Chereads / One Night Stand - Season 1 / Chapter 7 - ( The Visitor's)

Chapter 7 - ( The Visitor's)

Kinabukasan

Maagang nagising ang dalagang si Jen dahil tutungo pa siya sa hospital para isauli ang perang ibinigay sa kaniya ng binatang tinulungan nito.

Pagdating niya roon ay agad siyang nagtanong sa nurse pero sabi ng nurse, " Im so sorry Ms. Santos dahil inilipat na siya sa bayan ng San de la Vega para sa doon siya magapagaling. " tugon nito sa kaniya.

Napahawak na lamang si Jen sa envelop na hawak niya at saka tiningnan muli.

May mapapansin niyang papel nakatupi rito at may maikling liham siyang nabasa.

Dear Jennalyn Santos,

Im so happy dahil iniligtas mo ang buhay ko kaya sana tanggapin mo itong maliit na halaga para sa pasasalamat ko sayo. Wag kang mag alala hindi ito suhol kaya sana wag mong mamasamain. Sana personal kitang pasalamatan. Mag ingat ka!

--- Carllex --

Itatago na lamang ng dalaga ang envelop kasabay ng liham ng binata sa kaniya.

Dadaan siya sa isang bakery at dudukot ng pera sa pitaka niya.

Maglalakad siya habang kumakain at malalim ang iniisip.

Iniisip niya kung paano isasauli ang pera sa binata dahil nakauwi na pala ito sa bayan niya.

Mapapahinto na lamang siya sa tindahan ni Aling Celia at uupo rito.

Titigan na lamang siya ng ginang at huhulaan ang problema nito.

" Jen, iniisip mo ba yong binatang dinala mo sa hospital? " usisa ni Aling Celia sa kaniya sabay gulat sa dalaga.

" ay palaka! Aling Celia naman nanggugulat. " kamot ng dalaga na tila nahulaan na naman ang iniisip niya.

" tama ako no, sus kapag tinulungan ka non sigurado akong tagos sa puso ang pagtulong non. Balita ko kilala daw yong pamilya niya saka yayamin. Eha, kapag tinulungan ka niya tanggapin mo na kasi makakatulong yan sa pag aaral mo. Oo nga pala, dumaan dito ang land lady mo at pinasasabi na inayos na ng mga ginoo yong pinto ng bording house mo. " balita niya sa dalaga.

" po? " pagkagulat na naman ng dalaga na tila hindi makapaniwala.

" umuwi ka muna at magpahinga ka para sa exam niyo sa susunod na araw. " payo ni Aling Celia sa kaniya na tila nag aalala ito sa dalaga.

" sige po Aling Celia at marami pong salamat. " ani Jen at saka lumakad na.

Jen Pov's

Nagdali dali akong umuwi para maabutan ko yong mga ginoo sa bahay.

Sobra sobra naman itong tulong na pinadala niya.

Hindi naman ako humihingi ng kapalit sa kaniya pero bakit tinutulungan niya pa din ako?

" Jen, " tawag sa akin ng isang ginang. Ah yong land lady ko pala na nag mamay ari ng inuupahan kong bahay.

" po, " tipid kong sagot sa kaniya. Medyo may katandaan na at mataba siya tapos maikli yong buhok pero maputi naman.

" ang swerte mo eha at balita ko bilyonaryo yong binatang dinala mo sa hospital. " bulong niya sa akin. Hala, may pagka chismosa itong land lady ko. Wala talagang ligtas pati nangyayare sa kanto.

" Aling Lea, saan niyo naman ho nabalitaan yan? " usisa ko sa kaniya. Ako nga walang alam tapos siya ang dami pala. Well, unfair naman ata!

" alam mo Jen nagtanong kami don sa isang lalaki na naka itim ang suit tapos hindi namin siya pinaalis hangga't di siya nagsasabi tungkol sa amo niya. " sabi na nga ba, ginipit na nila yong mga iyon para makakuha lang ng impormasyon.

" sige maiwan ko muna kayo Aling Lea at magpapahinga pa ako. " paalam ko sa kaniya at umakyat na sa hagdan.

