Chereads / One Night Stand - Season 1 / Chapter 36 - (Ang regalo ni Carllex)

Chapter 36 - (Ang regalo ni Carllex)

Kinabukasan

Nagising na lamang si Jen sa kama nang mag isa. At tila magtatampo na naman ito dahil hindi siya ginising ng magiging asawa niya. " kainis siya bat hindi ako ginising? " pagkainis ni Jen habang nakahawak sa tiyan niya.

May biglang kumatok sa pintuan, " bukas ho yan. " sabat ni Jen habang nagsusuklay ng buhok niya. Papasok na lamang si ma'am Jerimy habang may dalang kahon na tila susuotin ito ni Jen sa kasal niya.

" Jen, kamusta ang tulog mo? Heto na pala ang susuotin mo. " lapag niya ng kahon sa kama. Mapapalapit na lamang si Jen at yayakap sa magiging mama niya.

" natatakot ho ako at hindi ko alam kung anong gagawin ko. " pagtatapat niya sa ginang. Yayakapin na lamang siya nito na parang tunay na anak at papayuhan.

" Jen, manatili ka lang sa tabi ng anak ko at magiging ligtas ka. You're the most precious stones that he has right now. I'm so happy kasi ikaw ang nakilala ng anak ko. Maraming salamat talaga, Jen. " ani ma'am Jerimy habang hawak hawak ang kamay ni Jen.

" maraming salamat rin ho sa pagtitiwala ninyo sa akin. " tugon ni Jen habang nakayuko ito. Mapupunang medyo palaki ng palaki na ang tiyan niya at hindi na siya basta basta nakakagalaw.

" tara sa sala at kanina ka pa hinihintay ng magiging husband mo. Maaga siyang nagising para paghandaan ang araw na ito. " yaya nito sa kaniya.

Dahan dahan namang bumaba si Jen kasama si ma'am Jerimy at sasalubungin sila ni Carllex.

" good morning pangit, gising kana pala! " ngisi nitong bati sabay halik sa noo ni Jen at sa tiyan nito.

" bat mo ako iniwan? " usisa ni Jen sa kaniya na ikinangisi lang nito.

" wala lang, ang himbing mo kasi matulog saka wag ka nang magtampo at kumain kana. " hain nito sa harap niya ng espesyal na almusal.

Jen Pov's

Tskk, iniwan na naman ako sa kama. Lagi niya talagang ginagawa sa akin yan.

Pwede namang gisingin niya ako kaso trip niyang mang iwan sa kama.

At naiinis ako don. " oh, simangot ka pa! Ay, ang pangit kong asawa. " sabay kurot sa pisngi ko. Hala asawa daw? Hindi pa nga kami kasal. Ikakasal pa lang.

" kain ka na pangit kong Jen at bibihisan ka pa at aayusan. " sabi niya habang abala sa kusina. Ewan ko ba kung anong ginagawa niya. Napakabusy kasi niya at hindi ako tinanong kung ayos lang ba ang gising ko.

Basta kakaiba ang ugali niya ngayon, " Jen, nagtatampo ka ata sa akin. Kamusta nga pala ang tulog mo? Binantayan kita magdamag kagabi at panay ang galaw mo. " sabi niya sa akin. Hala, ngayon lang niya sinabi yan kung saan nagtampo na ako sa kaniya.

" tuloy ba ang kasal natin? " tanong ko ng ganun habang napatitig sa kaniya. Hindi ko pa naigagalaw ang inihain niyang mainit na sopas saka may sandwich. Wala kasi akong ganang kumain ngayon.

" oo, kaya kainin mo na yan sige ka maaapektuhan iyong mga baby natin. " sabi niya. Oo nga no, kakain na nga lang ako para mga baby namin. Ang OA kasi ng lalaking ito at ang daming alam. Kumain ka Jen at tuloy daw ang kasal.

Matapos kong mag almusal ay hindi ko na nakita si Carllex. Ewan ko kung saan na naman pumunta yon basta tuloy daw ang kasal namin. Diba, nakakalito siya. Laging nawawala. Saka wala rin dito yong mga tito at tita niya. Saan kaya sila pumunta?

" Jen, halikana at bibihisan pa kita. Nauna na kasi sila sa munisipyo at sabi ng anak ko ay sabay na tayong pumunta roon. Baka daw madulas ka, " ani ma'am Jerimy. Ay sana all talaga ang sweet ng magiging mama.

" thank you ho ma'am Jerimy saka na mis ko tuloy si mama. " yuko ng bahagya. Nangungulila kasi ako kay mama at hindi ko man lang siya mayakap. Ikakasal na ako sa taong mahal ko at sana yakapin niya ako kahit sandali man lang.

Sa kwarto

Matapos akong ayusan ni ma'am Jerimy ay agad niyang ibinigay sa akin ang isang regalo.

Isang maliit na box na may lamang mamahaling kwintas.

" para ho saan ito? Saka mukhang mahal naman ata. " sabi ko habang tinititigan ito.

