Chereads / One Night Stand - Season 1 / Chapter 37 - (Who's the heredera?)

Chapter 37 - (Who's the heredera?)

Kinagabihan

Nasa kama na si Jen at sa dating bahay sila nagpalipas ng gabi.

Sa bahay nang kaniyang yumaong mama na si Jennalyn Celine Rygosa Rio y Santos. Kinuha ang pangalan ni Jen sa mama niya kaya kuhang kuha niya ang aperance at ugali ng mama niya. Hindi mo siya basta basta mapapangiti. At madaldal kaya laging sabog si sir Carllex kapag kaharap niy ang asawang si Jen.

Naroon pa rin ang mga lumang gamit sa kwarto ng mama niya. Maglilibot uli si Jen sa bawat sulok ng kwarto at titingin ng lumang picture. Mangingiti siya ng makita ang lumang larawan ng mama niya. " I miss you mama sana naihated mo ako kanina. " sambit ni Jen at niyakap ang larawang hawak.

Papasok naman ng palihim si Carllex at bahagyang yayakapin ang asawa.

" hi tita, asawa ko na ho ang anak niyong pangit. Wag ho kayong mag alala dahil aalagaan ko ho siya. " sambit ni Carllex sabay halik sa noo ni Jen.

" saan ka galing? " usisa ni Jen sa kaniya at umupo na ito sa kama. Mukhang matutulog na si Jen nang pigilan siya ni Carllex.

" wag ka munang matulog! Mag uusap pa tayo. " ani Carllex sabay lapit sa asawa at kumuha ng makapal na kumot.

" ano ba kasi pag uusapan natin. Pwede bang bukas na. " pakiusap ni Jen sa kaniya.

" honeymoon dapat natin ngayon pero buntis kana. So, mag uusap tayo about sa ating dalawa. Tatanungin kita at dapat sagutin mo ng tama. " sabi ni Carllex sa kaniya at pasimpleng pinatay ang ilaw.

" ano ba? Sabi mo mag uusap bat ang dilim? " pagkatakot ni Jen na napayakap sa asawa niya.

Matatawa na lamang si Carrlex sa ginawa niya.

" bubuksan na, " sabay on ng switch at napalitan ito ng nagniningningan na mga little shape of stars na ilaw.

" ang dami mo talagang alam, " ani Jen habang nakatitig sa kisame. Nababalutan kasi ito ng mga little stars na ilaw kaya parang nasa labas lang sila nanonood ng mga bituin sa kalangitan.

" alam mo Jen, ang hirap mo talagang pakiligin eh. Pero ok lang yon kasi pangit ka naman kaya mahal na mahal kita. " sabay halik sa pisngi ng asawa.

" ano ba ang pag uusapan natin? " usisa uli ni Jen at halatang nakadikit sa asawa na tila takot siya sa dilim.

" sus, gusto mo lang yakapin ng pogi mong asawa eh. " inis nito kay Jen. Sumimangot na lamang ito.

" matutulog na talaga ako, " tampo na nito sa kaniya.

" subukan mo nang at kakagatin kita sa leeg. " banta ni Carllex sa kaniya.

Her Pov's

Kainis talaga siya kahit kailan.

Biruin mo, tatakutin na naman ako kapag hindi nasunod ang gusto niya.

Inaantok na kaya ako, " Carllex, bukas na tayo mag usap. I'm so sleepy na. " sabi ko habang nagbabalak ng humiga.

" mag usap pa tayo Jen saka sabay na tayo matulog. Sige na oh, " pakiusap niya sa akin. Hala, bat kaya nangpipilit ang asawa ko?

" sige, pero kapag inantok ako tutulugan kita. " payag ko sa kaniya.

" sinabi mo yan, " akbay niya sa akin.

Humiga ako sa bisig niya habang nakatingala sa taas.

Ang ganda ng stars saka kumikinang ang mga ito at tila pasko na.