Wow, bago na bago ang padlock ng pinto ko ah saka bago din ang pintuan. " Teka, " kapa ko ng susi sa bulsa ko. Pagkakuha ko ng susi ay agad ko itong sinubukan na buksan. " hala, tanga ka lang Jen! Bago ang padlock malamang bago din ang susi. " napaupo na lamang ako sa hagdan at sumandal sa wall.

Ano ba yan Jen! Pinalitan yong padlock pero hindi ibinigay sayo ang susi.

Pambihirang buhay ito, sinadya talaga niya na paghintayin ako dito.

Arghh, " Ms. Santos, " tawag nong ginoo na lagi kong nakikita ang mukha.

" bakit? " pataray kong tanong. Ang sarap hampasin ng flower vase eh.

" heto po yong susi. " abot niya sa akin. Sinadya talaga akong paghintayin dito ng mga ito eh. Hindi lang ako mabait kanina pa ako nangsipa. " sa akin na, " kuha ko sa kaniya at agad na binuksan ang pinto.

Pagpasok na pagpasok ko ay biglang nalang nag iba ang appearance ng paligid.

Hala, anong ginawa niya sa bahay ko?

Yong sala, ang lapag, ang kusina at ang mga lumang gamit at pinabago niya.

" arghh, bat niya binago? Eh, isang buwan nalang ako dito! " inis kong sambit na parang tanga lang. Wala namang sasagot sa akin kasi nga mag isa lang ako.

Pumasok na lamang ako sa kwarto nang biglang nagtaka ako sa aking nasilayan.

Hala, pati kama ko pinaayos niya. " ang lambot nito! " siguro mamahalin ang isang to kasi parang mahal ang brand nito. Ano ba kasi ang pumasok sa ulo niya at pati kwarto ko ay binago niya. Sasapakin ko talaga siya kapag nakita ko siya.

Napahiga na lamang ako sa kama ko at inenjoy ang malambot at mamahaling kutso na pinalit niya. " hayyst, mukhang anak nga siya ng mayaman. Porma pa lang at kilos niya saka ang pananalita ay parang business man. Sana all business man, ay naku Jen matulog ka nalang nga at bukas ay exam mo na. Wala nang atrasan ito at kailangan kong maipasa lahat ng subjects ko. Kaso may isa pa akong problema, yong research namin hindi ko napapa book bind. Oh jen, kaya mo yan kaya lang nahihiya akong galawin itong pera na ibinigay niya. Basta ibabalik ko talaga ito sa kaniya kahit na walang wala ako.

Sa kabilang

Sa Mansiyon De La Vega

Nasa sala ang señora na nilipasan ng mga taon ngunit mananatiling malusog at maganda ang katawan.

Naroon din ang binatang nagpapagaling mula sa kaniyang aksidente.

Nagbabasa siya ng libro habang nasa tabi niya ang mama Jerimy niyang abala sa pagbabasa ng isang files.

" argh, " inis na sambit ng binatang tila naiinis na sa hawak niya.

" ano na naman ang problema, apo? " usisa ng señora Mia.

" lola, pwede na ba akong makagala diba? Masyado na akong nababagot dito sa bahay saka si mama hindi naman ako binigyan ng kapated. " wika ng binata.

" sa papa mo ka humingi hindi sa akin. Saka abala yon kaya wala siyang time para bigyan ka ng kapated. " sabat ng mama niya at sandaling ibaba ang hawak na files.

" sus, ako ba talaga ang problema? Ikaw kaya itong madamot. " sabat ng ginoong may dalang basket ng mga prutas na mula pa sa hacienda.

" pa, pwede na ba akong lumabas gusto ko kasing puntahan yong tumulong sa akin. " paalam niya sa papa nito.

" patingin nga ng sugat mo! " sandaling tungo sa sofa kung saan naroon ang binata at huhubarin ang bondage.

" pa, wala na ba kayong balak na bigyan ako ng kapated na babae. " ani Carllex.

" pag uusapan pa na namin ng mama mo ang bagay na yan sa ngayon ay medyo ok na rin ang sugat mo. " tuluyang tanggal ng bondage sa ulong bahagi ng anak.

" alis muna ako pa! May pupuntahan lang ho ako. " paalam ng binata at kinuha ang susi ng bago niyang kotse at kumuha ng bag sa kwarto niya saka tuluyan ng lumabas ng mansiyon.

