CHAPTER 39: We All Go a Little Mad Sometimes
BLAIR WADSON
Everything was quiet for a moment. Tanging ang marahas na pagbuga ko ng hangin ang maririnig. I could still feel my body trembling from the energy I exerted just a moment ago. Tila ba tuluyan nang naubusan ng lakas ang buo kong katawan. I could feel beads of sweat trickling down my cheeks—or maybe it was blood. I wasn't sure. Nararamdaman ko pa rin ang bato sa kamay ko na para bang bumaon iyon sa aking palad. Alam kong may kaunting sugat doon. Nagkalat ang samyo ng dugo at laman sa atmospera. Gusto kong masuka sa amoy niyon pero hindi ko magawang maikilos ang katawan ko.
Gamit ang likod ng kamay ko, pinunasan ko ang aking pisngi. Bigla kong naalala si Maru. Inalis ko ang ulo ko sa balikat niya at dumako ang tingin sa kanyang tagiliran. Mahigpit niya iyong hawak. Napansin ko na punit-punit na ang polo niyang suot.
Bahagyang nakakunot ang kanyang noo na parang nahihirapan siya pero pinilit niyang ngumiti nang magtama ang tingin namin.
Puno ng dugo ang puti niyang polo. Sa nanginginig na mga kamay, kinuha ko ang kanyang kamay at ipinatong iyon sa aking balikat. Tinulungan ko siyang tumayo.
I turned to him. "I-I'm okay…" aniya na tila ba nabasa niya ang tanong sa isip ko. "L-Let's go."
Wala sa loob na tumango ako. Bago pa kami makapaglakad, sa huling pagkakataon, pinasadahan ko ng tingin ang paligid. There were bodies. Blood. Blood was splattered everywhere.
I realized that both Maru and I could've died. But we managed to survive in spite of being intimidated by their numbers. Nakakaramdam ako ng sakit sa tagiliran ko dahil sa lakas ng pagkakasipa sa akin ng isa sa kanila pero ininda ko ang sakit. Maru needed help right now. I can only imagine how he feels at the moment. Madami siyang hiwa sa iba't ibang parte ng kanyang katawan. But he still managed to walk.
"Maru, thank you," bulong ko. He looked at me for a moment. His eyes were like the ink of a pen. Nagmistulang itim na itim iyon sa ilalim ng sinag ng papalubog na araw.
Gusto ko siyang pasalamatan ng sobra dahil sa ginawa niya. If not for him, my body would have been the one lying lifeless on the ground.
"You don't n-need to thank me, Blair," nahihirapan siyang magsalita. "I didn't know that you had those kind of skills. Ang cool mo tingnan kanina."
I rolled my eyes. Hindi ko napigilang mapangiti. We started walking slowly. Iniingatan ko na siya na hindi matumba. Mayamaya pa ay saglit kaming tumigil at pinahubad ko sa kanya ang polong suot niya. And he did. There were huge cuts on his back. I knew I had to at least stop the bleeding. Napansin kong namumutla na siya. He had lost a lot of blood.
"Don't scream, okay?" sabi ko sa kanya.
Tumango lang siya bilang pagsang-ayon. I took of my shirt. Itinali ko ang kanyang polo at ang shirt ko para humaba iyon at mas lumapad saka ko iyon pinulupot sa kanyang katawan. Nang lumapat iyon sa mga sariwang dugat sa kanyang likod, napaungol si Maru sa sakit. He hissed as he stifled a scream. I had to do that to at least stop his wounds from bleeding.
Then we continued walking. I didn't know how many hours had passed. Kinailangan naming tumigil ng sandaling oras dahil natatakot ako na baka mawalan ng malay si Maru bago pa man kami makabalik sa abandonadong hotel—ang temporary shelter namin. Paminsan-minsan ay tinatapik ko siya sa pisngi para manatili siyang gising. I didn't want him to lose his consciousness. Hindi ko alam ang gagawin ko kung sakaling mawalan siya ng malay.
Naaawa ako sa kanya. Paano niya nagagawang ngumiti pa rin sa kabila ng dami ng sugat na tinamo niya? He told he secretly left petals of flower on the path we'd taken. Para magsilbing guide daw pabalik sa gusali. At totoo nga ang sinabi niya. May nakikini-kinita akong mga petal ng kulay dilaw na bulaklak at iyon ang sinundan naming daan.
"Maru," untag ko. He only groaned as a response that he's listening. "What do you think would have happened if we didn't get into an accident?"
