NAGISING ako at pakiramdam ko lumulubog ako. Napabalikwas ako at kinapa ang higaan ko. Hindi ko alam kung paano ako naka-uwi dahil habang nasa biyahe kami ay nakaidlip ako. Tumayo ako at dahan-dahan na kinapa ang paa ko. Wala na ang panyong itinali ni Rez, pero hindi na ito masakit. Salamat naman, dahil kailangan kong mag-imbestiga pa.
Dali-dali akong naligo at nagtungo na sa kusina. Naabutan ko sila mama at papa sa mesa. Nagbabasa si papa ng newspaper at si mama naman kumakain. Binati nila agad ako nang maramdaman nila ang presensiya ko.
"Magmadali ka Zyne, malapit na tayong ma-late," wika ni mama.
"Kanina ka pa namin kinakatok, hindi ka naman nagigising. Napuyat ka ba kagabi?" tanong ni papa. Umiling lang ako.
"Alam mo ba na may nangyaring patayan kagabi, sa isang abandonadong bahay doon sa San Flores, Sitio Bangon. Malapit lang iyon dito, at base sa nakasulat dito, mga droga daw ang laman ng underground ng bahay. Walang ibang nakuhang bangkay kundi ang tatlong scientist."
Napatigil ako sa pagsubo ng pagkain. Naramdaman ko na bumilis ang tibok ng puso ko. Saan napunta ang mga bangkay ng kasamahan namin? Hindi kaya may kumuha doon habang bumabalik na kami sa headquarter?
"Hindi raw mga pulis ang may kagagawan no'n. Kaya hindi matukoy ng pamahalaan kung sino nga ba ang kalaban ng gobyerno," dagdag pa ni papa.
"Pa, sa tingin ko naman mabubuting tao ang nag raid sa bahay na iyon," sagot ko.
"Alam mo Zyne, meron talagang mga tao sa mundo na nagpapanggap na mabubuti, pero masama ang hangarin nito. Laya ikaw, huwag kang magtitiwala sa kahit na sino," aniya. Napatango naman ako at ngumiti. Sinulyapan ko si mama, at nakita ko na napabuntong hininga ito.
"Kayo ang nakuhang vocalists ni Kaizer sa banda. Kaya lang ayaw ko sana na maging magkalapit kayo!" may diin na sabi ni mama.
"Mahal, kilala ko si Kaizer. Mabait na bata iyon, at pormal. Bakit ayaw mo sa kaniya?" tanong ni papa kay mama.
"Basta, ayaw ko na magkakaibigan sila ni Zyne," wika ni mama na medyo napalakas ang boses niya at umalis na sa hapag-kainan. Napalingon naman ako kay papa at tumango lang ito.
Hindi ko maintindihan si mama. Mainit nga talaga ang dugo niya kay Kaizer. I don't know why. Pero ganoon naman din ako. Naiinis din ako sa taong iyon, kaya hindi siya dapat mag-alala tungkol sa bagay na iyan.
"Bye, papa," paalam ko kay papa at sumakay na sa kotse ni mama. Tahimik lang kami, pero panay lingon ako sa kaniya.
"Ma, magkaibigan kayo ni ma'am Nicole 'di ba?" lakas loob kong tanong. Tumango lang si mama at nagpatuloy sa pagmamaneho.
"May alam ka po ba tungkol sa kaniya?" tanong ko ulit.
"At bakit ka naman nagtatanong ng ganiyan?" tanong niya pabalik.
"Ang bait niya po kasi. Idol ko rin po siya mama," sagot ko.
"Magkaibigan kami simula noon pa. Magkasabay kaming lumaki. Masayahin siyang tao, at mabait nga siya talaga. Labas at loob, anghel siya," aniya. Nagulo tuloy ang isip ko sa sinabi ni mama. Mabait si ma'am Nicole, pero bakit isa siya sa target namin?
Hindi na ako nagtanong pa ulit at agad ng lumabas sa kotse. Nauna akong maglakad kay mama at walang lingun-lingon na nagtungo sa classroom namin. Sumalubong agad si Arra kaya napatakip agad ako sa tainga ko.
"GOOD MORNING BESTFRIEMD ZYNE!"
"Mukha lang nag-aanounce. Nakakahiya Arra, umayos ka!" saway ko dito kaya nag peace sign naman. Wala si Kyla sa upuan niya kaya kinalabit ko si Arra.
"Asan si Kyla?"
"She's not feeling well Zyne. Inatake yata ng asthma niya," aniya kaya nalungkot ako. Sakitin naman talaga siya, kunting ambon lang hospital agad na.
