Chereads / Project Genesis (Remastered Edition) / Chapter 43 - CHAPTER 41: For Whom the Bell Tolls

Chapter 43 - CHAPTER 41: For Whom the Bell Tolls

CHAPTER 41: For Whom the Bell Tolls

BLAIR WADSON

I stayed there for hours, just sitting on the cold wooden floor, not doing anything. I wrote a note for her saying, I know you're alive. Our shelter is near here. Pumunta ka roon. Umaasa akong darating siya. Hours passed by. Namalayan ko na lang na malapit nang maghapon nang unti-unti nang dumidilim ang paligid. Nagpasya na akong bumalik sa gusali. I left the note on the sofa with the map that Kaleon had made, in case she would be lost.

"Please, Celaena," I whispered to myself before going out.

Ligtas naman akong nakauwi pabalik. Pero halos gabi na nang makarating ako. It was quiet. I carefully pushed open the door and went inside. Nakaupo si Roberto, Samuel at Zach sa sofa. Tumigil sila sa pag-uusap nang makita nila akong pumasok.

Si Zach ang nagsalita. "Blair, kanina pa nag-aalala si John at Kaleon sa 'yo."

Ngumiti ako sa kanya. "Sige. Nasa third floor ba sila?"

Tango lang ang isinagot niya. Mabilis kong inakyat ang ikatlong palapag at nakitang naroon sila sa bintana ng hallway. They were talking about something. Si Kaleon ang unang lumingon sa 'kin.

"God, Blair! Kanina ka pa namin hinahanap!" marahas siyang bumuga ng hangin at lumapit sa akin. "Don't do that again, okay? At kung may balak ka—"

Umiling ako. "Wala na po, sir Kaleon."

Hindi niya napigilang ngumiti.

Jem came into view. Gamit ang dalawa niyang kamay, inilagay niya iyon sa magkabila kong pisngi. "I was worried about you," puno ng pag-aalala ang tono niya. "Please, wag mo na itong ulitin, ha?"

Ngumiti ako sa kanya. "Yes ho, master. Have you eaten yet?"

He shook his head. "Nope, we were waiting for you," sagot niya.

Hinimas ni Kaleon ang tiyan niya. "Halina na at gutom na gutom na ako."

I laughed. "Palagi naman yata."

Nagulat ako sa naramdaman ko nang mga sandaling iyon. I suddenly felt good to hear myself laugh. But at the same time, it felt strange.

*****

Pagkatapos naming kumain, walang ingay na naglakad ako patungo sa kama. Sinubukan kong matulog pero mahirap. The image of Celaena kept on flashing inside my head. And the possibility of her being alive, it made me so happy. Pero may isang parte ko ang ayaw tanggapin ang ideyang iyon at ayaw umasa. I don't want to hope. Hope hurts.

Mayamaya pa ay unti-unti na akong dinalaw ng antok.

Hindi ko namalayang napahaba pala ang tulog ko. When I woke up, it's already morning according to the opened window of my room. I felt a little bit nauseous when I tried to stand. Pero nagawa ko. Nang makalabas na ako sa kuwarto, sinubukan kong tingnan kung tulog pa rin ba ang dalawang mokong—si Kaleon at Jem. But they weren't there. Bumaba na agad ako nang saktong bumukas ang front door. Iniluwa niyon sina Maru at nasa tabi niya si Jem. Maru seemed really okay now. Pero nakapagtataka talaga na ang bilis niyang gumaling. Tila ba naramdaman ni Maru na nakatingin ako sa kanya, lumingon siya sa gawi ko at ngumiti. Morning, he mouthed.

Nagsalita si Jem. "We're going out to look for foods. Is there anyone who would like to volunteer to come with us?"

Siya muna ang umako sa responsibilidad ni Maru dahil sa tingin ko ay kahit medyo magaling na ang kalagayan niya, he wouldn't be able to run if need be.

There's a moment of silence. Then someone spoke. "I'll go," si Zach iyon. Ganoon din ang ginawa nina Samuel, Roberto at James. Magbo-volunteer din sana si Kaleon pero hindi siya pinayagan ni Jem. Ang sinabi nito ay hindi puwedeng walang maiwang lalaki sa building. Some of us reacted and retorted, "We girls are not weak. So you can do your job out there. We can protect ourselves!". Kaya naman napilitan si Jem na isama ang lahat ng natitirang lalaki maliban kay Kaleon at Maru na hindi niya talaga pinayagan.

