Chereads / Project Genesis (Remastered Edition) / Chapter 48 - CHAPTER 46: A Ballad of Hell

Chapter 48 - CHAPTER 46: A Ballad of Hell

CHAPTER 46: A Ballad of Hell

BLAIR WADSON

We stayed like that for what almost seemed like an hour—securely wrapped around his arms like a baby. This was the first time I'd felt safe ever since we got here in this building when I thought there wouldn't be a place I could call safe anymore. Maybe I could call this my own safe haven, inside his arms. Wait, what am I thinking? Tila ba nagising ako sa isang panaginip at napagtanto kong hindi ko dapat ito ginagawa. Maru has a girlfriend, for pete's sake. I shouldn't even be with him like this. Hindi ito tama.

Tumikhim ako at agad naman akong pinakawalan ni Maru. Umayos ako ng upo at bahagyang umisod palayo sa kanya. I could feel him staring at me. But I couldn't make myself to look back at him. Pakiramdam ko kapag tumingin ako sa kanya pabalik, I would get drown in the blackness of his eyes.

"Kumusta naman ang pakiramdam mo?" he asked. "Are you feeling better now? Do you want me to go?"

Nagbaba ako ng tingin. Sa totoo lang, hindi ko alam kung ako ang isasagot ko. This time, I mustered up the courage to look at him. His hair was gently being blown by the strong wind coming from the horizon. He seemed like a portrait painting—made to perfection. Hindi ako makaapuhap ng tamang salita para isagot sa kanya. Do I want him to go? If I'm to be honest, I would say no. I want him to stay here with me. Gusto ko ang presensya niya sa tabi ko. It's enough to make me safe. Strangely, this was the first time I had been this close to him—the renowned king of Ellis high. Siguro kung babalik kami sa dati, I would never imagine myself to be this close with Maru. We rarely talked. At kung mag-uusap man kami, kung hindi niya ako aasarin, magtatanong lang siya kung may ambagan ba o may maitutulong ba siya sa isang proyekto o asignatura namin. Funny, right? To think that we came to this point. From normal students to strangers driven together by the hunger of staying alive.

Am I feeling better? Oo, gumaan na nang bahagya ang pakiramdam ko. Dahil ba nailabas ko na ang pilit kong kinikimkim na sikreto ko o dahil nandito siya at pinakinggan ako? Hindi ako sigurado kung alin sa dalawa. Ang alam ko lang, I wanted to prolong this moment we currently have. Kahit ilang minuto o segundo lang, gusto kong pumaloob dito sa bula ng kaligtasan na ginawa ni Maru. I feel like I never wanted to go back to reality. Reality sucks. Masyadong masakit harapin ang reyalidad. Babalik na naman ang sakit ng pagkawala ng dalawang taong tinuring kong matalik kong kaibigan. I am alone but I now feel like I'm not because of Maru. I had let him stay here.

"A bit, yeah," sagot ko.

"Th-that's good to hear," awkward siyang ngumiti. "So do you want me to go? Baka gusto mong mapag-isa."

I found myself shaking my head. "Stay," I said.

Bakas sa kanyang mukha ang pagkagulat dahil sa tinuran ko. Saan nanggaling ang sinagot ko sa kanya? Because you wanted him to stay, Blair, sagot ng boses sa likod ng isip ko. Maybe I was just scared and too ashamed to admit it.

His lips curled into a sweet smile. "I'll stay, Blair," aniya.

Hindi ko na namalayan kung ilang oras akong nakatingin lang sa kanya. Hanggang sa naramdaman ko na lang ang isa niyang kamay na nakalapat na sa pisngi ko. Kung paano siya nakalapit ng ganoon kabilis, hindi na ako sigurado. I could feel his hot breath against my cold cheeks. Mas nakita ko na nang malinaw ang kanyang mga mata. They were like the ashes created by a huge fire. The remnants of fire. That's the right word.

Dahan-dahan niyang tinawid ang natitirang distansya ng mga mukha namin. I should stop him now that I still have my chance. But I couldn't bring myself to do it. Na parang may sariling buhay ang mga kamay ko at hindi ko iyon magawang igalaw. His other hand touched the other side of my cheek, blanketing me with the warmth of his palms. His eyes were asking for my permission. Hindi ko na kinailangang sumagot pa dahil tuluyan nang lumapat ang mga labi niya sa aking mga labi. His lips brushed softly against mine. It was slow and uncertain at first but eventually turned needy. And I found myself returning his kiss. It felt good.