" Jen, anong nagustuhan mo sa akin? " ask niya sa akin. Sabay hawi sa buhok ko. Bat naman

niya tinanong iyon. Alam naman niyang nagustuhan ko siya dahil sa napaka responsible niya.

" ang caring mo eh saka responsible. Noong nasa bording tayo, hangang hanga ako sayo sir Carllex kasi ang galing mo sa lahat ng bagay. Akala ko nga isang ordinaryo ka lang pero nalaman kong bilyonaryo ka. Sinubukan kong kalimutan ka at magalit sayo. Alam mo ba sinubukan kong magpakamatay dahil sayo. Kasi pinangako ko kay mama na hindi ako magpapakasal sa isang bilyonaryo. Iyon ang huling hiling ni mama sa akin bago ako nag aral ng kolehiyo. Sabi niya mumultuhin niya ako kapag ikinasal ako sa mayamang angkan. Hindi ko maintindihan si mama noon at hanggang ngayon ay hindi ko pa rin alam kung bakit ganun ang bilin ni mama. " kwento ko sa kaniya habang napahikbi.

Sinuway ko si mama at hindi ko alam kung masaya ba siya para sa akin o hindi? Hindi ko rin alam kung bakit galit siya sa mayayaman? Niyakap na lamang ako bigla ng asawa ko at pinayuhan. " kung anuman ang bilin ng mama mo ay may dahilan siya. Sa ngayon ay hayaan mo akong alagaan ka, Sweetheart. " bulong niya sa tenga ko.

Hala, sweetheart ang tawag niya sa akin. Mukhang napaka pormal naman ata yon.

" marami pa akong tanong, Sweetheart. Bat ang hirap mong pakiligin? Hindi ka naman maganda pero hindi ko nakita kung paano ka kiligin. " sabi pa niya. Tama siya, pangit ako at hindi ko kinahihiya yon. May morenang kutis, may dalawang dimple at chubby. Pero hindi pa niya nahahanap ang kiliti ko kaya hindi pa ako kinilig sa mga banat niyang laging basag sa akin.

Hinawakan ko ang mukha niya. Teka, bat ang lambot nito? Walang barya, walang pimples at ang pogi niya. Hay, pogi nga talaga ang asawa ko pero naiinis ako sa mukha niya. Ewan, basta naiinis ako. " siguro ang daming naghahabol sayong babae. Ewan ko din, kung bakit ako ang pinili mo? " tanong ko sa kaniya. Syempre nakakainis kapag siya ang nagtanong sa akin. Kaya humanda siya. Mapipikun talaga siya.

Binaba niya ang mga kamay ko. " alam mo kasi pangit ka kaya pinili kita. " sabi niya. Hala, nakahithit ang asawa ko. Anong pinagsasabi, sige lang mapipikun ka talaga kapag ako nakaganti.

Hmm, kahit anong anggulo ang pogi niyang tingnan.

" alam mo, para sa akin hindi ka pogi. " seryoso kong sabi sa kaniya na ikinatitig niya sa akin. Hala, nag iba na naman ang mga mata niya. Nakakatakot siya. Mukhang napikun sa sinabi ko.

" alam mo Jen kainis ka talaga! Ikaw lang ang babaeng hindi naka appreciate ng kapogian ko." snob na niya sa akin. Hala, nagtampo na siya sa akin.

" totoo naman kasi, saan ba banda ang kapogian mo? " usisa ko sa kaniya na ikinakalas niya sa akin. Ayan, humiga na siya at mukhang matutulog.

Wahhhh, si pikun matutulog na daw siya. Ayan oh, nakakumot na at hindi ako pinapansin.

Akala niya siya lang ang marunong mang inis. Pilosopo kaya ito at namana ko lahat ng kalokohan ni papa. " matutulog ka na ba? " usisa ko pa sa kaniya. Obvious naman Jen diba.

" tskkk, bahala ka diyan pangit! " snob niya sa akin at niyakap ang unan. Aba, himala malayo siya sa akin ngayon. Suyuin mo na Jen baka tuluyan ng magtampo.

