Chereads / Project Genesis (Remastered Edition) / Chapter 44 - CHAPTER 42: Farewell

Chapter 44 - CHAPTER 42: Farewell

CHAPTER 42: Farewell

BLAIR WADSON

"No… no…" paulit-ulit kong bulong sa hangin. Ginapang ko ang palapag hanggang sa puwesto kung saan tumalon si Brooke. Naramdaman ko ang ilang mga bitak na bato sa palad ko pero ininda ko ang sakit. Mas binilisan ko pa ang pag-gapang ko hanggang sa marating ko iyon. "Brooke?" tawag ko sa kanyang pangalan. But no one replied. Tanging ang ihip lang ng hangin ang sumagot sa akin. Bahagya akong dumungaw at nakita ang isang katawan na nakahandusay sa sementadong daan. Her blonde hair was sprawled around her head. There was a pool of blood under her body. Si Brooke iyon. Ang kaibigan ko.

I let out a groan and then I cried. Noon nagsimulang kumawala ang mga luha ko. "Hindi puwede… hindi, hindi hindi…" I wanted to scream pero hindi ko magawa. Tila ba may biglang bumara sa lalamunan ko. Kakaiba ang sakit na bumalot sa sistema ko. It felt like something had suddenly break inside me. Na parang may piraso ng sarili ko ang nasira at natanggal. I felt hot tears streaming down my cheeks, my insides tightened in pain, and it felt as though someone was squeezing my heart, draining all its blood. Napaupo ako sa magaspang na sahig at mahigpit na niyakap ang tuhod ko. I kept on crying.

Tila ba hindi pa rin rumerehistro sa isip ko na wala na si Brooke. Hindi ko magawang paniwalain ang sarili ko na katawan niya ang nakahandusay sa ibaba ng gusali.

Noon ko narinig ang mga papalapit na yabag. When I looked behind me, Jem was standing a few feet away from me.

"W-wala na siya, J-Jem…. w-wala na s-si Brooke…" paanas na sambit ko.

Lumapit siya sa akin at mahigpit akong niyakap. I hugged him back. I let myself fall into his embrace. I needed someone's warmth right now. Hindi ko makakayang mag-isang harapin ito. I wasn't that strong enough.

I had never felt so alone, so lost... My skin felt so raw. It felt as though I have no skin. And as the winds blew past me, it makes my skin bleed.

Bumalik lahat ng alaala ko kasama si Brooke. Like I was watching it from a third person's perspective. The day I met her. Her laugh, her eyes, the way she smiled, her hair. I remembered every little detail of her. But I couldn't save her. I should have known. Nakausap ko siya kanina. She didn't seem well but why didn't I stay? Bakit ko siya hinayaang mag-isa? She already told me she was dealing with some problems. I should have insisted to stay with her. If I'd only stayed, she wouldn't have jumped off the building. Wala siguro ang katawan niya sa sementadong daan sa ibaba. Nandito pa siguro siya ngayon.

"I-it's my fault, Jem… it's always my fucking fault…"

It all happened in a blink of an eye. Napatigil ako sa pag-iyak. As if my body couldn't take the pain anymore. Bumagsak ang mga kamay ko at napatitig sa kawalan. Suddenly, I felt nothing. Naramdaman ko ang pagpatak ng huling luha sa mga mata ko pero wala na ang pakiramdam ko na kani-kanina lang ay nariyan.

"Blair, it's not your fault. Stop blaming—" napatigil siya sa pagsasalita nang magtama ang mga mata namin. "Blair?"

I stared blankly at Jem as he let go of me. Nanatili lang akong nakatingin sa kanyang mga mata. Bakit biglang nawala ang sakit na nararamdaman ko? As if Brooke's death was nothing to me. Wala akong maramdaman kahit na anong emosyon. But as I stared at Jem's eyes, my mind went blank for a moment. May sinasabi siya pero hindi ko iyon maintindihan. I felt his thumb caressing my wet cheeks. May matinis na tunog na pumailanlang sa paligid. Nakabibingi iyon pero hindi ako nagtakip ng aking mga tainga. Ako lang ba ang nakaririnig niyon? Bakit parang hindi naaapektuhan si Jem na nasa harap ko?

And then everything went back to normal. Naiintindihan ko na ang mga sinasabi ni Jem. "Blair, stay with me! Don't close your eyes!" he shouted.

