After 20 minutes
Kaagad namang nagising si Jen ng maramdaman ang presensiya ng asawa niya sa tabi nito. Mapapahikab na lamang si Jen at magtatago pa sa kumot. Mukhang nahihiya ito sa asawa niyang nakatitig lang sa kaniya. " good morning pangit. " bati ni Carllex sa kaniya na tila inaasar siya nito.
Mapapansing malapit nang magtanghali kaya pababangunin na lamang siya ni Carllex sa kama nito. " Jen, bumangon kana diyan kasi maya maya ay magla - lunch na. " pa alam niya sa asawa nito na ayaw lumabas sa pagkakumot nito.
" ayoko pang bumangon, " tampo nito sabay talikod sa asawa niya na tila bitin pa rin ang pahinga niya. Sa halip na asarin niya si Jen at bahagya niya itong tinabihan sa pagkahiga sabay bulong. " kakagatin kita, " pananakot niya rito.
Kaagad namang napabalikwas si Jen at bumangon habang nakasimangot sa asawa niya.
" mamaya kana matulog, pangit. " kurot niya sa pisngi ng asawa at kinuhaan ng damit.
" susuotin ko ba ito? " usisa ni Jen sa inabot na bestida ni Carllex sa kaniya. Ang bestidang mahaba at balot na balot ang katawan niya.
" gusto mo bihisan kita? " mala ngisi nitong sabi na ikinahampas ni Jen sa kaniya ng unang hawak nito.
" tskk, " snob nito at saka pumasok sa dressing room.
Hahabulin naman siya ni Carllex na napasama sa loob ng dressing room.
" bat andito ka? Magbibihis kaya ako! " bahagyang kamot ni Jen na tila nagtataka sa pagsama ng asawa niya sa loob nito.
" Jen, kahit saan ka magpunta sasamahan kita. Paano nalang kung madudulas ka. " paliwanag niya sa asawa nito.
" ay, sana all maalalahanin. Pwede bang tumalikod ka, sir Carllex. " pakiusap ni Jen sa kaniya habang nahihiya sa asawang nakabantay sa kaniya.
" Jen, isang tawag mo pang sir Carllex sa akin. Mamumula yang leeg mo." banta niya kay Jen na ikinatawa nito.
" ok sige, talikod kana kasi lalaki ka. " patalikod niya sa asawa niya.
" kalabitin mo nalang ako kapag may kailangan ka or tapos kana. " tugon ni Carllex kay Jen at humarap siya sa pintuan.
Jen Pov's
Ayy, ang OA ni sir Carllex eh. Pati dito sinamahan ako.
Para namang lampa ako? Hindi naman ako lampa eh.
Saka, " sir este Carllex, pwede mo bang itaas itong zipper ng dress. Napakahaba niya para namang nasa alaska tayo eh. " sabi ko sa kaniya habang pinipilit na abutin ang zipper.
Bigla nalang may humawak sa kamay ko at bahagyang binaba ang kamay ko.
" yan talaga ang pinasusuot sa mga nagdadalangtao dito sa mansiyon, Jen. At malamig ang klima dito. Ayan, bagay pala sayo eh. Kahit pangit ka. " bahagya niyang yakap sa aking likuran at hinawi ang buhok ko.
Naglalambing na naman siya. At ayan, nakasubsub siya sa leeg ko. Ano bang ini emote - emote nito? " may problema ka ba? " ask ko sa kaniya habang nakahawak ang mga kamay niya sa tiyan ko. Hindi na lamang siya sumagot sa akin at sa halip ay itinali niya ang buhok ko ng isang pulang laso.
Nakakamangha talaga ang asawa ko at alam niya kung paano taliin ang buhok ko. Napansing kong may isinuot siya sa akin. " suotin mo ito mahal kong asawa at nagpapatunay iyan na ikaw ang pinili kong makasama. " sabit niya sa leeg ko ng kwintas na ibinigay sa akin ng mama niya. Ang kwintas ng tagapagmanang panganay na anak na ibibigay sa asawa nito.
Sandaling kong hinawakan siya sa mukha ng aking mga palad at tinitigan. Nakikita ko sa mga mata niya ang pag alala sa akin. " maraming salamat Carllex at tinanggap mo ako. Mahal na mahal kita. " sandali kong halik sa noo niya at sa magkabilang dulo ng pisngi.
Napangisi na lamang siya sa akin. " gusto ko sa lips. " turo niya sa akin sabay pout. Anak nang pating Jen. Para siyang tuta kong mag makaawa sayo. Ayoko nga, hindi ako marunong humalik eh. Saka siya dapat ang humalik sa akin. Siya ang lalaki eh.
" ay putakte, " sambit ko ng magulat sa ginawa niya. Paano hawakan ka pa naman sa baywang. Itong lalaking talaga ito, trip niya lagi ang manggulat. Kung may sakit ako sa puso. Sus, kanina pa ako hinimatay sa ginawa niya.
Makipag eyes to eyes pa naman siya sa akin. Oh god, lubayan sana ako ng mga titig niyang nakaka akit. " tok! Tok! Tok! " katok sa pintuan. Hay salamat, may savior ako ngayon. Mukhang pinababa na kami sa hapag kainan.
Binuksan na lamang niya ang pintuan, " sir Carllex, pinabababa na kayo ng señora. " sabi nong ginang naka unipormeng puti. " susunod na kami, " sabat niya at lumapit sa akin. Hinawakan ang kamay ko. " baba na tayo, " sabi pa niya sa akin. Masyado pa namang maaga para mag lunch eh.
