Chereads / One Night Stand - Season 1 / Chapter 10 - ( Night of Silence )

Chapter 10 - ( Night of Silence )

Matapos ang hapunan ng dalawa ay agad namang nagligpit ng pinagkainan. Naghuhugas ng pinggan si Jen habang tumutulong naman si Carllex sa kaniya at dahan dahan itong sinasalansan sa lalagyan. " alam mo sir ang talented mo! " hangang puri ng dalaga habang binabanlawan ang basong babasagin. Mapapangiti na lamang ng palihim si Carllex at sasabay sa trip ng dalaga. " ikaw din kaya ang tapang mo, Jen. Biruin mo, mag isa kang umuupa dito tapos mga adik ang kapitbahay mo. " paghanga niyang puri sa dalaga na ikinatawa nito.

Isasarado na lamang ni Jen ang gripo at maghuhugas ng kamay. " matapang daw? Takot nga ako sa ipis. Noong unang tira ko dito nahimatay kaya ako dahil nakakita ako ng ipis. Mabuti nga lang pumunta dito yong friend kong si Donalyn at nasakluluhan niya ako. " kwento ng dalaga habang nagpupunas ng kamay niya. " may phone ka ba? " baling ng usapan ng binata habang naghuhugas ng kamay.

" wala sir saka nasira na yon kaya heto nakiki online sa mga kaklase ko. Saka ganitong oras nasa computer shop pa ako gumagawa ng reseach at gumagawa ng power point. " dagdag pa ng dalaga habang inaalala ang mga una niyang karanasan sa loob ng apat na taon.

Mapapahanga na lamang si Carllex sa kaniya, " you're great Jen kaya Im sure your parents are very proud to you! Hindi ka lang mabuting anak but you're lucky to surpass all the challenges in this past 4 years. " proud na wika ni Carllex sa kaniya na may dalang palakpak.

" sir naman para kayong ewan diyan. Hindi pa nga ako nakaka akyat sa entablado. " ani Jen habang nakangiti sa tabi ng lababo.

" alam mo Jen, Im thinking paano ka kaya nasanay na matulog ng mahimbing sa bahay na ito? Parang nakakatakot naman ata dito! " tanong niya sa dalaga habang nakatitig rito na nakasandal sa lababo.

" sir, prayer ang pinaka sandata ko. Nagdadasal ako gabi gabi na sana alagaan akong mabuti at bantayan niya ako sa lahat ng mga masasamang loob. Kaya Im thankful at never niya akong pinabayaan. Eh, ikaw sir bat ka andito? " baling niya ng usapan sa binata.

Aalis na lamang si Carllex sa lababo at tutungo sa kwarto ng dalaga. Susundan naman siya ni Jen at mauupo sa isang sofa na malapit sa kama. " anong ginagawa mo? " tanong ng dalaga sa sir Carllex niyang nag aayos ng bed sheet ng kama habang may inilalabas mula sa isang balot. " nilalatag ho ang tutulugan mo, ma'am Santos. " pormal na sabi ng binata na parang may ibig sabihin nito sa kaniya.

Matatawa na lamang ang dalaga, " sir hindi pa nga ako nakapag take ng License Exam for Teacher saka magtatapos pa lang ho ako. " pagtatama ng dalaga sa sinabi nito sa kaniya.

" doon din ang punta non kasi you deserve it. Oo nga pala, binilhan kita ng mosquito net mukha kasing madaming lamok dito. " latag ng binata at naghanap ng masasabitan.

" sir, mukhang galit ata kayo sa mga lamok dito. Magkumot ka nalang tapos magsuot ng mahabang pantulog ayos na yon. " sabi ni Jen na tila sanay ng matulog sa ganong sitwasyon.

" buti ka pa sanay pero ako hindi. " pagtatapat ng binatang takot makagat ng lamok.

Jen Pov's

Mukhang galit talaga siya sa lamok kaya ayan. Maigi niyang nilatag ang mosquito net niyang dala sa kama ko. Teka, saan kaya siya matutulog?

" sir saan ka matutulog? " tanong ko sa kaniya habang abala siya sa paglalatag ng mosquito net. Hindi naman siya sasagot ng bigla siyang humiga sa kama ko at inunan ang mga kamay niya habang nakahilata.

Hala, lagot na! Dito ba siya matutulog?

Ano bang pumasok sa kukuti niya?

