Chereads / One Night Stand - Season 1 / Chapter 8 - ( You're Special )

Chapter 8 - ( You're Special )

Makalipas ng kalating oras.

Nagising na lamang ang dalaga sa amoy na nagpagising sa kaniya mula sa pagkatulog.

" babana que ba yan? " mulat niya ng mga mata na tila iyon nga ang amoy na kinatatakam niya noong nasa probinsya siya.

Mapapabangon na lamang ang dalaga sa kinahihigaan nito habang napakamot na naglalakad patungo sa kusina. " ay palaka! " pagkagulat niya ng makita ang binatang may simpleng porma ng damit habang nagluluto ng banana que. Mapapalingon na lamang ang binata at saka tatawanan ang dalaga. " gising kana pala pangit! " saad niyang inis sa dalaga na bagong gising.

Jen Pov's

Anak nang pating! Ginamit niya yong stove!

Ang mahal mahal pa naman ng kuryente!

" anong sa tingin mo ang ginagawa mo? " sumbat ko sa kaniya ng makitang ginamit niya yong hinayupak na stove. Hay naku, dagdag na naman sa gastusin.

" easy pangit dahil lalo ka pang pumapangit kapag nagagalit. " inis pa niya sa akin.

Bweset talaga ito nakakainis siya! Kung hindi lang ito pogi kanina ko pa to binato ng basong hawak ko. " oo nga pala, I'll already pay your rent with advance saka pasalamat ka may poging Carllex de la Vega na nasa bording house mo ngayon. " sabay kindat niya sa akin. Aba, kahit pogi ka hindi ako magiging mabait sayo.

Kinalampog ko na lamang ang takip ng kaldero na ikinagulat niya.

" What's your problem? Pangit? " ask niya sa akin. Bweset, trip niya talagang pagtripan ako ngayon. Argh, nababadtrip na ako. Palayasin ko kaya to sa bahay ko.

" ano ba kasi ang ginagawa mo dito? " pranka ko sa kaniya. Pero ayan, pokus lang siya sa pagluluto niya. Batuhin ko kaya to!

" naghahanda ng meyenda para sayo, pangit! Ngiti ka nga diyan at hindi bagay sayo ang nakasimangot. " sabi niya na tila nang aasar pa.

" tssk! " snob ko sa kaniya at lumabas ng kusina. Bahala siya diyan basta ako lalabas at magpapalipas ng inis.

Naglalakad na ako papalabas ng iskinita. Tatambay muna ako sa tindahan ni Aling Celia. Bweset talaga ang lalaki na iyon. " arggh, ang sarap niyang ibalibag. " sipa ko sa pader na nasa harapan ko. Napatingin na lamang yong mga ale sa akin. Para akong baliw na naiinis sa isang lalaki na hindi ko kilala. Basta, naiinis ako sa kaniya.

Aling Celia sari - sari store

Nakaupo lang at nakasubsob sa mesa ang mukha ko na parang bata.

Iniisip ko kung paano ko maipa book bind ang research namin. Exam pa naman namin bukas at kailangan ko ng pangbayad sa test paper. Ayoko namang galawin yong pera na ibinigay niya. " softdrinks nga po! " sabi nong isang...bweset siya na naman.

" anong ginagawa mo dito? " taas kilay ko sa kaniya. Sinusundan kaya ako nito at parang aso kong makasunod.

Hindi naman siya sasagot, " Aling Celia, pakidagdagan nga po ng isa! " sabi pa niya. Iba din ang lalaking to at kilala niya si Aling Celia. Bakit close ba sila?

" Jen, hindi mo sinabi na mabait pala itong binatang iniligtas mo ang buhay. Alam mo ba bumili yan sa palengke kanina at hindi alam kung anong gusto mong gulay kaya pinagtanong pa niya sa bawat tindera. " sabi ni Aling Celia na ikinangisi ni sir Carllex na ang sarap sapakin.

" bakit hindi ko naman siya inuutusan ah? " sumbat kong harap sa kaniya na parang kasalanan niya kung bakit ako nagkakaganito.

Ngingisi lang siya at aabutin ang softdrinks na binili niya.

" hey pangit heto para lumamig yang ulo mo. " ngisi niyang sabi. Tskk, ang engot nito. Akala ba niya mapapakalma niya ako sa pa - softdrinks.

