Matapos ang maghapong exam ng dalaga ay agad na umuwi ito para magpahinga. Papaakyat na siya ng hagdan ng dumungaw ang mga bodyguards ng binatang nasa bahay niya.
Mukhang nahanap ata nila ng boss nilang laging tumatakas.
" good afternoon ma'am Santos. " bati ng mga nakasalubong niyang mga ginoo na naka suit.
" oh, Ms. Santos andito kana pala! Kamusta ang exam? " usisa ng binatang naghahanda ng meryenda niya.
Mauupo naman ang dalaga at sisilip sa labas ng bahay niya.
" sir, mukhang nahanap ata kayo ng mga bodyguards niyo. " aniya ng dalaga habang tinatanggal ang sapatos niya.
" psst, wag kang maingay baka marinig tayo ng mga yan. " loko nitong tugon sa dalaga habang naghahain ng mainit na toron at lumpia.
" sir talaga, parang ano eh! Baka nag aalala na naman ang mama niyo kasi nandito na naman kayo. " wika ng dalaga habang nagpapahinga sa sofa.
" meryenda ka muna at wag mong intindihin yang mga bodyguards kong nasa labas. " aniya ni sir Carllex na dala ang meryenda niluto niya para sa dalaga.
" sir Carllex, nakakahiya naman ata saka lagi niyo nalang akong pinaghahandaan ng meryenda." aniya ng dalagang si Jen na tila nahihiya na sa ginagawa ng binata sa kaniya.
Nginginitian na lamang siya ng binata at sasabihing, " alam mo Jen walang katumbas ang buhay ko kaya bilang ganti. Nandito ako ngayon para pagsilbihan ka bilang pasasalamat. Kaya habang buhay may utang na loob ako sayo, Jen. " paliwanag niya sa dalaga na hindi naman sinang ayunan nito.
" sir Carllex, hindi naman iyon ang hinihingi ko sa inyo dahil gusto ko lang ay makabalik na kayo sa pamilya niyo. Mabuti pa ho kayo at may mama pa eh ako puntod nalang ang madadatnan ko sa pagbalik ko sa probinsya. " malungkot na tugon ng dalaga sa kaniya.
Lalapitan na lamang siya ng binata at magsasabi, " malapit ka nang makauwi Jen at masaya ako sa mga naabot mo. Ngayon pa lang ay nagagalak na akong sabihin na Congratulations dahil nagawa mong magtapos kahit mag isa ka lang. " paghangang puri ng binata sa kaniya ng may ngiti sa mga labi.
" sir naman, wala pa ho ang graduating march namin. Mas excited pa ho kayo kaysa sa akin. Saka sir maraming thank you po ha! Nahihiya na nga ako sa inyo eh, " pagkasabi ng dalaga rito.
His Pov's
Im so happy Jen dahil nagawa mong maging matatag sa lahat ng pagsubok mo sa buhay.
Isa ako sa mga saksi kung paano ka naging matapang sa pagsagip mo sa akin.
How blessed I am ng makilala ko ang tulad mo.
" Meryenda kana Jen habang mainit pa ito. " alok ko sa kaniya. Ang tigas din naman kasi ng ulo ng babaeng ito.
Choosy pa siya kaysa sa akin, " sir Carllex, may jowa na ba kayo? " tanong niya sa akin.
Ay lokong babaeng to! Jojowain ko talaga ito kapag ako napikun.
" gusto mo bang jowain kita? " balik kong tanong sa kaniya.
Tatawa na lamang siya sabay sabing, " sir pangit ho ako! " sambit pa niyang tawa. Ok, lang yan Jen kahit pangit ka ay may mabuti ka pa ring puso. That's why andito ako para mahalin ka maging anuman ang pinagmulan mo. Patuloy ko pa ring mamahalin ka ng palihim kahit sa paraang alam ko.
" kumain ka nalang nga at magpahinga saka mukhang ginalingan mo sa exam ah! " puna ko sa kaniya dahil sa mukha niyang stress na stress at hagard ang face niyang pangit.
