Prologue:
Isang invitation card ang aking tanggap na nagsasaad ng paanyaya sa akin mula sa aking mga magulang para sa kaarawan ng aking ina. Masaya ako na kahit hindi maganda ang trato sa akin ng aking mga magulang ay inimbitahan pa rin nila ako. Paulit-ulit kong binasa ang sulat ng may ngiti sa labi.
" Hindi ka pa rin ba nadadala sa mga ginagawa sa iyo ng mga magulang mo noong nakaraang taon na inimbitahan ka? Hindi ba at pinahiya ka niya sa maraming tao sinabing hindi ka nila anak sapagkat walang silang anak na kagaya mo na walang mararating sa buhay. Nag-aalala lamang ako sayo sapagkat ayokong maramdaman mo muli na wala kang kuwentang tao." anas ni Gavin
Nawala ang aking ngiti sa labi, alam kong nag-aalala siya sa kayang gawin ng mga magulang ko pero naniniwala pa rin akong magbabago rin sila. " Alam mo naman ang kalagayan ko hindi ba? Sana maunawaan mo na sinusulit ko lamang ang mga panahon na pwede ko pa silang makasama. Kaya sana payagan mo na akong pumunta sa selebrasyong ito."anas ko. Bumuntong hininga si Gavin bago ako niyakap. " Sige nga, ngunit dapat kasama ako upang mapagtanggol kita kong kapag may ginawa silang masama sa iyo."anas ni Gavin
" Salamat sabi ko nga ba at hindi mo ako matiis eh."anas ko
" Ikaw pa ba eh malakas ka sa akin."anas ni Gavin
Hanggang sa dumating ang oras na aking pinakahihintay ang party maraming magagarang sasakyan sa parking lot ng venue. Nanginginig at nanlalamig ang aking mga kamay sa saya at kaba na aking nadarama. Hinawakan ni Gavin ang aking mga kamay at ngumiti. " Huwag kang matakot sapagkat kasama mo ako upang magtanggol sa iyo kung kinakailangan."anas ni Gavin
Pagpasok namin sa venue nagtitinginan ang mga tao at nagbubulungan. Para akong binuhusan ng malamig na tubig sa mga naririnig ko at naestatwa.
" Iyan yong walang kuwenta nilang anak hindi ba? Anong ginagawa niya dito?"
"Oo nga, hindi siya na nababagay dito"
"tignan nyo ang damit nya mumurahin lang"
"bakit ganyan siya manamit?"
"Eh, anak ba talaga niya yan?"
"Pinalayas na siya di ba?"
"Ang kapal naman ng mukha niya?"
"siya ang salot sa pamilya nila"
Patuloy ang pag-agos ng luha ko sa mga naririnig ko. " Respeto naman po kahit hindi bilang anak ng may selebrasyon pero kahit bilang tao lamang po. Irespeto nyo naman po siya at hindi nyo po alam ang buong kuwento para husgahan nyo siya ng ganyan." anas ni Gavin. Nagpunas ako ng luha at pilit na ngumiti sa kaniya. " Tama na hayaan na natin sila."anas ko
Lumingon ako sa buong paligid hanggang sa nahagip ng paningin ko sina mommy na papalapit sa kinatatayuan namin. Nang makarating sila sa harapan namin ngumiti ng mapang-asar si ate sa akin." Woah, nandito na pala ang anak kong walang kuwenta?"anas ni daddy. Lumapit ako sa aking pamilya upang humalik at yumakap ngunit umiiwas sila. Ngumiti ako ng mapait sa kanila. 'Hanggang kailan ako maghihintay sa pagbabago nyo' sabi ko sa isip.
Bumuntong hininga ako at iniabot kay mommy ang aking regalo ngunit hindi niya ito tinanggap.
"Ikaw hijo, bakit ka ba kasi nagtitiyaga diyan sa salot na yan? Eh, wala ka naman mapapala diyan. Sinasayang mo yung oras na inilalaan mo kasama siya, hindi ko maintindihan kung anong nakita mo diyan sa babaeng yan at hindi maiwanan. Nandito naman si Loraine Elisha bakit hindi na lamang siya ang piliin mo?" anas ng mommy kay Gavin atsaka umismid.
"Kahit ano pa pong sabihin nyo si Nicole pa rin po ang pipiliin ko kasi alam kong busilak ang puso niya" anas ni Gavin.
Makalipas ang ilang minuto bago ako tinitigan ni mommy at ang regalo na inaabot ko sa kanya ngunit inismiran niya lang ako.
" Sana hindi ka na nag-abala pa sapagkat hindi ko kailangan ng regalo mula sa iyo, nagsayang ka lamang ng pera kasi alam kong cheap lamang rin iyan katulad mo. Sana hindi ka na muli pang magpakita sa amin kasi para sa amin matagal ka ng patay, inaaksaya mo lamang oras namin. Ang kapal talaga ng mukha mo para pumunta dito kahit alam mo na ayaw ka naming makita. Bakit hindi ka na lamang umalis? Pumunta ka na lamang sa malayong lugar at huwag ka nang babalik kahit kalian. Alam mong ayaw ka na naming makita pero patuloy ka pa rin nagpapakita sa amin. Desperada! "anas ni mommy
Tumulo ang mga luha ko sa aking narinig. " Kapag po ba namatay na ako, matanggap nyo na po ba ako? Sasaya na po ba kayo? Huwag po kayong mag-alala sapagkat konting oras na lamang ang natitira sa akin. Matutupad ko din ang hiling nyo na mawala ako at sana sa mga panahon na iyon maging masaya kayo." Tanong ko sa kanila ng may basag na boses. Sana kapag nawala na ako makuha na nila yung totoong kaligayahan. Ako ang magiging pinakamasaya kapag nangyari yun.
"Oo sobrang kaming matutuwa kapag nangyari yun at sisiguraduhin namin na magpupula kami sa burol at libing mo. Hindi lamang iyon magpaparty pa kami kapag nangyari yun. Huwag ka ngang magdrama. Nakakadiri ka! Tingnan mo nga yang pananamit mo cheap rin katulad mo. Hindi ko talaga alam kung anong nakita ng mga kaibigan mo sayo? Sapagkat nandyan sila sa tabi mo sa mahabang panahon. They are a living legend! Kailangan ko na yatang magtayo ng rebulto nila dahil sa kanilang kabayanihan para sa iyo. Pasalamat ka sa kanila sa pagtatanggol nila sa iyo. " anas ni mommy at ngumiti ng mapang-asar. What is the most heart breaking moment for a daughter? I think it is her parents wishing for her death in front of your presence. It's painful to hear from them that they will be happy when I'm gone. I'm so thankful that I'm sick so I can grant their wish. Coz I know and I can feel it that my body can't take it anymore.
Sumasakit na ulo ko sa kakaiyak hanggang bumagsak ang aking katawan sa sahig ngunit bago ako mawalan ng ulirat narinig ko pang nagsalita si Gavin.
" Sana hindi dumating sa point na makita niyo yung halaga niya kung kailan na huli na ang lahat."
Then everything went black.