Kinabukasan
Sa kwarto ng bagong kasal.
Tulog pa din si Jen habang si Carllex naman ay kanina pa nakatitig sa asawa niya.
Hindi na niya ito iniwan sa kama dahil baka magtampo na naman sa kaniya.
" bat tulog pa din ang pangit kong asawa? " sa isip ni Carllex dahil malapit ng lumabas ang haring araw.
Maya maya pa ay gumalaw na si Jen at mukha ng asawa niya ang bumungad sa kaniya.
" anong ginagawa mo dito? " sabay hampas ng unan sa mukha ng asawa niya.
" pambihira ka talagang babae ka. Ayaw mo ng iniiwan sa kama tapos ayaw mo din sa mukha ng pogi mong asawa. " sumbat sa kaniya ni Carllex habang dinaramdam ang hampas ni Jen sa kaniya ng unan.
Hindi na lamang siya papansinin ni Jen at babangon ito. Hindi naman siya pababayaan ni Carllex at aalalayan siya nito sa paglalakad. Napasinghot na lamang ito ng maamoy ang leeg ni Jen na kina aadikan niya. " para ka namang nakahithit. Daig mo pa ang adik. " puna ni Jen sa kaniya.
Ngingisi na lamang si Carllex, " ayaw mo yon, may pogi kanang asawa tapos adik pa! " pagmamayabang pa nito. Habang nagsisimula na namang mang inis. Hindi kasi siya nakakuha ng good morning kiss kay Jen kaya mang aasar nalang siya.
Jen Pov's
Itong adik na ito may balak naman atang maka kagat sa leeg ko.
" may kailangan ka ba? " usisa ko sa kaniya habang nakapatong ang baba niya sa balikat ko. Hala, ang aga aga nagpapacute ang adik na ito. Ayan, ayaw akong tantanan. Matatamaan talaga siya ng suklay nito.
Hindi tuloy ako makasuklay ng maayos, " Jen, mag asawa na tayo kaya dapat lagi akong may good morning kiss. " sabi niya ng ganun. Oh diba, daig pa ang bata kung magmakaawa sa akin. Akala mo kaawa awa ang mukha niya.
Hindi lang ito asawa ko kanina ko pa binatukan.
" ayan ka naman. Tapos kapag binigyan kita hihirit ka pa ng kagat sa leeg. " bara ko agad sa kaniya. Nakakabisado ko na kasi ang ugali niya. At paunti unti ko nang nakikilala siya bilang Carllex de la Vega.
Mag iiba na naman ang titig niya sa sandaling iyon. Hala, nagtatampo na kaya ito? Parang hindi naman ata eh. " sige na nga, " payag ko at bumalik sa kama. Lumapit naman siya sa akin at sandali akong inihiga.
Pumikit naman ako at nakiramdam sa gagawin niya. Baka kagatin niya ako sa leeg eh. Ang sakit kaya non. Parang bampira kasi siya ewan ko ba kung lahi talaga sila ng bampira na adik sa leeg or what?
Ilang sandali pa'y naramdaman ko na lamang ang malambot niyang labi na dumampi sa labi ko. Ang maiinit niyang halik na halos kinababaliwan niya. Ewan ko ba kung anong nakukuha sa halik at gusto talaga niya. " good morning, sweetheart. Good morning mga baby. " halik at bati niya sa tiyan ko.
Bumangon na lamang kaming dalawa at lumabas ng kwarto. Nasa likod ko siya habang nakahawak sa balikat ko. Pababa na kami ng hagdan ng marinig naming may bisita sa sala.
" mukhang may bisita ka, Jen. " sabi niya ganun. Hala, ako may bisita? Impossible naman ata kasi wala na akong pamilya bukod kina papa at kina lola.
Hindi ko na lamang pinansin ang sinabi ni Carllex at patuloy lang ako sa paglalakad. Pagdating namin sa sala ay sinalubong ako ng bati ng isang ginang.
" magandang umaga señorita Jennalyn Celline Rygosa Rio Santos y de la Vega III. " bati niya sa akin na hindi ko rin maintindihan. Maging si Carllex ay nagkasalubong ang kilay.
