At Aling Celia's Sari - Sari Store
Nag uusap ang binata at dalaga habang naglalakad patungo sa tindahan ni Aling Celia.
Panay ang tawanan nito habang may nakasunod na bodyguards sa kanila.
Mukhang bantay sarado ang binata dahil sa panay ang takas nito sa mga bodyguards niya.
Mapupunang nakangiti lang binata habang nakikinig sa kwento ng dalaga.
" alam mo sir kapag nasa probinsya sariwa ang hangin doon saka libre lang ang kumain. Pag piesta doon ay kainan kaya maraming dadayo para sa mga palaro. " kwento ni Jen sa sir Carllex niyang nakikinig lang at anak mayaman.
Hindi naman magtataka ang binata na tila alam niya na rin ang tradisyon na iyon.
" Jen, saan ba kayo sa probinsya no? I mean baka makabisita ako sa inyo. " wika ng binata na halatang interesado sa address ng dalaga.
" sir itanong mo nalang sa google. " lokong tugon sa binata na ikinatawa nito.
" loko ka talaga Jen bat naman sa google pa? " usisa ng binata na halatang nagtitimping tumawa.
" eh kasi sir alam niya lahat ng tungkol sa isang tao parang chismosa. " sagot ng dalaga sabay na sinabayan ng tawa.
" grabi ka naman sa google Jen saka powerful tool yon. " pagtatama niya sa dalaga.
" sir naman makisabay naman kayo sa trip ko. Uy, isaw! " sigaw na sambit ng dalaga na kaagad tumakbo sa tindahan ni Aling Celia.
Jen Pov's
" wow, amoy pa lang masarap na! " takam na sabi ko habang umiihaw si aling celia.
" oh Jen, kamusta ang exam? " tanong ni Aling Celia habang nakatitig sa kasama ko.
" ayos lang naman saka ho nakapasa ako! " pagmamalaki kong sabi.
" wow naman eha, kumuha kana at ililibre kita ng isaw! " sabi niya.
" yes! Thank you ho, Aling Celia saka maraming maraming thank you ho! " yakap ko sa kaniya.
Kapag sinusuwerte nga naman, dalawa sa akin ang maglilibre.
" hmm, ang bango! " amoy ko rito.
Ayan na si sir Carllex at titig na titig siya sa umuusok. Oh diba, wala yan sa kanila kaya ganiyan na lamang ang pagkatitig niya.
" sir Carllex, nakatikim kana ba nito? " turo ko sa kaniya ng kwek kwek. Iiling na lamang siya na tila hindi ang sagot niya.
" naku eho, paborito yan ni Jen saka madami nga siyang nakakain pag nagluluto ako. " laglag ni Aling Celia sa akin.
" Aling Celia naman, " sabi ko rito.
" kaya pala hindi tumataba si Jen kasi mahilig sa street food. " saad na wika ni sir na mukhang galit.
Hala, inaano ko ba siya? Eh, paborito ko ito saka ang sarap kaya.
" gusto mo tumikim sir? " kuha ng isang stick ng isaw at sinawsaw sa maanghang na flavor.
Hmm, gusto ko talaga ng maanghang pangit naman kasi kapag matamis lang.
" paano ba to? " kuha niya rin ng isa. Hala, ang cute ni sir sa paghawak ng isang stick.
" sawsaw mo sir dito tapos kagatin para makuha sa stick! " demonstrate ko sa kaniya.
Ayan na sir Carllex, dahan dahan niyang sinawsaw sa maanghang na flavor. Hala patay ka Jen, mukhang mamumula si sir ngayon.
" try ko nga, " sabi niya saka tinikman.
Ang cool niya kapag kumagat ng isaw sa stick para siyang bata na hindi sanay sa pagkain nito.
" ang anghangggg! " reklamo niya ng bigla siyang namula. Para akong matawa na ewan basta nakakatawa ang reaksiyon ni sir Carllex.
" Jen, bigyan mo ng tubig bilis baka hindi siya sanay sa maanghang. " ani Aling Celia.
Kaagad akong tumakbo sa kusina at kumuha ng tubig.
" sorry sir hindi ko agad nasabi na maanghang pala yong sauce na sinawsawan niyo. " paumanhin ko sa kaniya.
" ok lang, grabi panira yong sili hindi ko kinaya. " pagkasabi niyang mukhang naiinis na. Para siyang kamatis na namumula na.
" sir, namumula na ho kayo. " sabi ko sa kaniya na ikinainis niya.
