CHAPTER 44: Safe Haven
BLAIR WADSON
Tahanan. Isang lugar kung saan ka makakaramdam ng kaligtasan, kung saan naroon ang mga taong nagmamahal sa 'yo at minamahal mo, at ang lugar kung saan ka makakahinga ng maluwag. Is this home? Itong lugar na kinaroroonan ko—namin? Itong gusaling bitak-bitak na ito? Sa tingin ko ay hindi. Dahil kung tahanan ang tawag dito, dapat ay nakakaramdam ako ngayon ng kaligtasan, dapat nandito ang mga taong minamahal ko at nagmamahal sa 'kin at dapat ay nakakahinga ako ng maluwag ngayon habang nakahiga sa maalikabok na kamang ito. I shouldn't have been crying for the past couple of hours. Parang ngayon lang rumehistro sa utak ko na wala na si Brooke. Wala na si Celaena. Ang dalawang taong tinuring kong matalik kong kaibigan. Wala na sila. I am all alone here. May kaibigan ba ako rito? Mga kaklase, oo meron. Pero kaibigan, hindi ako sigurado. Yes, we had been classmates ever since we were all freshmen but that doesn't make us friends.
Hinayaan kong maramdaman ng sarili ko ang sakit. I let it run through my veins because only then will I be able to let them go or so I keep telling myself. I feel so raw, so naked even with these clothes covering my skin. Tila ba ang nakaraang dalawang araw na pagmumukmok ko rito ay walang kuwenta. Ngayon pa lang rumerehistro ang lahat. They're both gone. And they're not coming back. Hindi ko na sila makikitang muli. But why do I keep hoping na baka mayamaya lang ay kakatok si Brooke sa kuwarto ko at susunod si Celaena sa pagpasok? They only exist in my memory now. And my mind went back to the last normal day of our lives. Wala akong kaide-ideya na iyon na pala ang magiging huling normal na araw ng mga buhay namin. That was the day we went to the cliff and just talked about life. I missed that. I fucking missed them already. And that was the last the three of us were together.
Iba talaga ang sakit kapag minahal mo ng sobra ang isang tao and when they leave you, you will be left with nothing. 'Yong mga ginawa ninyong memories together, they'll just stay that way—memories. Ang hirap isipin kung darating ba ang araw na tuluyan ko na silang mabibitawan at makaka-move on na ako sa aking buhay. I don't think that day will ever come. Gagawin ko ang lahat para hindi sila makalimutan ng lahat. I won't let that happen. I will never forget about Celaena and Brooke. Mananatili sila rito sa puso ko. And I know they're now watching over me wherever they are.
Ang boses ni Maru na nanggagaling sa labas ng silid ko ang nagpabalik sa 'kin sa kasalukuyan. Nang magtaas ako ng tingin sa labas ng bintana, hapon na. Kulay kahel na ang nakapinta sa kalangitan. I could see silhouettes of flying birds in the sky, chasing one another. Nakikita ko rin ang mga itaas ng puno. What a view, I thought to myself. Siguro kung hindi ako ganito kalungkot ngayon, I would appreciate this utterly beautiful view.
"Let me in, man. Hindi ko kailangan ng permission mo," maangas na sabi ni Maru. "If you really are a friend of hers, pipilitin mo siyang kumain. Ilang araw na 'yang hindi kumakain! She'll fucking die kapag nagpatuloy pa siya sa ganyan!"
Napakislot ako sa lakas ng boses ni Maru. Boses ni Jem ang sumagot. "Wala kang dapat ipag-alala, Maru. Hinahatiran ko siya ng pagkain every—"
Maru quickly cuts him off. "And she's eating it?" Hindi sumagot si Jem. Maru continued. "You see what I mean? You're letting her kill herself as well."
Tumayo ako mula sa kama at lumabas. Pinihit ko pabukas ang pinto. "Why do you care, Maru? At ikaw Jem, bakit ka pa rin nandito?"
Tila nagulat sila nang makita akong lumabas. Hawak ni Maru ang kuwelyo ng pantaas na damit ni Jem. Nang hindi sila sumagot, nagpatuloy ako. "I can take care of myself. Hindi ko kayo kailangan."
I walked past them. Gusto kong makalanghap ng sariwang hangin. I was about to head upstairs when Jem spoke. "Blair! Saan ka pupunta?"