For a moment, it did feel good. He kissed me and it's as if the world fell away around us. I felt his breathing quickened as did mine. Kung gaano kabagal na nangyari ang lahat, ganoon din kabilis na natapos iyon. I just knew it wasn't right. Maru's with Evangelyn. I stopped returning his kisses and eventually he let go of me. Napalunok ako at hindi ko siya magawang tingnan sa mata. I pulled myself up and was about to walk away when he grabbed my hand.

"Did I do something wrong, Blair?" he asked.

Huminga ako nang malalim bago ako pumihit paharap sa kanya. "What we just did wasn't right, Maru. So no, you didn't do something wrong. We both did. Kalimutan na lang natin na nangyari 'to."

Inalis ko ang kamay niyang mahigpit na nakahawak sa kamay ko at naglakad na pababa. I didn't look back to see his reaction. It shouldn't matter to me. May girlfriend si Maru. What was I thinking? Why did I respond to his kisses?

Mabilis akong naglakad pababa at dumeretso na sa kuwarto ko. That night, as I lay in my bed, I couldn't stop thinking about the kiss—how it felt like against my lips. Pilit kong iwinawaksi ang isiping iyon pero hindi ko magawa. That memory was like hot-glued in my mind. But eventually, dinalaw na rin ako ng antok.

*****

Nagising ako at nabungarang mataas na ang sikat ng araw sa labas. Hindi ko namalayang napahaba ang tulog ko. Maybe I needed that much sleep. And I found myself, still thinking about that damn kiss.

Forget about the kiss, Blair. It shouldn't have happened. Forget about it, I told myself.

"Blair," awtomatiko akong nagtaas ng tingin.

Halos mapatalon ako sa gulat nang makitang nakaupo siya sa paanan ng kama ko. "Jem," I bit the inside of my cheek.

"Are you okay?" tanong niya at akmang lalapit sa akin.

"I-I'm okay," I clutched the hem of my shirt and averted my eyes from him. "I want to go outside to get some fresh air."

I walked past him. "Can I go with you?"

I did my best to smile at him. "Sure."

At iyon nga ang ginawa namin. Lumabas kami ng gusali at naglakad. Kagaya ng mga nakaraang araw, maayos ang temperatura ngayon. Hindi ganoon kalamig. Natatakpan ng mga ulap ang sinag ng araw. Nakapagtatakang walang tao sa labas. Mas pinili siguro ng iba na manatili sa kani-kanyang kuwarto.

Sinubukan kong huminga nang maayos. At nagawa ko naman. Nasa kaliwang bahagi ako ng sementadong daan habang si Jem naman ay nasa kanang bahagi. Mukhang naiintindihan niya naman ako kaya siya na ang kusang lumayo. There was a wide space between us. But I could feel his stare from my spot.

"Jem," sabi ko at lumingon sa kanya. Mabilis siyang tumingin sa harapan niya at inilagay sa bulsa ang dalawa niyang kamay. Mahina akong tumawa. "Hinahanap na kaya nila tayo sa Ellis?" nang hindi siya sumagot, nagpatuloy ako, "Kasi 'di ba, ang retreat natin dapat ay one week lang?"

Hindi ko na alam kung ilang araw na ang lumipas nang mangyari ang aksidente. Pero wala pa ring dumarating na rescue team para hanapin kami. I was not hoping or anything, but still.

Tumikhim muna siya bago nagsalita. "Siguro oo, siguro hindi. Baka akalain nilang nag-extend tayo ng ilang araw dahil na-enjoy natin ang stay natin kung saang lugar man dapat tayo naroon. Or maybe, they just don't care."

"Siguro nga. Pero siyempre, may posibilidad pa rin na may mga rescue team na silang pinadala dito," umaasa pa ring sabi ko.

Umiling-iling siya. "Hindi na ako umaasa, Blair," tugon niya. Parang noong nakaraan lang, siya ang pilit na umaasa sa mga rescuers.

"Jem, don't say that."

Bumuntong-hininga lang siya. "I'm starting to detest God, you know," hinayaan ko siyang magpatuloy. "Because if he's really there, he will get us out of here. Out of this hell."

It was my turn to let out a sigh. "Hindi ako mawawalan ng pag-asa. He's there, Jem. You just have to believe harder." I don't know if what I just said was a lie or not…

Nagkibit-balikat siya.