" pangit oh, " abot pa niya sa akin. Ayoko nga saka wala ako sa mode para uminom ng softdrinks. Ibinaling ko na lamang sa kabilang banda ang paningin ko nang biglang may kung anong humawak sa balikat ko. " ay palaka! " pagkagulat ko na tila nakakita ng ipis.

Matatawa na lamang siya, " wag ka ngang iinom ng puro kape kasi nerbyosa kana. Heto, inumin mo. " pahawak niya sa akin sabay ngiti. Ang pogi niya kong ngumiti pero nakakabweset siya kapag ngumisi.

" ok fine, " inum ko rito.

" Aling Celia, magkano nga iyong utang ni Ms. Jennalyn Santos? " ask niya kay Aling Celia na habang binubuklat ang wallet.

" sandali (pigil ko at napatayo) kaya ko namang bayaran ang utang ko sir Carllex. Saka nakakahiya naman sayo ang dami mo na ngang binago sa bahay pati naman dito. " mahinahon kong sabi sa kaniya na ikinangiti niya.

" we? Hindi mo nga ginalaw ang ibinigay ko sayong kunting pera tapos pa pigil ka pang nalalaman. Aling Celia heto ho, " abot niya ng 1K kay Aling Celia.

" hindi mo naman kailangang gawin yan saka tama na yong ginawa mo. " sabi ko sa kaniya at umupo habang iniinum yong softdrinks.

" Jen na pangit uwi na ho tayo kasi baka lumamig yong special na meryenda na niluto ko para sayo. " sabay akbay niya sa akin na ikinailang ko.

" pwede bang ibaba mo yong kamay mo. " tukoy ko sa kamay niyang nasa balikat ko. Naiinis talaga ako kapag may umaakbay sa akin lalo na kapag lalaki.

" sorry pangit! Badtrip ka kasi kanina. Saka ang cute mo kapag nakasimangot. " puri niya na parang inaasar pa ako.

" Tskk! " bulong ko sa kaniya habang naglalakad sa masikip na iskinita.

" may tanong ako sayo Jen, " sabi niya habang nasa harapan ko. Kainis kasi itong iskinita ang sikip sikip rito.

" ano ba kasi yon? " kamot ko, medyo makati na yong ulo ko at hindi pa ako nakakaligo. Buti nga hindi siya nagrereklamo mukha kasi akong dugyot.

" hindi ka ba natatakot sa tinitirahan mo? I mean babae ka at napapaligiran ka ng mga adik. Pansin ko nga humihithit sila ng rugby dito. " tanong niya na tila nag aalala sa akin.

" hindi naman saka nagdadasal lang ako para iwas disgrasya. " tugon ko ng bigla siyang napahinto at napangiti. Mukhang nakahithit ang isang ito. Panay ang ngiti sa akin eh wala namang nakakatawa.

Papasok na kami sa kabahayan ng biglang may tumawag, " pare, tagay ka muna! " alok sa kaniya nong mga lasinggero. " stay here! " bulong niya saka may dinukot sa bulsa.

Ano kaya ang gagawin niya? " tagay ka muna, pare! " abot sa kaniya ng baso. Kaagad naman niya itong pipigilan. " wag na pare heto pangdagdag niyo. " lapag niya ng limang daan sa mesa.

" salamat pare! " tapik sa kaniya ng mga ito.

Hala, iba din itong si sir Carllex mukhang lasinggero din.

" alam ko yang iniisip mo saka hindi ako lasinggero. Dapat kasi kapag may tumawag sayo na mga ganiyan ay dapat mong sabayan o di kaya'y bigyan mo ng pangdagdag kasi yon ang gusto nila. " paliwanag niya sa akin habang nakarating kami sa hagdan na paakyat sa bahay kong inuupahan.

Nauna na ako sa pintuan para buksan ito ng bigla niyang hinawakan ang kamay ko. Kaagad naman akong bumitaw. " choosy ka pa! " inis niyang bulong sa akin.

" choosy ka diyan. Ayoko lang talaga na hinahawakan ako ng ibang mga lalaki maliban sa mapapangasawa ko. " pagmamalaki ko sa kaniya.

" problema ba yon. Eh di pakasalan kita! " pabiro niyang sabi na ikinatawa ko.

" joker ka din pala sir Carllex. " upo ko sa sofa at humiga muna nang bigla siyang lumapit sa tabi ko na ikinausog ko naman.

May dala siyang lumpia at banana que. Mukhang alam nga niya ang paborito ko.

" meryenda ka muna at may kakausapin lang ako sandali. " lapag niya sa mesa at pumasok sa kwarto ko.