" Jen, iyan ang kwintas na mula pa sa señora Mia at ibinigay niya sa akin dahil ako ang naging asawa ng pinakamamahal niyang panganay. At ngayon ay ikaw naman Jen. Alagaan mong mabuti ang pinakamamahal kong Carllex. Hindi siya sanay na hindi yakapin pag uwi niya galing ng trabaho. " paliwanag niya na may dalang payo.

" maraming salamat ho uli, mama Jerimy. " tugon ko sa kaniya.

Lumabas na kami ng bahay at mayroong kotseng naghihintay. Sabay kaming pumasok habang suot ko ang dress na kulay white na palang plain pero makinang sa maliit na diyamanteng nakasabit rito. Maluwag naman ang dress at hindi masikip. Siguro si Carllex ang pumili nito para sa akin. Hindi naman mahaba ang laylayan niya at long sleeve at hindi v - cut ang leeg. Ang simple nito na binagayan ng simple kong make up at nakasabit na earing sa tenga ko. Medyo pormal ang earing at maliit lang siya pero mukhang mahal. Iyong shoes ko naman ay kulay puti at walang heels. Pero napaka komportable sa paa. Mukhang inihanda niya ito lahat para sa akin at napakasimple ngunit nakapa espesyal.

Habang nasa loob ako ng kotse at nasa tabi ko si mama Jerimy ay napansin kong ang dami ng nakasunod sa aming mga sasakyan. Bodyguard's kaya ang mga yan? Si sir Carllex talaga ang daming alam. Hindi naman magulo dito sa Isla namin saka payapa kaya dito.

" handa ka na ba, Jen? " ask ni ma'am Jerimy sa akin sabay hawak sa mga kamay ko.

" oho, papakasalan ko na ang anak ninyo. " tugon ko at ngumiti ng bahagya.

Parang isang normal na araw lang ito para sa akin. Pero para sa pamilya niya ay napaka espesyal ito. Ikakasal kasi ang panganay na apo ni señora Mia at sadyang napakahalaga ito sa kanilang pangyayari. Sabi pa ni Carllex papakasalan niya uli ako sa simbahan at magaganap ito sa bayan niya. Mas lalo akong kinabahan sa sa sinabi niyang iyon. Ngayon nga nanlalamig na ang mga palad ko. Doon pa kaya?

Sa Harap ng Munisipyo

Andito na kami at nasa labas na ako ng kotse. Nasa tabi ko si ma'am Jerimy at sasamahan niya ako sa loob. Papasok na kami sa loob ng makasalubong ko si papa na nakangiti.

" balae, ako na ang bahala sa anak ko. " kuha ni papa ng kamay ko. At sandali niyang niyakap ako. Nararamdaman kong masayang masaya si papa dahil ikakasal na ang nag iisa niyang anak. Kung andito lang sana si mama masaya din sana siya.

I wish na sana nakikita ako ni mama ngayon. I want her happy at maging proud sa akin.

" pa, dito lang kayo sa tabi niyo ha! Si nina lolo at lola po ba nasaan? " usisa ko kay papa. Hindi ko kasi nakita sina lolo at lola kahapon pa. Siguro umuwi sa kabilang bayan.

" masakit kasi ang tuhod ng lolo at lola mo kaya naiwan sila sa bahay. Sa dating bahay kasi ang venue ng selebrasyon kaya nauna na sila roon. Anak, masayang masaya ako dahil sa wakas ay ikakasal kana. " sabi ni papa at saka ngumiti ng bahagya.

" maraming salamat pa, " tugon ko.

Naglalakad na kami ni papa at paakyat na kami sa opisina ng Mayor.

Dahan dahan naman ako sa pag akyat baka madulas ako. Nag iingat talaga ng maigi dahil buntis ako. Ayoko namang may masamang mangyare sa mga baby namin. Not now and not forever! " handa kana anak? " usisa ni papa ng tumapat na kami sa pintuan. Yumuko ako ng bahagya at huminga ng malalim.

Kinabahan pa ako lalo ng dahan dahang binuksan ang pintuan. Napayuko na lamang ako at bahagyang ngumiti. Itinaas ko ng dahan dahan ang aking mga titig kasabay ng pagbukas ng pintuan. Sumabay ako sa paghakbang ni papa.

Bumungad na lamang akin ang mga titig nilang puno ng kasiyahan. Napabaling na lamang ang mga mata ko kay sir Carllex na napaluha sa sandaling iyon. Hala, parang bakla eh. Bat kasi ang OA ng reaksiyon. Ang sarap niyang batukan.

Hindi ko namalayan na naroon na pala kami sa harap nilang lahat.

Lumapit siya sa akin at bahagyang iniabot ni papa ang mga kamay ko kay Carllex.

" Sir Carllex, alagaan mong mabuti si Jen dahil nag iisa lang niyang prinsesa sa bahay. Sisingilin kita kapag may nangyaring masama rito. " sabi ni papa.

" makaka asa kayo, papa Jeno. " yuko niyang tugon at itinuon na sa akin.

" anong tinitingin - tingin mo diyan? " sumbat ko sa kaniya.

