Chereads / Project Genesis (Remastered Edition) / Chapter 45 - CHAPTER 43: The Hardest Part

Chapter 45 - CHAPTER 43: The Hardest Part

CHAPTER 43: The Hardest Part

BLAIR WADSON

Minutes felt like hours and hours felt like days. I lost track of time. Hindi ako nakaramdam ng gutom. Hindi ako nakaramdam ng pagkauhaw. I suddenly wondered how long was I in my room? I have no idea. Hindi ko rin alam kung ano na ang nangyayari sa labas. All I could hear was their footsteps and some muffled voices. Para akong nakakulong sa sarili kong mundo—madilim na kawalan. Sometimes, every time I closed my eyes, I would find myself falling into nothingness. Patuloy ako sa pagkahulog sa walang katapusang kawalan sa napakahabang oras. Noon ako muling nakaramdam. Takot. Iyon ang una kong naramdaman. Bumalot iyon sa sistema ko kaya naman nagagawa kong dumilat. And after a second, I was back in this old, dusty room. Nananatili pa rin ang samyo ng lumang libro sa loob ng silid ko, binibigyang ng bahagyang kaginhawaan ang pakiramdam ko.

Blair, tumayo ka na. You've been in here for a long time, sabi ng boses sa likod ng isip ko. And slowly the voice turned into Brooke's voice. Come back, Blair.

I did as the voice told me to do so. I forced myself into a sitting position. Naramdaman ko ang pananakit ng mga buto ko kaya inunat-unat ko muna iyon saka tumayo. Mataas ang sikat ng araw na nanggagaling sa labas ng bintana. Umaga na pala, hindi ko napansin. Muntik ko nang masipa ang mga prutas na nakalagay sa gilid ng pinto. Sigurado akong si Jem ang nagdala nito. I knew he'd been opening my door a couple of times, probably to check up on me and to give me some foods. But he didn't talk to me. He respected my private space and he knew that I needed some time. Kinuha ko ang mansanas at umupong muli sa kama. I stared at it for a moment, admiring its beauty. Ilang araw na kaya itong nasa gilid lang ng pinto? I took a bite pero hindi ko malasahan ang mansanas.

Nilunok ko ang isang kagat at inilagay iyon sa maliit na mesa sa tabi ng kama ko. Huminga ako nang malalim pagkatapos ay inihanda ang sarili ko sa paglabas ng pinto. Tama, hindi ito ang gugustuhin ni Celaena at Brooke para sa akin. They would want me to move on and to live my life for them. Hindi nila gugustuhin na magsayang ako ng oras sa pag-iyak at sa pagkulong sa kuwarto. Which was exactly what I did. I could imagine the reaction on their faces if they were here to see me. I pulled my hair into a ponytail, kagaya ng madalas na ginagawa ni Brooke sa kanyang buhok. I wanted to cry but no single tear escaped from my eyes. Baka naubos ko na ang luha ko sa kaiiyak ng mga nagdaang gabi.

"To be continued," were Brooke's last words. I promised myself that I will not forget that. I will not forget her voice, her face, her smile and everything about her that makes her Brooke Esguerra. Ganoon din kay Celaena. Paano nga ba nagpapatuloy sa pamumuhay ang taong namatayan ng dalawang kaibigan? Magpapatuloy na lang ba siya na parang walang nangyari o magpapatuloy siya habang inaaalala pa rin ang mga mahahalagang tao sa buhay niya na namayapa na? I guess it will be the second one.

"I will try, Brooke, Celaena," bulong ko sa sarili ko.

Hinawakan ko ang seradura at naramdaman ang lamig niyon. Nanatili lang ako sa ganoong posisyon ng ilang minuto bago ko iyon pinihit pabukas. Bumungad sa akin ang katahimikan. Maliwanag ang pasilyo dala ng sikat ng araw sa labas. Naramdaman ko ang banayad na init na hatid niyon sa aking balat. I had to squint my eyes a few times to adjust my vision.

"Blair," anang boses sa likod ko.

Paglingon ko, nakita ko si Jem na nakaupo sa hamba ng pinto. Tumayo siya at tila gulat na gulat na makita akong nasa labas. Agad niyang ipinulupot ang kanyang mga kamay sa leeg ko at mahigpit akong niyakap. And then he finally let go of me after a minute. "Gutom ka ba? Do you want to go downstairs?"

Mas lalong tumingkad ang pagka-asul ng mata niya sa ilalim ng sinag ng araw. He looked like an art. Sa halip na sagutin ko ang katanungan niya, tinanong ko sa kanya ang unang pumasok sa isip ko. "Nasaan ang katawan ni Brooke?" I asked him.

Napalunok siya at nagbaba ng tingin. "Uh, M-Maru and the others are preparing a small burial for her… For Brooke," aniya at muling tumingin sa mga mata ko. "Magdamag na naghukay si Kaleon ng paglilibingan ni Brooke."

"How is he? Kaleon?"