Naglakad-lakad pa kami hanggang sa marating namin ang isang malaking puno. May kahabaan iyon. Kinailangan pa naming itaas ng bahagya ang ulo namin para makita ang mga kulay pulang mansanas na tumubo sa bandang itaas. Bumaling sa 'kin si Jem na may malawak na ngiti sa kanyang mga labi.

"Kung sinusuwerte ka nga naman, oh," bulong niya. "I'm going up there. Saluhin mo lahat ng ihahagis ko, ha?"

Inayos na niya ang suot niyang maong shorts at pumuwesto na sa katawan ng puno. Nagsimula na siyang umakyat nang may marinig akong punit. Napataas ang tingin ko sa shorts niya. He's almost half way up there. Lumabas ang kulay black niya na brief o boxer yata iyon.

Humagalpak ako ng tawa. Nasapo ko ang tiyan ko at bumagsak sa lupa. Mukhang nagtaka rin si Jem kung bakit ako tumatawa kaya bumaba siya ng puno.

"Why are you laughing?" nagtatakang tanong niya sa akin.

Nagpakawala pa ako ng tawa bago ako sumagot. "'Yong… 'yong…" halos maiyak na ako sa kakatawa. Itinuro ko ang pang-upo niya.

Nanlaki ang mga mata niya na tumingin sa likod ng shorts niya. "What the f—!" naiinis na sumigaw siya. Mayamaya rin ay sabay na kaming tumatawa.

"So black's your favorite, huh," natatawa pa ring sabi ko.

"Tawang-tawa, ha?" aniya, natatawa rin.

Pagkatapos naming tumawa, ako na lang ang umakyat. First time kong gawin iyon kaya tinulungan niya ako. Sumampa ako sa balikat niya na parang bata at inabot ang pinakamalapit na mga mansanas.

Nang sa tingin namin ay sapat na ang dami niyon, bumaba na ako.

"Saan natin 'yan ilalagay?" he asked.

I shrugged. "Kailangan natin ng sako."

Umiling-iling siya. Mayamaya ay hinubad niya ang shirt na suot niya. Mabilis akong tumalikod. "A-ano'ng ginagawa mo? G-gumaganti ka ba?" Kinagat ko ang ibaba kong labi.

"What? Ang sabi mo kailangan ng sako. A shirt will do, right?"

"A-ah," sabi ko, tumatango. "B-bilisan mo. Ilagay mo na lahat 'yan sa shirt mo."

Narinig ko ang mahina niyang pagtawa. "Hindi mo ba ako tutulungan?"

Agad akong umiling. "Jusko, ang dali-dali lang niyan. Hindi mo na kailangan ang tulong ko. B-bilisan mo na."

"Okay," aniya, mahinang tumatawa.

Ilang minuto pa ang lumipas bago niya sabihing tapos na siya. I was about to turn around when I realized that he didn't have a shirt on.

"M-mauna ka," naramdaman ko ang pag-init ng magkabila kong pisngi.

"Okay," tipit na sagot niya.

Dahan-dahan muna akong lumingon para siguruhing nauna nga siya. Ilang hakbang pa lang ang layo niya sa akin nang bahagya siyang lumingon. Nang-aasar na ngumiti siya. From my spot, I could see his muscular back. With every step he took, his muscles flexed. Malapad din ang balikat niya. He looked like the kind of guy who always go to the gym.

Sa tuwing tumitingin siya sa likod, mabilis akong nag-iiwas ng tingin.

"Alam kong masarap akong tignan, Blair," then he chuckled.

***

Mga bandang hapon, tumulong ako sa paghanda ng mga kahoy at inilagay ang mga iyon sa likod ng gusali. As Evagelyn said, we would have a bonfire tonight. Noong una, ang sinabi ko sa kanya, hindi iyon magandang ideya. That it's not safe for us to do that. Pero hindi niya ako pinansin. Sa halip ay pinakuha niya ang ilang mga lalaki ng mga kahoy sa malapit na gubat. Tumulong lang ako para mapabilis ang kanilang gawain kahit na si Jem ang bumubuhat ng mga kahoy na nakukuha ko.

It was almost evening when Evangelyn lit up the bonfire. Naglagay din sila ng malaking putol na katawan ng puno para upuan. Mga apat ang inilagay nila sa palibot ng apoy. Pinamigay na rin nina Vanessa ang mga mansanas na nakuha namin ni Jem kanina.

The moon was full tonight. The smell of burning wood was all over the place. They're talking about something, and some of them were laughing. Nakikitawa na lang ako sa ilang mga biruan nila.