"Don't worry. I won't kill myself," sabi ko nang hindi siya nililingon. I continued walking up the stairs. Nanginginig ang mga tuhod ko sa hindi ko malamang dahilan. Sa gutom? Wala akong gana kumain. Sa pagod? Buong araw lang akong nakahiga sa kuwarto. Ipinilig ko ang ulo ko at umakyat hanggang sa fifth floor. It was still the same the last time I was here. Ano pa ba ang inaasahan ko? Rubbles were scattered all over the floor. Ngayon ko lang napansin na napakalaki pala ng mga bitak sa palapag na ito. But it still managed to stand upright. How long had this building stood here in the middle of this vast forest? Parang napakatagal na.
Nang bumaling ang tingin ko sa aking harap, muli kong naalala ang gabing nakita ko si Brooke dito. The pain still remained deep inside me. Ang imahe niya na nakatayo sa precipice ng palapag na ito ay sariwa pa sa aking isip. Like it had just been an hour ago. But who was I kidding? It had already been days since she jumped off from this building. Kanina ay inilibing na ang katawan niya. At ang katawan ni Celaena ay hindi ko natagpuan sa cabin, kung saan huli ko siyang nakita. A part of me wanted to see her body lying there so that I could give her a proper burial. Pero ang isang parte ko ay patuloy pa ring umaasa na hindi ko iyon makikita sa cabin dahil baka nagawa niyang lumaban at makatakbo. Kasi kung wala ang katawan doon ni Celaena, dalawa lang ang ibig sabihin niyon—either she was able to get out of there alive or they took her body. Pero bakit naman nila kukunin ang katawan ni Celaena?
Ang boses ni Sabrina ang sumagot sa katanungang nasa isip ko. It's all for that agenda, Blair. The new world order… her voice echoed in my head.
Is it possible that those hooded men who are after us, are doing it all for the New World Order? What am I even thinking? Bakit ko ito iniisip ngayon? Mabilis ko iyong pinalis sa isip ko.
Huminga ako nang malalim at nagtungo sa precipice ng palapag kung saan eksaktong tumayo si Brooke. When I looked down, her footprints were no longer there. Natabunan na iyon ng pulbos ng mga batong nagkalat. I took another step and decided to sit there. Inilaylay ko ang dalawa kong paa sa hangganan ng palapag. Napakataas ng height mula rito hanggang sa unang palapag. Ano kaya ang iniisip ni Brooke ng mga oras na iyon? Why did she suddenly decided to jump off from here?
To be continued… her sweet and familiar voice resonated in my head. Sinabi niya iyon na parang magkikita pa kaming muli. Maybe she was referring to the other side, who would know, right? Nagpakawala ako ng isang malalim na buntong-hininga at pinagmasdan ang papalubog ng araw sa kanluran. I watched as the sun fall behind the horizon gradually painting the sky in the shades of red and orange. Bahagyang gumaan ang aking pakiramdam sa pagtitig sa papalubog na araw.
Kumusta na kaya si Mama at Noah sa isla ng Ellis? Naihiling ko na sana ay ayos lang silang dalawa sa bahay namin. If I could call them right now, I would tell them that I'm alright here, na wala silang dapat na ipag-alala. Dahil sigurado akong nag-aalala na si Mama roon. Ilang araw na ba kaming nananatili rito sa gusaling ito, dito sa gitna ng kagubatan? Wala na akong ideya. Hindi naging importante para sa akin ang pagbilang ng paglipas ng mga araw. Pero ngayong nasa labas na ako at pinanonood ang pagbabago ng kalangitan sa mismong itaas ko, naitanong ko sa sarili ko kung ano ang hatid ng kinabukasan para sa 'kin? Isang bloke na naman ba ng sakit? Isang bloke na naman ba ng mga masasakit na alaala?
Celaena and Brooke wouldn't have wanted this for me. Baka siguro kung nandito sila ngayon, sasampalin nila ako hanggang sa magising ako sa katotohanan na may tumutugis pa rin sa amin. Na hindi ako ligtas sa pansamantalang kanlungan naming ito. Na hindi kami ligtas dito. Dumaan na ang maraming araw pero hindi pa rin kami natutunton ng mga hooded men. Pero hindi ibig sabihin niyon ay puwede na kaming makampante. There is no place we can call safe anymore. Walang garantiya ng kaligtasan dito sa isang lugar na hindi pamilyar sa amin—isang estrangherong lugar, kumbaga. We are all still fighting to stay alive.
May tumikhim sa likod ko na nakapagpabalik sa akin sa kasalukuyan. Napabalikwas ako ng lingon at nakitang si Maru iyon. Hindi siya tumingin sa gawi ko at umupo lang sa tabi ko. Nagtataka man ay nag-iwas ako ng tingin sa kanya at ibinaling ang tingin ko sa mga punong nakapalibot sa gusali. May hangganan bai tong kagubatang ito? Napakalawak nito na hindi ko matanaw ang dulo, kung meron man.