" Jen, matulog kana at maaga ka pa bukas. " sabi niya habang nakahilata sa kama ko. Paano kaya ako makakatulog eh nandiyan siya sa kama ko.

" ayoko kasing may katabi saka mag asawa lang ang tumatabi sa pagtulog sa iisang kama. " paalala ko sa kaniya at ayoko namang tumabi sa kaniya.

Preservative akong babae at ayokong may ibang lalaki na makakatabi ko sa pagtulog kundi ang magiging asawa ko lang. " Jen, tabi na tayo sa pagtulog saka kung gusto mong maging preservative eh di may kontrata ako sayo. " sabi niya sa akin saka tumayo ay may kinuhang paper sa bag niya. Ano na naman ang gagawin niya?

Pumasok na lamang ako sa mosquito net at humiga na sabay harang ng mga unan. Ayokong may tumabi sa akin. " Jen, heto kontrata yan! Tatabihan kita sa pagtulog, tutulungan kita sa lahat ng bagay, at pananagutan kita kahit anong mangyare sayo. Lahat nang yon ay kapalit ng pagligtas mo sa buhay ko. Ano deal? " abot niya ng paper at inabot ang ballpen. Talaga bang nahihibang na ang lalaking to! Penermahan ko na lamang ang kontrata at dinamihan ang harang na mga unan sa pagitan naming dalawa.

Aalis naman siya at mukhang magpapalit ng damit. " Gusto ko nang matulog! " hikab ko mag isa sa kama. Napayakap na lamang ako sa unan at ipinikit ang mga mata ko.

Maya maya pa ay may naramdaman akong malamig sa kama. " ay palaka! " pagkagulat ko ng matuluan ng tubig ang kamay ko. Anak ng pating, nakatitig si sir Carllex sa akin habang walang saplot na pantaas. Napa atras na lamang ako sa takot, " Jen, baka mahulog ka! " harang niya sa akin sa pag atras. Bat ganiyan ang titig niya sa akin? Jusko Jen, tumigil ka. Wag kang magpapadala sa pandesal niya.

Napatago na lamang ako sa unan, " hey pangit wala akong balak na pagnasaan ka kasi pangit ka! " sabay higa niya habang nakahilata sa kama. Parang kama lang niya, malaya kasi siyang nakakagalaw samantalang ako heto parang ewan na hindi makagalaw sa kinahihigaan ko. Mas lalo pa akong kinabahan ng tinanggal niya ang mga unan na nakaharang. Patay kana talaga Jen at wala ka nang pangharang.

Bigla nalang siyang lumapit sa akin, " Jen, hindi naman ako masamang tao kaya umusog ka rito baka mahulog ka diyan. Dito oh, " turo niya sa espasyo na nasa pagitan namin.

" talaga ba? Ayokong tumabi sayo eh, wag mo akong hawakan pagtulog na ako ha! Kanina pa ako inaantok! " hikab ko uli at napayakap sa unan.

" maya kana matulog kwentuhan mo muna ako tungkol sayo. " sabi niya sa akin.

" sige sir, ano bang gust mo malaman? " pilit kong nilabanan mona ang antok ko para makipagkwentuhan muna sa kaniya.

Bumangon siya muli habang yakap yong isang unan. Ang cute ni sir Carllex lalo na kapag naka subsob ang mukha sa unan niyang yakap. Kaso wala siyang damit. " ano ba ang gusto mo sa isang lalaki, Jen? " ask ni sir Carllex habang nakatitig lang siya sa akin. Inilihis ko muna ang mga mata ko sa nag iisa kong tedy bear na nasa drawer.

Ayan, naghihintay pa yan siya ng sagot ko. " ang gusto ko sa isang lalaki ay simple lang yong responsible saka kaya niya akong ipaglaban despite of my weaknessess and social status. " sagot ko sa tanong niya na ikinangiti niya. Parang nakahithit lang si sir Carllex oh, parang ewan siya. " bat niyo natanong sir? " tanong ko naman sa kaniya.

Bigla nalang siyang tumabi sa akin sa pagkahiga at nagwika, " yon din ang gusto ko sa isang babae. Iyong mamahalin ka without condition at responsible hindi yong nang iiwan. Parang ikaw, " hala, mukhang nakahihit nga siya! Ako na naman kasi ang napagtripan niya. Mukha ba akong laruan. Nakakainis talaga siya! Bat ba lagi ako ang nakikita niya?