I removed his hands on my cheeks and stood up. Nadaanan ko si Maru na tinawag ang pangalan ko pero hindi ko siya nilingon. I saw Kaleon running past me, maybe to see if it really was Brooke's body lying on the ground. Si Evangelyn na nagtatakang tiningnan lang ako. But I kept on walking until I reached the stairs. Tinahak ko ang hagdan pababa hanggang sa marating ko ang silid ko. O ang sa tingin ko ay silid ko. Hindi na ako sigurado kung nasa tamang pag-iisip pa rin baa ko o parte na lang ito ng imahinasyon ko. Pinihit ko pabukas ang metal na seradura at pumasok doon. I closed the door behind me. Inihiga ko ang katawa ko sa kama.

For a few moments, all I could hear was the sound of my heartbeat, pounding in my chest.

I was inside our house. Kabababa ko lang ng hagdan nang makita ko si Mama sa kusina. I could hear the water running from the sink. Mukhang may niluluto siya dahil nangangamoy sunog na ang kusina at may usok na ring kumakalat mula roon. But as I looked at her, she was just sitting there, staring outside the window. Probably lost in her thoughts. Pero may kakaiba sa paraan ng kanyang pagtingin sa labas. Na para bang hindi siya ang Mama ko na nag-aruga sa akin simula pagkabata. Sobrang payat na ng kanyang katawan, humpak ang kanyang pisngi at nangingitim ang ilalim ng mata. It had been a week after my father died. But she was her normal self just yesterday. Bakit bigla siyang nagbago?

"'Ma, 'yong niluluto mo po," pagtawag ko sa pansin niya. But she acted as if she didn't hear me. Nanatili pa rin siyang nakatitig sa labas. Pumasok ako sa kusina at unang pinatay ang gripo sa lababo. Sunod kong pinatay ay ang kalan. Nagpi-prito siya ng itlog pero kulay itim na ang nakalagay sa kawali at amoy sunog na rin. Inilagay ko iyon sa lababo at muling pinaagos ang tubig saka iyon pinatay.

I sat next to her. Hinawakan ko ang isa niyang kamay na nakapatong sa mesa. "'Ma, okay lang po ba kayo?"

Noon siya bumaling sa 'kin. Pero hindi siya nagsalita. She just stared blankly at me. Like she didn't even recognize me. Ang una ay akala ko nagbibiro lang siya. But as the days passed by, she became like that. Na para siyang isang multong naglalakad lang. She rarely ate. She rarely left her room. Palagi siya roong nagkukulong. And I hated her for that. For leaving me with Noah to take care of. Kailangan namin ng Nanay noong mga panahong iyon. But she left us as if we weren't anything to her.

Ipinaliwanag sa akin ni Tita nang tumawag ako sa kanya para iimporma ang estado ni Mama. Agad naman siyang pumunta sa bahay at siya ang nag-alaga sa amin from that point onwards. She explained to me that some people do that when they were feeling an extreme amount of pain. They shut everything down. Kasi iyon lang daw ang nakikita nilang paraan para hindi maramdaman ang sakit. Sa kalagayan ni Mama, gusto niyang kalimutan ang sakit ng pagkamatay ni Papa. That was she shut her emotions off. Ayaw niyang makaramdam ng kahit ano. Sinabi pa ni Tita na intindihin ko na lang daw si Mama. Babalik din naman daw siya sa amin in no time.

And she did. After a month, bumalik na nga si Mama. She cried for almost a week and then after that, she tried her best to make it up for us. And then Tita Mircella left after that.

Maaaring iyon ang nangyayari sa akin ngayon. I wanted the pain to be gone because I didn't want to feel it. Ayokong maramdaman ang ganoong klase ng sakit. Ngayon ay naiintindihan ko na ang naramdaman ni Mama ng mawala si Papa sa amin. Her body couldn't handle the pain so she shut everything off, and us along with it. Bumabalik sa isip ko ang lahat. Ang pagkamatay ni Sabrina, Celaena, Simon, Liam… at ang kay Brooke. Ang mga memorya ko sa Ellis High kasama sila. Pero wala akong maramdaman na sakit. I just remembered them. They only exists in my memory now.

I heard voices outside my room.

"… come on, man. Just give her time to mourn her friend," boses iyon ni Jem.

"Gusto ko lang siyang makita," ani Maru.

Sunod kong narinig ay ang mahinang paghampas ng bagay sa pader sa labas. "Just go, Maru. Ako na ang bahala rito."

And then someone's retreating footsteps echoed outside.