"Sorry," mayamaya ay sabi ni Maru. Muli akong napalingon sa gawi niya. Naging kulay ng nagbabagang abo ang kanyang mga mata dahil sa sikat ng papalubog na araw. His hair was a bit longer but it was still slicked back the way he usually did. "Sa mga sinabi ko kanina kay Jem. Dala lang siguro 'yon ng pag-aalala. I didn't mean any of it."
"Which part?" tanong ko.
This time, he turned his head to me. "The part where I told him na hinahayaan ka niyang patayin ang sarili mo. Hindi mahina ang tingin ko sa 'yo, Blair. I just want to let you know that. I know that you're a strong girl and you'll get through this."
Marahas akong napabuga ng hangin sa sinabi niya. I'm a strong girl? Gusto kong matawa roon. Kung malakas akong babae, I wouldn't have been crying inside that room for how many days.
"You know, there is a saying na it's safe to tell your secrets to a stranger," aniya.
Napakunot ang noo ko roon. "But you're not a stranger."
Ngumisi siya. "Imagine-in mo na lang na stranger ako. Na hindi mo ako naging kaklase. I will listen, Blair. Hindi ako magko-comment."
Saglit ko iyong pinag-isipan. Kaya ko sigurong subukan na sabihin sa kanya ang isang sikretong tinatago ko simula nang makarating ako dito—ang pag-iwan ko kay Celaena. That secret had been eating me ever since it happened. Pinakatitigan ko si Maru nang ilang sandali. Here's a guy who I rarely talked to in our classroom back at Ellis, pero ngayon ay nakaupo na sa tabi ko at handing makinig sa lahat ng sasabihin ko sa kanya. Ito ba ang nagagawa ng sitawasyon kung saan hindi kami ligtas—ang paglapitin ang mga taong hindi gaano nag-uusap?
Naghihintay lang siya sa sasabihin ko habang nakatitig pabalik sa akin. "It's okay if you don't want to," aniya at ibinalik ang tingin sa langit.
"I did something bad to someone I really loved," pagsisimula ako at ibinaling na din ang tingin sa langit. I forced myself to think of him as a stranger beside me, kagaya ng sinabi niya. Maybe this will help me or maybe not. There's only one way to find out. "She's a friend. Bago pa ako makarating dito kasama sina Jem at Kaleon, I was with Celaena and Evangelyn first. And we spent hours in that cabin. Then that same night, the hooded men found us," pagkukuwento ko. Saglit akong tumigil, pilit pinapakalma ang sarili ko at ang mga luhang nagbabadyang bumagsak. This was the part where it got dark. "I-I…" pagpapatuloy ko pero tuluyan nang bumagsak ang mga luha pababa sa aking pisngi bago ko pa man mapigilan ang sarili ko. I cried hard, feeling the hard thrum of my heart inside my chest. Bigla ay sumikip ang dibdib ko at nahihirapan akong huminga. Tila ba bumalik ako roon sa gabing iyon at nasa loob ako ulit ng cabin, nakaupo sa sahig at nakatingin kay Celaena. Run! Blair, fucking run! her voice repeated the words she told me that night. Pamilyar na ang takot na bumalot sa sistema ko. Natagpuan ko na lang ang bibig ko na nagsasalita. "I-I tried to… save her—Celaena. But, but I didn't. It was my fault she died. And after that, I ran. To save myself. I'm fucking selfish, right? Saving my ass after seeing my friend got killed. I could have saved her, Maru," marahas kong pinalis ang luhang patuloy sa pagbagsak mula sa mga mata ko. "I could have saved her! But I chose myself… I fucking… chose myself…"
I wanted to scream right this moment. But I know I couldn't. It wasn't safe. They could hear us.
Natigil ako sa pag-iyak nang biglang magsalita si Maru sa tabi ko. "Puwede ba akong lumapit?" I turned to face him. Hindi ako sigurado kung umiiyak din ba siya dahil pinapalabo ng mga luha ko ang aking paningin. He had this pained expression written on his face. "Y-you can cry on my shoulder. It's free and I won't bite, don't worry."
Pilit niya akong nginitian. I was shocked when I heard myself laughing softly at what he just said. Hindi ko alam kung saan iyon nanggaling. Bahagya akong tumango sa kanya. Sunod kong naramdaman ay ang pagpulupot ng braso niya sa balikat ko. Marahan niyang ipinatong ang ulo ko sa kanyang braso. And strangely, I felt safe in his arms.