" magbibihis muna ako sir Carllex saka mamaya pa ang results ng exam namin. " sabi niya at tumayo papasok sa kwarto. Kawawang pangit laging stress. Pangit na nga, hagard pa!
Kinuha ko na lamang ang laptop ko at umupo sa sofa. Maglolog in muna ako sa email account ko. Magche check lang ako ng business proposal ng mga employee ko. Hayyst, Carllex isa nalang at sesermunan ka na naman ng mama mo kasi lagi ka nalang tumatakas sa mga bodyguards mo.
Sa kwarto
Habang nagbibihis ang dalaga ay may napansin siyang kwintas sa lapag naka kalat.
Dali dali niya itong pinulot at siya'y may mapapansin. " kay sir Carllex ito ah, " sambit niya habang inaayos ang damit nito.
Her Pov's
Hindi kaya namalayan ni sir na nahulog ang kwintas niya.
Mukhang mahal ang isang ito at parang bigat ng karat niya.
" sir, " tawag ko ng bahagya sa kaniya habang papalabas ng kwarto.
Ayan siya sa may sofa at kaharap ang laptop niya.
" yes, " tugon niyang tipid at ibinaling sa akin ang mga mata niya.
" sa inyo ba ito sir? " abot ko ng kwintas na napulot ko kanina.
" teka, kanina ko pa hinahanap to! " pagtataka niya at agad na kinuha sa kamay ko ang kwintas.
Mukhang napaka importante ito sa kaniya at ganun na lamang ang reaksiyon niya ng makita niya ito. " sir, napulot ko ho yan doon sa lapag sa may kwarto. " sabi ko pa saka umupo sa kabilang sofa.
Matutuwa na lamang siya rito, " may utang na naman ako sayo Ms. Santo at hindi ko alam kung paano makabayad sa kabutihan mo. " sabi ni sir habang nakangiti.
Mas lalong nagiging cool si sir kapag ngumingiti siya at kapag pormal naman ay napaka pogi naman niya. " sir talaga parang ano! Eh, sobra naman ho ang mga natulong niyo sa akin. Tama na ho yon! " sabi ko sa kaniya habang nakatitig lang siya. Baka matunaw ako sir saka walang magandang view sa mukha ko. Parang lupa yan na mabato este maraming tagyawat na ewan.
" ang cute mo Jen saka hindi ka tulad nila. " puri pa niya. Ewan ko ba kung anong kinain nito kanina at ganiyan siya sa akin. Matatawa na lamang ako sa kinauupuan ko sabay higa na rin.
Masakit kaya ang likod ko saka dumagdag pa itong dalaw ko. Hay Jen, matatapos ka na rin at makakauwi kana sa home land mo.
" sir, ano ho ang trabaho niyo? " tanong ko sa kaniya habang nagtatype siya sa laptop niya. Sandali naman niya itong titiklopin. Hala, titig na titig na naman siya na parang ewan mukhang
ahas na manunuklaw.
Ibinaling ko na lamang ang paningin ko sa kisame.
" ako yong CEO at Owner ng isang publishing company. " pagkasabi niya ng bigla nalang akong napabangon. Hala, mayaman nga siya Jen at nakakahiya sa kaniya.
" sir sorry ho saka hindi ko alam eh! " kamot ko na paumanhin sa kaniya. Ay Jen, para kang ano diyan. Naghugas siya ng pinggang tapos CEO at owner pala siya ng isang company.
Nakakahiya ang ginawa mo Jen, " dont say sorry dahil may utang naman ako sayo. Wag mo na nga akong tawaging sir saka employee ko lang ang tumatawag sa akin ng ganiyan. " sabi niya na parang kasalanan ko pa. Ay, nakakahiya ka Jen! Ginawa mo siyang katulong dito tapos boss pala siya.
" anong balak mo sa future? Mag aaplay ka na ba ng work? May ioofer ako sayo sa bayan namin ay may job opening at kailangan namin ng mga teacher para sa unibersidad doon. May potential ka Ms. Santos at nakikita kong may sapat kang kaalaman. " sabi pa niya. Hala, si sir talaga ang daming alam.