"He's not doing well. Nagpumilit siya na gusto niyang siya ang maghuhukay at hindi niya raw kailangan ng tulong namin," pahayag ni Jem. "He hadn't been sleeping ever since she… died."

Maliit akong tumango sa kanya. "Ilanga raw na ba ang lumipas?"

Nagtatakang tiningnan niya ako ng ilang segundo bago siya sumagot. "D-dalawang araw," sabi niya.

I looked outside. Dalawang araw na pala akong nasa loob ng silid ko. May kakaiba ngayong araw. I could hear birds chirping outside.

"Take me there, Jem," sabi ko sa kanya.

Tumango lang siya at iginiya ako pababa ng pasilyo. Nang marating namin ang unang palapag, natuon ang atensyon ng mga kaklase ko sa akin. If this was one of my normal days, I would get uncomfortable by the way they're all looking at me. Pero hindi ito ang isa sa mga normal kong araw. This was a different one. I went down here to say my final goodbye to one of my friends. May kalungkutan at awa sa mga mata nila nang madaanan ko sila isa-isa. Some spoke to me but I wasn't in the mood to really talk to any of them. Gusto kong makita si Brooke bago siya tuluyang ilagay sa ilalim ng lupa.

Tuluyan na kaming nakalabas ng gusali. Bumungad sa akin ang isang tila gawa sa kahoy na kama. Pero hindi maayos ang pagkakagawa niyon at halatang minadali lang ang pagkakagawa. But it looked decent enough. Naroon ang katawan ni Brooke. Her body was surrounded by different kinds of flower—purple, yellow, red, white, orange. Saglit akong nanatili lang na nakatayo ilang hakbang ang layo sa kanya. I felt scared all of a sudden. Hindi ko alam kung tama ba itong gagawin ko. I was too scared to see her again. Natatakot ako na baka mabahiran ng iba ang imahe niya sa utak ko. I wanted to preserve the image I have of her in my mind.

"Sasamahan kita," ani Jem sa tabi ko.

I felt him hold my hand, and together, we walked towards the wooden bed. Noon ko naramdaman ang paisa-isang bagsak ng luha pababa sa pisngi ko. Hanggang sa tuloy-tuloy na iyong bumagsak. Napakapit ako sa gilid ng kama nang tuluyan ko nang makita si Brooke. Her face was the same even though I could clearly see her cleaned wound. But she looked the same. Nakalugay na ang blonde niyang buhok. Her body was not twisted anymore the last time I saw her. I was quite thankful for the person who did it. That person tried her best to make her look the same—beautiful, serene and still full of joy. Pero wala na ang kasiyahan sa kanyang mukha. Instead, her eyes were firmly closed, her hands clasped together in her chest and her skin was pale white. Bigla ay parang mas lumiit siya kagaya noong huli ko siyang makita. She seemed fragile, like a glass vase that could easily break.

I wanted to say sorry to her, to tell her my goodbye. But I couldn't bring my mouth to say the words. Walang tamang salita na maapuhap ang isip ko para makapagpaalam kay Brooke. I didn't want to say goodbye to her. Not yet. Pati rin kay Celaena. Hindi pa ako handa. Natatakot ako na baka kapag nagpaalam na ako sa kanila, tuluyan na akong masisiraan ng bait. I'm scared that I will lose my touch of reality. My family and the both of them—Brooke and Celaena—are the only ones that keeps me going. That keeps me from losing my sanity.

But I know I have to let them go. Maybe what my father used to say to me was true—that the hardest thing to do is letting someone you dearly loved go. But it's not because you want to but because you have to.

Marahan kong hinaplos ang kamay ni Brooke. Her skin felt cold against mine. Wala na ang init niya.

"I-I…" I began, my voice cracked. Pinilit ko ang sarili kong ngumiti habang nakatingin sa kanya. "I-I wish I would have stayed with you that day, Brooke. Maybe that would have made a d-difference. I-I'm… I'm so s-sorry…"

The pain crept up to me like a poison, staining my insides and tightening my throat. Gusto kong sumigaw nang napakalakas pero pinigilan ko ang sarili ko. Naramdaman ko ang paisa-isang patak ng tubig mula sa langit. Until it started to rain. Someone removed my grip from Brooke's hand. The next thing I knew, she was being taken in the woods. Nawalan ako ng balanse pero may umalalay pa rin sa akin, pilit akong pinapanatiling nakatayo. I cried hard. Bumalik ang sakit na naramdaman ko sa mga nakalipas na araw. The pain I was trying so hard not to feel. Parang milyon-milyong mga patalim ang bumaon sa dibdib ko habang pinanonood sila Kaleon na binubuhat ang katawan ni Brooke papasok sa gubat. All I could do was watch them until their figures were obscured by the pouring rain.

"Come back…" I whispered.

And I realized na baka mali si Papa. That maybe the hardest part of losing someone isn't having to let them go. But rather imagining your life without them, trying your best to fill that void and the emptiness they left you with, while watching them go.