Nang biglang mag-request si Bethany na kumanta si Jem, na mukhang ikinagulat naman ng huli. Pero hindi naman siya tumanggi.

"Sure, I'll sing," sabi pa niya. Kinuha niya ang inabot na gitara ni Samuel sa kanya. He started to strum it. "Do you... do you think about me?" I stared at him. Nagulat ako nang biglang siyang tumingin sa akin. "And do you... do you feel the same way, yeah? And do you... do you remember how it felt? 'Cause I do. So listen to me, baby…"

Parang biglang tumigil ang paligid. May visible scar siya sa pisngi niya. And his hair was unkempt and wavy now. Then his eyes were all I could see—a blue sea in the vast darkness. Hindi ko kayang ialis ang tingin ko sa kanya. His deep blue eyes. The moonlight.

He continued to sing. "And I'm not trying to ruin your happiness, But, darling, don't you know that I'm the only one… for you? And I'm not trying to ruin your happiness, baby, but, darling, don't you know that I'm the only one…"

Then he ended it with a smile plastered on his face. Nagpalakpakan silang lahat. Pero nanatili pa rin siyang nakatingin sa akin. Nag-thumbs up ako sa kanya. He just gave me a wink which made my stomach flip.

Halos ang lahat sa amin ay inaantok na nang may marinig kaming kaluskos sa kung saan. Sabay-sabay kaming napalingon sa pinanggalingan niyon. Saglit na nabalot ng katahimikan ang paligid.

At mayamaya pa ay may pigurang lumabas mula sa kumpol ng mga dahon. Masyadong madilim para maaninag namin ang mukha niya.

Mali… dalawa sila.

Humakbang sila palapit sa puwesto namin. And I finally recognized their faces, even though it's covered with blood. Pareho nilang suot pa rin ang uniporme ng Ellis High.

It was Eyrene, one of Evangelyn's minions and Ryan, one of Maru's friends.

Tila ba tumigil nang ilang segundo ang pag-ikot ng mundo at nabalot ng katahimikan ang paligid. Evangelyn was the one to break the silence with a gasp.

"E-Eyrene?" she said, sounding unsure.

"What the—" napalingon ako sa pinanggalingan ng boses. Si Maru iyon, nakasuot ng sweat shirt. Gulo-gulo rin ang buhok niya na parang bagong gising. "Ryan?"

He stood up, carefully closing the distance between him and Ryan. Tumango ito at ngumiti na parang pinipigilan na lang na hindi umiyak. Mahigpit siyang niyakap ni Maru.

As I looked at Eyrene, she was still the same. Her hair was dyed in the shade of green. Pero may bakas ng tuyong dugo roon.

Bumaling ako kay Ryan—one of Maru's best pals. Kabilang siya sa basketball team ng Ellis High. He was almost as tall as Maru.

They started talking about things I wasn't able to hear. After a while, they finally went inside. Sinundan ko lang sila ng tingin hanggang sa pumasok na sila sa loob. May ilan din kaming mga kaklase na sumunod sa kanila. Eyrene remained there, fists clenched. Tiningnan ko ang mukha niya na nababalot ng natuyo ng dugo.

She seems angry… I noticed.

Tumayo si Evangelyn. "You're… alive, Eyrene," halos pabulong na sabi niya. "I-I thought you were…"

Si Eyrene ang nagtuloy ng sasabihin pa ni Evangelyn. "Dead?" Eyrene said, giving her a disgusted look. "After what you did, you fucking bitch!"

Napansin ko ang matalim na tingin niya kay Evangelyn. It seemed like she wanted to kill her right at that moment. Madiin ang pagkakakuyom ng kamay niya. And then I remembered what Evangelyn told us when we found her—"E-Eyrene and Bridget left us. W-we had to ran the minute we woke up. Then mawala bigla si Stacey while we're running, ako lang ang humanap sa kanya. I-I thought they were both at my back. Pero wala na sila…"

Obviously, she did not tell us the whole story. For all I knew, she was a traitor.

Lumapit siya kay Eyrene. "Eyrene, I-I can explain," nanginginig ang boses na sabi ni Evangelyn.

Nanatili ako sa inuupuan ko nang biglang may humawak sa braso ko. "Sa tingin ko, kailangan natin silang bigyan ng privacy. They need to talk," tumango ako kay Jem at sabay kaming pumasok ng gusali.

Before I closed the back door, I heard Eyrene said through gritted teeth, ""You fucking traitor! I thought you were my friend!"