Sino kaya siya? Bat kilala niya ako? Ang kilos niya at pananalita at kasuotan ay tila isa siyang señora. Pero bakit tinawag niya akong señorita?
" anong ginagawa mo dito? " sumbat na boses na nanggagaling sa bandang kusina. Si papa pala iyon at masama ang titig niya sa ginang na nasa harapan namin.
" hindi gulo ang pinunta ko rito. Kundi gusto ko lang itama ang lahat ng pagkakamali ko. " tugon niya kay papa.
Ano kaya ang pinag uusapan nila. Tumayo ako saglit ngunit pinigilan ako ng ginang.
" umupo ka Jen, may karapatan kang malaman ang boung katotohanan tungkol sa pagkatao mo. " sabi niya na lalo pang ikinagulo ng utak ko.
" Carllex, dalhin mo muna si Jen sa labas at mag uusap lang kami ng donyang ito. " utos ni papa.
" hindi ka pa rin nagbabago, Mr. Santos. Nandito ako para humingi ng kapatawaran sa apo ko. Mukhang inilihim mo ata lahat sa kaniya na anak siya ng isang heredera. " sabi nong ginang.
" pa, sinong heredera? " sabat ko sa usapan nila.
Nanlaki na lamang ang mga mata ng asawa ko ng makatitig ito sa akin. Bat ganiyan sila makatingin sa akin? Ni wala man lang ako maintindihan. Lumapit ang ginang sa akin at lumuhod nalang bigla. Para akong sinabuyan ng mainit na tubig sa ginawa niya. Nanginginig na ako at hindi makagalaw. " pakiusap, wag ho kayong lumuhod sa harapan ko. Hindi ko nais ipaglihi itong nasa sinapupunan ko. " sabi ko sa kaniya ng ganun at pinaupo.
Wala akong nakitang pagkaawa sa mga mata ni papa sa ginang na nasa harap ko. Napaka komplikado pa rin ng sitwasyon. " nagmana ka nga sa mama mo, Jen. You're the most simpliest girl at wala kang inuurungan. Tama ngang lumayo ang mama mo sa akin at pinagsisihan ko kung bakit hindi ako nakinig sa kaniya. I'm Jennalyn Celline Rygosa y Rio -I. The mother of your mother. " pakilala niya sa akin na ikinagulat ko.
Huhh? May lola pa pala ako kay mama? Pero bat hindi nila pinaalam sa akin?
" pa, totoo ba ang sinasabi niya? " singil ko kay papa na lalong ikinagalit nito.
Lumapit si papa sa akin at nagpaliwanag ng maayos.
" oo, pero wala siyang karapatan sayo Jen. Alam mo ba kung bakit? Sinubukan ka niyang ipalaglag nong nasa sinapupunan ka pa lang ng mama mo. Pinagtangkaan niya ang buhay ko dahil mahal ko ang mama mo. Pinaglaban ko ang mama mo at pati ikaw. Itinakas ko sila mansiyon para protektahan kayo. Pinatay niya ang mga magulang ko, Jen. Si papa at si mama dahil ako ang anak ng kalaban niya sa negosyo. Señora Rygosa, naalala mo pa ba ang mukha ng mga magulang ko na walang awa mong sinunog ang bahay tatlong pung taon na ang nakakalipas? Ako ito, si Jenovanni Santos. Anak ng hacienderong pinaslang mo. Kinalimutan ko lahat ng nangyare ng makilala ko ang anak ninyo. Pero hindi pa pala kayo nagbabago. Pinaghiwalay niyo kami, kinulong niyo sa kwarto ang mahal ko samantalang pinahirapan niyo ako sa kulungan. Tanda ko pa, nang pinasunog niyo ang bayan namin. Hindi ka ba naawa sa mga pinatay mo. Well, hindi naman siguro dahil wala lang sayo ang lahat. Ay oo nga pala, namatay ang pinakamamahal kong asawa dahil sama ng loob. Apat na taon ang nakaraan bago mag aral si Jen sa kolehiyo. Hindi ba't nagpadala ka ng tauhan para guluhin ang buhay namin. Alam mo bang namatay ang asawa ko dahil sa tama ng bala na natamo nila dahil sa mga tauhan mo. " sumbat ni papa sa kaniya na ikinahikbi ko.
