mamatay ako ng ganitong edad."
"Anong gagawin natin?" natataranta niyang tanong.
"Bakla ka ba? Ka-lalaking tao, takot ka na niyan?"
"Zy naman. Unang pagkakataon ko na makatanggap ng death prank," aniya.
"Hindi ito death prank. Dahil gusto talaga tayong patayin," sagot ko. Napaisip ako bigla, sino naman ang gagawa no'n samin?
May huminto na kotse sa tapat namin. Nakita ko na bumaba si ma'am Nicole.
"Zyne, Josh, anong nangyari sa inyo? Bakit madumi ang mga damit niyo?"
"Ma'am may gustong pumatay sa'min!"
Pinasakay niya kami sa kotse niya. Wala sa sarili akong pumasok. Nakatulala lang ako sa daan habang nag-iisip kung sino ang may kagagawan no'n. Hindi iyon ang unang beses na mangyari sa'kin ang ganoong set up. Dati si mama ang kasama ko, at dumating din si ma'am Nicole para iligtas kami. Nalilito na ako.
"Mag-iingat kayo lagi. Huwag magtitiwala sa kahit na sino," wika ni ma'am.
"Akala ko mamamatay na ako. Buti na lang nakaligtas kami," sagot ni Josh na nakahawak pa sa may tapat ng puso.
Bumaba kami sa daan papunta sa bahay. Nagpasalamat na rin kami kay ma'am. Mabait siya, kaya bakit kailangan siyang imbestigahan? Dahil kung masama siyang tao, ide sana pinatay niya na lang kami kanina doon. Napailing ako at hinatak na si Josh.
"Why the h*ll you're clothes are dirty Zinang?" Napatingin ako sa lalaking nakaharang sa daan. Si Kaizer na nakakunot ang noo habang masama ang tingin kay Josh.
"Don't mind him," wika ni Josh at hinila na ako papasok sa bahay. Napangiti naman ako dahil kitang-kita ko kung paano nainis si Kaizer.
"Tita, Tito, muntik na kaming mamatay!" sigaw ni Josh nang makapasok na sa bahay. Napatayo si papa at agad akong sinalubong.
"Zyne, nasaktan ka ba?" nag-aalala nitong tanong.
"Hindi naman po papa," sagot ko. Tumayo si mama at galit ang mukha.
"Anong nangyari Josh. Kaya ko nga ibinilin sa iyo si Zyne para makauwi ng ligtas!"
"Tita, biglang na flat ang tire ng kotse ko."
"Sinadya ito. Kailangan ka na ngang mailipat sa Austrilia Zyne. Sasama ka Josh samin. Kami na ang magpapa-aral sa iyo next sem." Napangiti naman si Josh at tumango. Itutuloy na talaga nila ang pagpunta ko sa Auatralia. Ayoko! Hindi ko kayang mapalato sa kanila. At hindi ko pweding talikuran ang misyon ko para sa mundo. Hindi!
Nagpaalam na ako na magpapahinga na muna. Tinawagan ko si kuya Dark pero galit itong humarap sa'kin. Mag-isa siya sa underground at may hawak na papel.
"Bakit hindi mo ako pinapansin kanina pa? Nakalimutan mo na ba ang misyon mo Zyne?" pasigaw niyang tanong. Napapikit ako saglit.
"Wala akong nakalimutan. Pagod lang ako, at nag-aaral ako, mahirap bang maintindihan ang kalagayan ko?" sagot ko rito.
"Kapag hindi mo nagawa ng tama ang misyon mo Zyne, kawawa ang mga mabibiktima sa campus ninyo," aniya at pinutol ang tawag. Darn it! Alam naman na niya siguro ang banta, bakit hindi nalang niya sabihin sa'kin agad? Bakit kailangan pa na pahirapan ako?
"I want to save the world, but I also need some rest," bulong ko na lang.
Tumayo ako at lumabas sa bintana ng silid ko. Naupo ako sa bubong at pinagmasdan ang mga bituin sa kalangitan. Sana isa nalang ako sa inyo, dahip kahit papaano malaya at laging masaya sa paningin ng mga tao. Nagbeep ang phone ko kaya tiningnan ko ito.
From: +639**********
I know who you are Zyne. Talk to me, before the accquaintance party started.
Recieved: 7:24 pm
I'm clueless kung sino ito, at paano ko siya makakausap? Siya ba ang may kagagawan kanina o iba lang ito? Kilala niya kung ano ako? It means alam niya ang sekreto ko!
Pero ... sino siya?