Makalipas ang kalahating oras

Sa bording house ng dalaga, mahimbing na ang tulog ni Jen sa mga oras na iyon para sa pagpapahinga niya ng bigla nalang gambalain ng isang katok sa pintuan nito.

" pambihirang buhay naman oh, " pilit niyang bangon kahit antok na antok pa ang dalaga para lang pagbuksan ng pinto ang kumakatok.

Magulong buhok at over size tshirt habang naka joging pants ang suot niya.

" sandali lang, " hawak niya sa padlock at dahan dahang binuksan ang pintuan.

" hi Ms. Santos. " bati ng familiar na boses na ikinanlaki ng mga mata niya.

" s-sir? " pagkagulat niyabg bungad na parang hindi makagalaw sa kinatatayuan nito.

" do I look like a ghost? " ask ng binata sa kaniya na agad namang pumasok sa loob na parang bahay lang niya at umupo sa sofa.

Gulat na gulat na lamang ang dalaga sa pagdalaw ng ginoo sa kaniya.

" s-sir, mali ho ata ang napasukan yong bahay. " ani ng dalagang nahihiya sa panauhin niya.

" bakit may angal ka? " ask pa sa kaniya habang naka cross arm ito at tinititigan ang dalaga mula ulo hanggang paa.

Sandali namang itong tatayo at maglilibot sa kusina. Nang mapagawi ito sa ref ay agad niya itong binuksan, " what a poor girl? Walang laman ang ref at puro noodles and can food ang inuulam. " salungat niyang kilay sa dalagang nasa harap niya.

" paki mo ba? Eh mahirap nga ko, " sabat ng dalaga sa kaniya sabay taas baba ng kilay nito na tila naiinis sa kaniyang pagbisita.

" well, may paki na ako ngayon. Pancit cantoon is not good! " sabay tapon sa basurahan na ikinainis ng dalaga.

" kainis ka! Wag mo ngang itapon yan! " kuha ng dalaga sa basurahan.

" I said its not good to your health. " saad na wika niya sa dalaga habang inapakan ang basurahan para pigilan ang dalaga.

" eh ano pa ang uulamin ko? Eh wala nga akong pera para pambili ng ulam. " sumbat niya sa panauhin nito.

" binigyan kita ng pera remember? Siguro hindi mo ginalaw no? Ah, for your information yong pera ay hindi suhol kundi tulong. Kung ayaw mong gamitin eh di wag! " walk out ng binata at pumasok sa kwarto ng dalaga na ikinatakbo nito.

" alis, (hatak niya sa binata) hindi mo yan kama no! " sumbat niya sa binatang nakahiga rito.

" whatever! " mataray nitong sagot saka tuluyan ng nakatulog.

" pambihirang lalaki to! Sinagip ko na nga ang buhay! Dadagdag pa sa sakit ng ulo! " pagkainis ni Jen habang nasa sofa.

" choosy ka pa kasi eh pangit ka naman! " sumbat na inis ng binata na nakadapa sa kama.

" huy, matagal na akong pangit! Lumayas ka na nga sa kwarto ko at matutulog pa ako saka final namin bukas. Kaya maawa ka naman sa akin. Pwede bang umalis kana diyan. " pakiusap ni Jen sa kaniya.

" pwede ka namang matulog sa tabi ko. Hindi naman kita gagalawin saka pangit ka kaya hindi ako magkaka interes sayo. " tugon ng binata at lumipat sa gilid sabay hilik nito.

Magkukunwareng tulog na ang binata kaya dahan dahang hihiga si Jen sa tabi niya sabay lagay ng mga harang dito. " pwede ba kitang tawaging, Jen? " tanong ng binata sa kaniyang habang nakapikit ang mga mata.

Tatalikod na lamang ang dalaga sabay yakap sa unan.

" bahala ka sir, " tugon niya habang napahikab ito.

Kukumutan na lamang siya ng binata, " Jen, good luck sa exam mo bukas! " wika ng binata at saka bumaba ng kama at lumabas ng kwarto na tila may pupuntahan ito.

@YhunaSibuyana