He scoffed. "We'll be back to our normal and boring lives," aniya sa nahihirapang tono ng boses. "You know… I'm actually quite glad this happened to us."
Napatigil ako sa paglalakad at napabaling sa kanya. "Is there something on my face?" nagtatakang tanong niya sa 'kin.
"Why would say that? Na masaya ka dahil nangyari ito sa 'tin?"
Pinasadahan niya ng tingin ang mukha ko ng ilang minuto bago sumagot. "Kasi mas naging close tayo."
Naramdaman ko ang pamumula ng pisngi ko. "Shut up, Alegria," sabi ko na lang t nagpatuloy na sa paglalakad. Hindi ko alam kung tumatawa ba siya o humihiyaw sa sakit.
Ilang oras na siguro ang lumipas nang magsimula ulit kaming maglakad dahil bahagya ko nang nakikita ang pamilyar na estraktura ng gusali mula sa puwesto namin. Halos kaladkarin ko na ang nawawalan na ng malay na si Maru palapit sa pinto ng gusali. Nakailang katok muna kami sa pinto bago iyon buksan. Si Evangelyn ang bumungad sa amin.
"What happened?" she asked, her eyes wide in horror. Instead of answering her question, I walked past her and helped Maru to the nearest sofa. Sumunod si Evangelyn. Nang tuluyan niyang makita ang sugat sa tagiliran ni Jem, napasinghap siya. "God, I have to call Kaleon."
At tumakbo siya palabas ng pinto.
"Maru?" lumapit ako sa sofa niya. I touched his forehead to check if his temperature was still close to normal.
"I-I'm okay, Blair," aniya na nagawa pang ngumiti sa kabila ng iniinda niyang sakit.
Narinig kong bumukas ang front door. Mabilis na lumapit sina Jem at ang iba pa niyang kasama—including Kaleon. Hinubad niya ang gloves na hawak niya at lumapit kay Maru.
Nang makita ako ni Kaleon na walang blouse, mabilis niya akong binigyan ng towel, to cover up my upper body.
He turned to me. "Malalim ba ang sugat?"
I told him everything—from Liam and Simon's death up to those hooded men. "… and we barely made our way here," pagtatapos ko sa kuwento.
After I told them every bit of what happened back there, Jem shook his head. Napapuyos siya sa inis.
"You shouldn't have gone to get supplies," aniya, sinisisi ang sarili. "Don't move, Maru. Are you okay? Kamusta pakiramdam mo?"
Tumango lang si Maru. "How many times do I have to answer that question?" mahina siyang tumawa. "I'm okay. I just want someone to stitch my wounds right now."
"Okay," tumingin naman si Jem kay Evangelyn. "Can you stitch him up?"
Halatang nagulat siya sa narinig. But I was shocked when she nodded.
Sina Vanessa ang nagdala ng mga medical kit sa tabi ng kama ni Maru. And Evangelyn started to wash up his wound with some kind of liquid. Nag-iwas ako ng tingin at nagdesisyong lumabas muna nang sandali. I've already seen enough blood for today. I'm afraid I'll vomit if I watch them stitch up Maru.
Umupo ako sa bench at tumingin sa kawalan. Tila ba lumilipad ang isip ko. I remembered every bit of detal—how we managed to kill them, to avenge everyone on the bus. At ang pagkamatay nina Liam at Simon. Those were unnecessary deaths.
I felt the sensation of being a predator, but it was long gone now. Wala na iyon sa sistema ko. It was another part of me—the dark side. Kusa iyong lumabas. I felt like I could be a bomb that would just explode when I couldn't take it anymore. Instead, I felt weak… again. Ramdam ko ang pagod sa buo kong katawan.
Narinig kong bumukas ang pinto pero hindi ako lumingon. "Blair," it was Jem, holding a glass of water. Apparently, this building we occupied turned out to be some kind of hotel in the middle of nowhere that had some unused things stored inside it. Ïbinigay niya sa akin ang baso ng tubig. "How are you feeling? May sugat ka ba?"
"I think I'm okay. Thank you sa tubig," saad ko. "Go be with your friend. Gusto kong mapag-isa, Jem."
But he did the opposite. Umupo siya sa tabi ko. I rolled my eyes in annoyance. I stared at the opposite direction. Hindi ito ang tamang oras. Masyado pang mabigat ang loob ko.
"I've seen my grandma died when she was shot by some guy," kuwento niya. I turned to look at him. "Siguro, ganoon nga talaga silang mga mahal natin sa buhay, they won't stay after all. Aalis at aalis pa rin sila no matter what we do to make them stay."
