Chereads / One Night Stand - Season 1 / Chapter 43 - (Wala na siya)

Chapter 43 - (Wala na siya)

Jen Pov's

Nagising na lamang ako sa isang panaginip kaya napahikbi ako na wala sa oras.

Tumambad na lamang ang mga titig sa harapan ko sa sandaling iyon.

Nasaan kaya ang asawa ko? Ba't wala siya rito?

" pa, si Carllex saan? " hanap ko sa asawa ko dahil wala siya roon. Dati rati kasi ay excited siya at nasa tabi ko siya umaantabay sa akin.

Lumapit na lamang si mama Jerimy sa akin. Bakit ganiyan ang mga titig nila? Ang kanilang mga mata'y namumugto na tila may iniyakan sila. Ano kaya ang nangyare?

" lola, ano ho ang nangyare? Bakit wala si Carllex? " tanong ko uli kay lola na hindi makatingin sa akin. Teka, may nangyare bang masama sa asawa ko?

Lumapit na lamang si papa Fierce sa tabi ko sabay hawak ng mga kamay ko.

" Jen, wag kang mabibigla. Sumabog ang kotse ni Carllex kanina at wala na siya, Jen. " pagtatapat niya sa akin. Teka, nagbibiro lang ata si papa. Hindi ata maaari iyon.

" nagbibiro lang kayo diba? " usisa ko sa kanila na tila hindi ako naniniwala sa binalita nila sa akin.

" Jen, wala na ang asawa at sumabog ang sasakyan niya kanina. " sabat ni lola señora Mia sa akin.

Para akong hinampas ng paglaking laking tubo sa nabalitaan.

" hi - hindi totoo yan! Hi - hindi! " pagtutol ko habang nagsisimula nang umagos ang mga luha sa aking mga mata. Nagsimula na akong humikbi sa sandaling iyon. Napasigaw ako na wala sa oras na tila nagwawala sa harapan nila.

Nilapitan na lamang ako ni papa at niyakap pinakalma.

" Jen, wag kang maggagalaw baka mabinat ka! " patahan na yakap ni papa sa akin. Sinong tatahan? Pinatay nila ang asawa ko. Mga hayop sila. Pagsisisihan nila ang ginawa nila sa asawa ko.

Narinig ko na lamang ang pagring ng phone nila.

" ma'am na sa amin na iyong nagpasabog. " sambit ng kausap niya sa kabilang linya. Sino kaya ang kausap ni lola at pinili niyang iparinig niya sa amin ang usapan nila.

" good! Pasabugin mo rin at lagyan mo ng bomba ang tiyan niya. Gusto kong maranasan niya ang ginawa niya sa asawa ng apo ko. " pagkagalit na utos ni lola sa kausap niya.

Napatitig na lamang kami sa kaniya. Napalapit si lola Rygosa sa akin at lumuhod sa harapan ko. " gaganti tayo Jen t dadanak ng dugo dahil sa ginawa nila. Hindi ako papayag na hindi tayo makaganti. Hawiin mo ang mga luha mo Jen at maging matapang ka. Mayroong tatlong anghel ang naghihintay sayo sa babies room. Gawin mong inspirasyon sila Jen at h'wag kang susuko. Mahal na mahal ka ng lola. " halik niya sa noo ko at sandali akong niyakap.

Pagtayo niya ay bigla nalang akong may nakitang chapa? Oh my ... Pulis ba si lola? Pero bakit ganon siya umasta?

Napahagulhol na lamang ako bigla na parang namimis ko si Carllex. Na mimis ko ang pang aasar niya. Ang paglalambing niya. Ang pag aalaga niya. Ang presence niya sa tabi ko.

" pa, ang asawa ko... " tangis ko nalang bigla dahil hindi ko matanggap ang nangayare.

" shhh, tahan na aking anak wag ka nang umiyak. " yakap ni papa sa akin.

" pa, sabi niya papakasalan pa niya ako pero ba't iniwan niya ako? " hikbi kong mag isa na lalong ikinayakap nila sa akin.

Napalingon na lamang kami sa pintuan ng marinig ang iyak ng mga baby ko.

" pa, lalaki silang walang papa. " sambit ko habang naaawa sa mga anak kong agad na iniwan ng papa nila. Hindi ko alam kung paano at saan ako magsisimula. Hindi ko kayang mag isa lalo na't tatlo sila.

Napatitig na lamang ako ng kinarga ito ni papa Fierce ang isa at ni mama Jerimy ang isa.

" mga anak, mahal na mahal kayo ng mama. I'm so sorry dahil wala na ang papa niyo. " sabi sa kanila na ikinatitig lang nila sa akin. Ang cu - cute nila at nakikita ko ang mukha ni Carllex sa kanilang dalawa.

" Jen, babae pala itong hawak ako. " sabi ni papa sa akin. Napahikbi na lamang ako ng marinig na babae pala ang hawak ng papa ko. Ang lungkot kong dinadala ay naibsan ng kunti ng marinig ang tawa ng munti kong anghel.