They left us some knives in case something would happen. Sina Vanessa, Mia at Bethany ang nag-volunteer na magbantay sa fifth floor. Ako naman ang nagdampot ng mga paper plates na ginamit nila kagabi.

Itinatali ko na ang huling garbage bag nang biglang lumapit sa akin si Evangelyn. May hawak siyang pares ng plastic gloves. "This might help," sabi niya at iniabot ang isang pares sa akin.

I hesitantly accepted it. "What's the catch, Evangelyn?" hindi ko matiis na itanong. Nagpatuloy ako sa pagtatali ng huling garbage bag.

"There's no catch, Blair. Bumabawi ako sa 'yo," aniya at binuhat ang isa.

Ibinagsak ko ang huling bag at tumingin sa kanya. "Hindi ka dapat sa 'kin bumabawi, Evangelyn. Kay Celaena dapat," I grabbed the garbage bags and walked past her.

"Look, Blair," napatigil ako sa paglalakad, hinihintay ang mga susunod niyang sasabihin. "I'm being nice here. And you're being so bitchy about your dead bestie."

Halos manuot ang galit sa kaibuturan ko. "Bitchy?" I turned to look at here. "Wala kang karapatang sabihin 'yan, Evangelyn. You are the one who is bitch here. A fucking traitor and a coward."

Gusto kong sabihin sa kanya na maaaring buhay pa si Celaena. Gusto kong makita ang ekspresyon ng mukha niya kapag sinabi ko iyon. But I couldn't bring myself to say it to her.

Hindi siya nakapagsalita roon. I didn't wait for her to respond to my remark. Binuksan ko ang back door at lumabas. Inilagay ko sa gilid ang garbage bag na hawak ko at bumalik sa loob. Narinig ko ang mabigat na pagbagsak ng pinto sa likod ko. I wanted Evangelyn to at least feel sorry for what she did. But I couldn't see it in her.

*****

Pinihit ko pabukas ang door knob at pumasok sa kuwarto ni Brooke. Nag-alala ako sa kanya nang sabihin ni Kaleon na mas maigi muna sigurong hayaang mag-isa si Brooke sa kanyang kuwarto. Pero pinilit ko si Kaleon na kausapin si Brooke kahit isang minuto lang. I wanted to know what was happening to her. Maging si Kaleon ay halatang frustrated na rin nitong mga nakaraang araw. Something's up that I have no idea about.

I was expecting Brooke to be asleep pero nabungaran ko siyang nakaupo sa kanyang kama at nakatungo habang nakaharap sa pader. Base sa pag-galaw ng mga braso niya, umiiyak siya.

"Brooke," tawag ko sa kanyang pansin.

Nagtaas siya ng tingin at bumaling sa likuran niya. Nagawa kong tingnan ang kanyang mga mata. Mugtong-mugto iyon dahil sa kakaiyak niya. I had never seen her in a state like this. She looked like she had been crying all day. I wanted to ask her right away what was happening with her. Gusto kong sabihin niya sa 'kin kung ano ang nasa isip niya. Pero pinigilan ko ang sarili ko. I wanted to respect her privacy. Kung gusto niya iyong sabihin sa 'kin, sasabihin niya iyon sa tamang oras. I didn't want to push her into opening up to me. I would wait as long as I have to.

"Oh, hey," pilit siyang ngumiti sa 'kin. "I don't look so well, huh? Sorry about this mess."

"No, it's okay," sabi ko at umupo sa tabi niya. "Kumusta ka? I haven't seen you since yesterday."

Biglang naging malungkot muli ang ekspresyon sa kanyang mukha. "I-I've been busy, sorry. I heard from Kal na sugatan si Maru? Is he okay now? Ikaw ba, kumusta ang pakiramdam mo?" pag-iiba niya ng usapan.

"I just saw him a while ago. I think he's fine. And I'm perfectly good, don't worry about me," sagot ko. Hinawakan ko ang isa niyang kamay at pinisil iyon. "You know you can tell me everything, right? I will listen to everything you have to say. Kahit ano pa 'yan. Makikinig ako."