Hindi ako sumagot. Hinayaan ko siyang magsalita. "Kahit ano'ng gawin mo, they'll leave. Kasi gano'n ka-unfair ang buhay. And after they leave you, you will just feel remorse and regret," umiling siya. "But I've been okay, Blair. That's why I believe that you will be okay, too."
And with that, he stood up from his seat and went back inside. But before he stepped back inside, I turned to him. "Thank you, Jem."
Nginitian niya lang ako bago tuluyan nang pumasok sa loob, gently closing the door behind him.
*****
"Blair, kumain ka na. Ilang araw ka nang walang gana, ha," nang magtaas ako ng tingin, naroon si Papa, nakatayo sa harap ko. A worried smile was plastered on his face. "Nag-aalala na kami sa kalagayan mo."
The sound of our TV in the background was comforting enough. Siguro ay na-miss ko lang. I inhalde the scent of our home—it smelled like pancakes. "Ate, eat your breakfast na. Tutulungan mo pa ako sa homework ko," napalingon ako kay Noah na nakangiti din.
"Oo nga, anak. Para malutuan na kita ng baon din," si Mama naman ang nagsalita. She was seated at her usual spot. Bumalik ang tingin ko sa mesa. May nakalapag doon na pancake at syrup sa tabi niyon.
"Enjoy, anak," dagdag pa ni Mama.
"Blair," napalingon ako sa tumawag sa 'kin. "Nakapagluto na sina Vanessa ng makakain. Let's go."
Si Bethany iyon. I followed her down the stairs. Naamoy ko ang amoy ng pancake sa kung saan. "Pancake?" wala sa sariling naitanong ko.
"Yup, mabuti nga't may nahanap si Evangelyn niyon sa bag niya," tugon niya. Nang marating na namin ang bahagi ng first floor na kung saan may lamparang nakalatag sa gitna, everyone was seated in circle. May dalawang bakanteng puwesto na sigurado akong sa amin ni Bethany. They were talking about something—something serious.
Umupo ako sa bakanteng puwesto. Nasa kaliwa ko si Roberto na tango lang ang itinugon sa akin. Tipid na nginitian ko siya.
Nagsasalita si Evangelyn. "One of our classmates died today," malungkot ang ekspresyon ng mukha niya. I stared at her eyes. There was no remorse or truthfulness at all. It's only a façade—to make us all believe that she was really the girl we thought she was.
The thing was, I had already caught a glimpse of who Evangelyn really was. But my classmates still hadn't seen that side of her.
Nasa kanya ang lahat ng atensyon. "Let's hold each other's hands and know that we are in the very holy presence of the Lord," nagsimula na siyang magdasal. Inilahad ni Krys ang kanyang kamay sa sa harap ko.
Bahagya akong umiling. "I'll be right back," mukha namang naintindihan niya ang ibig kong sabihin.
Tumayo ako at nagtungo sa puwesto ni Maru. Wala na siya sa sofa. Inilipat na siya sa kama. Ibinaba siguro nila Jem ang isang kama mula sa unang palapag at inilagay dito. Nakahiga siya roon. Nang makalapit ako sa kanya, hindi pala siya tulog. Nakatingin siya sa kisame.
"Blair," aniya nang makita ako.
Nang subukan niyang tumayo, pinigilan ko siya.
"It's okay. I just wanted to check on you," I said and sat at the chair next to his bed. Pinilit niya pa ring tumayo habang hawak ang kanyang tagiliran. "Okay na ba ang pakiramdam mo?"
Tumango siya. "Slightly. Pero… mukhang may problema sa pagkakatahi sa mga sugat ko," he groaned
Akma na akong tatayo nang bigla niyang itinaas ang kamay sa harap ko. "I-I'm okay, Blair. Don't worry."
"Do you want something?" pag-iiba ko ng usapan.
"Oo. Mahalin ako ng taong mahal ko," napatingin ako sa kanya nang sabihin niya iyon. For a moment, we stared at each other's eyes. Sobrang seryoso ng mukha niya, until he burst out laughing. "I got you there."
Tumawa pa uli siya habang nakahawak pa rin siya sa kanyang tagiliran. Hindi ko napigilan ang sarili kong tumawa. "God, Maru, nakakapag-joke ka pa talaga sa lagay na 'yan."
We were laughing about it when Roberto came to us. May dala siyang dalawang plato sa magkabilang kamay niya. "I thought you said you'll be right back. And I saw you here kaya naisipan kong kuhanan kayong dalawa ng pancake. Enjoy." Nakangiting saad niya at inilapag niya iyon sa table sa gitna. He was about to walk back when I touch his shoulder.