Akala ko, napakasaya ng pamilya ko. Iyon pala hindi, marami pa silang lihim na hindi ko na dapat pang kalkalin. " itinago niyo sa akin ang lahat kaya pwede ba umalis na kayo. Gusto niyo bang pagbuksan ko pa kayo ng pinto. " pagkagalit kong sambit sa harap ng ginang na tila nagsisisi sa lahat ng ginawa niya.
Nakakalungkot ang sinapit ni mama sa kamay ng pamilya niya. Pero bakit wala akong magawa. " Carllex, " sambit kong tawag sa asawa ko habang nandilim na ang paningin ko. Maya maya pa ay tuluyan ng nandilim ang paligid kasabay ng pagbagsak ko sa aking kinauupuan.
( Nagising na lamang ako habang ang paligid ay nakakasilaw.
Maraming puting bagay na parang nasa langit na nga ako.
" hey my sweet princess, " tawag sa akin ng boses.
Napabangon na lamang ako saglit habang maingat sa paglalakad.
Bat nakaputi at maliwanag ang paligid. Patay na ba ako? Oh my god! Hindi ata pwede ito. Baka magsuicide si Carllex kapag namatay ako. Umayos ka nga, Jen.
Sinundan ko na lamang iyong boses kanina.
Napahinto na lamang ako ng may maaninag sa tabi ng bintana.
May ginang na nakatayo roon, " sino ho kayo? " usisa ko. Nakatalikod kasi siya at hindi ko mahulaan kung sino.
Napahikbi na lamang ako nang siya'y humarap.
" mama, " dali dali kong yakap sa kaniya. Ang mama mo, narito siya at nayayakap ko pa. Sana hindi panaginip ang isang ito. Ayokong kumawala sa yakap niya. Ayoko talaga!
" tahan na, ikaw talaga Jen magiging ina kana at I'm so happy para sayo. You made a right decision. Halika, " yaya niya sa akin sa sofa.
" ma, totoo ba na heredera kayo? " usisa ko sa kaniya ng ganun. Ngumiti si mama at sabay hawi sa buhok ko.
" oo, Jen at ikaw ang pinakamalaking yaman na natanggap ko. Kahit wala na si mama ay dapat lagi mong pakinggan ang puso mo. Tandaan mo, mahal na mahal ka ng mama at patawarin mo nalang ang lola mo. Iyon lang ang mapapayo ko. " sabi ni mama sa akin at bigla niya akong niyakap.
Napahikbi na lamang ako sa sandaling iyon.
Sa wakas ay nayakap ko si mama sa pagbabalik ko sa Isla.
Walang ano ano'y bigla nalang naglaho si mama.
Wala na siya Jen kaya tanggapin mo nalang.
" I love you, mama. " hagulhol ko mag isa.)
" Jen, gising - gising. " mahinang tapik sa akin sa sandaling iyon na ikinagising ko. Hay, panaginip lang pala.
Bumangon ako at napayakap sa asawa ko.
" nakausap ko si mama! " sabi ko sa kaniya habang nangungulila. Wala naman siyang ginawa kundi yakapin ako at hagkan sa noo.
" andito lang ako Jen at handa akong tanggapin lahat ng nakaraan mo. " sabi niya sa akin habang nakatitig sa mga mata ko. Maraming salamat Carllex at hindi ka sumuko sa akin.
" thank you sa lahat sir Carllex de la Vega. " pasalamat ko sa kaniya sabay halik sa pisngi niya.
Napangiti na lamang siya at gumanti ng halik sa pisngi ko. Pagkatapos ay hinawakan niya ang tiyan ko. Idinikit niya ang kaniyang mga tenga at niyakap ito. At bahagyang hinalikan ang tiyan ko.
YhunaSibuyana