" ewan ko ba ganito talaga ang lahi namin. Aling Celia, pa try nga ho yong isa niyong sawsawan. " sabay kuha niya ng kwek kwek na luto na.
" sir, may lamang itlog yan. " sabi ko sa kaniya.
" dont worry Jen mas malaki pa itlog ko dito. " sabi niyang pabiro na ikinatawa ko. Ay loko talaga si sir Carllex. Ano ano lang pinagsasabi niya. Panay ang patawa, mabubulunan talaga yan.
Kumuha na lamang ako ng fisball habang binibilang kinakain ko ng biglang may tumawag sa akin. " Jennalyn Santosss! " sigaw ng pamilyar na boses. Anak ng pating humanda ka na Jen at tutulakin ka na naman yan.
" oh Donabel, mis mo na naman ako? " sabi ko habang sumusubo.
" oh my gosh! " tili niya ng makita si sir Carllex na kumakain ng kwek kwek.
Hala para siyang uuod, " besh, hindi mo sinabi! " sabay tulak sa akin ng kaibigan kong sadesta kong kiligin. " oh, dahan dahan naman. " sabi ko sa kaniya.
Kinaladkad na lamang niya ko sa kabilang banda.
" ikaw ha, (tili niya) hindi mo sinabi na siya pala yong guy na sinasabi mo. " kurot na naman niya sa akin. Grabi talaga itong si Donabel, panalo na panalo ang kurot. Ang sakit kasi besh!
" hindi ka naman nagtanong saka tingnan mo oh, " bulong ko sa kaniya at nilingon namin si sir Carllex na nag eenjoy sa kwek kwek. " alam mo ba namumula yan dahil maanghang na sauce ang nasawsawan niya kanina. " balita ko pa sa kaniya.
Titili na lamang siya at halatang may tsimis na naman.
" alam mo ba besh siya yong sinasabi ko sayo. Siya si Carllex Fierce Carlos Charles de la - II. Iyong mula sa angkan ng mga bilyonaryo. " balita niya sa akin
Bigla nalang akong nabulunan sa sinabi niya.
Anak ng pating, totoo ba itong pinagsasabi ng tsismosa kong kaibigan. Wala naman siyang sinasabing ganun sa akin eh. " we di nga? " tugon ko na lamang kay Donabel na hindi makapatimpi sa tili sa gwapong si sir Carllex na napaka hot sa kung kumain.
Nilapitan ko na lamang si sir Carllex at inabutan ng tubig. Mamaya ko nalang siguro siya tatanungin kapag nasa bahay na kami.
" Aling Celia, magkano ho lahat? " tanong niya habang binubuklat ang wallet niya. Kaya pala ang dami niyang pera at hindi lang credits card and dala niya kundi pera mismo.
" eho, libre ko na iyong kay Jen. " tugon ni Aling Celia.
" sana all nililibre, " padinig ng bestie kong ewan mukhang gusto niya ring ilibre.
" Ms. Manalo, kumuha kana at babayaran ko. Jen, hindi ka ba magti take out ng barbeque? " usisa niya sa akin.
" salamat sir Carllex pero busog na ako saka ang dami ko nang kinain. " sabi ko at umupo na sa isang tabi.
Inilabas ko yong phone ko habang andoon si Donabel oh nakikipag kwentuhan kay sir Carllex. Diba, parang close lang silang dalawa.
" I miss you papa at mama. Kamusta na kaya sina lolo at lola doon sa probinsya. " sabi ko habang nakatingin sa kabilang banda.
Amoy na amoy ko pa yong barbeque na iniihaw ni Aling Celia. Ano ba yan parang tinatawag ako ng mga barbeque. Busog na nga ako eh saka ang dami ko nang nakain na fishball at kwek kwek.
" ay palaka! " sambit kong pagkagulat ng may tumapik sa aking balikat. Damned, ang pogi pa rin ni sir kahit amoy usok na.
Tatawa na lamang siya, " grabi, palaka talaga ang pogi ko kaya. " sabi niya habang paupo sa tabi ko. Uusog na lamang ako ng kunti, " Jen baka mahulog ka diyan. " puna niya sa akin.
" sir ok lang hong mahulog sa upuan kaysa sa taong hindi ka naman mahal. " saad kong sabi na tila may pinatatamaan.
" sige ka kapag nahulog ka diyan di kita masasalo kasi nahulog na rin ako. Sayo, " pasimple niyang banat na nakakafall. Enebe yen, ang rupok mo Jen naniwala ka naman.
Ngingisi na lamamg si sir saka panay ang kindat niya sa akin.