Habang pababa kami ng hagdan ay nakaalalay siya sa akin. Ewan ko ba sa kaniya pero dahan dahan naman akong humahakbang ah. Sabi niya kasi dapat akong tumingin sa hinahakbangan ko. Halos di nga ako makahakbang dahil takot akong matisod sa hagdan. Kawawa naman ang mga baby ko kung matisod ako sa hagdan.
Basta mag iingat ako ng mabuti. " oh my gosh... Bagay na bagay sayo Jen ang dress na yan." salubong sa akin ni señora Mia na tila ang saya saya niya ng makita ako. Ewan ko ba pero napaka buti nila sa akin. Kahit noong unang pagkilala ko sa kanila noong nag aaral pa ako. Kaya pala malaki ang paggalang ng mga tao sa kanila dahil kasing gulay ng ginto ang puso nila.
Pagbaba ko sa hagdan ay sinalubong naman ako ni ma'am Jerimy. Ayaw niya kasing tinatawag na ma'am Jerimy at gusto niya ay mama ang itawag ko sa kaniya. Ang swerte ko talaga, " wow, bagay sayo Jen at mukhang magaling talaga pumili ng dress ang anak ko. " pagmamalaki ni mama Jerimy rito.
Sasabat naman si Carllex, " syempre asawa ko yan. " sabi niya na tila rinig niya pa rin ang usapan kahit na nasa sala. Mauupo na lamang ako ng biglang nagsulputan ang mga binatang magkakamukha. " hi ate Jen, " bati nilang tatlo. Woah, grabi pala ang lahi ng mga de la Vega. Kung hindi twins ang anak ay triplets malamang. Ito din nga sa akin, tatlo din ang laman.
Magsisilabasan naman sa kusina ang tita ni Carllex na tila magkakamukha at nakakahilo ang mga mukha nila. " hi Jen, wow naman bagay sayo ang traditional dress. " puna nila. Hala, niloloko talaga ako ni Carllex eh. Traditional dress pala itong suot ko kaya pala kakaiba. Kulay pula na may bulaklakin.
Magsisitatayuan na lamang sila, " halika na Jen at unang lunch mo dito kaya wag kang mahiya. " yaya sa akin ng señora Mia habang nakahawak sa kamay ko. Magsisipasukan kami sa kusina at mamangha ka talaga sa malawak na hapag at napapaligiran ng mga upuang mamahalin.
Grabi, ang haba ng mesa at gawa sa antique metal pero makinang. Iyong mga silya ay parang mamahalin sa kakaibang desenyo. " Jen, dito ka! " wika ng boses sa likuran ko na ikinalingon ko. Si Carllex pala habang hinahated ako sa pwesto ko. Pinaupo niya ako sa tabi ng mama niya. Mukhang mula sa panganay ang hanay ng mga silya. Sa dulo ay ang bunso nila si ma'am Sofia at ang asawa nito at sa gilid ay ang kambal nitong mga anak.
Nakaupo na ako ng biglang may inilagay sa aking dibdib si Carllex. Table napkin pala at siya talaga ang naglagay sa akin. " masanay kana Jen at ganiyan niya talaga ako. " sabi niya at umupo na rin sa tabi ko. Nagsiupuan na rin sila at ngumiti sa akin. Binati nila ang una kong tanghalian sa pamilyang ito.
Bago nagsimula ang lahat at nagpray muna ang lahat na pinangunahan ni Carllex. Wala na akong masasabi pa sa kanila. Ang daloy ng kanilang mga kilos ay napaka ganda at tila walang away na namamagitan sa bawat isa.
Nilagyan ni Carllex ang plato ko ng puro vegetable at isang takal ng kanin. Hala, alam na alam talaga niya na ang mga bawal sa pagdadalangtao. Dapat daw maliit na kanin lang ang kainin ko at dapat puro gulay. Wow, ang daming okra at mukhang masarap ata ang kain ko nito.
Inilibot ko na lamang ang mga mata ko sa hapag at abala sila sa pagpapakain sa mga anak nila. " Jen, kain ka lang ng kain diyan at more on green leafy. " sabi ng señora na nasa tabi ni Carllex. " lola, wag kayong mag alala dahil pareho kami ng paborito. " sabat ni Carllex sa lola niya at sandaling sinubuan ako.
Hala, kaya ko namang kumain mag isa eh. Makikinig na lamang ako ng usapan ng mga magkakamukhang magkakapated. " so, Thierce mag aaral na ba ang mga cute na little Yessa diyan? " usisa niya ng ganun na tila tinutukoy niya ang kambal na magkamukha nitong mga anak.
Ang cool nilang kumain at wala kang maririg na kalanting ng kutsara at tinidor. Nasa paligid naman ang mga manang at may sarili silang mga mesa at sama sama silang kumakain.
" heto Jen, ubusin mo yang gulay na nilagay ko sa plato mo. " sabi niya ng ganun sabay subo. Damned, ngayon ko lang nakitang ganun siya kumain. Ang hot niya sa pagsubo ng bigla niya akong napansin. Napatitig na lamang siya sa akin.
Hala ka Jen, " gusto mo subuan kita? " malambing niyang sabi sa akin. Hala, loko talaga itong asawa ko. " ayieee, " sambit ng mga ginoo pati si sir Fierce ay nakisama sa tuksuan.
" sus, palibhasa walang kapated si Carllex at ganiyan kayo sa kaniya. " sabat ni señore Carlos habang nagpapadinig sa lahat.
" ano Jerimy, kasal na ang baby boy natin. Baka naman, " pasimpleng kindat niya kay ma'am Jerimy. Magkakatawanan na lamang sila sa kalokohang sinimulan ni Carllex.
Ang saya nila tingnan habang kumakain. Basta ako nakangiti lang ang ini - enjoy ang mga gulay na inilagay ng asawa ko sa plato ko. Masarap talaga siya at mukhang mapaparami ang kain ko ng gulay.