"Hi, Zyne! Ayos ka lang?" Napalingon ako sa lalaking kumakaway sa harapan ko. Nakita ko naman ang nakakainis n mukha ni Kaizer. Bahagya ko itong sinuntok sa balikat pero tumawa lang.
"Kayong dalawa ha, baka iba na iyan," wika naman ni Ashton.
"Manahimik ka nga," singhal ko rito at tumawa lang naman.
Tumahimik ang lahat nang dumating na si Ma'am Nicole. Napalingon naman ako sa mesa niya, naroon ang spy cam at ngayon ay nakikita kami ni kuya Dark. Huminga ako ng malalim. Ano man ang malaman ko ay tatanggapin ko.
"Good Morming class," bati niya sa'min.
"Good Mornimg din ma'am!" sagot namin na may mga ngiti sa labi.
Nakita ko naman na nay umupo sa upuan ni Kyla. Ini-usog ito palapit sa'kin ni Kaizer at balak na naman mang-inis.
"May practice tayo mamaya, maghanda ka," bulong niya pero hindi ko lamg pinansin.
"May deal ako para sa'ting dalawa," bulong niya ulit. Sa pagkakataong ito ay napalingon na ako sa kaniya.
"Ano?" Nakataas kilay kong sagot.
"Pasikatan tayo. Kung sino ang pinakamaraming magche-cheer sa performance natin ang siyang panalo."
"Ano naman kung matalo?" taka kong tanong.
"Manlilibre ng ticket sa Myries farm," nakangisi niyang sagot. Napakunot ang noo ko sa sinabi niya.
"Ano? Bakit naman sa Myries farm? You mean, papasok tayong dalawa do'n, tapos kung ako ang matalo ililibre kita ng ticket?"
"Yes, ano deal?" aniya. Matagal ko ng gustong makapasok sa Myries farm. Pero ayaw nila Kyla at Arra na pumasok doon dahil takot sila sa mga hayop.
Tumango ako at nag thumbs up kay Kaizer. Napangiti rin ako dahil excited na akong magpunt doon. Pero siyempre, takas mode na naman ako kila mama. Ayaw ko sanang kasama si Kaizer, kaya lang siya lang ata ang may interes na pumasok do'n. So no choice.
Tahimik naman na siya at nakinig na kay ma'am. Kinalabit ako bigla ni Arra kaya napalingon ako rito.
"May meeting tayo mamaya Zyne. Mag dedecorate din tayo after class," aniya. Tumango ako, "So gabi na tayo uuwi?"
"Oo, kaya exciting ito!" aniya na halos mapunit ang labi dahil sa ngiti nito. Tinawanan ko lang siya.
"Hmmm, kakaiba ka yata ngayon. Kailan ka pa nagkagusto sa glasses?" hindi makapaniwalang tanong ni Arra.
"Medyo lumalabo na kasi ang mata ko," palusot ko. Napanguso naman siya sa relo ko.
"HANEP ZYNE, ANO TALAGA ANG NAKAIN MO?" Ismid lang ang isinagot sa kaniya kaya tumawa lang ito.
Natapos ang klase at agad naman na kaming nagsitayuan. May vacant kami one hour, kaya maaaring gamitin ko ito para mag-imbestiga. Napatigil ako sa paglalakad kaya nagtaka si Arra.
"May pupuntahan lang ako, Beshy," paalam ko kay Arra. Bumusangot ito at galit akong hinarap.
"Saan ka na naman magpupunta?"
"Kay mama," sagot ko. Saktong napadaan si Lance kaya binati kami ito.
"Hey, Vice!"
"Pres, sorry hindi ako nakatulong noong Sabado," wika ko rito.
"Ayos lang, sinabi rin ni Arra na may sakit ka. Ayos ka na ba?" I mentally laugh. Gaga na Arra.
"Oo ayos na ako. Ay, sige ewan ko muna sa'yo si Arra dahil may kukunin lang ako kay mama," paalam ko at tumango naman siya. Umirap si Arra pero niyakap ko ito kaya naman tumawa na.
Nagmadali akong nagtungo sa likod ng room ni mama. Kinuha ko ang tablet ko at binuksan ang monitor. Nakikita ko si ma'am Nicole na nakaupo sa harap ng cam. Malamang hindi niya alam na may nakalagay doon. Hinawi niya ang buhok niyang mahaba pero may napansin akong tattoo. P.A. ibig sabihin, miyembro siya ng Poisonous Association? Ang buttones ng uniporme niya ay napansin ko na may isang kakaiba. Kagaya ito ng sa akin, button spy camera.
"Bawal daw ang manuood ng R18 mo---"
Sinampal ko si Kaizer na papalapit sakin. Buti nalang napatay ko kaagad ang tablet ko. Ang dumi ng utak niya, mali ang sinabi ni papa na pormal siya!