" pinagbalutan kita ng barbeque. " pa alam niya sa akin. Hala, alam na alam niya talaga na gusto ko ng barbeque eh. Ayaw niya talagang makaligtaan ang paborito kong ulamin.
" salamat talaga sir Carllex saka balang araw makakabayad din ho ako sa inyo. " sabi ko sa kaniya.
" dont mind it! Tara uwi na tayo saka dumidlim na oh! " puna niya sa paligid. Una siyang tumayo saka kinuha yong pinabalot niyang barbeque para sa akin.
Napaka lucky talaga ng mapapangasawa ni sir Carllex. He's so proffesional at maalaga kaya napaka swerte talaga ng babaeng papakasalan niya.
" Jen, halika na at baka umulan pa! " puna niya pa. Oh diba, parang predictor siya ng weather at alam na alam na uulan.
Tumayo na lamang ako sa kinauupuan ko at nagpaalam na kina Aling Celia.
Nasa harapan ko siya habang naglalakad kami papasok ng iskinita.
" Jen, mag ingat ka kapag gabi ha saka madaming tambay dito baka pagtripan ka. " paalala ni sir Carllex. Awwts, fall na fall na ako sir Carllex kasi kanina pa ako kinicare nito.
" sir, napapansin ko talaga na lagi kang nagpapayo sa akin. Saka baka masanay ako na lagi mong pinapayuhan. " padinig ko sa kaniya.
" eh di masanay ka! " tugon niya sa akin.
Hala, is he serios?
Ano kaya ang kinain nito?
" hi mga pre! " bati niya sa mga nag iinuman sa labas ng mga bahay nila. Gaya ng dati, dudukot siya ng pera at ibibigay sa mga ito.
" baka masanay na sila sayo. " pag alala kong sabi na ikinangiti niya.
" ok lang, as long as hindi ka nila binabastos. Pero kapag may mali silang ginawa sayo. Ewan ko lang lung patatawarin ko sila. " seryoso niyang sabi habang nauna ng umakyat at binuksan ang pintuan.
Teka, wala na dito ang mga bodyguards niya.
Pinauwi niya kaya o di kaya'y pinalayas niya.
" gulat ka no! Wala na sila dito dahil pinalayas ko na ang mga iyon. " sabi niya sa akin habang sinasarado ang pinto ng maiigi.
" nag aalala lang naman ang mama niyo sir Carllex kaya ganun siya. " sabi ko naman at tumungo sa kusina.
Iinom muna ako ng tubig at maghahain ng biglang may napansin.
Hala, nagsaing na siya at may special na naman na ulam.
" nagsaing na ako kanina para sayo. Nagugutom kana ba? Ipaghahain na kita. " sabi niya habang nilalagay sa plato ang dala niyang barbeque.
" grabi sir Carllex ang sipag niyo saka hindi ba kayo napagod? " usisa ko sa kaniya.
" well kahit mapagod pa ako ay worth it naman kasi para naman sayo. " sabi niya na parang may ibig sabihin. Hala, I smell something fishy! Iba ata ang dating nito sa akin. Pero imposible naman kasi ang taas niya at ako ay lupa lamang.
Mauupo na lamang ako na tila napapagod na.
Ito talagang paa ko laging panira ng moment at ito trip niya ngayon ang sumakit.
Kainis talaga siya, " are you ok, Ms. Santos? " ask ni sir habang hawak ko yong paa kong ewan. Sige kumirot ka pa at nang maputol kita.
" may problema ba, Ms. Santos? " usisa niya uli. Kaagad naman akong sumagot sa kaniya sabay palusot. " wala ho sir Carllex, " tayo ko muna saka naglakad patungo sa kwarto.
Paa ka talaga kahit kailan, kirot ka pa diyan. Ito na nga, ipapahinga kana!
Humiga muna ako sa kama at ipinikit ang mga mata. Hindi ko alam na nakasilip pala si sir Nathane sa pintuan. " masakit ba ang paa mo? " sabi niya na tila papalapit sa kinahihigaan ko.
Mapapabangon na lamang ako, " sanay na ho ako sir. " tugon ko sa kaniya. Umupo na lamang siya sa tabi ko. " heto, inumin mo yan para mawala ang kirot niya. " abot ni sir ng isang banig ng capsule. Hala, ready na ready talaga si sir Carllex laging may pa care sa akin.
Sana all lahat ng lalaki ganiyan at responsible!
Sana all lahat ng lalaki ay kasing bait niya.
Sana all nalang ako kasi pangit ako!
@YhunaSibuyana