Chereads / Project Genesis (Remastered Edition) / Chapter 40 - CHAPTER 38: Moments Later

Chapter 40 - CHAPTER 38: Moments Later

CHAPTER 38: Moments Later

BLAIR WADSON

Hindi ko na maramdaman ang sakit sa paa ko kahit na alam kong kanina pa kami naglalakad ni Maru. I felt numb inside. I walked as if I was in a trance. Gusto kong may magsabing panaginip lang ang lahat ng ito. O kahit ano. Hindi ko alam kung makakaya ko pa kung magpapatuloy itong sakit. I let him carry my weight. Nakapulupot pa rin ang braso niya sa balikat ko.

I was glad he's here with me.

Ganoon pa rin ang paligid—tahimik. It's not peacefully quiet for me. Bumabalik muli sa akin ang lahat ng alaala. Lahat… At parang may milyon-milyong patalim ang tumutusok sa puso ko. Tumigil ako sa paglalakad at tumingin sa langit. They say that if everything wasn't going according to plan, all you had to do was ask him—God.

Why is this happening to us? I wanted to scream. Why do you have to take two of my classmates? Bakit hindi na lang ako?

Gusto kong sumigaw nang napakalakas. Maybe then I would be able to let out this pain I was feeling. I've already watched two of my friends die before me and then just a moment ago, I saw two of my classmates got killed by a creature. It was a numbing pain. It was a different kind of pain. Iyong klase ng sakit na nanatili sa kailaliman ng pagkatao mo. Unti-unting iyong minamarka roon para manatili. A walking reminder.

"Blair," ani Maru.

Bumaling ako sa kanya. His one arm was still protectively around my shoulders, like I was some fragile thing that could break easily.

I am weak. A fucking weakling.

Mabilis akong napalingon sa likuran ko nang may marinig akong kaluskos ng mga dahon. Kahit na may bahagyang ulan pa rin, malinaw na nakikita ko ang mga puno. And then a figure—no—a group of figures slowly emerged through the rain.

Nahigit ko ang hininga ko nang mapagtanto kung sino sila. I felt someone grab me by my shoulder. We stood there, uprooted to the spot. Masyadong mabilis ang pangyayari kaya wala kaming nagawa. The next thing we knew, nasa harapan na namin sila.

Unti-unting sumisikip ang dibdib ko kaya nahihirapan akong huminga. Cold fingers crept up my spine. I could feel every vein in my body, throbbing painfully.

Tila ba napako kaming dalawa sa kinatatayuan namin at walang nagtangkang tumakbo o magsalita man lang. Tinitigan ko ang kanilang mukha—they're all wearing the same cat-like masks. It was horrifying. Marahang humahampas ang kanilang itim na roba sa panaka-nakang ihip ng hangin.

I could almost see their eyes under the masks they were all wearing. Are they some kind of cult? Mas matangkad pa sila kay Maru—they seemed inhuman to me just like what Liam and Simon told me earlier. Nakatitig lang din sila sa amin. There were five of them, slowly encircling us, blocking every way so that we wouldn't be able to outrun them.

Looking at them up close now, I realized how did Celaena feel when she watched them walking towards her. Like a blanket, fear engulfed my system. Nanginginig ang buong katawan ko sa takot. Our doom was standing in front of us. We are seconds away from our death.

Iniharang ni Maru ang kanyang kamay sa harapan ko. Bahagya niya akong itinulak sa kanyang likuran. Tila ba ang mga tuhod ko ay lumambot. Hindi ako makatayo nang tuwid. Mahigpit akong kumapit sa polo niya.

"Get my knife," he whispered to me, his eyes looking at the men encircled around our spot.

Sa nanginginig na mga kamay, sinubukan kong buksan ng walang tunog ang kanyang bag at ipinasok sa loob ang kamay ko. Kinapa ko ang loob niyon, umaasang mararamdaman ko ang matulis na bagay. Luckily, my fingers touched the familiar wooden sharp edge. Ipinulupot ko ang aking mga daliri sa handle niyon. Mamasa-masa pa iyon dahil sa dugo ng nilalang na pinatay namin kani-kanina lang. I slowly took it out of the bag.

Dahan-dahang inilagay ni Maru ang kamay niya sa kanyang likuran. Maingat ko iyong ibinigay sa kanya. Mahigpit niya iyong hinawakan. I returned my gaze at them.

"Stay there," sabi niya, hindi inaalis ang kanyang tingin sa harap.

It was hard to read their expressions because of the mask. Lalong bumibilis ang tibok ng puso ko sa bawat segundong lumilipas. Unti-unti nang nawawala ang sikat ng araw sa paligid. Nagsisimula ng lumubog ang araw.

Alam ko kung ano ang balak na gawin ni Maru—he'd try to fight them. Pero alam kong hindi niya iyon makakayang mag-isa. Not even if I would help him. We already lost our strength when we fought off that monster. Hindi ako sigurado kung makakalaban pa ba kaming muli.

Maru took a step towards them. Hannggang sa lumipas ang sandali, may kinuha sila sa kanilang likuran. Matinis ang tunog niyon. Nang ilagay nila iyon sa kanilang harapan, I realized it was a sword.