"Thank you," I said, sincerely.
Muli, tango lang isinagot niya sa akin at naglakad na pabalik sa puwesto nila Evangelyn.
*****
The next morning, maaga akong gumising. I decided that I should take a walk—to clear my mind off of things. Kahit na pinagbawalan na ako ni Maru na huwag lumabas dahil hindi pa raw ligtas, kinuha ko ang mapa mula sa bag ni Jem habang mahimbing siyang natutulog at isang kutsilyo—just to be safe. Apparently, Kaleon managed to create a map. Nagawa niyang makabisa ang ilan sa mga ruta ng kagubatan.
Isinukbit ko na ang bag sa braso ko at maingat na lumabas ng building. Wala pang araw sa labas. Pero medyo maliwanag ang langit kaya naman maayos kong nakikita ang paligid.
Sigurado akong tulog pa ang lahat. Para makasigurado, I threw one last glance at my back to check if someone was out here. Nang wala na akong makitang tao, nagsimula na akong maglakad. Pinagamit ako ni Emma ng ilan niyang mga damit—maong shorts at shirt na kulay puti. May kalamigan ang paligid pero hindi ako mapipigilan niyon.
Hindi mawala sa isip ko si Celaena kagabi. Her voice kept on ringing in my ears—the sound of her laugh, it was still the same. It's like she was still there next to me. Only if the accident hadn't happened, everything would still be the same. May best friend pa rin sana ako hanggang ngayon. May makakausap. And Simon and Liam…
Bahagya kong iniling ang ulo ko. "Don't cry, Blair," I told myself.
Huminga ako nang malalim bago kinuha ang mapa sa loob ng bag. Pinakatitigan ko iyon, examining every place, when I saw it. Iyong cottage na tinuluyan namin ng ilang oras nina Evangelyn—kung saan huli kong narinig ang boses ni Celaena.
I was still debating if she's really dead or not—I didn't see her die. Tanging ang katawan niya lang ang narinig kong bumagsak. If she was, I would want a closure. I was hoping to see Brooke last night. Gusto ko siyang kausapin. Pero ayon kay Kaleon, Brooke wanted to be alone. At naintindihan ko iyon. Maybe she needed time kung ano man ang pinoproblema niya.
Hindi ko mapigilan ang sarili kong isipin na baka nasa kung saang parte si Celaena nitong gubat at pinipilit na mabuhay. Tama, pupunta ako roon. Ako mismo ang makakapagpatunay kung totoo ngang… wala na siya.
Part of me was still hoping that she's still alive out there.
Ang nakalagay sa mapa, hindi masyado malayo ang cottage mula rito. Kailangan ko lang makabalik bago pa man tuluyang sumikat ang araw—bago pa man sila magising. Medyo binilisan ko ang paglalakad. Tahimik pa rin ang paligid. At nakapagtatakang walang huni ng mga ibon akong naririnig.
Tumingin ako sa fiftth floor kung saan may mga watchers. But I couldn't see anyone there. Ang daan patungo sa cottage ay ligtas naman. Kinailangan ko pang ilabas at hawakan ang isang kutsilyo kung sakali mang may mangyaring masama.
Nang marating ko na iyon, it was still the same. Except sa nakabukas na pinto. The windows were all broken. Nagkalat ang mga basag na salamin sa labas. I put my hand inside the bag, clutching the handle of another knife. Tumingin ako sa kaliwa at kanan ko, nagmamasid kung may makikita akong kakaiba.
When I was sure that no one's around, mabilis akong nagtungo sa loob ng cabin. Kulang ang salitang gulat nang makitang walang katawan ng tao roon. Inaasahan ko ang katawan ni Celaena, nakahandusay sa malamig na sahig at may kulay lila na ugat sa kanyang leeg kagaya ng nangyari sa iba. But her body was nowhere to be found.
May bakas ng tuyong dugo. Sinubukan kong pumunta sa kuwarto, pero wala rin doon. Bumalik ako sa sala.
Questions swirled in my head. Maaaring dinala ng mga nilalang na iyon ang katawan ni Celaena kaya wala rito. Pero naroon pa rin ang parte ng isip ko na nagsasabing… maaari ding buhay pa siya. That she could be somewhere here in the forest. Bumagsak ako sa sahig. Hindi ko mapigilang umasa. Tears rolled down my cheeks. My chest was tightening. Hope started to spread over me.
Celaena could still be alive…