Her eyes glistened with tears but she quickly wiped it away. Umiling siya. "I know that. But what I have right now, hindi mo gugustuhing ma-involve. And I choose not to involve you," aniya at tumingin sa mga mata ko. "Trust me, Blair, you wouldn't want to know my problem."

I nodded at her, understandingly. "I respect that, Brooke. I really do. Pero kaibigan mo ako. I want to be here for you. So let me."

"You're too special for me, Blair. Ayokong mawala ka rin sa akin."

Naramdaman ko ang pag-init ng gilid ng mga mata ko. Nagbabadyang tumulo ang mga luha pero pilit ko iyong pinigilan. No, not in front of her. "Okay, just one more question bago ako lumabas. Are you going to be okay on handling this one on your own?" I asked her.

Muli siyang ngumiti. "Oo naman. Trust me, I'm stronger than you think," aniya. "I can handle this on my own, Blair. At isa pa, nandiyan naman si Kaleon. Sige na, I'm sure you're too exhausted. Go get some sleep and we'll talk tomorrow."

Maliit akong ngumiti sa kanya. "Utusan mo lang si Kaleon na umakyat sa silid ko if you ever need me, ha? I love you, Brooke."

"Love you, too," turan niya.

Pumihit na ako patalikod at lumabas na ng kanyang silid, closing the door behind me. For now, pagkakatiwalaan ko siya. Iyon siguro ang tamang gawin muna ngayon.

"Thank you, Kal," sabi ko kay Kaleon na nasa harap ng pinto ng silid ni Brooke. "Take care of her, okay?"

Tumango siya at marahan akong tinapik sa balikat. "I'm sure she'll be okay in no time. 'Wag kang mag-alala. I'll be here with her."

Bahagyang napanatag ang loob ko sa sinabi niya. Maliit ko siyang nginitian saka umakyat na ng hagdan pataas sa ikatlong palapag at bumalik na sa kuwarto ko.

*****

Mga prutas lang ang nakuha nina Jem at ilang mga dahon, na pakukuluan nila mamaya para kahit papaano raw ay malamnan ang tiyan namin, nang bumalik sila sa parte ng pinangyarihan ng aksidente. Inilibing din nila ang mga katawan nila Simon at Liam. And I was grateful for that. They both deserved that, at least. Nagpumilit si Jem na bumalik sa bus kanina dahil kung hindi raw nila iyon muling susuriin, wala na kaming puwedeng pagkuhanan ng makakain. Kumpleto naman silang nakarating.

Bumalik ako sa kuwarto ko at umupo sa kama. Sinimulan ko ang pagbabasa ng libro na ipinahiram sa akin ni Vanessa kanina. She seemed nice. Hindi kami gaano nag-uusap sa classroom dati dahil hindi naman kami ganoon ka-close. She's the kind of girl na alam mong nanggaling sa mayamang pamilya—sopistikada, sunod sa uso at may taga-hatid-sundo sa school.

Kailangan kong gawing busy ang sarili ko. I would do anything to occupy my head with random things. Pakiramdam ko hindi ko na makakaya pa kung patuloy kong iisipin sila Celaena at ang iba pa. I needed to take a break, at least.

May naramdaman akong kumalabit sa ulo ko. Nagtaas ako ng tingin. "Aren't you going to congratulate me for recovering fast?"

Si Maru. Paano siya nakapasok sa kuwarto? I thought I locked it.

Nagkibit-balikat lang ako sa kanya. "Well, congratulations then," at bumalik na sa pagbabasa ng libro.

Umupo siya sa katabing kama. "Thank you," sarkastiko niyang saad. "Ano'ng binabasa mo?"

"War and Peace," tipid kong sagot, hindi nagtataas ng tingin. I could feel him staring at me. Nang hindi ko na matantiya, isinara ko ang libro at inilagay iyon sa table sa tabi ng kama ko. "What do you need?"

Ginaya niya ang pagkikibit-balikat ko. "Wala," aniya. "I'm just checking on you,"

Obviously, nang-aasar siya. Tiningnan ko lang siya. His mouth twitched and formed a teasing smile. "What?" inosente niyang tanong. "Don't you get bored in here? Let's get out of here."