" pasensya na sir medyo malayo kasi saka ayos na ako sa probinsya namin. " tugon ko sa kaniya at napahawak sa phone ko. Titingnan ko muna ang group chat namin para sa update.
Pagbukas ko ng data ay may nagsidatingan na mga chat.
" mukhang ang dami mong ka chat, " sabi niya habang napalipat ng upuan.
" sir, gc lang ho ang maingay saka ang daldal namin ng group chat namin laging tambak ang conversation. " tugon ko sa kaniya at binksan na.
Sisilip naman siya sa online conversation ng gc namin.
>>>" announcement!! This are the list of passer of our final exam. This are the leading graduate students in Teacher Education Department!!"<<<
1. San Rosel, Cammile T.
2. Canale, Belle C.
3. Biancel, Lucy L.
4. Santos, Jennalyn R.
5....
6...
" oh my gosh! " sambit ko at napalukso sa tuwa ng mabasa ang aking pangalan sa passer ng final exam namin. Maluluha na ako sa saya habang si sir Carllex ay nakatitig sa akin na halatang tuwang tuwa para sa akin.
" Congratulations Ms. Jennalyn Santos! Good job at proud na proud silang lahat sayo. " sabay abot niya ng kamay niya at nakipagkamay sa akin.
Ang lambot pala ng kamay ni sir Carllex at ang bango. Jusko po! Thank you talaga ng marami Lord at nakapasa ako. " sa wakas makaka akyat na ako sa entablado at makukuha na ang diploma ko. " sabi ko ng ganun saka yumuko kay sir Carllex na ikinagulat niya.
Mukhang takang taka siya sa ginawa kong pagyuko.
" dont do that again Ms. Santos kasi hindi ako diyos. " pagkagalit niya sa akin.
" sorry ho sir saka nadala lang ho ng sobra kong kasiyahan. Sir, pwede ko ba kayong yakapin para pasalamatan kayo. " paalam ko kay sir baka kasi magalit. Tumango na lamang siya na tila pumapayag na.
Niyakap ko na lamang si sir sa sobrang tuwa, " ang saya saya ko ho sir! Gusto kong yakapin si mama pero kayo nalang ho ang niyakao ko. Maraming maraming salamat ho sir Carllex at tinulungan niyo ako. Saka sa pagbayad ng balanse kong tuition. " sabi ko habang hindi napigilan ang pagluha ng mga mata ko na dulot ng kasiyahan sa puso ko.
" Jen, Im so happy kasi nagawa mo lahat ng ito para makapagtapos. Nakakahanga kang dalaga kaya dapat kang tularan ng lahat. " sabi ni sir habang nakayakap pa rin ako sa kaniya.
Makikitang tuwang tuwa ang binata sa kaniyang minamahal na nakapasa sa pagsubok nito.
Palihim na mahuhulog ang loob niya sa dalaga na hindi niya naisa ipabated sa dalaga.
" celebrate tayo Ms. Santos, " sabi niya rito saka kinuha ang phone niya.
" wag na sir, gusto ko lang kumain ng isaw, kwek kwek, fishball saka barbeque! Hmm, mukhang nagluto si Aling Celia. " takam na amoy ng dalaga na ikinatawa ng binata.
" Ms. Santos, ulitin mo nga kung paano yong takam na takam? " tawa niya sa dalaga.
" sir naman, " inis nitong kamot.
" halika, bibilhan nalang kita ng isaw, kwek kwek at yong sinasabi mong fishball. " yaya ng binata sa kaniya.
" wag na sir saka may pera pa ako dito. " tutol ng dalaga.
" Ms. Santos, pa blow out ko na to sayo kaya libre kita. " aniya ng binata at saka kumindat.
Napakamot na lamang ang dalaga habang papalabas ng pintuan.
Hindi niya akalain na ililibre pa siya ng paborito nitong street foods.
@YhunaSibuyana