Lumapit ako ng bahagya sa kaniya sabay lambing rito. Kunting yakap saka pa cute sa asawa kong pinaglihi ata sa katampuhan. " Carllex, wag ka nang magtampo oh. Sige ka ipaglilihi ko ito sa katampuhan mo. Totoo naman kasi na hindi ka pogi sa paningin ko. " yakap ko ng mahigpit sa kaniya sabay halik sa pisngi niya. " kasi ang totoong kapogian ay nakikita rito. Hindi sa labas na kaanyuan. " turo ko sa dibdib niya sabay titig sa kaniya.

Bigla nalang siyang ngumiti at inihiga ako bigla. Tinitigan niya ako sa mukha ng bahagya.

" I love you, Jen. " halik niya sa labi ko at pagkatapos sa noo ko. Then bumaba siya sa tiyan ko. Walang ano ano'y hinawakan niya ito at hinalikan rin.

" I love you too, Carllex. " sambit ko sa harap niya na ikinangiti niya. Sa wakas ay nasambit ko na ang salitang gusto niyang marinig mula sa akin.

" kay tagal kong hinintay yan, Jen. Maraming salamat sayo at tinanggap mo ako. " sabay paulan niya ng halik sa aking mukha na ikinakiliti ko.

Sa kabilang banda

Sa isang mansiyon na puno ng bodyguard's at armado ang bawat isa.

Sa mansiyong mula sa angkan na kinalimutan nalang bigla dahil sa hidwaan.

Sa puting mansiyon na iyon ay may señora na nakaharap sa picture frame.

May pananambitan siya sa sandaling iyon.

" aking mahal na prinsesa, pakiusap bumalik ka sa piling ko. Alam kong nagkamali ako. Tama ka nga, hindi ako mabubuhay sa pera na mayroon tayo dahil pamilya ang mahalaga. " pagtulo ng kaniyang mga luha sa sandaling iyon.

Ang señorang may simpleng kutis. May morenang kutis at napaka simple ng suot ngunit napapalibutan ng ginto. " señora, ikinasal na ang apo ninyo sa anak ng kilalang angkan. " balita ng ginoong naka black suit.

Tatayo na lamang ang señora, " marami akong kasalanan sa mama niya. Gusto kong bumawi sa apo ko. Bukas na bukas ay pupuntahan natin siya. " tugon ng señora. At sandaling kukunin ang phone nito. May tatawagan siya saglit at kukuha ng isang cheke.

Someone Pov's

I'll really missed my unika hija.

Pero paano? Wala na siya, nawala siya ng may sama ng loob sa akin.

This is all my fault kaya umalis siya sa bahay na ito.

" I miss my princess Jennalyn Celine Rygosa Rio. You're my weaknessess but it's all my fault. Mahal na mahal kita aking bunga. " bahagyang tumulo ang aking luha sa sandaling iyon.

At mayroon siyang anak na kamukhang kamukha niya.

She's like her mother! A simple and a fighter!

And I'm so proud of her!

Napaupo na lamang ako sa sofa habang nasa harapan ko ang aking mga maids.

" señora, your dinner is ready! " paalala ng isang manang. Malapit ko nang makalimutan. Masyado na palang late para sa dinner. Natagalan pala ako sa pag iisip kanina at nakibalita sa mga asset ko. Malapit na tayong magkita aking heredera. Hihingi ako ng tawad sa mahabang panahong paghihirap ninyong mag ama. Nawala na ang aking anak kaya babawi ako sayo, Mrs. De la Vega.

Tumayo na lamang ako at tumungo sa dinning area. Habang nakasunod ang mga bodyguards ko at katiwala sa bahay. " I'm leaving with the gold but still incomplete without my greatest treasure! " sambit ko ng makitang empty ang upuang na laging inuupuan ng mahal kong unika hija.

@yhunasibuyana.