Napakunot-noo ako sa sinabi niyang iyon. At bakit naman niya gugustuhing maglakad kasama ako?

"And why is that?" nanghahamong tanong ko.

"Uh kasi ang boring dito, Blair," tugon niya.

The feeling was strange. He looked so good under the pale light coming from the window. A lump started to from in my throat. I suddenly felt uncomfortable in my seat. Nakatingin lang siya sa akin, hinihintay ang sagot ko. Nang ma-realize ko kung ano ang nangyayari sa akin, mabilis akong nag-iwas ng tingin.

*****

Nabungaran ko si Kal sa loob ng maliit na bahay katabi ng building, busy sa pagkalikot ng isang makina. The table was a mess and the place reeked of oil.

"Blair," Kal said, nodding at me. "What brings you here?"

Inginuso ko ang pigura ni Maru. Tumango-tango siya at ibinalik ang atensyon sa makina. Gusto kong itanong kung anong klase iyon at kung para saan pero tinawag ako ni Maru, na nasa dulong bahagi ng bahay.

Bahagya siyang yumukod. He opened the small cabinet under the empty sink. May kinuha siya roon—a gun, pistol to be specific. Tumayo siya. "Do you know how to handle a gun?"

Umiling ako. "Where did you get that?"

He nodded. "I stole it from my dad."

Nanlaki ang mga mata ko. Gusto kong sabihin sa kanya na okay na ako sa kutsilyo. I hated guns even though I hadn't handled one. It just 'made me feel… scared even more. I knew that it should protect you but I thought of it as the opposite. Ayoko ng tunog ng putok ng baril. Paano pa kaya ang paghawak niyon?

"Maru… okay na ako sa kutsilyo," I said.

"But still. Kakailanganin mo ring matutong humawak at magpaputok ng baril, in this kind of place." Alam ko kung ano ang tinutukoy niya. We were not safe out here. At tama siya roon. Darating at darating din ang oras na iyon—but I hoped it's not so soon.

Humugot ako ng hangin. "Okay…"

Ngumiti siya sa 'kin at nagpatiuna na sa paglalakad. I followed him outside. "Goodluck, Blair!" narinig kong sabi ni Kal bago tuluyang sumara ang pinto.

Nagtungo kami sa liblib na parte ng gubat kung saan ang mga huni lang ng ibon ang maririnig sa paligid. May mga tablang kahoy ang nakahilera hindi kalayuan sa puwesto namin ni Maru at may maliit na mesa sa tabi ko. Una niyang itinuro sa akin kung paano mag-unload ng baril. He said that there's nothing to worry about the sound since may silencer naman daw ang pistol. After saying the other basic things, he decided that I should give it a try.

Mahigpit akong nakahawak sa baril, ang hintuturo ay maingat na nakapatong sa gatilyo.

"Keep your body upright," saad ni Maru na nasa likuran ko.

Umayos ako ng pagkakatayo. Hindi ko inaasahan ang dalawa niyang kamay na pumatong sa mga kamay kong nakahawak sa baril. I felt my body tensed. His warmth… "Focus," naramdaman ko ang mainit niyang hininga sa tainga ko. "Now, shoot."

Pumikit ako at mariing pinindot ang gatilyo ng baril. Saglit na nabingi ang mga tainga ko. When I opened my eyes and saw how far my bullet went.

Malayo iyon sa target na ibinigay sa 'kin ni Maru. Pero wala iyon sa isip ko. Dahan-dahan niyang ibinaba ang mga kamay niya at bahagyang lumayo sa akin. I could still feel his body against my back. His warmth remained there.

"That's good… for a beginner," I heard him chuckle, teasingly.

*****

Sabay-sabay kaming kumain nang gabing iyon. Kagaya ng nakaraang gabi, we formed a circle. We were thirteen in total. Just thinking about that made me feel horrible. Hindi ko mapigilang itanong sa sarili ko na ano ang nagawa naming thirteen dito para manatiling buhay? Pero hindi ko magawa. Naubos na yata ang luha sa mga mata ko.