" huy pangit, nasa harap tayo ng mayor maging mabait ka naman. " bulong niya sa akin.

Tskk, naiinis ako sa mukha ng lalaking ito. Ang sarap tumakbo ngayon eh. Kaso buntis ako at hindi ko magawa. Baka magsuicide si sir Carllex kapag iniwan ko. Umayos ka nga Jen, kung ano ano ang iniisip mo.

Fast Forward...

Palabas na kami ng munisipyo at tapos na kasal namin. Nagbatian sila sa bawat isa. Pero never kong nakita ang mga asawa ng tito niya. Baka busy sila kaya hindi nakarating.

" hi my pangit na asawa, wag kang masyadong mag iisip diyan. " pasimple niyang bulong sa akin. Pwede namang sabihin niya binulong pa talaga.

" Congratulations Jen, welcome to our family. " salubong na bati sa akin ng isang ginang. Teka, siya ba iyong asawa ni sir Dierce. Siya pala si ma'am Jenny at hindi niya kasama ang anak niya.

" thank u ho, " tugon ko.

" hi Carllex, pasensya na at hindi nakarating si Seigo. Sabi niya babawi nalang siya sa kasal niyo sa simbahan. " paliwanag niya kay Carllex.

" ok lang tita, saka sabihin niyo sa kaniya maghanap na siya ng jowa. " lokong tugon ni Carllex. Ito talagang asawa ko napaka loko loko. Ang sarap niyang tadyakan ngayon eh.

Sa Venue ng kasal

Naroon na ang lahat at tanging ang dalawa nalang ang hinihintay na umupo sa harapan para sa selebrasyon. Makikitang magsisitayuan ang lahat ng pumasok na ang bagong kasal. Mapapansing ingat na ingat si Jen sa paglalakad habang inaalalayan siya ng asawa nito.

His Pov's

Napakasaya ko ngayon dahil sa wakas ay kasal na kami at susunod ay sa simbahan na.

Gusto ko lang hawakan ang kamay niya at ayaw ko na itong bitawan. Pinaupo ko muna siya at naghudyat sa orchestral na aking inihanda.

" Carllex, " tawag niya sa akin ng bahagya ng mapansin kong nakahawak siya sa tiyan niya.

" why Jen? Is there something room? " ask ko sa kaniya.

" pwede bang pumasok na ako sa kwarto. Masakit kasi ang tiyan ko. " sabi niya sa akin na ikina worry ko. Dali dali kong tinawag si papa at papa Jeno.

" oh bat ganiyan ang mukha mo, Jen? " usisa ng papa niya.

" masakit ang tiyan ko, pa. " tugon niya habang nakahawak sa tiyan niya.

" kami na ang bahala rito at mabuti pa ay ipasok mo muna si Jen sa loob. " sabi ni papa Jeno.

Sinunod ko ang sabi ni papa Jeno at pinahiga ko muna si Jen sa kama. Ito daw iyong dating room ng parents niya. " Jen, I'm so worried kaya tell me masyado bang masakit ang tiyan mo? May kinain ka bang iba kanina? " usisa ko sa kaniya na hindi ko maipaliwanag ang sarili ko sa sobrang pag alala.

Yumuko siya ng bahagya, " hindi na masyadong masakit ang tiyan ko. Siguro kinabag lang ako kanina. " paliwanag niya sa akin. At sandaling niyakap ako. Hay, nawala aking kaba sa sandaling iyon. Hinalikan ko na lamang siya sa noo at sabay kaming sumandal sa wall ng kama.

May kinuha akong isang box na nakapatong sa drawer. Pasimple kong inabot sa kaniya. " para saan naman ito? Nag abala ka pa. Hindi ko naman kailangan ng regalo eh. " tugon niya sa akin habang inalog ang kahon.

" buksan mo, Jen. Para talaga sayo yan. Since the day I meet you. " sabi ko sa kaniya.

Dahan dahan niyang binuksan ang box at nanlaki ang mga mata niya sa kaniyang nakita.

" pa - para ba sa akin? Ang lahat ng ito? " pagtataka niyang tanong sa akin nang makita ang laman ng kahon.

" nagustuhan mo ba? " usisa ko sa kaniya ng ganon na ikinayuko niya. Sus, pambihirang babaeng ito. Ayaw ata sa regalo kong apat na ATM card na may lamang magigit milyones ang bawat isa. May kasama itong susi ng kotse na mamahalin, may titulo ng lupa at bahay. Saka may naligaw na maliit na kahon.

" hindi ko naman kailangan ng mga yan, Carllex. Gusto ko lang pagmamahal at pag unawa. " tugon niya sa akin. Napangiti ako ng bahagya sa sinabi niya. Tama nga ako Jen, hindi ka gaya ng iba na nasisilaw sa pera.

" kaya nga gustong gusto kita Jen dahil you're so special. Halika rito at matulog ka sa bisig ng pogi mong husband. " sabi ko sa kaniya at bigla niya akong hinampas.

Hala, pogi naman talaga ako eh. Saka hindi niya talaga na appreciate ang kagwapuhan ko.

@yhunasibuyana.