Ano bang balak niya at narito siya? Saka mainita kaya dito sa bording house ko.

" Jen, naipa book bind mo na ba ang research mo? " ask ni sir Carllex habang may dalang laptop. Tutulungan na naman ba niya ako kapag sinabi kong hindi pa ako nakakapag book bind. Tumango na lamang ako sa kaniya na ikinatitig niya sa akin.

Tapos binuksan niya ang laptop niya, " you're lying, Jen. I think problemado ka na naman diyan sa research mo kaya akin na ang flash drive mo. " sabi niya habang napakabilis ng pagpitik ng mga daliri niya sa keyboard ng laptop niya.

Wow, parang bihasa siya pagdating sa laptop. " kunin mo na yong flash drive mo para matulungan kita. Mukha kasing stress kana kaya hayaan mona akong tulungan kita. " sabi niya ng mahinahon habang hinihintay na kunin ko.

" ok, " sabi ko lang at tumayo na.

Kinuha ko yong bag ko at dinala sa sala habang hinahanap yong flash drive ko. Mahirap talaga pag walang laptop kasi makiki computer ka pa sa kabilang kanto at may bayad ang bawat oras. Kaya nga nauubos ang allowance ko diyan lalo na kapag may reporting kami. Nakikihiram lang ako ng laptop kaya mahirap talaga ang mag aral pero kung may tiyaga ka. Kakayanin mo talaga, " heto oh, " abot ko sa kaniya.

" dito ka maupo! " turo niya sa tabi niya. Hala, mag jowa ba kami bat naman diyan ako uupo?

" wag na sir baka isipin nila na magjowa tayo. " sabi ko ng pabiro sa kaniya. Tatawa na lamang siya. " alam mo nakakatawa ka talaga, " lapit niya sa akin sabay refresh ng laptop niya.

" sir, ano bang trabaho niyo? " tanong ko sa kaniya habang nakatitig sa wallpaper ng laptop niya.

Bigla nalang akong mapapaatras ng salungatin niya ang titig ko.

" sir naman, nagtatanong lang ho ako! " bawi ko.

Matatawa lang siya, " marami akong trabaho saka wala akong pakialam sa pera pamilya lang ang mahalaga sa akin. " tugon niya at nabaling na sa laptop ang tingin niya.

Hinanap niya yong files at saka tiningnan, " nakakahiya naman ata saka hindi ako perfect sa constructions of grammar. " sabi ko habang binabasa niya ang bawat bahagi ng research ko.

" dont worry wala namang perpekto. I - checheck ko lang para sayo. " sabi pa niya habang seryoso sa binabasa niya.

Napatitig na lamang ako sa mukha ni sir Carllex. Grabi, baby face siya at parang mamula mula. Ano kaya ang ginagamit niya sa mukha. " sir Carllex, anong ginagamit niyo sa mukha niyo? Bat parang ang kinis at baby face. " sabi ko na parang naiinggit sa kutis ni sir Carllex. Sana all talaga, manahinik ka nalang nga Jen ang daldal mo.

" naiinggit ka ba? " ask ni sir na nakatitig na pala sa akin.

" nasa genes na ata yon sir saka tanggap ko naman na pangit ako. " sabi ko sa kaniya.

" look at me Jen! You're not ugly because you're special. " sabi niya na parang kinilig ako don ah. Sus, pangit ka Jen wag ka nang umasa kasi hindi ka niya magugustuhan.

Nagring na lamang ang phone niya at agad niya itong dinampot.

" oh ma, mis niyo na agad ako? " bungad niya rito.

" anak naman, saan ka na naman ba? " tanong nito sa kaniya na tila nag aalala na.

" dont worry ma nasa bahay ho ako ni Ms. Santos. Saka kaya ko namang protektahan ang sarili ko. Kasi ho may kasama akong anghel. " sabay lingon niya sa akin at napangiti.

Hala, nakahithit ba si sir Carllex at ganiyan siya sa akin.

Sana all talaga nginingitian. " ma, may ifoforward akong research at pakisabi ko kay papa na kailangan na itong maipa book bind tomorrow. Alam niyo naman ho kung gaano kahirap maging student. Saka mama wag na kayong mag alala sa akin dito. Bye ma, " paalam niya rito.

Napaisip na lamang ako bigla, bakit kaya ang bait niya sa akin?

Ito kaya ang kapalit sa pagligtas ko sa buhay niya?

@YhunaSibuyana