Parang dati lang, tumatawa pa kami. Iyong tawa na walang bahid ng takot o kung ano man. We laughed because we're happy or something was funny. Not like tonight. Ni wala halos ang nagtangkang magsalita. Napakatahimik naming lahat habang kinakain ang tinapay na ibinigay sa amin.

Fortunately, sumakto ang tinapay na nakuha nina Maru kaninang umaga. Nasa pagitan ako nina Chimere at Kal. Nang lumingon ako kay Jem, nakatingin lang din siya sa sahig kagaya ng iba. Mukhang hindi na matantiya ni Evangelyn ang katahimikan kaya siya na ang nagsalita.

"Guys, I know that half of our section is dead but that doesn't mean we should stop living," nakuha ni Evangelyn ang atensyon ko nang sabihin niya iyon. "They will always be in our hearts at hindi natin sila makakalimutan. But it's too quiet here. And I don't like it."

"Tama si Evangelyn," segunda ni Vanessa.

"We're going to play a game, then. Just to fill up our spirits," aniya. Tumayo siya at may kinuha sa sofa at bumalik uli sa puwesto. May hawak siyang bote nang umupo siya. "Spin the bottle, truth or dare."

Nagbigay ng kanya-kanyang reaksyon ang mga kaklase ko. May mga ilan na nagustuhan ang ideyang iyon ni Evangelyn at ang iba naman ay hindi. Saglit kong pinasadahan ng tingin ang mga kaklase ko nang makita kong wala si Maru.

"Ako na ang unang mag-i-spin," sabi ni Evangelyn. Bahagya siyang umisod papunta sa gitna at doon pinaikot ang bote. We all looked at it as it spun round us in circle. Then slowly, it came to a stop and pointed at Jem's direction. Kahit siya ay napataas ang tingin at halatang nagulat.

He sighed. "Dare."

Marami ang nag-"woah" sound. Tumikhim si Evangelyn at iniabot kay Jem ang bote. "Kiss Blair," she turned to me and when she saw my reaction, she returned his gaze to Jem. "Dare ang sabi mo."

Naramdaman ko ang pagkawala ng kulay sa mukha ko. This was her way of making fun of me. "Evangelyn, are you serious?" I managed to ask.

"Of course, Blair," nang-iinis na tiningnan niya ako. She's probably trying me if I would decline.

Lumingon sa akin si Jem. His eyes were asking me if he could do the dare. Noong una, hindi ko alam kung ano ang isasagot ko.

Si Evangelyn ang sumigaw ng, "Kiss her! Kiss her!" na ginaya naman ng lahat ng mga kaklase ko. Some started whooping. They were actually enjoying this, specifically Evangelyn.

Alam niyang tatanggi ako sa mga ganitong bagay. But part of me was telling to prove her wrong—that I should do it.

Pero gusto ko talagang patunayan kay Evangelyn na hindi ako ang babae na tingin niya sa akin. Just this time, sabi ko sa sarili ko. I gathered up all my courage and crawled my way to Jem. Magsasalita pa sana siya pero mabilis kong inilapat ang labi ko sa kanya. I felt him freeze in his spot. Ako rin. I was just fighting it. Mabilis akong dumeretso ng tayo at bumalik sa puwesto ko. I could feel my heart thrumming in my chest. Halos hindi na ako makahinga. I did it. I proved Evangelyn wrong this time.

They were all looking at me. Ni hindi ko magawang tingnan si Jem. I could feel him staring at me. Ano kaya ang iniisip niya?

"Wow, Blair!" Evangelyn exclaimed and claps her hands. "Attagirl."

I met her eyes and stared at her intently, my system burning with rage.

"Jem's turn," sabi ko, nakatingin pa rin kay Evangelyn.

Mabilis na inikot ni Jem ang bote. I couldn't be happier when it came to stop pointing at Evangelyn's spot.

Hindi ko mapigilang ngumiti. "Truth or dare?" ako ang nagsalita.

"Blair, it doesn't work that way. Si Jem dapat—"

Mabilis kong pinutol ang sasabihin pa san ani Evangelyn. "You don't get to make rules now, Evangelyn. Truth or dare?"

She just rolled her eyes, as if she was bored. "Truth," aniya.

"Did you or did you not trade someone's life for yours?" I asked her.

Natigilan siya sa narinig niyang tanong ko. There was a moment of silence. We just stared at each other.