I saw her laughing na ikinalapitan ng lahat at gusto siyang kargahin. Carllex, kung andito ka man sa tabi ko. Mahal na mahal kita! Hayaan mo, aalagaan ko silang mabuti.

May biglang pumasok at isang ginoo na mula ata sa morque.

" excuse me, handa nang icrimate ang bangkay ni Mr. De la Vega. May gusto pa bang magpaalam sa kaniya bago sunugin ang katawan niya? " pa alam niya sa amin na ikina hikbi ko. Hindi ko alam kung paano ako tutungo roon at magpapaalam sa kaniya.

I'm still weak dahil sa cesarian akong nanganak. Bawal sa akin ang gumalaw at maglakad kaya hindi ko alam kung paano makakarating roon. Tinitigan ko na lamang si papa na tila kailangan ko ng tulong niya. " sandali, kukunin ko iyong wheel chair. Pakisabi, wag munang ipasok sa morque at magpapaalam pa ang asawa niya. " tugon ni papa Fierce at bahagyang binuhat ako ng dahan dahan.

Medyo kumirot ang tahi ko sa tiyan at titiisin ko ang kirot nito makarating lang sa morque.

" ayos ka lang ba, Jen? Baka dumudugo na yang tahi mo? " usisa ni papa Fierce. Siya kasi ang sumama sa akin patungo sa morque. Tumango nalamang ako sa kaniya kahit hindi naman ako ok. Dumudugo na ang tahi ko at sobrang sakit nito. Kakayanin ko Carllex makita ka lang.

After 15 minutes..

Nakarating na kami sa morque.

Parang ayokong tumuloy roon at hindi ko kayang makita siyang wala nang buhay.

" Jen, andito na tayo. " sabi ng papa ni Carllex sa akin at inihated niya ako sa harap ng isang bangkay na nakabalot sa puting tela. Mukhang si Carllex na yan at hindi ko kayang lumapit sa kaniya.

Napahagulhol na lamang ako ng hinawi ni papa Fierce ang telang nakabalot sa malamig na bangkay. Haplos ang balat at halos sunog ang mukha niya. Halos hindi ko siya makilala sa sunog sa katawan niya. " Carllex.... " hagulhol ko sa bangkay na halos lapnos na ang balat at napaka itim. Pero suot suot niya ang relo niyang mamahalin at wedding ring namin.

" bakit mo ako iniwan? Sabi mo magpapakasal pa tayo. Pinangako mo pa nga na sabay nating palalakihin ang mga anak natin. Pero nasaan ka? Nakahiga ka ngayon diyan at hindi mo makakarga ang mga anak natin. Alam mo Carllex may babae sa kanila at kamukha ko siya. Iyong dalawa naman at kamukha mo. Napakalungkot ko Carllex sabi mo kasi magsasama tayo habang buhay pero iniwan muna ako. Ano ba ang gagawin ko? Nasanay na akong sumunod sa mga utos mo. Hindi ko alam kung paano Carllex..... " hagulhol ko sa harapan niya na tila hindi ko pa din matanggap ang nangayari.

Halos sampung minuto akong humikbi sa harapan niya. Wala na ang mahal kong sir Carllex. Wala nang tatawag sa aking pangit. Wala nang kakagat sa leeg ko. Wala na ang binatang mahal na mahal ko. " kung saan ka man ngayon, Carllex. Baunin mo ang pagmamahal ko at mga ala alang ginawa natin. Hanggang sa muli nating pagkikita. " paalam ko sa kaniya at tinawag ko na si papa Fierce.

Tumatangis na akong papalayo sa morque habang tinutulak ang wheel chair ko. Kanina pa dumudugo ang sugat ko at hindi ko na kaya. Maya maya pa'y nandilim na lamang ang paningin ko sa sandaling iyon.

After 20 minutes.

Nagising na lamang ako sa isang malambing na tinig na tila bumubulong sa akin.

" Hi pangit, lumaban ka at mahal na mahal kita. Alagaan mo ang anak natin at wag mo silang pabayaan. Andito lang ako sa tabi mo at gagabayan kita lagi. H'wag kang mag alala at lagi akong nasa tabi mo. Mahal na mahal kita Jen at maging matapang ka. " bulong nito sa akin habang nakakasilaw ang paligid.

Napahikbi na lamang ako sa sandaling iyon na hindi ko alam na nanaginip lang pala ako.

" Jen, ayos ka lang ba? Kamusta ang pakiramdam mo? " usisa nila sa akin ng magkaroon ako ng malay. Napahikbi na lamang ako na tila ramdam kong nasa tabi ko lang ang asawa ko. Nagmamasid at laging nakabantay.

Bahagya akong napangiti ng marinig ang isang tawa.