"Puno ng basura pala ang utak mo! Hindi R18 ang pinapanuod ko, g*g*!" Biglang nag init ang pisnge ko. Langya siya, nakakainis.
"Ows, masakit. Pero okay lang, pakakasalan pa rin kita," aniya. Gusto ko sana siya itulak at suntukin ng malakas pero good girl ako kaya 'wag na lang.
"Bakit ka nandito?" inis kong tanong.
"Napadaan," wika nito. Napadaan sa likod ng room ni mama? Imposibly!
"Ganoon? O baka sinsundan mo ako?" Tumawa lang siya at umiling.
"May meeting pa kayo hindi ba? Go on, hinihintay ka na nila," aniya. Napatingin ako sa cellphone ko. Paktay oo nga!
Nagmadali akong naglakad pero hinila ako nito. "Sabay na tayo, babantayan kita para hindi ka makatakas mamaya," aniya. Nang-aasar ba siya o ano? Nakakainis talaga siya! Wala akong nagawa kundi sumama na lang.
"Ehems, magpapaparty na ba kami?" Napuno ng tawanan ang SSG otawananffice at sinundot-sundot pa ako ni Arra. Kumindat lang si Kaizer at nagpaalam na sa labas lang siya.
"Aba, kayo ha. Magda-date pala kayo," wika ni Ara pero kinurot ko lang at hinampas.
"Sira, hindi!"
Nagsimula na rin kaming mag-usap-usap. Nanguna si Lance na nagsalita, syempre siya ang President namin. Hindi ko nga alam kung ano ang silbi ko sa posisyon ko na ito dahil lagi akong wala sa mga meetings namin.
"Gagawa tayo ng confession booth, marriage booth, at photo booth."
Kinalabit ko naman si Lance at sinabi na mabuti sana kong gagawa kami ng freedom wall, kaya naman nasiyahan ito sa suhestiyon ko.
"Napag-usapan namin ni Vice na gagawa tayo ng freedoom wall, at syempre may special dance rin," aniya kaya nagpalakpakan kami. Abot langit ang ngiti ni Arra kaya alam ko na ang plina-plano niya. Masama ito.
Lumabas na kami at narinig ko naman na tumunog ang kampana. May kaniya-kaniyang talon ang bawat estudyante. Naki-apir pa si Arra kay Lance. Magpinsan nga naman. Wala ng pasok dahil may meeting daw ang mga teachers. Napayakap naman ako sa sarili ko pero naramdaman ko naman na may payong na sa itaas ng ulo ko. Tiningnan ko kung sino ang humahawak no'n. It was Kaizer again.
"Yieee, bagay sila!"
"Oh God, kinikilig ako!"
"Ang sweet!"
Tilian ng lahat. At si Arra naman ay kinuhaan pa kami ng litrato. Inirapan ko lang ito, at ramdam ko naman ang pag-init ng pisnge ko. Dahil ito sa inis ko, kaya for sure namumula na ang mukha ko.
"You're blushing darling," aniya kay hinampas ko ito ng malakas sa balikat.
"Ouch, I love you more!" sigaw niya kaya napalingon sila Lance sa'min.
"Anong I love you more?"
"Wala. TARA SA MUSIC ROOM," aniya kaya sumunod naman si Arra at Lance.
Pumasok kami sa music room at nandoon na si Renzo. Pumwesto si Ashton at Arra sa kanan, guitarists sila, at si Lance sa piano, si Renzo sa drum, at kami naman ni Kaizer sa microphone. Bakit ba kasi naging vocalist pa ako? Ayaw ko na siya ang kasama kong kamanta.
Nagstart ng tumugtog sila Arra at Lance. Hindi ko pa alam kung ano ang kakantahin namin. Kinalabit ko si Kaizer para tanungin.
"Ano ang kakantahin natin?"
"Without you, darling," aniya pero inirapan ko lang. Nakakainis na siya to the highest level.
" I can't win
I can't reign
I will never win this game
Without you," kanta niya.
"Without you
I am lost
I am vain
I will never be the same," dugtong ko. Tsk ang corny ng kanta.
Natapos ang practice pero panay irap ako sa kaniya. Nakatitig kasi sa'kin habang kumakanta. Nakaka-ilang kaya.
"Without you," pahabol pa niya. Naghiyawan naman ang mga kasama namin.
"Naku, bakit kasi hindi mo na lang ligawan si Zyne?" inis na tanong ni Arra, binato ko namn ng plastic bottle.
"Pakakasalan ko nga, wait lang kayo darating din ako diyan," sagot ito na halos ikasabog na ng mukha ko.
"Pero bago ang lahat, huwag mong kalilimutan ang deal," buong nito sa'kin.