Muli ko lang siyang nginitian at tumayo na. "See? You couldn't even play your game right."

I was about to walk back upstairs to my room when I bumped into someone. Nang magtaas ako ng tingin, si Maru iyon. We stared at each other for a few seconds. I was quite relieved to hear my classmates nervously laughing in the background. Hindi nila kami napansin. Tinitigan ko ang halos kulay itim niyang mga mata. Masyado siyang matangkad kaya kinailangan ko pang itaas nang bahagya ang ulo ko.

I saw a sliver of emotion passed through his eyes—anger. Ilang segundo lang iyon nagtagal bago nawala. For a moment, ang akala ko ay magtititigan kami roon ng ilang oras pero siya ang unang nag-iwas ng tingin at nilagpasan ako. Parang may sumuntok sa puso ko nang mga oras na iyon. I was about to turn my head to see where he's going but thought better of it.

Was he angry about what I said to Evangelyn? I quietly asked myself.

I quickly walked back upstairs, taking two steps at a time. Nang makahiga na ako, hindi agad ako nakatulog. Hindi maalis sa isipan ko iyong paraan ng pagkakatitig niya—it was almost readable yet it seemed expressionless but full of emotions. It doesn't make sense, I know.

Naalala ko iyong nakita ko sa mga mata niya.

Sinubukan ko iyong alisin sa isipan ko. I tried to focus on the revenge na ginawa ko kay Evangelyn. She deserved it.

Hindi ko napigilan ang isip ko na bumalik sa posibilidad na baka buhay pa si Celaena.

Hope hurts, I reminded myself. Sana makuha niya ang iniwan ko sa kanya roon.

Mayamaya pa, tuluyan na akong dinalaw ng antok. Nagising ako nang makarinig ng yabag sa labas ng silid ko.

Nagtatakang lumabas ako ng silid nang makita ko ang isang pigura na paakyat sa sunod na palapag. Nagtataka man, walang-ingay na sumunod ako pataas. Nagtaas ako ng tingin at nakitang dumeretso siya sa ika-limang palapag. Hindi ko maaninag ang mukha niya pero sigurado akong babae siya. Bahagyang humahawi ang kanyang buhok sa panggabing hangin.

Sumunod ako sa kanya sa huling palapag. Natagpuan ko siyang nakatayo sa bandang dulo ng bitak-bitak na pasilyo. Naramdaman kong mas bumaba ang temperatura nang humampas ang malamig na hangin sa balat ko. Ngayon ay sigurado na ako kung sino siya. Mula sa blonde niyang buhok na naka-ponytail, nasisiguro kong si Brooke iyon.

"Brooke?" I called out her name.

"Hindi ko na kaya," malungkot ang boses na sabi niya. "I want everything to end, Blair. I'm giving up."

"Brooke, ano'ng sinasabi mo? Delikado riyan. Umatras ka nang kaunti," sabi ko sa kanya. "Please, Brooke."

Pumihit siya paharap at halos malaglag ang puso ko nang muling umihip ang malakas na hangin sa gawi niya, dahilan para bahagya siyang mapaatras patalikod. Halos kalahating hakbang na lang ang layo niya sa dulo ng palapag. "Brooke, come here."

Umiling siya sa 'kin. "Blair," halos pabulong na sabi niya. "I'm choosing death. The easy way."

Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya. The strange thing was, she didn't seem like her old self. Na parang ibang babae ang nakatingin sa akin pabalik at hindi ang kaibigan kong si Brooke.

"Brooke, no," nagmamakaawa kong pahayag nang mapagtanto ang ibig niyang sabihin. "Please, Brooke. Don't do this."

"I'm sorry, Blair. Pero ayoko nang gumising pa para lang makonsensya ako sa mga masasamang nagawa ko. I've done bad things, Blair. At hinding-hindi ko mapapatawad ang sarili ko dahil doon," aniya at sumilay ang isang maliit na ngiti sa kanyang labi. "To be continued."

Natulos ako sa kinatatayuan ko nang tumalikod siya sa akin at ibinagsak ang niya ang kanyang sarili pababa ng gusali. Then I heard a loud thud as her body dropped to the ground. Natutop ko ang bibig ko. "Brooke..." was all I could say.