"Shit," he cursed under his breath. Napalingon ako sa kamay niya. I could see the visible veins appearing on his hand because of how tightly he was holding the wooden knife.

Wala kaming laban sa kanila. That I perfectly know…

Mabilis na kumilos si Maru. Gumulong siya palapit sa isa sa mga nilalang, nagawa niyang iwasan ang pag-hampas ng espada sa ere. Mariin niyang ibinaon ang patalim sa dibdib nito. Blood oozed from it.

Hindi ko inaasahan ang sumunod na nangyari. Nahirapan si Maru na hugutin ang patalim sa dibdib ng isa sa mga nilalang. Lumipas ang ilang segundo at gumalaw ang ibang kasamahan nila. Pinaulanan nila ng hiwa si Maru sa likuran nito.

"Maru!" mabilis kong tinanggal ang bag sa likuran ko. Naghanap ang mga mata ko ng bagay na maaaring gawing sandata. Then I saw it. Isang malaking bato na makakaya kong buhatin. Kinuha ko iyon mula sa lupa at inihampas iyon sa nilalang na una kong nakita. I ran towards Maru. One of them was about to inject him with something but I was quick to throw him off his feet. Bumagsak siya sa lupa.

But someone pushed me hard away from Maru, throwing me off balance. Naramdaman ko ang pag-hiwa ng espada sa balikat ko. Mariin akong napapikit sa sakit.

Before I know it, I saw blood trickling down his back. Kinuha kong muli ang bato at inihampas iyon sa nilalang na papalapit sa akin. Bumagsak siya sa lupa. I grabbed the chance. Pumatong ako sa kanya. I heard Maru's groans and the sounds of steel against steel.

Mahigpit kong hinawakan ang bato. With such force, ibinagsak ko iyon sa kanyang ulo. His mask started to break as I continuously smash it with rock. Unti-unti iyong nabarag at nabahiran ng kulay ng pula ang puti niyon.

Nakailang ulit ko iyon ginawa. Naramdaman ko ang pagtalsik ng dugo sa mukha ko, pati na rin sa damit ko. I could hear the sound of his head being squashed under me. Pero hindi ako tumigil. The images of Celaena, Simon, Liam, Sir Denver and everyone who died kept on flashing inside my head. Mas lalong namuo ang galit sa aking sistema. I screamed until my throat hurt while beating the rock against the flesh of his head.

Sa bawat pagbagsak ng bato, tumatalsik ang malapot na dugo sa mukha ko. But I didn't care. All I could do right now was to avenge them. Kahit na sa ganitong paraan lang. Hanggang sa hindi ko na maramdaman ang kanyang paghinga.

I was out of breath when I finally squashed the rock for the last time down on his face. Nanginginig ang buong katawan ko. Tumayo ako at nakitang nakahiga na si Maru sa lupa. Nakatutok ang matulis na espada inches away from his skin. Napansin kong nagawang pabagsakin ni Maru ang dalawa sa kanila.

Mabilis akong kumilos. Dinampot ko ang bato mula sa pinagiwanan ko niyon at inihampas iyon sa batok ng nilalang. Pero parang walang nangyari at lumingon lang sa direksyon ko.

I stood frozen there, unable to think. He walked towards me, every step he took, I knew I was seconds away from my death.

I looked at the ground and my eyes found a sword. Nabitawan siguro iyon ng isa sa kanila. I ducked under him and tightly gripped the sword lying on the ground. Sinipa ko siya na nakapagpabagsak sa kanya. But he was quick to get on his feet again.

Ginaya ko ang ginawa ni Maru nang biglang sumugod ito palapit sa akin. I rolled over the ground and quickly stood up. Malakas akong sumigaw nang ibaon ko ang espada sa likuran niya. Hindi pa ako nakuntento at ibinaon ko iyon nang husto.

Lumipas ang ilan pang segundo. I was still holding the sword, its body was penetrated deep into his body. Habol-habol ko ang hininga na binitawan ang sandata. Bumagsak ang katawan niya sa lupa.

I looked behind me. Maru was on his feet again, trying his best to dodge the sword that one of the men in cloaks was throwing at him.

"Die!" I screamed, running towards their direction. Awtomatikong napalingon ang nilalang sa gawi ko. He was quick to dodge my sword. Hindi ko napansin nang madiin niyang sinipa ang tiyan ko. Marahas akong tumalsik sa lupa.

Then I heard a thud. The next thing I knew, may bumagsak na katawan sa tabi ko.

Boses ni Maru ang nagsalita. "W-we did it," nahihirapan siyang magsalita. I turned to look at him. Nakangisi siya habang nakatingin sa langit. Puno ng dugo ang kanyang mukha. "We fucking killed those guys."

Hindi ko mapigilan ang sarili kong matawa sa sinabi niya. He was right—we fucking killed five of them.

Muling naging tahimik ang paligid. Sa mga oras na ito, alam kong kaya kong maging mahina. But I didn't feel so weak anymore. I didn't feel like a prey that was scared of its predators.

I felt like a predator, for the very first time, who just killed five of its preys.