Ang mga ngiti ni Jen na hudyat ng isang matapang na pagsisimula. Ang hagikhik ng tatlong anghel ang bagong simula ng lahat.
" lola, ang cute cute nila. " sambit ni Jen habang nakatitig sa tatlong cute niyang mga baby.
" oo nga eh, basta bet ko si baby Mia. Ang cute ng mukha niya at ang kutis niya. " panggigil dito.
" señora, sabihin mo naiinggit ka lang. " bara ni Mang Jeno sa kaniya.
" Ba't naman ako maiinggit? Baka ikaw, kasi isa lang ang binigay sayo ng anak ko. " bara din ni señora sa kaniya.
" paano iyon ang lahi niyo eh. " sabat ni Mang Jeno.
" papa lola wag na kayong mag away. " awat ni Jen sa kanila.
Magtatawanan na lamang sila ng sabay na tila kabisado na ang bawat kilos ng mga ito.
Magriring naman ang phone ng señora at sandali niyang sasagutin.
On phone....
" disturbo, alam mo namang kasama ko ngayon ang natitira kong pamilya. " sumbat niya sa kabilang linya. Halatang galit na ang señora at nagtitimpi na namang magsusante ng tauhan niya.
" sorry señorita pero may dapat kayong malaman. " tugon ng kausap niya na tila importante ang ibabalita nito.
" siguraduhin mo lang na importante kundi ipapalapa kita sa buwaya. " banta niya sa kausap niya.
" señora, alam na namin ang sanhi ng pagsabog. Mula ito sa isang explosive device na ikinabit sa kotse ni sir de la vega. " balita nito.
" whatttttt? " sumbat niya sa kausap sabay hagis ng telepono.
Napalingon na lamang ang mag ama sa señorang nagliliyab na sa galit. Ang mukha niyang puno ng paghihiganti at galit.
" lola, may problema ho ba? " usisa ni Jen sa lola niyang napasuntok sa dingding at biglang umagos ang dugo sa kamao nito.
" Jen, maghanda ka at maghihiganti tayo. " aniya ng señora at binalot ang kamao niyang duguan.
" lola, wag na kayong magpaka stress. Saka may tamang panahon para diyan. " tugon naman ni Jen na bahagyang napatitig sa mga baby niya.
Sa kabilang banda
May nakasilip na nga mga mata mula sa isang makipot na guwang sa pintuan. Mga mata niya'y nakamasid sa mag lolang nasa kuna at sa ginoong tulog sa isang sofa.
Ang mga pilikmata niyang napakahaba. Ang mga kilay niyang napaka itim at hindi nagkakasundo. Ang mga labi niyang mamula mula at magandang hugis. Ang mukha niyang makinis. Ang mga ngiti niyang nakakatakot.
Bigla nalang siyang ngumisi, " hindi pa tayo tapos, señora. " ngisi niyang nakakatakot na sinabayan ng mga titig niyang malabuwitri na kahit anong oras ay handang mangdagit.
" Ang pagsabog ang hudyat ng lahat. Ang pagsabog na siyang pumatay sa mahal niya sa buhay. Ang pagsabog ang umulila sa tatlong bagong silang na sanggol. Maniningil na ang hustisya at simula na ng digmaan. " sa isip ng taong nakabalot sa itim na kasuotan habang ngumingisi.
Napasaklob na lamang ito sa hood niyang kulay itim na bumukod tangi sa kulay niyang mala atlantic. Sino kaya siya? At ano ang gagampanan niyang tungkulin?
Ang mga yabag niyang nakakagambala sa hallway ng mga VIP cabin.
Maririnig ang kalanting ng isang bracelet sa mga kamay niya.
" sinong andiyan? " usisa ng boses na nagbukas ng pintuan sa tapat ng room na pinag silipan niya.
Napahinto na lamang siya sa paglalakad at bahagyang humarap. Nakatago ang kaniyang mukha sa hood na kulay itim kaya't hindi maaninag ang mukha niya.
" sino po sila? " lapit na boses ng isang ginang na nagtataka sa humintong nakatayo sa di kalayuan.
Napangisi na lamang ito at bahagyang lumisan na pinagtaka ng ginang.
" sino yon? " kamot niya ng bahagya at bumalik sa room nito. Isinara niya ng maayos na tila takang taka pa rin.
Sa hindi kalayuan.
Naroon na ang taong mula sa VIP Cabin. May hawak siyang telepono at mukhang may tatawagan. " just kill them all. " utos niya ng may dalang ngisi na tila parang diyablong nagkukubli.
Sa kabilang banda naman ay mayroong nakabukas na tangke sa lugar ng pinangyarihan ng pagsabog. Ang tangkeng nasa ilalim ng kalsada na tila ba may pumasok roon at ginamit sa pagtakas.
Nabubulag ang mga mata sa ating nakikita.
Pero hindi natin nakikita ang totoo at tunay na nangyari.
--- THE END ---