" hi Jen, ang cute niya oh. Saka lagi siyang nakatawa oh like mama. " wika ng boses na pamilyar sa akin. Hala, si lola pala at may dala siyang bag na black. Ano kaya ang laman non? Teka, saan ba siya galing at may galos siya sa kanang kamay niya.

Umupo siya sa tabi ko, " Jen, kamukha siya ng mama saka ang cute niya. Ay, patawa tawa oh mukhang nang aakit sa dimple niya. " sabi pa ni lola sa akin at pinakarga sa akin ito.

" my princess, " bahagya kong tangis sa harapan niya. Naawa ako sa mga anak ko at hindi nila masilayan sa paglaki nila ang napakabait nilang papa.

Napalingon ako sa pintuan ng mapansing karga karga ni lola señora Mia ang isa pang sanggol at ni lolo señore Carlos ang isa pa. Nakikita ko sa mga mata nila ang pighati at kalungkutan na dinadala nila pero nanatiling nakangiti dahil sa mga munting anghel na karga nila.

Ilalapag nila sa harapan ko ang mga baby ko at sandali ko itong titigan. Ang mga mata nila, labi, at ang kutis ay katulad ng papa nila lalo na ang dalawang lalaki. Nakakatuwa silang pagmasdan. " mga baby, mahal na mahal kayo ng papa niyo kahit na iniwan na niya tayo. " sambit ko sa kanila na ikinatitig lang nila sa akin.

Para silang mga anghel, " excuse me, Mrs. De la Vega. Kailangan na nilang maitala at mabigyan ng pangalan. " sabi nong nurse na pumasok. Napa isip na lamang ako bigla. I want to give them a name na nagpapa alala sa papa nila.

Inabot na lamang sa akin ang papel, " Carllex ' Carll ' Fierce Charles S. De la Vega II and Carllex ' Llex ' Fierce Charles S. De La Vega. Hi, My princess Maria Illagoza Alexander - Celine Jennalyn S. De la Vega. Tatawagin siyang Mia, " sulat ko sa papel at sabay na inabot sa nurse.

Tumitig na lamang sila sa akin. I thought, their names symbolizes which family they are belong. Gusto kong Mia ang itawag sa baby girl namin ni Carllex, ang pinaghalong pangalan ng lola ni Carllex at lola ko. Gusto kong ipakilala sa lahat kung anong mayroon ako? Anong mayroon sa pangalan kong dinadala.

Yes, anak ako ng Mafia Boss at hindi lang siya Mafia Boss kundi alagad din ng batas. Marami siyang kasalanan na dapat pagbayaran pero hindi ko ikinakahiyang ang lolo ko mismo ang pumatay at siyang nagwasak ng pamilya ko. I gues, don't judge the peolpe by it's wrong doing. Judge it by good things she done!

" Jen, matutuwa si Carllex kung napapanood ka man niya ngayon. Masayang masaya siya dahil sa ibinigay mo ang pangalan niya sa mga anak ninyo. " ani señora Mia na nasa harapan ko. Napangiti na lamang ako sa kaniya at yumuko.

" don't worry ho lola señora at magiging matapang ako. Katulad ninyong lahat. " tugon ko sa kaniya at sa lahat ng naroon.

Oras na para maging matapang at harapin ang trono kong dapat na upuan. Oras na nang paniningil at humanda kayong lahat. Isusuot ko na ang koronang dapat ay sa akin. Kailangan ko nang magising, " apo, you're my Mafia Queen. Naghihintay na ang trono mo sa bayan ng San Andress. You choose, San de la Vega or San Andress? " papili ni lola sa akin na ikinalungkot ko.

Kailangan ko pa bang mamili? Yumuko na lamang ako bigla at tinitigan ang tatlo kong mga baby. Carllex, help me kung anong dapat kong piliin. Nahihirapan akong pumili ngayon.

" I'm so sorry lola pero ayokong pag awayan niyo ako kaya wala akong pipiliin. Uuwi ako sa Isla at doon ko palalakihin ang aking mga anak. " tugon ko sa kanila.

Hay, mabuti naman at sumang ayon sila. Ayoko talagang nag aaway dahil sa gusto nilang makita ang mga apo nila. " pwede niyo ho silang dalawin sa Isla. " sabi ko pa at biglang may inabot sa akin si papa Fierce.

" nakita ko yan sa kwarto ng anak ko. Nakapaloob diyan lahat ng mga properties niya. Lahat ng kotse, lupa, bahay, at company na pagmamay ari niya. " pa alam niya sa akin.

" pa, hindi ko naman ho kailangan ito. Gusto kong mamuhay ng simple ang mga anak ko. " tugon ko sa kanila at ibinalik ko sa kaniya ito.

Ayokong mamuhay sa ginto Carllex. Ayokong palakihin sa marangyang pamumuhay ang mga anak ko. Gusto kong mabuhay ang mga anak ko sa kung paano ako nabuhay ko. Simple, payapa ngunit puno ng pagmamahal.