Mahuhuli ko siyang nakatitig sa akin, " sir, pangit ho ang mukha ko kaya walang magandang view diyan. " sabi ko nang may pagkainis na ikinatawa na naman niya.

" you're so cute Jen kaya namamangha ako sayo. Ano kaya kong pakasalan kita. " sabi niya na tila nagbibiro na naman. Tatawa na lamang ako bigla sa sinabi niya. Abnormal talaga itong si sir Carllex oh. Panay ang patawa nawala tuloy ang pagkaantok ko.

" sir Carllex baka hindi makatulog ang mama niyo sa kaiisip sa inyo. " baling ko ng usapan patungkol naman sa kaniya. Napabuntong hininga na lamang siya na tila iniisip niya ang mama at papa niya. " alam mo Jen kapag nasa bahay ako tinatawag ko si mama kapag hindi ako makatulog. Kinakamot niya yong ulo ko hanggang sa matulugan ako. Solo lang kasi akong anak nila. Kaya heto baby na baby nila ako. Hindi kasi binigyan ng kapated. Kaya pareho tayo, Jen. " baling na naman niya ng usapan sa akin.

Ano kaya ang problema niya sa akin? Ako nalang ang topic ng usapan namin.

" sir may jowa kana? " seryoso kong tanong sa kaniya sabay nag e - expect na wala talaga siyang jowa. Sana naman wala para walang magselos. Tatawa na lamang siya sabay harap sa akin. " gusto mo jowain kita? " ngisi niyang sabi na may kasamang kindat. Enebe yen, jusko po Jen inaakit ka na naman ni sir Carllex. Akala ba niya ganun lang ako kiligin.

" ano? Gusto mong jowain kita? " sabi niya uli habang papalapit sa akin. Anak nang pating, Jen umusog ka baka ano pa gawin sayo ng lalaking walang damit. Natatakot na talaga ako sa kaniya. " sir Carllex, wag niyo akong titigan ng ganiyan. " tiklop ko sa kama na parang makahiya na takot na mahawakan.

" Jen, alam mo bang ikaw pa lang ang unang babae na tinulungan ko. Unang beses kong may makatabi sa pagtulog ko na isang dalagang malinis ang puso. " pagtatapat niya sa akin habang nakatitig lang siya.

Totoo ba iyong sinabi niya? Sa poging niya, wala pa pala siyang jowa? At never pa siyang nakahawak ng babae? Abnormal kaya ang lalaking ito? " Mama's boy ako Jen at lahat ng desesyon ko ay sinasangguni ko kay mama kundi naman kay papa. At hindi ako makatulog, Jen. " sabi pa niya. Aba, may kapalit talaga ang pangbubula niya sa akin. Gusto niya atang magpakamot ng ulo niya.

Humiga na lamang siya habang nakatitig sa akin, " tulog na ho kayo sir at kakamutin ko na kayo sa ulo niyo. Parang makapagpahinga na kayo sir, " hiya kong sabi sa kaniya habang inaakmang hawakan ang mga buhok niya. Akward talaga ang gabi na ito, ang hirap ng may katabi. " patulugin mo na ako Jen at maaga pa ako bukas. " sabi niya na parang gusto na niyang matulog.

" ito na po sir Carllex ipikit niyo na ho ang mga mata ninyo. " utos ko sa kaniya na agad naman siyang sumunod. Una kong haplos sa kaniyang buhok ay parang seda na napakalambot at napakabango. Ano kaya ang shampoo ni sir Carllex bat ang smooth ng buhok niya.

" Jen, salamat ha saka sorry sa abala. " paumanhin ni sir na tila hindi pa natutulog kaya nilambutan ko pa ang haplos para tuluyan na siyang makatulog.

Walang ano ano'y tumahimik na lamang ang hilik niya. Ay success Jen at nakatulog na din si sir Carllex. Hayyst, makatulog na rin ako. Kinumutan ko na lamang siya at dahan dahang humiga sa tabi niya at niyakap ang unan. " good night sir Carllex. " bulong kong sambit saka pinikit ang mga mata.

Ang magkatabing dalaga at binata sa kama ng magkasama.

Walang namamagitan sa kanila kundi isang pag uusap lamang.

Wala silang koneksyon kundi kabutihan lamang.

Wala silang tanging hiling kundi mapabuti ang isa't isa.

Hindi sila magkakilala at lalong hindi magkasintahan pero pinagtagpo sila ng panahon para sa hinaharap na tanging sila lang ang makakasagot.

@YhunaSibuyana